Share

The Contract Husband - Chapter 4

The Contract Husband - Chapter 4

Sumigla si Franckie matapos matanggap ang sagot ni Carlo Sanvictores sa e-mail. Sinubukan lang niyang gawin iyon. Hindi inaasahan ang mabilis na pagtugon nito.

"Inay Chedeng, aalis ako. Bibili ako ng isusuot ko sa party. Gusto n'yong sumama?" Natagpuan niyang abala sa pagpapalinis ng hardin at pagpapaayos ng mga halaman ang matandang babae. "May isusuot na ba kayo?"

"Oo naman, iha. Hindi naman ako palaalis kaya marami pa akong mga bagong bestido. Kuu, huwag mo akong intindihin. Ang sarili mo na lang." Medyo sanay na ito sa bagong relasyon nila. "Este, may kasama ka ba?"

Tumango siya. "Kasama ko si Diday." Binanggit niya ang pangalan ng katulong na dalaga pa. "Ang drayber namin ay si Ipyong."

"O, sige, mag-ingat kayo, ha?"

Tumango uli siya at ngumiti. "Pipilitin naming umuwi ng maaga," pangako niya para maibsan ang nababasang pag-aalala sa kanya ng kausap.

"Salamat, Frankie," pahabol pa nito habang papa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status