Share

Five

Hindi nga siya nagsisinungaling dahil apat na oras ang lumipas ay nakarating na siya from Hong Kong. Ilang oras ba ang byahe mula roon papunta dito? 

“Good evening, Master Javier.” Rinig kong bati ng mga guards sa kanya. Pababa ako ng hagdan mula sa kwarto at nakatingin sa kanya habang naglalakad. Nakatingin lang din siya sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako sa mga mata niya na ayaw bumitaw ng tingin sa akin. 

“How are you here?” iyan ang una niyang tanong nang nagkalapit na kaming dalawa. 

“I’m doing fine here, Javier. Ang akala ko ba nasa Hong Kong ka, why are you here?” Mahina kong tanong sa kanya dahil ayaw ko naman isipin ng mga empleyado niya na kung sino akong umasta para magtanong ng ganoon sa amo nila.

“I told you na uuwi ako at tinapos ko na rin kaagad ang meeting ko para makauwi agad at makausap ka,” he said. 

Ganoon lang kabilis? Umuwi lang agad siya para lang makausap ako? Maayos naman ako kahit papaano pero aaminin kong mas okay kung nandito nga siya para kapag may mga itatanong ako ay sa kanya nalang.   

“Have you seen your room already?” he asked. Gusto ko siyang sapakin, how dare he talking that his room is mine? Hindi ako komportable na nandoon ako sa kwarto niya.

“I’ve seen it but I want another room, is that possible?” tanong ko sa kanya na siyang kinakunot ng kanyang noo. He is confused. 

“Another room? Why? You don’t like the room I’ve given you? Well, we can change the design if you want.” Agad akong umiling sa sinabi niya, hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. 

“No, the room is perfectly fine. Naisip ko lang na masyadong maaga kung magkasama tayong dalawa sa isang kwarto? Hindi pa tayo kasal at ayaw ko rin naman na may isiping masama ang mga empleyado mo rito,” paliwanag ko sa kanya.

Dahil iyon ang totoo, ayaw kong hindi maganda ang una nilang impression sa akin. As much as possible gusto kong i-build sa kanila una pa lang na maayos akong babae kahit alam ko rin naman sa sarili ko na hindi. 

“No, it’s okay. And that would be okay for them, wala naman silang pakealam kung nandoon ka sa kwarto ko at magkasama tayong dalawa. Kilala ka na nila, sinabi ko na sa kanila na magiging asawa kita at ituturing ka rin nilang amo and besides, Janiyah—huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako palagi rito sa bahay.”

Nagtaka naman akong tumingin sa kanya dahil sa huling sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi siya palagi nandito sa bahay niya? Sa sarili niyang bahay? Don’t tell me, mas busy siya sa trabaho? And where is his family? Bakit mga empleyado niya lang ang nandito sa malaking bahay na ito? Marami pa akong mga katanungan tungkol sa kanya pero alam ko naman na malabo kong malaman iyon mula sa kanya. De bale, aantayin ko na lang na biglaan kong malaman ang lahat ng iyon. 

“So, are we good now na nasa kwarto kita?” tanong niya. Matagal bago ako sumagot pero sumang-ayon na lang din ako. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa trabaho ko sa kanya, kung paano ang paraan ko sa pagpapanggap na asawa niya.

“Yeah, that would be fine,” sagot ko. 

Tumango siya at bumaling sa mga empleyado niya. “Magpahinga na kayong lahat, ako na ang bahala sa kanya.” 

Pinagmasdan ko ang mga mukha ng mga tauhan niya, may iba na nagulat sa sinabi ni Javier ngunit agad ding nawala at saka sinunod na ang sinabi ni Javier. Sabay silang nagsi-alisan lahat sa harap namin. 

“Let’s go, let us talk about the job.”

Ito na, malalama ko na kung ano ba talaga ang gagawin ko. Ito na rin ang tamang panahon siguro na magtanong sa kanya. 

Umakyat na rin kami sa kwarto, pinauna niya akong pinapasok sa loob at pagkatapos niyang ibaba ang suot niyang coat, humarap siya sa akin. “Maliligo lang ako, antayin mo ako rito.”

Tumango ako sa kanya, “okay.”

Ilang minuto siyang nakatayo sa harap ko bago tuluyang umalis para pumasok sa banyo, kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya. “Problema no’n?” 

Habang nag-aantay ako sa kanya, tinuloy ko ang paglibot sa loob ng kwarto. Marami pa akong hindi nakikita kanina dahil sa pagtawag niya, tulad na lang nitong may maliit pa na cabinet sa hindi kalayuan sa kama niya. I was about to open it pero naka-lock.

“What are you doing?” 

Gulat akong tumingin nang marinig ang boses ni Javier sa likod ko, halos manlaki naman ang mata ko nang makitang towel lang ang suot niya at baba niya lang ang nakatakip. Umiwas ako ng tingin. “N-nothing, naglilibot lang ako sa kwarto mo.” Nauutal kong sagot at dahil sa pag-utal ko, gusto kong sampalin ang sarili ko. 

What the hell am I doing?

“You’re not looking at me, ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking towel lang ang suot sa katawan?” tanong niya, umiling ako bilang sagot dahil hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako pero ito ang unang beses na nasa harap ko mismo ang lalaking nakasuot lang ng towel. “Then, why are you not looking at me?” he added. 

Dahil sa sinabi niya, mabilis akong lumingon sa kanya, I looked at him directly in his eyes. “Magbihis ka muna, pwede ba iyon?” I asked. 

Hindi ako komportable na makakausap siyang ganyan lang ang suot. Nagkibit balikat siya at saka pumunta sa kanyang walk-in closet at nagsimula ng magbihis. Inantay ko na lang siya, naligo na rin naman ako kanina habang nag-aantay sa kanya na halos apat na oras. 

“I’m done…”

Bumaling ako sa kanya, nakasuot na siya ngayong itim na damit pantulog, terno. Lumunok ako ng dalawang beses at umiwas ng tingin nang makita ang kanyang mukha. Aaminin kong ang gwapo niya sa suot niya, basa pa rin ang kanyang buhok kaya pinunasan niya iyon ng tuwalya na nakasabit sa kanyang batok. 

“Okay, ano ang pag-uusapan natin?” tanong ko at saka umupo sa couch. 

Nakita ko naman na kumunot ang noo niyang tinignan ako sa ginagawa ko. “Bakit dyan ka umupo?” tanong niya.

“Dahil upuan ito at dito ako matutulog, ikaw dyan sa kama mo—”

“What the hell are you talking about, Janiyah? You will not sleep on the couch. You will sleep in our bed at ako, sa couch kung gusto mong hindi tayo magkatabi matulog,” he said. 

Wait, tama ba ang narinig at pagkaintindi ko? Gusto niyang matulog kami na magkatabi? But why? Ang bilis naman kung iyon agad ang mangyayari, hindi ko pa nga alam kung ano ang gagawin ko bilang asawa niya. 

“Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong ipagawa, empleyado mo lang din naman ako kaya mas mabuti na susundin ko na lang lahat ng utos mo. Ano ba ang pag-uusapan natin?” sabi ko sa kanya. 

Nababakas ko sa kanyang mukha na may gusto siyang sabihin o isagot sa sinabi ko pero pinigilan niya rin ang kanyang sarili and binuksan niya na ang topic na dapat naman talaga naming pag-usapan. 

“Your job is to be my wife, since binabayaran kita ng malaki dapat makita at maramdaman ng lahat na asawa nga kita, hindi lang sa harap nila kundi na rin sa likod nila o kung walang nakatingin. You will act as my wife—”

“What? Bakit pati iyong walang nakatingin sa ating dalawa ay aacting ako bilang asawa mo?” pagtataka kong tanong. 

Bumuntonghininga siya na tila ba para akong tanga na hindi maintindihan ang gusto niyang sabihin. “Para masanay ka kapag kaharap na ang mga tao, para hindi nagbabago ang plano kung sa harap lang nila ikaw umaakto na asawa ko. Naiintindihan mo ba ako?”

Umirap ako, tama rin naman siya pero hindi tama para sa akin, hindi ko naman alam paano maging asawa. Boyfriend nga wala ako tapos didiretso ako bilang asawa. 

Tumango ako sa kanya para sumang-ayon na lang at para matapos na. “Yes, I got it. Gagawin ko iyon. Pero matanong ko lang, may day-off ba ako?” tanong ko.

Naalala ko rin kasi ang pamilya ko kung paano ko sila makikita. “Yes, you have. You can go home whenever you want pero hindi iyong may pupuntahan tayong mahahalagang occasion,” sagot niya. 

“Ibig mong sabihin pwede akong umuwi sa amin kahit kailan ko gusto basta hindi lang sasabay sa plano mo na kasama ako?” tanong ko at tumango naman siya. Nilinaw ko lang dahil ayaw kong lumabag sa gusto niya, baka mabawasan pa ang sahod ko. “Okay, how about my salary?” Hindi ako nahihiya nang tanungin ko iyon. 

Hindi naman nakatakas sa akin ang pagngisi niya, sigurado akong iniisip niya na ngayon na mukha akong pera. Totoo naman, kailangan ko iyon para sa pamilya ko at lalo na kay Lucy. 

“Monthly income, free foods and everything in this house, you have your own driver and you will have allowance monthly para sa mga gusto mong bilhin sa sarili mo,” paliwanag niya na siyang dahilan ng pagkagulat ko. 

“That’s too much, sapat na iyong magiging sahod ko na ibibigay mo monthly. Hindi ko naman kailangan ng driver at allowance dahil wala naman akong bibilhin din para sa sarili ko—”

“No buts, Janiyah. Kailangan mo iyon dahil asawa kita at dahil asawa nga kita, you will dress up yourself. Be presentable.” Seryoso niyang sabi. 

He’s right, mayaman nga pala siya at hindi pwedeng mahalata ng mga tao na mahirap lang ang asawa niya. Tumango ako. “Okay, thank you. I will accept that.” Tipid akong ngumiti sa kanya. 

Wala siyang reaction nang tumingin sa akin hanggang sa umalis siya sa harap ko, pinagmasdan ko lang ang kanyang ginawa. Kinuha niya ang isang unan sa kama at naglakad patungo sa couch para humiga roon. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko, para pa rin akong nanaginip sa nangyayari sa akin ngayon. Sana may sumampal sa akin at malaman na hindi ito totoo. Pumikit ako nang mariin, huminga ng malalim. 

“Bakit ka pa nakatayo riya, matulog ka na. Maaga tayo aalis bukas, you need to fix yourself and be my wife. Your job will start tomorrow.” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status