Natapos kami sa shop ni Hillary at hindi pa rin nawala sa isip ko ang sinabi niya kanina na hindi siya ang pinili ni Javier na gawing asawa. Ako rin, hindi ko rin alam kung bakit dahil isa lang naman akong stranger sa buhay ni Javier. “Thank you, Hillary.” Ngumiti ako sa kanya. She hugged me. “Sana magustuhan mo lahat ng pinili kong damit para sa’yo,” she whispered. Yes, sobrang ganda lahat ng napili niyang damit para sa akin. No wonder kung bakit siya ang stylist ni Javier. Kahit simpleng suot lang ni Javier ay bagay sa kanya. “Mauuna na kami, Hillary. Maraming salamat ulit.”“Thank you rin, Janiyah. We’re friends already, right?” tanong niya. Ngumiti ako ng malawak at saka tumango. Wala namang masama na maging kaibigan ko siya, mabait din naman siya. “We are friends now,” I told her. Pagkatapos ko sa shop ni Hillary, pumunta naman kami sa restaurant. Wala sa list iyon pero tanghali na kaya kailangan muna naming kumain tatlo. “Bakit dito?” tanong ko kay Girly dahil kita kong ma
Dumating kami sa sinasabi niyang shop ng kaibigan niya. Ang buong akala ko ay matatahimik ang araw ko na kasama siya dahil hindi naman siya masyadong nagsasalita pero nagkakamali ako, dahil ang mga kaibigan niya ang salita nang salita. Ang dami nilang tanong at hindi pa ako nakakapili ng susuotin ko.“Grabe, ang ganda mo. Kamukha mo siya—”“Luella, stop it.” Suway ni Javier sa kaibigan niyang babae na kanina pa lumalapit sa akin. “Come here, Janiyah. Pumili ka na ng gusto mong gown.” Hinila ako ni Javier papunta sa tabi niya at binigay sa akin ang album na nakalagay ang mga pagpipilian.Habang tinitignan ko ang mga magagandang gowns, hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga bulungan na malapit lang sa akin. Tinignan ko si Javier, nasa malayo ko na siya dahil may kausap siya. “Yeah, kamukhang-kamukha niya. Siguro ang pinagkaiba lang ay simple at mahinhin si Janiyah.”“I know right, kambal niya kaya?”“I don’t think so—shit, si Javier.”Natigil sila sa pag-uusap nang tumabi ulit sa a
Dumating ang linggo ng aming kasal ni Javier, nagulat ako sa pagdagsa ng mga tao sa mansyon niya. Ang iilan ay pamilya niya at mga kaibigan. Para akong nasa ibang mundo na kung saan naliligaw ako dahil sila ang nakikita ko. I can say that this is not my life, this is not me. “Hey, have you seen Javier?” May lumapit sa aking lalaki na kasing tangkad lang ni Javier, he’s wearing a polo shirt at kita rin ang tattoo niya na kagaya sa tattoo ni Javier sa kanyang braso. Limang lalaking nandito ang nakita kong may tattoo sa braso nila.“Hey, I’m talking to you. Have you seen your boss?” tanong niya ulit.Boss? Akala niya ba kasambahay ako rito? Well, hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi pa naman ako pinapakilala ni Javier bilang asawa niya kaya siguro akala nila ay kasambahay ako.“Oh, I’m sorry. Hindi ko pa siya nakita,” sagot ko. And yes, what I said is true. Hindi ko pa nakita ulit si Javier simula noong dumami na ang bisita sa mansyon niya.Ang sabi niya sa akin noong isang ara
So, this is the day I am waiting for. At bukas ay kasal na agad namin ni Javier. Ang bilis ng pangyayari!Si Javier ang nagmaneho, hindi siya nagdala ng guards at driver at nasa front seat din ako nakaupo. Ito ang unang pagkakataon na siya ang magmamaneho at kaming dalawa lang ang magkasama. Pakiramdam ko ito na rin ang unang beses na palaging hindi ako magiging komportable. “Ang tahimik mo,” panimula niya nang ilang minuto na ang katahimikan sa aming dalawa. Wala naman akong sasabihin kaya hindi ko rin alam kung ano ang bubuksan kong topic.“You too, Javier. Kanina ka pa tahimik, ayaw ko naman maunang magsalita dahil wala rin naman akong sasabihin,” sagot ko. Rinig ko ang pagbuntonghininga niya, traffic sa daan kaya tumigil pa ang kotse. I can feel that he looked at me kaya bumaling din ako sa kanya na sana hindi ko na lang ginawa. Bakit ba ganoon? Simpleng tingin niya lang ay para na akong nakukuryente. “Are you sure na ayos lang sa’yo pumunta tayo ngayon sa bahay ng pamilya ko?”
Hanggang sa pag-uwi ko hindi ko na naman alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na kinausap si Javier dahil nag-iisip ako kung paano ko ayusin ang gusot na ito. Bukas na ang kasal namin ni Javier at gustong makita ng Lolo niya ang pamilya ko? No, hindi pwede. Hindi ko naman sinabi sa kanila, hindi ko pa nga alam kung kumusta na sila, nagpalit ako ng sim card para hindi muna nila ako ma-contact. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko sa pamilya ko pero ayaw ko silang madamay sa kung anong buhay ang pinasok ko. “Hey, you should sleep early. Maaga tayo bukas…”Hindi ko pinansin si Javier, humiga na lang ako sa kama na hindi siya tinitignan. Hanggang sa ilang oras ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Bumangon para tignan si Javier, natutulog siya sa couch. God, hindi ko na alam! Hindi pa naman nagsisimula ang trabaho ko talaga pero nahihirapan na ako. Siguro magpapalusot na lang ako sa pamilya ni Javier bukas, bahala na!Kinabukasan, nagising ako na parang ayaw kong bumangon at umalis
At the reception, nasa isang kwarto ako kasama ang pamilya ko at si Javier. Hindi ako makatingin sa pamilya ko o kahit kay Javier. Gusto ko na lang isipin na isa itong bangungot. “Maiwan ko muna kayo…Janiyah.” Tumango ako kay Javier. Nang makalabas siya sa kwarto, tumingin na ako sa pamilya ko. Ang kaninang pinipigilan kong luha ay hindi ko na napigilan na lumabas. Kanina ay dumiretso kami ni Javier sa reception at sa isang private room kung nasaan kami ngayon kasama ang pamilya ko. Ang akala ko ay kaming dalawa lang ni Javier ang mag-uusap pero nagkamali ako dahil bumukas ang pintuan at pumasok ang pamilya ko.“Anong nangyayari?” unang nagsalita si Liam. Yumuko ako, hindi ko pa rin silang kayang tignan. “Janiyah, dalawang linggo kang nawala at malalaman namin na ikakasal ka pala kay Javier na pinakilala mo sa amin na boss mo?” si nanay, bakas sa boses niya na nahihirapan siyang magsalita. Her voice broke.“Mom, Dad, Liam… I’m sorry kung tinago ko ang tungkol—”“Bakit mo nga ba tina
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Javier na masama ang tingin niya sa kanyang pamilya. Rinig ko na ang mga bulungan at iba’t ibang reaksyon mula sa mga tao. Curious.“Auction Club? Ano ang ibig mong sabihin, Lolo?” tanong ni Hannah. Napayuko ako at pinikit ang mga mata, hindi pwedeng malaman ng mga tao ang trabaho ko noon. “Yes, nalaman ko kasi na si Janiyah, ang asawa ni Javier ay mahilig sa mga auction. Mag-bid. In fact, iyon nga ang nagustuhan ko kay Janiyah dahil ganoon din ang pamilya niya. Malalaki ang mga binibigay nilang donation sa iba’t ibang organisasyon…: paliwanag ng Lolo ni Javier.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko na rin pinansin ang pagsagot ng mga tao, ang mga palakpakan nila na para bang bilib na bilib sa ginawa ko dahil lang sa sinabi ng Lolo ni Javier. Kahit ang pamilya namin ni Javier ay nagtataka sa ginawa niya.“Dad, what are you doing?” tanong ng father ni Javier. Hindi siya sinagot ng Lolo ni Javier, bagkus nagsalin siya ng wine sa wine glas
Hindi ako makagalaw sa ginawa niya, nanlaki ang aking mga mata at ramdam kong humina ang mga tuhod ko. As I understand what really happened, lakas loob ko siyang tinulak palayo sa akin at sinampal. Hindi niya ako hinalikan sa labi noong kasal namin, he just kissed me sa pisngi kaya nagulat ako sa ginawa niya ngayon. Ramdam ko na rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Gaya ko, nanlaki rin ang ang mga mata niya, pero hindi ko alam kung sa pagtulak ko ba o sa ginawa niya. Umiwas siya ng tingin, ginulo ang buhok na tila ba nahihirapan. “I’m sorry…” Nauutal niyang sabi. Tumingin siya sa akin. “Janiyah, hindi ko sinadya. I’m sorry… magpahinga ka na.” Pinagmasdan ko lang siyang tinalikuran ako at lumabas ng kwarto. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinakatayuan ko. I can’t even compose myself again to fix it. Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi sa labi ko. Damn it! Hindi pwede ito. Trabaho ang pinunta ko rito, hindi pwedeng magkaro