Share

82

Nang makarating sina Liam at Angela sa condo unit ni Angela, walang nagsalita sa kanilang dalawa ulit. Dito sila dumiretso dahil ginagamot ni Angela ang mga sugat ni Liam, kahit na gusto ni Angela na dalhin si Liam sa hospital ayaw ni Liam dahil ayaw niyang malaman ng pamilya niya ang nangyari sa kanya at ayaw niya rin ipaalam sa pamilya niya na nawawala si Janiyah at ang anak nito. 

Habang si Angela naman ay tahimik dahil iniisip niya ang sinabi ni Liam kanina sa loob ng kotse. Para sa kanya, imposible na si Aaron ang gagawa nito kay Janiyah. Naguguluhan siya pero sa pagkakataon na ito, lahat ng tao sa paligid ay dapat niyang paghinalaan. Kahit siya sa sarili niya ay siya ang pinaghinalaan ng mga tao na gumawa nito. 

“Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Liam nang hindi niya na natiis ang katahimikan ni Angela.&nbs

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status