Chapter 3: Marry Me, Claire Fontamirano
Claire’s POV
--
Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko nang pumasok sa isang basement ng malaking gusali ang sasakyan ni Sir Calyx. Iyon ang kauna-unahang beses na makakatuntong ako sa ganoong ka-sosyal na gusali.
Altitude 88 stood as a beacon of unrivaled elegance and sophistication in the heart of Manila. Towering above the bustling city, this exclusive residence boasted breathtaking panoramic views of the skyline and the iconic Manila Bay. Only the elite and ultra-wealthy could afford to live there. And one of them was the man who had just whisked me away—Calyx Cervantes. A man who, frankly, looked like he could be up to no good.
Napapitlag ako nang marinig ang pag-click ng lock ng sasakyan, wala sa sariling napatingin ako sa kanya.
“Get out,” iyon lang ang sinabi niya at mabilis na bumaba ng sasakyan niya.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Sinundan ko siya ng tingin nang magsimula siyang humakbang papunta sa elevator. Huminto siya saglit sa paglalakad at salubong ang kilay na tumingin sa akin.
“What are you doing there? Come with me,” masungit na sabi niya.
“Huh?” maang kong tanong. Gusto ko siyang pagsupladahan kaso baka kung anong gawin sa akin. Wala akong laban sa kanya kung sakali at kahit isipin kong tumakbo palayo saan naman ako pupunta? “O-Okay,” sabi ko at lumapit na sa kanya.
Bahala na, Lord. Alam kong sa kabila ng kamalasang nangyari sa akin ay hindi Niya pa rin ako papabayaang mapahamak.
Pagpasok namin sa elevator ay nakita kong pinindot niya ang button na may nakalagay na TP, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon pero kahit papaano ay may ideya ako. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa, gusto kong magtanong ngunit hindi ko rin alam kung makakakuha ako ng matinong sagot mula sa kanya. Sa lalim ng pagkakakunot ng noo niya’t pagsasalubong ng kilay ay halata namang wala siyang balak kausapin ako.
Pero karapatan ko pa din naman malaman kung bakit niya ako pinatawag, ‘di ba? Sana naman ay magandang balita ang ibibigay niya sa akin o aalukin ako ng kahit na anong trabaho—basta marangal, papatusin ko, kahit tagalinis ng bahay niya gagawin ko, magkapera lang ako. Wala namang masama kung gagawin kong sideline iyon habang naghahanap ako ng ibang trabaho.
Dahil sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na kami kaya nang tumigil ang elevator ay nawalan ako ng balanse at isang impit na sigaw ang pinakawalan ko sa pagkagulat. Inaasahan ko nang babagsak ako ngunit mabilis akong nahawakan ni Sir Calyx at nahawi pakabig sa kanya.
Biglang nag-init ang pisngi ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya. “S-Sorry,” sabi ko at gusto kong batukan nag sarili ko dahil sa pagkautal ko.
“Let’s go,” ani Sir Calyx, nagtaka ako ng hindi niya bitiwan ang kamay ko at hinila lang ako palabas ng elevator. Hindi naman iyon marahas ngunit hindi ko rin namang masasabing banayad. Tumambad sa harap ko ang napakalaking kulay itim na pinto, pasimple kong inilibot ang tingin ko sa paligid, maliban sa dalawang naglalakihang pot ng halaman at pinto ng elevator ay wala na akong makikita doon. Glass din ang napakalaking window sa magkabilang bahagi ng building kaya tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng siyudad ng Manila.
Narinig ko ang pagtipa niya ng password at ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto kaya naman napabaling ako sa kanya, eksakto namang nagtama ang tingin namin, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Narinig ko naman siyang tumikhim.
“Get in,” sabi niya at tila hinihintay na pumasok ako kaya naman kahit kinakabahan ay tumuloy pa rin ako habang umuusal ng dalangin na sana ay hindi ako mapahamak at magkamaling muli sa desisyong ginawa ko.
Nang tuluyang makapasok sa loob ay tanging ang ilaw na nagmumula sa tila lamp na fireplace ang tumambad sa akin. Mapusyaw lang ang liwanag na hatid niyon na sinasabayan ng malamyos na tugtog na hindi ko alam kung saan galing. Aaminin ko, medyo na-relax ako at bahagyang kumalma sa ambience na sumalubong sa akin.
“Hera, lights on,” narinig kong turan ni Sir Calyx.
“Lights on, activated. Do you want to open the curtains too?”
Hindi ko napigilang mamangha at hanapin ang pinagmulan ng tinig ngunit nabigo ako.
“Yes,” sagot naman ni Sir Calyx.
“The curtains are now opening. Do you want to turn on the hot water?”
“No,” sagot naman ni Sir Calyx.
Halos mamilog ang mga mata ko nang bumukas ang napakalaking kurtina sa ‘di kalayuan ko. Tumambad sa akin ang napakagandang tanawing hatid ng gabi, hahakbang na sana ako kaso bigla akong natigilan at naalalang hindi ako naroon upang mag-sight seeing.
“You can stay there while waiting for me. I’ll just take a quick shower,” ani Sir Calyx at bago pa man siya tuluyang tumalikod sa akin ay muli siyang nagsalita. “I think there’s still food in the ref, go check it for yourself if you’re hungry.”
At sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay naiwan na namang nakaawang ang bibig ko at hindi makapagsalita sa mabilis niyang pagtalikod sa akin at hindi ako pagbigyang magsalita.
Napasinghal na lang ako at sinamaan siya ng tingin. Nang makita ko siyang tuluyang umakyat ng hagdan at hindi na nag-abalang lingunin ako ay ibinaling ko na rin ang atensyon ko sa magandang view sa labas. Naglakad ako palapit sa terasa, sa umpisa ay nag-atubili pa akong buksan ang pinto ngunit sa huli ay binuksan ko din iyon at humakbang palabas. Pinalilibutan ang buong paligid ng lampas-taang salamin kaya hindi ako mangangambang matangay ako ng malakas na hangin kung sakali.
Lumapit pa akong muli sa may grill at napahawak doon nang pagtanaw ko mula sa baba ay bigla akong nalula, kahit pa naman sabihing imposible iyong mangayari ay hindi ko pa rin maiwasang matakot. Ilang sandali pa ay itinuon ko na ang paningin sa magandang tanawin sa harap ko.
Ang ganda pagmasdan ng mga sasakyang sabay-sabay na bukas ang ilaw habang umaandar. Wala akong naririnig na kahit na anong ingay ng ugong ng sasakyan, ibig sabihin sound proof ang kinaroroonan ko. Ano pa bang nakakapagtaka doon? Huminga ako ng malalim at muling sumagi sa isip ko ang nakakapagod at nakaka-drain kong araw na panandalian lang nawala dahil sa bagong tanawing bumungad sa akin.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong trouser. Natigilan ako nang makita ang mensaheng galing sa ospital na nagsasabing mag-uumpisa daw ang operasyon ni Mama ng alas otso at kung okay lang daw ba na magsimula sila kahit wala ako.
Tiningnan ko ang laman ng savings ko at gusto kong maiyak dahil hindi na iyon kalakihan. Kahit ang paunang bayad para sa operasyon ni Mama ay kukulangin iyon pero sa ngayon mas kailangan ko munang unahin iyon saka na lang ako mag-isip sa ibang bagay. Makakahanap naman siguro agad ako ng trabaho bukas, o ‘di naman kaya ay puwede kong kausapin si Sir tungkol sa tarantado kong Head Manager at ang kabalbalang ginawa nito sa akin.
Sana lang ay paniwalaan niya ang sasabihin ko at hindi ako pag-isipan ng masama.
Nireplyan ko ang text na galing sa ospital at sinabing darating ako mamaya, hiningi ko na din ang bank account nila para ihulog ang paunang bayad para masigurong pagtutuunan nila ng pansin ang Mama ko.
Muli akong huminga ng malalim saka ibinulsang muli ang phone ko at napatingin sa labas. Ilang sandali din akong nanatili sa ganoong posisyon nang marinig ko ang mahinang pagkatok mula sa loob ng bahay, paglingon ko ay nakita ko si Calyx na naka-roba na lang at sinisenyasan akong pumasok na.
Napalunok ako at hindi maiwasang pamulahan ng mukha, bakit kailangan niyang lumabas na nakaroba lang? Hindi ba niya alam na may babae siyang kasama? O baka naman may iba itong dahilan kung bakit ganoon ang suot niya?
Napayakap ako sa sarili ko at nagsimula nang kabahan, ito na lang ba talaga ang paraan para magkapera ako? ‘Lord, patawad po kung kakapit na ako sa patalim, mailigtas ko lang ang Mama ko.’
Kinakabahan man ay hindi ko iyon pinahalata at pinilit lang na maging kaswal ang mga kilos ko’t galaw nang pumasok ako sa loob. Nakita ko siyang naka-de-kuwatrong nakaupo sa pang-isahang sofa, may hawak siyang isang basong may lamang alak.
Lihim pa akong napapitlag nang tumingin siya sa akin, gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa ka-abnormalan ng kinikilos ko. Dahil ba iyon sa nakaka-intimidate niyang aura?
“Sit down,” utos niya.
Para naman akong robot na umupo sa katabi niyang pang-isahang sofa at saka ko lang napansin ang ilang papel na nasa ibabaw ng mesa. Napakunot-noo ako at nang mabasa kung ano iyon ay nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Nagtama ang paningin namin at mas lalong lumalim ang mga gitla sa noo ko nang wala man lang akong mabasang kahit na anong ekspresyon sa mukha niya.
Ayokong mag-assume at ayoko rin siyang pangunahan dahil baka mapahiya lang ako. Isa pa, hindi ko rin alam kung talagang tama ang kutob ko. Ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay talagang nagpayanig sa mundo ko.
“Marry me, Claire Fontamirano, please sign that marriage contract,” walang emosyong turan ni Sir Calyx.
Chapter 3: Marry Me, Claire FontamiranoClaire’s POV--Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko nang pumasok sa isang basement ng malaking gusali ang sasakyan ni Sir Calyx. Iyon ang kauna-unahang beses na makakatuntong ako sa ganoong ka-sosyal na gusali.Altitude 88 stood as a beacon of unrivaled elegance and sophistication in the heart of Manila. Towering above the bustling city, this exclusive residence boasted breathtaking panoramic views of the skyline and the iconic Manila Bay. Only the elite and ultra-wealthy could afford to live there. And one of them was the man who had just whisked me away—Calyx Cervantes. A man who, frankly, looked like he could be up to no good.Napapitlag ako nang marinig ang pag-click ng lock ng sasakyan, wala sa sariling napatingin ako sa kanya.“Get out,” iyon lang ang sinabi niya at mabilis na bumaba ng sasakyan niya.Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Sinundan ko siya ng tingin nang magsimula siyang humakb
Chapter 2: Her World Shattered (2)Claire’s POV--Pakiramdam ko ay nagsikip ang dibdib ko at nahirapan akong makahinga. My knees felt weak at anumang oras ay babagsak ako.Ayaw i-process ng utak ko ang sinabi ng doktor o mas tamang sabihing ayaw kong tanggapin ang balitang iyon. Mag-isa akong pinalaki ng mother ko, para sa akin ay isa siya sa pinakamalakas na taong hinahangaan ko dahil nagawa niya akong palakihin ng tama at makapagtapos ng pag-aaral. She’s always there when I need her the most.And now the time has change. Siya naman ang nangangailangan sa akin. Siya naman ang kumakapit sa akin para mabuhay at maka-survive. And I won’t fail her.“B-But, Doc, sabi mo sa akin, stable na siya kahapon at nalabanan niya iyong . . .” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nagsisimula nang manubig ang mga mata ko. “She, she was just fine a few months ago. I don’t understand. How did it get this bad?”“Chronic hypertension and diabetes often damage the heart over time,” the doctor explaine
Chapter 1: Her World Shattered (1)Claire’s POV--“You’re fired, Miss Fontamirano,” walang emosyong turan sa akin ng aming Head Manager.Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin ng diretso sa mga mata niya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin at nagkunwaring inayos ang mga files sa ibabaw ng desk niya.“Sir, you can’t do that to me! H-Hindi naman napatunayan na totoo iyong binibintang nila sa’kin!” pag-alma ko.I was accused of cheating and copying someone’s project proposal. Walang makuhang ebidensya mula sa akin kaya hindi iyon napatunayan at isa pa ang daming nakakaalam kung paano kong pinaghirapang gawin ang ginawa kong proposal na iyon!“I’m sorry but I can’t do anything, Claire. It’s what they’ve decided and I’m just here to relay their decision. Pack your things and you’re fire immediately today.”Gusto kong maiyak, hindi puwedeng mangyari iyon. I was once step on getting a higher position! Matagal na ako sa kompanyang iyon at kahit minsan ay hindi ako nagkaroon
PrologueClaire’s POV--Naranasan niyo na bang pagmalupitan ng tadhana? Iyong tipong kukunin lahat sa’yo—love, family and job. Ako kasi, oo. Minsan na din akong pagmalupitan ng tadhana at dumating pa ako sa puntong gusto ko na lang tapusin ang paghihirap ko na iyon, in a way of killing myself.They say rock bottom has a floor.They say when it rains, it pours.But for me? It felt like a goddamn storm ripped through my life, tearing everything apart in one cruel sweep.In just a single day, I lost everything.My boyfriend . . . he’s gone, with nothing but a pathetic excuse and a coward’s silence. He just ended our long fcking years of relationship via voice mail, without further explinations and just an excuse of not ready to take full responsibility of me. As if, ang hinihingi ko ay ikasal kami at buhayin niya kami ng mother ko. I only ask him to lend me a hand! Fck him.My job . . . was stripped away from me after years of dedication, leaving me with no income, no security. At dahi