Chapter 2: Her World Shattered (2)
Claire’s POV
--
Pakiramdam ko ay nagsikip ang dibdib ko at nahirapan akong makahinga. My knees felt weak at anumang oras ay babagsak ako.
Ayaw i-process ng utak ko ang sinabi ng doktor o mas tamang sabihing ayaw kong tanggapin ang balitang iyon. Mag-isa akong pinalaki ng mother ko, para sa akin ay isa siya sa pinakamalakas na taong hinahangaan ko dahil nagawa niya akong palakihin ng tama at makapagtapos ng pag-aaral. She’s always there when I need her the most.
And now the time has change. Siya naman ang nangangailangan sa akin. Siya naman ang kumakapit sa akin para mabuhay at maka-survive. And I won’t fail her.
“B-But, Doc, sabi mo sa akin, stable na siya kahapon at nalabanan niya iyong . . .” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nagsisimula nang manubig ang mga mata ko. “She, she was just fine a few months ago. I don’t understand. How did it get this bad?”
“Chronic hypertension and diabetes often damage the heart over time,” the doctor explained gently. “The heart strains to pump against the elevated pressure, and the blood vessels lose elasticity. Eventually, the heart becomes too weak. Unfortunately, symptoms don’t always show until it’s too late—or until the damage is irreversible.”
Tuluyang naglandas ang mga luha ko at agad ko naman iyong pinunasan ngunit kahit anong pigil ko ay hindi pa rin iyon maampat. Huminga ako ng malalim at pinilit maging matatag sa harap ng doctor.
“Is she going to be okay after the operation, Doc?” muli kong tanong.
Nakita kong natigilan ang doctor at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya, tuloy ay mas lalo akong pinanghinaan ng loob at ng mga sandaling iyon ay gusto ko na talagang umiyak ng malakas.
“It’s hard to give a definitive answer, Claire. There are risks with any surgery, especially considering your mother’s health. But this is her best chance. Without it, her heart won’t be able to sustain her for much longer. I know this is difficult, but the sooner we proceed, the better her chances,” anang Doktor sa kalmadong tono nang pagsasalita.
Napatingin ako sa pinto ng private room ni Mama, nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ang daming bumabagabag sa isip ko at sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang pangtustos sa operasyon ni Mama. May makukuha naman akong pera mula sa dati kong pinagtatrabahuan pero duda ako kung sapat iyon sa mga gastusin namin dito sa ospital. Isang paraan na lang talaga ang naiisip ko ngayon at iyon ay ang kausapin si Carlo at humingi ng tulong.
Muli akong tumingin sa Doctor, her eyes filled with determination. "Do whatever you need to do. Please save her."
Nakangiti namang tumango ang Doctor at nagpaalam upang ihanda ang operasyon na gagawin kay Mama. Isang Nurse naman ang lumapit sa akin at sinabing kailangan kong magpunta sa reception desk para pirmahan ang consent document at upang alamin na rin ang kakailanganin kong pera para sa gagawing operasyon.
Sinabi kong dadaan doon pagkatapos kong i-check ang kalagayan ni mama, magalang naman akong iniwanan ng Nurse at hinayaan akong makapasok sa loob ng private room ni Mama.
Nakagat ko ang labi ko upang pigilang mapahikbi nang makita ang kalagayan niya. Malayong-malayo iyon sa itsura niya kahapon, dahan-dahan akong lumapit sa bed niya, nag-iingat na hindi siya magising ngunit ganoon nga siguro ang pakiramdam ng isang ina. Matalas.
She opened her eyes and smiled at me. Inangat niya ang kamay niya at mabilis ko naman iyong hinawakan at maingat na hinalikan.
“Did the doctor told you?” mahina at namamaos na tanong niya sa akin.
Ngumiti ako, pilit itinago ang lungkot at paghihirap na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
“Mm,” simpleng tugon ko. “Don’t worry, ‘Ma, magiging okay ka din,” nakangiti kong sabi sa kanya. “I’ll do everything for you to be okay, that’s a promise.”
Malungkot naman siyang ngumiti, nakita ko rin ang mga luha niyang bumagsak mula sa gilid ng mga mata niya. Dahan-dahan ko iyong pinunasan gamit ang kamay ko.
“Don’t cry, I’m always here for you,” sabi ko.
“Nagpaalam ka ba sa trabaho mo? Ang sabi ko kay Doc, mamaya ka na lang niya sabihan—”
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. “No, ‘Ma. It’s an emergency at maiintindihan naman ako ng Boss ko sa opisina . . . I, I told him that it was an emergency and something might happen to you,” pagsisinungaling ko.
“Pasensya ka na, Claire, naging pabigat pa tuloy ako sa’yo,” malungkot na sabi ni Mama.
“’Ma, don’t think like that. Kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa akin, okay? Mahal kita, at uunahin kita sa kahit na anong bagay na ginagawa ko.”
“Thank you,” ramdam ko ang paghihirap ng loob ni Mama kaya naman upang hindi na lumala pa kalagayan niya ay nagpaalam na muna ako sa kanya upang magpunta sa information desk upang pirmahan ang kailangang dokumento at malaman kung magkano ang kakailanganin niyang bayaran kung sakali.
Habang pababa sa lobby ay nakatanggap ako ng text mula kay Carlo, nagtaka pa ako dahil ang sabi ko ay tawagan ako ngunit wala akong nakitang missed call. Pagkabasa ko sa text niya ay ganoon na lamang ang pagtataka ko dahil voice message iyon na inabot ng sampung minuto.
At nang marinig ko ang laman ng mensahe na iyon ay parang gusto kong pagsisihan ang ginawa ko.
‘Natanggal ka sa trabaho mo? Paano ka na ngayon? Hindi ba’t nasa ospital din si Tita? Saan ka kukuha ng pangtustos sa bills niya sa ospital? Hindi ba’t sabi mo’y may posibilidad na maoperahan siya para magamot ang sakit niya sa puso? Saan ka kukuha ng perang pambayad doon kung sakali? Claire, huwag mong sabihin sa akin mo iaasa lahat iyon? I’m sorry pero ngayon pa lang ay hindi kita matutulungan. Nagsisimula pa lang akong i-build ang karakter at credentials ko sa trabaho ko, wala pa rin akong malaking ipon para tulungan ka. Malaki rin ang binabayaran ko sa condo ko at maging ang sasakyan ko ay hindi pa ako tapos maghulog. Isa pa, I already booked a summer vacation on Hawaii, it was a month long vacation kaya walang-wala akong maitutulong sa’yo. I’m sorry, Claire, ayoko sanang gawin ito but let’s end our relationship here. I’m not ready to take responsibility for you. Malaki pa ang pangarap ko sa buhay. This is goodbye. Bye.’
Mabuti na lamang at ako lang ang sakay sa elevator dahil kung hindi ay tiyak na hindi ko alam kung paanong haharapin ang kahit na sino pagkatapos marinig ang mga iyon. I was left dumb. Hindi ko alam kung paano akong nakalapit sa information desk at makipag-usap sa receptionist.
Hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang ginawa ni Carlo. Binalikan ko pa ang ipinadala kong text message sa kanya upang tingnan kung may nasabi ba akong nakaka-offend o sinabing nagpapasuntento ako sa kanya ngunit kahit ilang ulit ko iyong balikan at basahin ay ang tanging mga salitang nandoon ay: ‘I got fired of my damned of a jerk, Head, saying I was a thief and plagiarized someone’s project proposal. He even tried to rape me! I’m on my way to the hospital, they texted me about my mom’s condition. Hope she’s okay. Please, call me if you read this, I need you, hon.’
Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalabas ng ospital. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at lalapit. Mahigpit kong hawak ang phone ko, tinawagan ko ang kaibigan ko sa opisina ngunit ang sabi niya ay malabong ma-approve-an agad ng Head ang request niyang kunin ang kanyang health insurance dahil sa ginawa ko sa head namin.
I tried to dial Carlo’s number ngunit kahit anong dial ko sa number niya ay operator na ang sumasagot. I feel betrayed, kung kanina ay napipigilan ko pa ang sarili kong umiyak pero ngayon? I can’t.
I want to cry and scream. Gusto kong maglupasay at bumunghalit ng iyak, magmura at magwala. Deserve ko ba’to? Bakit naman sunod-sunod? May nagawa ba akong mali? Nakapanakit ba ako? Kinarma? What?
Marahas akong napabuga ng hangin at wala sa sariling napaupo sa gutter. I was on the parking of the hospital, para akong tanga doon na nakatingin sa kawalan at hindi alam kung ano ang gagawin at sino ang lalapitan.
Should I take a loan? Bank loan? Personal loan? Or worst, do I need to take a shark loan? Fck, what a life! Anong gagawin ko?!
Nang makarinig ako ng malakas na pagpito ay isang absurd na ideya ang pumasok sa isip ko. What if I ended my life here? Magpasagasa kaya ako at dahil nandito lang naman ako sa hospital, I’ll leave my will to the Doctor and used the compensation for my mother’s hospital bill? Pero paano kung bigla akong takbuhan nang nakabangga sa akin? Paano kung pati ang Doktor na tumitingin kay Mama ay itakbo ang pera kung sakali? O sasapat ba ang makukuhang compensation sa pagkabangga ko kung sakali sa hospital bill ni mama?
Paano kung mabuhay pa ako at maging imbalido? ‘Di dalawa kami ni Mama ngayon ang maghihikahos at kapwa nangangailangan ng tulong! Baka imbes na makatulong ako ay ako pa ang maging sanhi nang maagang pagkamatay ni Mama.
Mapakla akong natawa sa tumatakbo sa isip ko. Mababaliw na yata talaga ako. Tumingala ako sa kalangitan, papadilim na din ngunit wala akong makitang mga bituin sa kalangitan. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Imbes na magmukmok ako dito ay kailangan kong maghanap ng pera, sa mga oras na ito ay walang makatutulong sa akin kundi ang sarili ko.
Tumayo na ako at aalis na sana sa lugar na iyon nang matigilan dahil may humintong magarang kotse sa harap ko. Napakunot-noo ko, nagtataka kung bakit ako hinintuan ng kung sinumang sakay ng mamahaling sasakyang iyon.
Napagkamalan niya ba akong pick up girl? Papatulan ko na ba ang ganitong taktika? Totoo nga siguro ang kasabihang kapag gipit ka sa patalim ka na kakapit. If this is the only for us to survive, bakit ko pa palalampasin, ‘di ba?
Magsasalita na sana ako nang magulat at mapanganga nang pagbaba ng salaming bintana ay tumambad ang guwapong mukha ng Boss ko, I mean, former Boss, since I was fired from his company.
“What are you doing here?” tanong niya.
Hindi ako sumagot ngunit nang maalala na puwede ko siyang makausap tungkol sa ginawang kabulastugan ng Head Manager namin ay bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko para magsalita nang muli siyang magsalita.
“Get in. I want to talk to you,” sabi niya at isinenyas ang passenger’s seat sa tabi niya.
Naguguluhan man ay sinunod ko ang sabi niya, mabilis akong sumakay at hindi pa man ako nakakaupo ng maayos at naikakabit ang seatbelt ay pinaandar na niya ang sasakyan palayo doon.
Chapter 3: Marry Me, Claire FontamiranoClaire’s POV--Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko nang pumasok sa isang basement ng malaking gusali ang sasakyan ni Sir Calyx. Iyon ang kauna-unahang beses na makakatuntong ako sa ganoong ka-sosyal na gusali.Altitude 88 stood as a beacon of unrivaled elegance and sophistication in the heart of Manila. Towering above the bustling city, this exclusive residence boasted breathtaking panoramic views of the skyline and the iconic Manila Bay. Only the elite and ultra-wealthy could afford to live there. And one of them was the man who had just whisked me away—Calyx Cervantes. A man who, frankly, looked like he could be up to no good.Napapitlag ako nang marinig ang pag-click ng lock ng sasakyan, wala sa sariling napatingin ako sa kanya.“Get out,” iyon lang ang sinabi niya at mabilis na bumaba ng sasakyan niya.Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Sinundan ko siya ng tingin nang magsimula siyang humakb
Chapter 2: Her World Shattered (2)Claire’s POV--Pakiramdam ko ay nagsikip ang dibdib ko at nahirapan akong makahinga. My knees felt weak at anumang oras ay babagsak ako.Ayaw i-process ng utak ko ang sinabi ng doktor o mas tamang sabihing ayaw kong tanggapin ang balitang iyon. Mag-isa akong pinalaki ng mother ko, para sa akin ay isa siya sa pinakamalakas na taong hinahangaan ko dahil nagawa niya akong palakihin ng tama at makapagtapos ng pag-aaral. She’s always there when I need her the most.And now the time has change. Siya naman ang nangangailangan sa akin. Siya naman ang kumakapit sa akin para mabuhay at maka-survive. And I won’t fail her.“B-But, Doc, sabi mo sa akin, stable na siya kahapon at nalabanan niya iyong . . .” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nagsisimula nang manubig ang mga mata ko. “She, she was just fine a few months ago. I don’t understand. How did it get this bad?”“Chronic hypertension and diabetes often damage the heart over time,” the doctor explaine
Chapter 1: Her World Shattered (1)Claire’s POV--“You’re fired, Miss Fontamirano,” walang emosyong turan sa akin ng aming Head Manager.Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin ng diretso sa mga mata niya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin at nagkunwaring inayos ang mga files sa ibabaw ng desk niya.“Sir, you can’t do that to me! H-Hindi naman napatunayan na totoo iyong binibintang nila sa’kin!” pag-alma ko.I was accused of cheating and copying someone’s project proposal. Walang makuhang ebidensya mula sa akin kaya hindi iyon napatunayan at isa pa ang daming nakakaalam kung paano kong pinaghirapang gawin ang ginawa kong proposal na iyon!“I’m sorry but I can’t do anything, Claire. It’s what they’ve decided and I’m just here to relay their decision. Pack your things and you’re fire immediately today.”Gusto kong maiyak, hindi puwedeng mangyari iyon. I was once step on getting a higher position! Matagal na ako sa kompanyang iyon at kahit minsan ay hindi ako nagkaroon
PrologueClaire’s POV--Naranasan niyo na bang pagmalupitan ng tadhana? Iyong tipong kukunin lahat sa’yo—love, family and job. Ako kasi, oo. Minsan na din akong pagmalupitan ng tadhana at dumating pa ako sa puntong gusto ko na lang tapusin ang paghihirap ko na iyon, in a way of killing myself.They say rock bottom has a floor.They say when it rains, it pours.But for me? It felt like a goddamn storm ripped through my life, tearing everything apart in one cruel sweep.In just a single day, I lost everything.My boyfriend . . . he’s gone, with nothing but a pathetic excuse and a coward’s silence. He just ended our long fcking years of relationship via voice mail, without further explinations and just an excuse of not ready to take full responsibility of me. As if, ang hinihingi ko ay ikasal kami at buhayin niya kami ng mother ko. I only ask him to lend me a hand! Fck him.My job . . . was stripped away from me after years of dedication, leaving me with no income, no security. At dahi