Sienna POVNgumusi si Red at inangat ang isang kamay. Tinuro niya ang table."May envelope diyan sa ibabaw ng table. Kuhanin mo at basahin ang nasa loob. Hindi naman mahirap ang gagawin mo."Kinuha ko ang envelope. Hindi nga mahirap magpanggap, pero baka malugas ang lahat ng buhok ko pag nakaharap ko na si Scarlet. Kahit matapang ako, wala na akong magagawa pag buhok na ang hinawakan, mahirap tanggalin agad.Pagbukas ko ng envelope, isang folder ang nasa loob. Nilabas ko 'yon at binuksan, pero napakunot ang noo ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ito xerox, sulat kamay ang mga salita na nasa puting papel. Ang pinagtataka ko lang kung bakit hindi pantay ang pagkakasulat, merong pataas at pababa, kaya nakakalitong basahin."I'm sure na naguguluhan ka sa nakasulat.""Tama ka naguguluhan talaga ako dahil ang panget ng hand writing ng sumulat nito," prangka kong sagot."Watch your mouth lady. Ako ang sumulat niyan kaya sigurado akong hindi maganda ang pagkakasulat. Gusto ko na ako mismo ang ma
Last Updated : 2026-01-16 Read more