"Magkano ang magpagawa ng Reaction Paper para sa subject ni Sir Rogene?"
Iyan agad ang bumungad sa akin, isang linggo after akong ma-suspend.
Kaharap ko ang isang maputing babae na may mahabang buhok na kulay brown, brown din ang kanyang mga mata na tila ba nagliliwanag kapag nasisinagan ng araw, at mayroon siyang napakaganda at matangos na ilong. May lahi ang babaeng ito, mayaman to, panigurado. Bakit ba nakalimutan kong may maganda pala akong classmate? Dahil siguro sa wala akong pake or dahil dun sa suspension.
Sa tatlong araw na suspension ko, wala akong ibang ginawa kundi ang gumawa ng mga projects na hindi kayang gawin ng mga tamad kong mga schoolmates. At kumain ako nang kumain dahil libre ang pagkain sa bahay.
Pinagalitan ako ni mama, at ang papa ko na nasa Malaysia ay sinabihan din ako na h'wag nananakit ng kapwa. Pero nang ma-explain ko sa kanila ang side ko, naintindihan nila ako at nagalit pa sila na suspended ako eh pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. In the end ay hinayaan na lang ako ni mama. Pinabantay niya rin sa akin ang nakababata kong kapatid na mga kambal. Nakakalaro ko sila, pero madalas ay gumagawa ko ng projecst ng mga kliyente ko.
Anyway, tinitigan ko lang yung classmate ko. Ano nanaman bang pangalan niya? Pamilyar ang mukha niya sa kain pero hindi ko maalala kung kailan at saan ko siya nakita.
"Malapit na ang test, masyado ka nang late para magpagawa, magre-review pa ako." sabi ko at naglakad na ako papunta sa armchair ko.
"Teka, narinig ko kay Aira na hindi ka nag-rereview kasi hindi mo ginagalingan sa test at wala kang pake doon."
"Ibahin mo ang finals, kailangan kong magpahinga para hindi ako antukin sa test," sabi ko nang makaupo na ako sa armchair ko. "Atsaka kahit wala akong pake sa test, kailangan ko pa ring magkaroon ng honor. Atsaka marami pa akong gagawin sa publication mamaya."
Naalala ko na tinambakan na naman ako ni kuya Andrei ng mga paperworks. Hinayupak na higher year student 'yan. Wala na siyang ibang ginawa kundi alipinin ako.
"Eh, next week pa naman yung test, sige na. Mamayang hapon na kasi kailangan ni Sir Rogene yung Reaction Paper," sabi niya na halos lumuhod na sa harapan ko.
Bumuntong-hininga ako, mapilit eh, taasan ko nga ng presyo at nang makalayas na siya.
"Isang libo ang bayad per project," hamon ko. "Late ka na masyado, finals pa, tapos peperwesyuhin mo pa yung pagpahinga ko kaya mataas na ang singil ko." sabi ko.
"Sige, sige, babayaran kita, basta please gawin mo na ngayon," sabi niya at agad siyang naglabas ng malaking halaga ng pera mula sa wallet niya at ibinigay ito sa akin.
Aba at pinapamadali pa ako. Palibhasa kasi mayaman kaya ang bilis niyang magbayad.
Naglabas ako ng isang papel mula sa envelope ko at sinabihan ko siyang pirmahan ang papel na iyon.
"Bakit ko pipirmahan yan?" tanong niya.
"Lahat ng kliyente ko ay kailangan mag-pirma sa papel na yan. Yan ang magpapatunay na nagpagawa ka ng project sa akin at gagawin mo lahat ng mga kondisyones diyan sa papel na yan. Kapag hindi ka sumunod, gagawin kong miserable ang buhay mo," sabi ko.
Binasa niya yung papel, tapos tumingin siya sa akin. "Bakit kailangan na hindi ko sabihin sa iba na ginawan mo ako ng project?" tanong niya.
"I work secretly, wala dapat nakakaalam na gumagawa ako ng nga project maliban sa mga kliyente ko," sagot ko.
"Okay, wala naman ding problema kung ibibigay ko ang information ko, at ibang mga chismis na alam ko," she said as she sign my contract. "Basta gawin mo na ngayon yung pinapagawa ko."
"Oo na, oo na, isang Reaction Paper lang ba yung ipapagawa mo?" tanong ko nang makuha ko yung pera at yung kontrata. "Baka may ipapagawa ka pa."
Nanlaki yung mga mata niya na para bang isa akong anghel na ipinadala sa lupa para iligtas siya mula sa kapahamakan. "Talaga?!" hindi makapaniwala niyang sabi.
Muntik ko nang ikutin ang mga mata ko, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. "Oo, bilisan mo habang mabait pa ako."
Pumalakpak siya. "Gawin mo nga rin yung Essay paper ko, ipapasa ko yun bukas, tapos yung book review ko na ipapasa ko sa Wednesday tapos--"
"Hep!" pagpuputol ko. "Sandali lang, wag lahat, kita mong mag isa lang ako. Tatlong projects lang ang gagawin ko para sayo. Magsipag ka naman kahit konti."
"Okay, okay, geez, babayaran naman kita eh," sabi niya. "Basta yung sa mamaya at bukas ah, tapos yung sa Wednesday, wag mong kalimutan," dagdag niya with matching turo pa talaga.
"Oo na, may bayad din yung dalawang projects, bale may babayaran ka pang dalawang libo sa akin," sabi ko.
"No problem with the money, just make sure na maganda at papasa yung mga gagawin mo," sabi niya at inilabas niya ulit ang wallet niya. Humugot siya ng tatlong libo at ibinigay sa akin. "Bonus mo 'yung extra one thousand," sabi niya. Pagkatapos no'n ay umalis na siya na may dalang pag-asa sa puso niya na papasa siya ngayong finals.
Bwiset, bakit ko pa kasi tinanggap? Na-perwisyo tuloy yung pagbasa ko sa mga bagong bili ko na mga libro.
Napailing nalang ako at inilabas ko ang laptop ko para umpisahan na yung mga pinapagawa ng kliyente ko. Mabuti na lang at may tip yung bayad, kundi magwawala talaga ako.
Mga ilang minuto ang nakalipas, nasa kalagitnaan na ako ng pagta-type sa laptop ko nang dumating ang teacher namin at ipinahayag niya na hindi na niya kami imi-meet hanggang sa test para daw makapag-review kami, pero sabi niya na imi-meet niya kami two days before the test. Kaya nagsaya ang mga hunghang kong mga classmate at dali dali silang lumabas ng room kasi considered vacant time na namin kapag walang teacher.
"Claire, hindi ka ba lalabas?" tanong nung Class President namin habang pinapatay niya yung switch ng mga orbit fan at mga aircon.
"Maiiwan na lang ako dito, Ms. President. Wala naman akong pupuntahan," sabi ko.
"Ah sige, take care, bye," sabi niya at lumabas na siya ng classroom.
Itinuloy ko naman ang pag-type ko sa project na ginagawa ko. Matatapos ko na yung project nang may biglang kumatok sa pinto ng classroom na kinaroroonan ko, kaya napalingon ako at nakita kong nakatayo sa pintuan ang SSG President.
"Mr. President," sabi ko.
"Ms. Claire," sabi niya at humakbang siya papasok sa classroom. "I thought that the policy was clear, no student should stay in the classroom during vacant period."
"Sorry po, wala po kasi akong mapuntahan kaya nag stay na lang ako dito," sabi ko. Bakit ba kailangan ko siyang makita ngayon?
"You can go to the benches, the temperature is cooler there than in here," sabi niya, tapos naglabas siya ng itim na panyo at pinunasan niya ang noo niya dahil sa pawis.
"Maraming mga uod sa mga puno. At panigurado, punong puno ng mga estudyante doon dahil maraming section ang nag vacant ngayon," sabi ko na para bang kinokontra ko siya. Aba! Kung sa akala niya mapapaalis niya ako dito, nagkakamali siya.
"You can also go to the Library and resume your work there," sabi niya ulit. This time nakatitig na siya sa akin na para bang isa akong specimen sa laboratory na dapat laging obserbahan. Na-intimidate tuloy ako, at na-conscious ako sa sarili ko.
Hindi sana ako magsasalita pa, ngunit kailangan hindi ako makaalis dito kasi wala talaga akong mapupuntahan na matino.
"Puno din po ngayon doon dahil malapit na ang finals, at marami pong section ang vacant ngayon."
Bumuntong hininga siya at ngumiti sa akin. Hindi ko alam na may ngiti pala na pwede kang pakiligin at takutin nang magkasabay. "You're quite clever for a Grade 10 student who doesn't really care about the school rankings," he remarked.
"I see, you did a research on my background," sabi ko. Hindi na ako magtataka ro'n. Dahil sa naging ugali ko noon sa Principal's Office, malamang na ito ang nagtulak sa kanya na alamin kung sino ako. Sana lang ay wala siyang masiyadong nahalungkat tungkol sa akin, mahirap na.
"You piqued my interest, Claire Jimenez."
"I don't see why you should waste your time on an ordinary student like me," sabi ko.
He shrugged, "Who knows, you might become useful to me...especially next year."
And I got intimidated by that pause. Anong ibig niyang sabihin? Kinakabahan tuloy ako. Or more like kinikilabutan, nakakakilabot yung sinabi niya. Siguro kung si Charmaine ako, malamang kinilig na ako. Pero hindi eh, ako kasi si Claire.
"Useful? Next year?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
He then laughed, "I'll be running again for Presidency next year, I might need the aid of the student publication. I might also need your assistance, Claire."
"Oh," sabi ko. Kailangan niya lang naman pala ng boto eh. Sorry siya, I always abstain my votes. And I said it first and I will say it again, hindi ko siya iboboto! Hindi ko makakalimutan na hinayaan niya akong ma-suspend kahit alam niyang self-defense ang ginawa ko.
But I quite remember writing a news article about this guy. From what I remember, his name is Aldrich Fen Arellano. Siya ang kauna-unahang Grade 11 student na tumakbo at naging presidente ng SSG. Gano'n din nung tumakbo siya para maging Vice President nung Grade 10 siya. Of course, he's a history maker. At dahil wala namang rule na hindi siya pwedeng tumakbo next year, may chance na siya ulit ang maging Presidente. That same goes sa Vice President niya, si Kaizer Jor Villanueva na kapareho namin na Grade 10.
"Well, we should go out now, it's hot in here, hindi ka ba naiinitan?"
Nagtatagalog naman pala siya, pinahirapan niya pa akong intindihin yung pag-Ingles niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Naiinitan po ako nang kaunti, pero kaya ko naman pong i-handle yung init," sabi ko. "Yung pag-iwan nga niya sa akin kinaya ko, ito pa kaya?"
Saglit siyang tumitig sa akin at sumunod ay tumawa siya nang malakas. Nag echo ang tawa niya sa buong room, at halos kapusin pa siya ng hininga dahil sa kakatawa niya. "You made my day, Claire," sabi niya nang matapos siya sa pagtawa sa akin. "ECHO members are really weird and funny. That's cute."
"Nah, hugotera po kasi ako, Mr. President," sabi ko kahit na medyo speechless ako sa sinabi niya. Kilabutan siya sa mga sinasabi niya, kaloka.
"Are you sure you don't want to go out? You may come with me in the SSG Office since kaunti lang naman kami doon," sabi niya. Pinipilit talaga akong palabasin ng taong 'to.
I shook my head. "No, Mr. President, I assure you I'm fine here," sagot ko sa kanya. Hindi ko pinakita ang pagkabahala sa boses ko. Baka makahalata siya na wala akong tiwala sa kanya.
Baka kung ano pang kababalaghan ang mangyari kapag sumama ako sa'yo.
He shrugged. "Okay then, just be careful, other teachers or worse, the Principal, might scold you."
"Then I shall do my best not to be scolded," I said in the most confident tone I could ever muster.
Sabi nga nila, "All you need is confidence."
"I shall be going then," sabi niya at saglit niya pa akong tinitigan sa mga mata ko.
Sige, lumayas ka na at h'wag ka nang babalik.
I smiled sweetly. "Take care then, Mr. President."
He also smiled, then he left. I sighed in relief.
I concluded that even though he is a bit cheesy, he's still dangerous, and I could see that when he stared at me awhile ago. He should be avoided at all costs.
Siya 'yong mga tipo ng tao na ayaw kong makasalamuha. People like him who have this sort of dark aura, are people you shouldn't be involved with.
"Claire!!! Gumising ka na!! Aba tong batang to, tanghali na!! Gising na 'ang kambal, ikaw na lang ang hindi." Hirap akong bumangon mula sa higaan ko at tinignan ang paligid ng kuwarto. Madilim pa lang sa labas. Tinignan ko yung orasan ko, 4:30 pa lang ng madaling araw. Bwisit naman na buhay 'to. Kailan pa naging tanghali ang madaling araw?! Babalik na sana ako sa pagtulog pero biglang bumukas ang pintuan ko at pumasok si mama sa kuwarto ko. "Ano ka bang bata ka, tumayo ka na diyan," sabi ni mama sa akin. "First of all, my dear mudra, bakasyon ngayon at walang pasok. Second, it's four thirty in the morning, mamayang nine pa po ang tanghali," sabi ko. "Ano bang meron? Umagang-umaga nambubulabog ho kayo."
He chuckled as if reminiscing a memory. "You may refrain from calling me by that title," nakangiti niyang sabi. "Just call me Aldrich, there's no need for formalities anymore since we’re quite acquainted now." I nodded. "Okay...kuya Aldrich," I started to say. "I assume you're as fine as you were, back then." "Aldrich is fine," sabi niya na naman na nagpakunot sa akin. "H'wag mo na akong tawaging kuya. It’s making me feel so old." "Ah, Aldrich," sabi ko. This feels weird. "Well, nandito lang ako para bumili ng mga gamit," sabi ko ulit at nagbabadya na akong umalis. Pero may sinabi siya na hindi ko mapigilan. "Anyway, since we're here, I might as well treat you for dinner, I s
Friday, in my opinion, has been the most loathed day in a student's week. Ito kasi yung araw ng paghuhukom kung saan sinasapian ng kasamaan ang mga guro sa aming paaralan. Tuwing biyernes ay laging nagbibigay ng mga project at homework ang mga guro namin. Kung sa iba ay torture ito, para sa akin naman ay blessing ito, ibinigay ng langit kumbaga. Magandang factor ang kasamaan ng mga teachers para sa akin. Dahil on demand ang pagpapagawa ng mga projects, ang standard price ng isang essay paper na 200-500 pesos, ay tumaas sa hanggang 1,000 pesos. Nagiging 1,500 pesos din ito kapag sinapian ako ng pagiging mukhang pera ko. Iba din ang presyo kapag performance tasks ang pinapagawa ng mga kliyente ko, minsan umaabot ito ng hanggang limang libo o higit pa. Kaya ayun, andami ko na namang mga kliyente, hindi ko naman mata
Napilitan akong pumasok sa Mini Function Hall. Maliit lang ang function hall na ito kaya nga mini eh. Kasing laki lang ito ng tatlong office at kadalasan ay mga upuan at table lang ang nandito. May mga aircon din. Madalas gamitin 'to ng mga teachers kapag may meeting sila, minsan dito rin ginaganap ang pagbilang ng balots sa election. Pero labis ang pagtataka ko kasi Aldrich lang ang mag-isa doon. Nasa isang mahabang table siya at may ginagawa siya sa phone niya. Pagbaling niya sa amin ay ngumiti siya. "You are late, Andrei," sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Claire, what a surprise." Gusto ko siyang irapan. Halatado sa mukha niya na nagpapanggap lang siyang gulat na makita ko. "Ah kilala mo na pala itong anak ko, brad," sabi ni kuya Andrei na naka-akbay pa rin sa akin. "Asan na 'yung mga iba?"
"I call it, the Book of Cheating." Napaubo ako nang mabulunan ako sa iniinom kong soft drink. At dahil na rin kasi 'yon sa narinig kong sinabi ni Aldrich. Nasobrahan ko ata ang biglaang paglunok, kaya hindi ako natigil sa pag-ubo, bagay na ikinabahala ni kuya Andrei. "Claire, okay ka lang ba?" tanong ni kuya Andrei sa akin. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanya ay sabi ko, "Okay lang po ako, kuya, nabulunan lang po." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich, pero nakangiti lang siya sa akin. He seems amused about the events that is happening right now. He has it! Nasa kanya ang BOC ko!!
"The rumor about an underground government in Louise Academy is true," sagot niya. "As well as a possible crime organization that has been terrorizing students." Saglit akong natahimik sa kinatatayuan ko, but I am screaming inside. I have to scold my self for being stupid. Sinisisi ko ang sariling katangahan ko for unintentionally putting myself in a serious case like this. Iyong mga ganitong bagay ay hindi naman dapat nasa care list ko, kasi wala naman akong pake sa mga gano'ng bagay. "So you mean to say, may tinutugis kayong secret crime organization na binibiktima ang mga estudyante?" tanong ko sa kanya. "That's the basicality of it," sabi niya. "It started three years ago. May isang estudyante na humingi ng tulong sa SSG about a blackmailing case. The culprit was
"Can I ask you for any information? Let's put her information to test, shall we?" Kumakabog ang dibdib ko sa narinig ko. Tell me I'm dreaming. Andami ng nangyayari sa akin sa linggong 'to. This is not something I asked for! I sighed. "Ano po ang gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya. "I want to know about a student named Cassandra Vergarra," sabi ni sir Vergarra. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ba 'yon yung anak niyang namatay last year lang? I really don't know the whole story of what happened that day, pero maraming nakakita sa kanya na tumalon mula sa fourth floor ng John Vianney Building, ang building naming mga senior high school. Suicide daw ang case, at wala namang kahina-hinala sa nangyari.
"Claire!" I was pulled out of my reverie when Irma loudly called my name. Muntik akong mapatalon dahil sa gulat, at napatingin ang mga tao sa amin sa cafeteria. "Bakit?" tanong ko kay Irma pero umiling lang siya sa akin. Inayos niya ang eyeglasses nniya at hinawi niya ang mahaba at kulot niyang buhok. "Kanina ka pa nakatunganga diyan," sabi niya sa akin, "malapit na matapos ang vacant natin at di ka pa tapos sa kinakain mo." Doon ko na-realize na kumakain pala kami ng lunch ngayon sa cafeteria. It has been days already since we've seen the hard drive, at hanggang ngayon ay 'yon pa rin ang nilalaman ng isip ko. We actually found hundreds of videos that can surely ruin someone's image. I recognized some of my classma