Lilie
"You may now kiss the bride," rinig kong sabi ni father kaya nagpalakpakan kaming lahat. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang dalawang tao na bagong kasal.
Napatingin ako sa katabi ko na todo kung makapalakpak. Kasal kasi ng kaibigan niya at basta-basta na lamang niya ako sinama. Dapat nga ay hindi ako sasama dahil nakakahiya pero nagmakaawa siya sa akin kaya napapayag niya ako.
"Bakit mo ba ako sinama dito, Julie?" Pagtatanong ko sa kaniya kaya napatingin ito sa akin. Siguro ay sampung beses ko na itong tinatanong sa kaniya simula pa kanina habang papunta kami dito sa simbahan.
"Wala lang trip ko lang," sabi niya kaya natulala na lamang ako sa naging tugon niya. Parang gusto ko siyang iwan dito ngayon sa simb
LilieNakatulala lang ako sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang nabingi ako sa biglaang pag-amin niya. Hindi ko alam kung ano ang trip ngayon ni Lucas. Natawa na lamang ako at umiling. Baka mamaya ay binibiro lang ako nito."No, you're lying. Nagbibiro ka lang 'diba?" Pagtatanong ko sa seryosong boses. Kitang-kita ko tuloy ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.Napakagat ako ng labi at napailing. Ayoko, ayoko munang maniwala. Baka mamaya ay naguguluhan lang din si Lucas katulad ko. Ayoko munang maniwala, natatakot ako. Baka mamaya ay biglaan siyang magbiro.Umiling siya, kitang-kita ko kung gaano siya kadesperado na ipaliwanag sa akin ang nararamdaman niya. Kitang-kita ko kung paano siya matigilan
LiliePagpasok ko ay sinalubong agad ako ng isang babae na naka-unipormeng waitress. Nakangiti siya sa akin habang hinihintay ako."This way po Maam," saad niya sa akin at itinuro sa akin ang daan. Pumasok kami sa isang hallway at tumigil sa isang pinto. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang nawala kaya wala na akong nagawa kundi pumasok ng tuluyan.Napanganga ako sa nakita ko. Ang bawat puno ay may mga iba't- ibang kulay na Christmas lights ang nakapulupot dito. Ang nilalakaran ko naman ay puno ng kulay puti at asul na petals ng mga rosas.Napansin ko rin ang mga picture. Teka? Mga picture ko ito. Simula pagkabata hanggang ngayon ay naandito lahat. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Lucas ang lahat ng ito.
LilieNapaupo ako sa sahig ng itulak niya ako ng pagkalakas-lakas. Pagtingin ko sa gumawa no'n ay nagulat na lamang ako kung sino ito."Rina, tama na ang sakit!" Sigaw ko dahil muli siyang sumugod sa akin at sinabunutan sabay pinagsasampal ako. Mariin kong kinagat ang labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.Pero pinanlinsikan niya ako ng mata at hinawakan ang panga ko, siguro sa sobrang higpit ay baka magkapasa ako."Napakalandi mo! Mang-aagaw ka!" Sigaw niyang muli.Hindi ko alam kung ano ang inagaw ko sa kaniya at kung bakit nagkakaganito siya.Tinayo niya ako pero sobrang higpit pa rin ng hawak niya sa buhok k
LilieNapasinghap na lamang ako ng sabay kaming bumagsak ni Lucas sa lupa. Nabasag ang salamin ng kotse niya dahil dito tumama ang bala. Nagtalsikan pa sa amin ang iilang bubog ng salamin kaya napapikit ako.Nasa ibabaw ako ni Lucas at sobrang higpit ng yakap niya sa'kin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso naming dalawa, miski ang paghinga namin ay sobrang bilis din, parang nakikipaghabulan kami kay kamatayan.Halos kapusin ako nang hininga ng itapat muli ng lalaking naka-motorsiklo ang kaniyang baril sa akin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang balang tatama sa akin.Nagulat na lamang ako ng pagbaliktarin ni Lucas ang pwesto naming dalawa. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko kaya siya ang natamaan. Kitang-kita ko
Lilie“I mean, I like your face, walang pimples or gasgas kahit ni isa. You can be my model,” saad niya at lalo pang pinagkatitigan ang mukha ko.Napasigaw na lang kaming dalawa ni Keegan ng mawala siya sa harapan ko. Pagtingin ko ay hawak na siya ni Lucas at pinilipit ang braso niya.“What the heck are you doing, Keegan!” Pagalit na sigaw ni Lucas at mas lalong inipit si Keegan sa pader.“Easy, wala akong ginagawa,” depensa ni Keegan at pilit na kumakawala at nagtagumpay naman siya sabay itinaas ang dalawang kamay.“Anong wala?! Ano? trip mo lang hawakan at ilapit ang mukha mo sa girlfriend ko!”“Fine! Kaya ko lang naman ginawa iyon dahil pasado ang girlfriend mo sa pagiging model ko,” sabi ni Keegan at itinulak si Lucas.“No! Hindi siya ang magiging model mo,” ma
LilieBumili muna kami ni Lucas ng kandila at bulaklak bago pumunta sa puntod ni Mama.Nang nasa harapan na ako ng puntod ni Mama ay umupo ako sa damuhan at ninamnam ang simoy ng hangin.Nilagay ko ang bulaklak sa gilid ng puntod niya pati na rin ang kandila at sinindihan ito. Maingat kong pinunasan ang puntod ni Mama, nagtataka pa ako dahil maayos pa ito at alam kong may naglilinis pa dito."Sorry Mama kung ngayon lamang po ako nakabisita sa'yo," panimula ko at umayos ng upo sa damuhan. “May nangyari po kasing hindi maganda,” dugtong ko at pumikit saglit.“Ma, alam mo bang nami-miss na kita, kayo po ni Papa. Kahit naman may tampo ako sa kaniya ay nami-miss ko pa rin siya. Binibisita ka kaya ni Papa?” Naluluha kong tanong at tumigil saglit dahil bigla kong naalala si Papa.Kumusta na kaya siya ngayon? Hinahanap niya kaya ako? May pake
Lilie“Tungkol ba ito sa kaso ko?” Kinakabahan kong tanong sa kaniya kaya tumango siya. Nang tama ang hinala konay dali-dali akong bumaba. Narinig ko pang sumigaw si Lucas.“Hey! Darling, be careful. Baka mamali ka nang hakbang sa pagbaba.” Pero hindi ko na lamang pinansin ang pagsigaw niya dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.Pagbaba ko ay nakita ko ang dalawang pulis. Tumayo silang dalawa at nakipagkamay sa akin. Naramdaman kong umakbay sa akin si Lucas. Umupo kami at nagsimula nang magpaliwanag ang mga pulis. Naglagay pa si Manang ng maiinom at pagkain sa harapan namin.“Ako si Inspector. Ramil. Ako ang nakatoka sa kaso mo Ms. De Vega. Alam kong isang taon na ang nakakalipas pero ngayon lamang namin nahuli ang suspek,” Panimula niya.“Ang pangalan ng suspek ay si Mauricio Velasco. Kahapon namin siya natagpuan sa kaniyang lungga. Pinalitan niya pala ang kaniyang pangalan kaya na
LilieIsang linggo na ang nakalilipas simula ng ma-confine si Lucas pati na rin si Julie. Si Julie ay naaksidente pero hindi naman ganoong malala. Kaya pala hindi namin ma-contact ito noong isang linggo ay may emergency pa lang naganap.Nakulong na si Rina at Mauricio. Hindi ko aakalaing maggagawa sa akin ni Rina ang bagay na 'yon. Kaya pala gano'n na lamang ang trato niya sa'kin ay may binabalak na pala siyang hindi maganda. Hindi ko aakalaing mababaliw si Rina ng dahil lamang sa pag-ibig.Si Rina ay dinala sa mental hospital dahil sa naging kondisyon niya, habang si Mauricio naman ay nasa kulungan na. Nalulungkot ako na nasasaktan sa nangyari kay Rina.Kahit naman may hindi siya magandang ginawa sa akin ay nasasaktan pa rin naman ako. Dahil tinuring ko siyang isa sa matalik kong kaibigan. Lalo na sa Papa niya na labis na nasasaktan ngayon, dahil sa ginawa niya.