LOGINSienna POV
Ngumusi si Red at inangat ang isang kamay. Tinuro niya ang table. "May envelope diyan sa ibabaw ng table. Kuhanin mo at basahin ang nasa loob. Hindi naman mahirap ang gagawin mo." Kinuha ko ang envelope. Hindi nga mahirap magpanggap, pero baka malugas ang lahat ng buhok ko pag nakaharap ko na si Scarlet. Kahit matapang ako, wala na akong magagawa pag buhok na ang hinawakan, mahirap tanggalin agad. Pagbukas ko ng envelope, isang folder ang nasa loob. Nilabas ko 'yon at binuksan, pero napakunot ang noo ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ito xerox, sulat kamay ang mga salita na nasa puting papel. Ang pinagtataka ko lang kung bakit hindi pantay ang pagkakasulat, merong pataas at pababa, kaya nakakalitong basahin. "I'm sure na naguguluhan ka sa nakasulat." "Tama ka naguguluhan talaga ako dahil ang panget ng hand writing ng sumulat nito," prangka kong sagot. "Watch your mouth lady. Ako ang sumulat niyan kaya sigurado akong hindi maganda ang pagkakasulat. Gusto ko na ako mismo ang magsusulat ng magiging kondisyon ko." "Meron ka namang mga tauhan. Bakit hindi mo pa pinautos na i-type kahit sa computer? Pinahihirapan mo pa ang sarili mo, bula—" "I know, pero kaya ko pa namang magsulat kahit hindi ako nakakakita, hindi lang katulad ng dati na pantay at maganda. Hindi ako yung tao na wala na ngang paningin, hindi na kikilos ang kamay ko para magsulat." Umirap ako saka humarap na sa papel. Maganda naman ang hand writing niya, nagbibiro lang ako sa panget, ang nagpapagulo lang ay kung saan pupunta ang bawat sentence kaya parang nahahalo na sa ibang salita kaya nakakalitong basahin. Unang salita na nabasa ko ay, don't fall inlove with me. Napangiwi na lang ako sa unang kondisyon, parang iyon ang unang mangyayari, bungad na bungad pa talaga. Hindi man lang muna nilagay ang salitang, plans for revenge, kaloka. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Okay naman, pero yung iba talaga ang parang nakikinita ko ng mahirap gawin. Kailangan kong mag-aral para maging karespe-respetong nilalang sa paningin ng iba dahil ako raw ay may sariling kumpanya sa ibang bansa, kaya kailangan marunong akong sumagot ng may sense. Akala ko pang display lang ang pagiging fake girlfriend, kailangan din pala matalino para masabing bagay sa isang tao. Sinarado ko na ulit ang folder, at handa ng ilagay sa envelope nang napahinto ako. Tumingin ako kay Red. "Huwag mo akong tingnan. May pen diyan sa ibabaw ng table. Lagdaan mo muna bago mo ulit ilagay sa envelope, kung talagang tinatanggap mo na ang pagiging fake girlfriend ko." "Paano mo nalaman na nakatingin ako sayo?" nakakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin kay Red. "Naramdaman ko." "Ang lakas naman ng pakiramdam mo." "Nawala ang paningin ko, kaya mas dumoble ang pakiramdam ko. Na confirm naman nang tinanong mo." Ang dami niyang alam. Kinuha ko na lang ang ballpen sa ibabaw ng table. Tinanggal ko ang takip saka hinawakan ng mahigpit habang ang dulo nito ay nakatapat sa dapat kong lagdaan. Nilapit ko ang dulo ng ballpen sa papel, pero hindi ko ginalaw ang kamay ko para pumirma. Pinagmasdan ko lang ang tinta na unti-unting kumakalat sa ibabaw ng linya na itim. Pumikit ako, bago tuluyan na gumalaw ang kamay ko para pumirma. Binalik ko ulit ang takip ng ballpen. Nilagay ko na rin sa itim na envelope ang folder. "Tapos na." "Are you sure, you've finished signing the contract?" "Hindi." "What?!" Kumunot ang noo ni Red. "Joke. Masyado kang praning. Kahit ipakita ko pa sa tauhan mo, meron na talagang pirma ko." "Good. Bukas na mag-uumpisa ang lesson mo. Dito ka lang din mag-aaral sa bahay." "Wait! Tungkol nga pala sa halaga na ibibigay mo sa akin. Hindi mo pa sinasabi kung magkano," pranka ko ng tanong. "I think you did not read the contract properly. The amount you receive is already on the contract near the signed part." "Sabihin mo na lang. Tinatamad na akong buksan ulit yung envelope." "Tsk, silly. Ten million, at kung naliliitan ka pa do'n puwede mong dagdagan bago matapos ang kontrata." Namilog ang labi ko, sabi ko na, puwede talaga akong magpahinga ng ilang taon sa makukuha kong pera kay Red. Puwede na rin siguro akong magnegosyo para hindi ako laging puyat. Nilagay ko ang kamay ko sa chin ko. Pag mayaman talaga parang piso lang sa kanila ang milyon na pera. Parang isang pitik lang ng mga ito nasa harap ko na ang pera kung gugustuhin niya, kaya siguro gustong kuhanin ng ex-girlfriend, dahil buhay na buhay ang babae na 'yon hanggang sa bawian ng hininga may pera itong katabi. "Gaano nga pala katagal ang pagpapanggap ko?" Napaiwas ako ng tingin, nukhang magagalit na ata siya. "Anong silbi ng mga mata mo kung hindi mo binasa ang lahat ng nasa kontrata? Lahat ng tanong mo nandoon. Bakit pa ako nagpakahirap magsulat kung itatanong mo rin naman pala ang lahat dahil sa tinamad kang basahin?!" Sinong tao ang hindi tatamarin basahin ang nasa kontrata? Nasa benteng kondisyon ata 'yon na sobrang haba ng sentence. Basta kung ano lang ang dinaanan ng mata ko, iyon lang ang alam kong kailangan kong gawin. "Sagutin mo na lang ng hindi ka namumula." Mukha na kasi itong tocino. Ang puti kasi kaya pag nagalit pati mukha napupuno ng kulay ng dugo sa galit. "Wala akong nilagay na specific date sa kontrata, although nasabi ko kanina na three months lang, pero hangga't hindi ko nakikitang lugmok sa sakit si Scarlet hindi matatapos ang kontrata. Sa tingin ko naman hindi aabutin ng taon bago ako makapaghiganti ng husto sa kanya." Pinagmasdn ko ang mukha ni Red. Meron pa palang kayang manloko kahit gwapo na ang boyfriend nila, pero baka naman masama talaga ang ugali ng taong 'to, kaya nagawa ni Scarlet na humanap ng iba. Pero naisip ko din, masama rin naman talaga ang ginawa ni Scarlet, dapat nakipaghiwalay na lang siya kaysa nakita pa ni Red na nagtataksil siya. "Dito ka titira sa bahay ko. Nabasa mo rin sana ang rules ko sa pansamantalang panunuluyan mo rito." Napangiwi ako. Hindi ko rin nakita 'yon sa papel. Napapikit ako, baka sumabog na talaga ang bulkan dahil sa sobrang galit. "You..." Napabuntong-hininga siya, sumuko na lang ata sa katamaran kong magbasa ng kondisyon niya. "May kalayaan kang maglakad-lakad dito sa loob ng bahay ko, pero huwag na huwag mong pakiki-alaman ang mga gamit ko dito." "Gaano ba kamahal ang gamit mo at ingat na ingat ka?" "Each piece of furniture you see is worth one million." Nasamid ako kahit hindi naman ako umiinom ng tubig, laway lang sapat na para mabilaukan ako sa sobrang OA ng presyo ng mga gamit niya. Ang mura lang naman ng mga gamit na narito kung sa local market lang bibilhin, may alam ako na nagbebenta hindi pa aabot sa one hundred thousand. Tapos pag nabasag, wala lang sa kanya for sure, mayaman e. "Tapos ka na bang kuwestiyonin ang presyo ng gamit ko sa bahay diyan sa isip mo?" "Hindi pa." "What?!" Napapikit ako. Ang igsi naman ng pasensya niya. "Nicolas!" biglang tawag niya ng malakas. May humahangos naman na lalaki na lumapit kay Red. "Sir." "Dalhin mo na siya sa kwarto niya para magpahinga." Lumingon ang lalaking tinawag sa pangalang Nicolas. Ngumiti ito sa akin, gwapo rin ang isang 'to, lamang lang si Red sa maraming pera. "Good evening ma'am." Maliit na lang akong ngumiti. Parang mas nakakahiya pa sa butler kaysa sa may-ari na hindi kagalang-galang ang suot ko. "Mauuna na akong pumunta sa kwarto ko. Bantayan mo siyang mabuti hangga't hindi pa kayo nakakarating sa kwarto na nakatalaga sa kanya, baka kung saan pumunta." Tumayo na si Red at naglakad na parang hindi bulag ang mga mata. Tuwid pa ito kung maglakad, at kabisado ang daan. Hindi rin nabubunggo sa mga gamit na malapit lang sa kanya. Handa na sana akong mamangha, pero naisip ko ulit ang sinabi niya. Ginawa pa akong magnanakaw. "Excuse me ma'am. Halika na, para makapagpahinga ka na rin." Ngumiti na naman si Nicolas na kita ang mapuputing ngipin nito na pantay-pantay. Nahiya ang toothpaste kong ginagamit na tig-sampong piso. Tumango na lang ako bilang sagot. Nilahad ni Nicolas ang kamay para sabihin doon ang way papunta ng kwarto ko. Nasa likuran lang ako, at nagmamasid sa nadadaanan namin. Pero daig pa ang may okasyon, may pa red carpet. Sa laki ng bahay, parang ang liit ng tao pag naglalakad, sobrang taas rin ng ceiling, walang second floor, pero sobrang lawak ng loob ng bahay. Parang ang layo rin ng magiging kwarto ko, kanina pa kami lakad ng lakad ng walang hinto. "Sandali lang." Huminto naman si Nicolas. "Saang banda ang kwarto ni Red?"Red POVPagkarating ko sa living room. "Nagawa ko na." "Mabuti " Napailing ako. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ni Sienna, hinding-hindi ako magsasabi ng sorry. Hindi na ako makakahanap pa ng babae na katulad niya, bukod tanging siya lang ang nakapasa sa gusto kong ugali ng babae. Sa lahat ng sinubukang iharap sa akin ni Nicolas, si Sienna lang ang hindi nabighani sa itsura at kayamanan ko. "Kahit ilatag mo pa sa harap niya ang pinagmamalaki mong pera Sir Red, hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit sino. Nabanggit niya iyon sir kaya kahit mahirap, ikaw ang dapat magpakumbaba." "Ito na ang huli. Ayokong maulit na ako ang lalapit para humingi ng tawad." "Kahit ikaw pa ang nanguna?" Seryoso akong lumingon sa kanan, doon ko mas naririnig ang boses ni Nicolas. Si Sienna ay magpapanggap lamang bilang girlfriend ko, at ayokong mapalapit siya sa akin ng todo. Magpanggap lang sa harap ng tao, pagkatapos ay kanya-kanya na kami ulit, ganon lang. "Kahit ako pa ang nauna." Sig
Sienna POVUmiling ako. "Pag nagalit ako, buong araw na 'yon. Hangga't nakikita ko ang taong nagpagalit sa akin hindi matatapos ang galit ko at baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Titiisin ko na lang na hindi kumain." Humarap ako kay Nicolas. "Punta muna ako sa kwarto ko. Kumakain pa naman si Belle. Babalik na lang ako mamaya pag tapos na siya."Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni Nicolas, pero maliit na ngumiti naman ito bago ako tuluyang lumakad.--- Pag dating sa kwarto. Kinuha ko agad yung unan at pinagsusuntok hanggang sa mapagod ako. Hinihingal na umupo ako sa sahig. Ayokong mahiga sa malinis na bedsheet dahil sobrang pawis at baka kumapit pa sa unan at kumot. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan. Sa bar sobrang bait ng amo ko, dito naman mayaman nga ang sama naman ng ugali. Pumaling ang ulo ko ng ilang segundo bago ngumiti ng malaki dahil may biscuit nga pala sa bulsa ng short kong suot kagabi. Hinanap ko ang short sa basket na nasa tabi ng pinto ng
Sienna POV Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Red. Parang sinasabi niyang madali lang ang ginagawa ko kahit hindi naman talaga. "Anong sabi mo?" may kaseryosohan kong tanong. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap niya mismo. "Pakiulit nga." Tumingala siya. Alam na alam na talaga ni Red kung nasaan ang presensya ng tao kahit hindi niya nakikita. "Ang sabi ko. Madali lang naman ang pinapagawa sayo ni Belle. Bakit Hindi mo magawa agad?" Napakagat ako sa labi ng madiin. Naiinis ako sa lalaking 'to, at kailangan ko munang kumalma sa pamamagitan ng pagkat sa labi ko. "Kung madali pala. Gawin mo nga. Palit muna tayo ng sitwasyon, ako ang uupo diyan, at ikaw ang magsusuot ng stilleto na 'to at maglalakad ng diretso. Tingnan ko kung masabi mo pa ang salitang "madali lang." Seryoso kong saad. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Red. "Bakit ko gagawin? Kaya ko nga pinadala rito si Belle para ikaw ang matuto, hindi ako." "Aba't..." Napapikit ako at konting-konti na lang. Si Belle at
Sienna POVMukhang madali ata 'yon. "Halika ka rito Ms. Sienna. Lesson 1 at 2 ang ituturo ko sayo ngayong araw." Lumakad naman ako para makarating sa gitna ng living room. Sa gitna mismo ng mga nakapaligid na upuan. Nagulat ako nang may bagay na humampas sa likod ko, hindi naman malakas pero dama ko. Tiningnan ko si Belle, seryoso na ito at hindi na nakangiti, mukhang strikto ito pagdating sa trabaho. "Kung tatayo ka Ms Sienna, maling-mali ang posture mo. Masyadong nakayuko ang ulo mo, at naka-bend payuko ang likod mo, kaya hindi magandang tingnan. Relax your body, tumayo ka ng tuwid, itaas mo ng bahagya ang ulo, at stomach in." Napakunot ang noo ko. Anong stomach in? Baka hindi ako makahinga pag ginawa ko 'yon. Ginawa ko rin dahil napatingin ako sa mukha ni Belle na masungit na hindi na soft. Lumulunok na lang ako ng laway habang iniipit ko ang tiyan ko. Ang dami ko pa namang kinain. Napansin ko naman si Nicolas sa hindi kalayuan na kung makailing habang tumatawa ng mahina ay
Sienna POVPalagay ko pagkatapos kong kumain matindi ang ipapagawa niya sa akin. Kakausapin niya si Belle na pahirapan ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa kabila ng seryoso niyang mukha siguradong may tinatago siyang plano para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Masuwerte nga siya dahil naamoy niya ang morning breath ko. Bigla na lang may tumulak sa akin na muntik na akong sumubsob sa sahig. Inis akong lumingon kay Nicolas na may alanganin na ngiti. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit mo ba ako tinulak?!" "Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Dahil siguro wala pang laman nag tiyan mo kaya lumilipad ang isip mo." "Kahit ikaw man Nicolas siguradong parang mababaliw ka na kung wala ka pang kain." Tumingin ako kay Red. Nakaupo naman ito paharap sa kanila kaya kitang-kita ko ang mukha niya. "Ano ba 'yon? Pakiulit ang sinabi mo hindi umabot sa tenga ko." Napailing naman si Red ng dahan-dahan. "May balak talaga ako sayo, ang matuto ka kaagad sa ituturo sayo ni Belle." "Kayang-k
Sienna POV"Ano ka ba naman katutulog ko lang, tapos ganitong oras mo ako gigisingin?! Puwede bang mamayang tanghali na lang ang gagawin ko na 'yon? Pati na rin yung pagkain ko mamaya na lang din," pagrereklamo ko. Hindi ganitong oras ako nagigising, kaya hindi pa sanay ang katawan ko."I'm sorry ma'am. Utos ni sir na tawagin ka na."Napairap ako. "Hayaan mo siya. Mamaya na lang ako lalabas!" Humiga ako ulit. Walang makakapigil sa akin kahit sino kung gusto kong matulog, kahit si Red pa na amo ko ngayon, at kahit babayaran niya ako ng malaking halaga. Tao rin ako na inaantok dahil maaga pa! Pumikit ako at hinintay na lumalim ang tulog ko, pero isang ingay na naman ang kumalat sa buong kwarto na mas doble pa kanina. Ang kulit naman ng butler ni Red."Sinabi ko na 'di ba, mamaya na lang—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi na si Nicolas ang may hawak ng megaphone, si Red na may mukhang inis na naman dahil sa kanya."Pinapaalala ko lang sayo Miss Sienna. Ako ang masusunod sa lahat







