Share

Chapter 6: Pain

Author: Hope
last update Last Updated: 2021-08-16 11:42:56

TRIGGER WARNING!

Third Person

Nagising si Lilie na puro kadiliman ang bumungad sa kaniya dahilan para lalo siyang maiyak at manginig sa takot.

Hindi niya namalayang may tumutulong luha na pala sa mata niya, hinayaan niya lamang ito at hindi pinunasan. Mas lalo siyang natakot dahil hindi niya alam kung nasaang lugar siya ngayon. Kung safe ba siya dito o mapagkakatiwalaan ang kumuha sa kaniya.

Gusto niyang tumakas, gusto niyang magtago at huwag na lamang mabuhay dito sa mundong ibabaw. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya para ganituhin siya ng mundo.

Napanaginipan na naman niya ang nangyari sa kaniya ilang linggo na ang nakakalipas. Pakiramdam niya ay na'ndito lamang sa paligid ang lalaki at handang gawin ang ginawa ulit sa kaniya dati.

Napasabunot na lamang ng buhok ang dalaga at napa-hagugol, hindi na niya alam ang gagawin niya. Natatakot siya. Gusto niyang kalimutan ang lahat, pero paano?

Napahiyaw na lamang siya nang may humawak sa kamay niya dahilan para lalo siyang manginig at mas lalo pang nanaig ang takot.

"Lilie, don't be scared," saad sa malumanay na boses ng lalaki at ng tingnan niya ito ay napasinghap siya.

"K-kuya, 'wag mo po akong sasaktan, parang awa niyo na po," natatakot na sambit ng dalaga kaya ngumiti si Lucas.

Gustong-gusto ni Lucas na mawala ang takot ni Lilie sa kaniya. Gustong-gusto niyang magtiwala sa kaniya ang dalaga na wala siyang gagawing masama dito at hindi niya ito sasaktan.

"No, hindi kita sasaktan." At ng hawakan niya ang dalaga ay nagulat siya sa ginawa ni Lilie.

Mas lalo itong nagwala at tinutulak siya palayo, kaya wala ng ginawa si Lucas kundi yakapin ang dalaga para hindi nito masaktan ang sarili.

"Darling, don't be scared. I won't hurt you," bulong ng binata sa dalaga. Pinapakalma niya ang dalaga gamit ang kamay niya na hinahaplos ang likod upang maibsan ang takot at pangamba na nadarama nito.

Kahit ilang beses pa siyang saktan at itulak ng dalaga palayo ay hindi niya ito iiwan. Kahit mahirap ay hindi siya aalis sa tabi ng dalaga.

Kahit ilang beses pa siyang saktan at itulak ng dalaga palayo ay hindi niya ito iiwan. Kahit mahirap ay hindi siya aalis sa tabi ng dalaga. Hindi niya hahayaang matakot at lumayo sa kaniya ang dalaga.

Napatingin siya sa intercom at doon ay nagsalita upang tawagin si Elise, nasa baba kasi ang babae at may ginagawa.

"Elise, umakyat ka na dito. Gising na si Lilie at nagwawala na naman. Kailangan nating pakalmahin siya para hindi niya saktan ang sarili," saad ni Lucas kaya narinig niyang nagmamadali si Elise.

"Alright, I will be there in 1 minute. Please try to calm her, Lucas."

Napatango na lamang ang binata at umalis na sa kaniyang pwesto. Habang hinihintay niya si Elise ay pilit naman niyang pinapakalma ang dalaga. Wala pa nga sa isang minuto ay dumating na ang babae na ngayon ay may dalang syringe.

Napatingin siya kay Elise na pumasok at tinurukan si Lilie ng pampatulog at pampakalma. Dahan-dahang hiniga ni Lucas ang dalaga at kinumutan samantalang si Elise ay lumabas ng kwarto na sinundan naman ng binata.

"How is she?" Pagtatanong ni Lucas kay Elise kaya napahinga ito nang malalim at tumingin sa binata ng deretso.

"She's experiencing psychological trauma that can lead to depression. She's been traumatized because of that experienced. So, we better guide and watch her carefully, Lucas."

"If we can't watch and guide her carefully, the scenario will be more worse than we could imagine."

...

Lilie

Ilang araw na ang nakakalipas nang mangyari iyon at sa loob ng ilang araw na iyon ay palagi kong sinasaktan ang sarili ko.

Pinagmasdan ko ang pulso ko nang makita ko ang mga hiwa rito dulot ng mga pinaggagawa ko sa sarili ko. Bumalik sa alaala ko ang ginawa kong pananakit sa sarili ko, ilang araw na ang nakakalipas.

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko lalong-lalo na ang katawan ko. Nang maaninag ko na ng ayos kung nasaan ako ay bigla na lamang ako napabangon. Nasa isang kwarto ako, kaya bumaba ako sa kama at inilibot ang paningin ko rito.

Nanunuot din sa balat ko ang kalamigan ng aircon. May nakita akong isang pinto kaya pumasok ako at tumambad sa akin ang C.R. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili kong repleksyon.

Sobrang laki nang ipinayat ko at halata pa rin ang mga pasa na nakuha ko. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay unti-unting bumalik sa akin ang lahat.

Kaya napaiyak na lamang ako at napasabunot ako sa buhok. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, lungkot, awa, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakita akong blade at kinuha ito. Hindi ko alam kung bakit ko ito nilapat sa pulso ko at unti-unting hiniwa ito. Nakita ko na lamang ang sarili kong dugo na dumadaloy hanggang sa lababo.

Kaya nanginginig kong ibinaba ang blade at pinagmasdan lamang ang pala-pulsuhan ko na maligo sa sarili nitong dugo. Wala akong maramdaman na sakit, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.

"Jusmiyo! Anong ginagawa mong bata ka?! At bakit may dugo?!" Napatingin na lamang ako sa sumigaw at nakita kong may matandang babae. Nakita kong nasa lapag na rin ang gamit niyang dala. Bago pa ako makapag-salita ay tuluyan ng nandilim ang paningin ko.

Pagkatapos mangyari 'yon ay sunod-sunod ko na itong ginawa ng palihim sa sarili ko. Minsan ay patago kong sinusugatan ang sarili ko, minsan naman ay nahuhuli ako kaya napipigilan nila ako. Pero ngayon ay tinago nila ang mga bagay na matutulis na maaaring ipanakit ko sa sarili ko.

Kaya tumayo ako at naghanap baka sakaling may nakaligtaan silang itago pero wala akong nahanap. Walang blade, gunting o ano pa man. I need to hurt myself because I deserve it. Napalingon ako ng may nagsalita sa likod ko. Nakita ko ang isang babae at nakapang-doctor na damit.

"Finding something?" Pagtatanong niya sa akin kaya umupo ako sa kama habang siya naman ay nasa pinto at nakasandal.

"Something to hurt myself."

"Why are you hurting yourself?"

"Why I am hurting myself? To lessen the pain... the pain that I been feeling right now," saad ko sa mahinang boses at tumingin nang diretso sa mga mata niya. Ilang segundong katahimikan ang nanaig sa amin.

"Sinasaktan mo ang sarili mo because you want to end the pain, right?"

"It's not the pain that I want to end also my life too... I'm tired of living! Sa bawat gabi ayun na lamang ang laman ng panaginip ko." Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako kaya dali-dali ko itong pinunasan. Kitang-kita ko rin ang mga emosyong nakikita ko sa mga mata niya kaya mas lalo pa akong naawa sa sarili ko.

"I know I'm not in your position right now. Ang alam ko lang ay kung ano ang nangyari sa'yo at nararamdaman mo. But I want you to know that there's a hope after the pain that you been encountering right now. Soon you will have your own happiness," huminga siya nang malalim at nagpatuloy.

"Lilie, don't end your life, ang buhay natin ay parang isang libro. Kung ang isang pahina ay masakit sa susunod na pahinang ililipat mo ay puro kasiyahan na ang nakasulat. Don't let your past ruin you and your future," ani ng babae at ngumiti sa akin.

Nang marinig ko 'yon ay natulala na lamang ako. Napailing ako at tumawa nang pagak. Hindi nila alam ang nararamdaman ko.

Nasasabi niya iyan dahil wala siya sa position ko. Wala siyang alam sa nararamdaman ko. Bakit parang ang dali sa kanila na sabihin ang mga ganoong bagay?

Sabagay, wala naman sila sa posisyon ko at wala silang alam sa nararamdaman ko.

...

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang malamig na bagay na tumatama sa mukha ko at ng tingnan ko ay nakabukas pala ang bintana sa tabi ko.

Kaya dahan-dahan akong bumangon at sinara iyon. Tumingin ako sa orasan at nakita kong pasado alas-tres pa lamang ng madaling araw. Hanggang ngayon ay ang bigat pa din ng dibdib ko, nakailang hingang malalim na ako pero wala pa ring nagbago.

Parang may gusto akong gawin sa sarili ko. I want something sharp to cut myself.

Kaya tumayo ako at dahan-dahang lumabas ng silid. Kadiliman ang bumungad, tahimik ang paligid. Kaya kinapa ko ang hawakan ng hagdan at tahimik na bumaba.

Nang makababa na ako ay pumunta ako sa kusina at nakita kong bukas ang ilaw kaya dumiretso ako at kumuha nang kutsilyo. Nanginginig ko itong hinawakan at dahan-dahang nilagay sa pulso ko. Sa una ay dahan- dahan kong sinugatan ang sarili ko pero kalaunan ay pinalalim ko na at ramdam ko na ang sakit.

Kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo sa sahig kaya dahan-dahan kong nilagay ang kutsilyo sa lamesa at pinagmasdan lamang ang pulso kong hiniwa ko.

"The fuck!" napatingin ako sa gilid ko ng may biglang sumigaw. Lalaki siya at nakalongsleeve na red. Natulala ito sa akin pero agad din akong dinaluhan para patigilin ang pagdurugo nang pulso ko.

"Why did you cut yourself again? Paano kung hindi ako dumating agad? Baka nakita nalang kitang walang buhay!" pag-sigaw niya sa akin at hindi ko na maintindihan ang iba dahil unti-unting umiikot ang paningin ko at nahigit ko ang paghinga ko bago bumagsak sa kaniya.

Third Person

Lucas was busy doing all his paperwork at kung papasok ka man sa opisina niya ay pangalan niya agad ang bubungad sa'yo.

Lucas Nixon Montiero

At the age of 30 ay isa na siyang milyonaryo. Dugo at pawis ang inialay niya para mas lalong umangat ang kumpanya nila. Kaya ito siya ngayon kilala sa buong mundo.

Nagkaroon rin siya ng parangal na isa sa pinaka-gwapong milyonaryo sa mundo ng negosyo at siya pa ang nangunguna.

Imagine, sa edad na 30 ay baby face pa rin ang kaniyang mukha. Walang tigyawat o gasgas man lamang, sa isang salita ay perpekto siya.

Akala mo ay nasa edad 20 lamang siya pero hindi at kung hindi mo lang mababasa ang tungkol sa kaniya at sa mga interview.

Napatigil siya sa pagbabasa at pagpirma nang kumatok ang secretary niyang lalaki at nakapasok na pala ito sa loob ng opisina niya.

"Boss, na'ndito na po ang kinuha mong investigator." Kaya sinabihan niyang papasukin ito.

"Have a seat Mr. Villafuente," paga-alok niya ng upuan sa lalaki na agad naman nitong pinaunlakan.

"How's your investigation? Nakuha mo ba ang lahat?"

"Yes Mr. Montiero, my investigation was successful. Nandiyan na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya". Kaya napatango na lamang si Lucas at kinuha ang folder.

"Thank you for this, I will send the money to your bank account, Mr. Villafuente."

Pagkaalis ng investigator ay binuklat niya ang folder at tumambad sa kaniya ang lahat.

Tiningnan niya muna ang picture ng dalaga.

Mahabang buhok na hanggang bewang na kulay itim, katamtaman ang kaputian ng balat, ang ilong ay katamtaman ang katangusan pati na rin ang labi. Ang mata naman ay may pagkasingkit at tama lang ang katawan ng dalaga.

Full name: Lilie De Vega

Age: 19

Blood type: O

Course: Psychology (4th year college student)

Currently studying: La Solidad University (She's a scholarship)

About her parents.

Mother's Name: Andrea Hernandez

Occupation: Secretary in office

Father's Name: Hades De Vega

Occupation: None

Mrs. Andrea De Vega died few months ago because of suicide while Mr. Hades Hernandez was with his woman...

Pagkatapos niyang basahin ang impormasyon tungkol sa dalaga ay napakuyom na lamang siya nang kaniyang palad dahil sa mga nalaman niya.

...

Madaling araw na pero gusto na niyang umuwi dahil sa babaeng iniligtas niya. Gusto na niyang malaman kung ano ang kalagayan ng dalaga dahil sa nalaman niya kay Elise. Kanina raw ay naghahanap ng matatalim na bagay para sugatan na naman daw ang sarili.

Napatingin siya sa orasan at 2:30 na ng madaling araw kaya napaunat siya ng katawan at inayos na niya ang lahat ng gamit niya dahil uwing-uwi na siya. Pagkatapos maisaayos ang lahat ay nagmamadali siyang bumaba at sumakay na sa sasakyan niya.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakarating na siya sa bahay nila at pagpasok ay nakita niyang bukas ang ilaw sa kusina. May anino nang tao kaya pinuntahan niya ito at nagbabaka-sakaling si Manang pero nagulat na lamang siya nang iba ang makita niya.

Si Lilie na sinugatan na naman ang sarili kaya kitang-kita niya ang pagtulo ng dugo sa sahig dahilan para mapamura at napatingin dito ang dalaga.

Natulala siya saglit pero agad niya itong dinaluhan at itinali nang panyo ang pulso nang dalaga upang mapatigil ito sa pagdurugo. Nagsasalita siya ngunit nabigla na lang ito nang bumagsak ito sa kaniya.

"Lilie!" Sigaw niya sa pangalan ng dalaga na agad din naman niyang binuhat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Special Chapter

    LilieNang basahin ko ang sulat sa akin ni Lucas ay naiiyak na lamang akong napatingin kay Julie."Kaya ba hindi ako pinapansin ni Lucas dahil dito?" Pagtatanong ko kay Julie na ngayon ay nakatingin lamang sa akin habang nakangiti.Dahan-dahan siyang tumango at sumagot, "Oo, that's the only way para hindi mo mapansin ang mga pinaplano ni Lucas para sa'yo. And I'm sorry for that, Lilie.""Para kayong mga ewan. Ginawa niyo na namang akong tanga. Bakit ganiyan kayo?!" Natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya.“Si Lucas ang nakaisip niyan, bilang kapatid niya. Sumunod na lang ako sa utos niya. Sayang 'yong libre niya sa akin na pang-isang buwan,” bulong niya sa akin kaya inirapan ko siya.Napatingin kami sa isang guard na ngayon ay nakatayo sa harapan namin na tila ay hinihintay pa kami.“Ma'am Juli

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Epilogue: Part 2

    LucasTime flies so fast. Tuluyan ng naka-recover si Lilie and I am the most happiest person in the world when she's back to the old Lilie that I knew.Pero sa araw-araw na pananatili niya dito sa akin at magkasama kaming dalawa. Alam kong sa sarili kong iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot lang ako na umamin.For so many years of waiting for her and wanted to see her again. I'm afraid to confess to her. Whenever she's around, she always makes my day. She always makes me laugh, smile, and feel comfortable with her.Every time I feel exhausted, she's always there to lighten up my mood and day. Whenever everything feels wrong, she's always saving me even though she never knew it. For me, when everything feels wrong, she's the one who will make it right.All I can say is... she's always saving me from all the problems I have, from all the circumstances that I'm facing. Basta, ang alam ko lang mahal ko siya.Pinagkati

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Epilogue: Part 1

    LucasI'm a mess, I don't know where to go. My mind is in a mess right now. I'm like a puzzle who are finding his missing pieces, until now.I don't know what to do in my life right now, I can't see where the right path and light is. I don't know where the hope they are saying. All I can do is to stare at the river whenever I want to jump in.I'm in a mess.My mind are in darkness.Can someone save me?I feel like I am a lost puppy who are waiting for his owner to find me. I stare at the sky and smiled. All my life, all I can do is to take care of everything, all I can do is to pursue everything they want.They say, my life is perfect, our life is perfect. But they are wrong, I'm wrong. I thought too that our life is perfect but it was not, until my parents died.Noong mga panahon na 'yon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta,

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 35: Surprise

    Lilie"Pagod ka na ba sa akin, Lucas?" Mahina kong tanong at alam kong narinig niya dahil gumalaw siya ng kaunti. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ko masambit ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya."L-lucas..." Tanging pangalan niya lamang ang nasambit ko at hinihintay ang sagot niya. Nagsimula na ring magtubig ang mata ko. Kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya itong tanggalin na tila'y napapaso siya sa paghawak ko."Magpahinga ka na Lilie, saka na lang tayo mag-usap," malamig niyang saad kaya tumango ako at umatras ng tatlong hakbang papalayo sa kaniya."S-sige, kapag hindi ka na pagod Lucas," piyok kong saad at pinanood ko lamang siya na umalis sa harapan ko. Tuluyan na akong humagulgol ng mawala na siya. Hindi m

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 34: Pagod

    LilieMinsan sa buhay natin may mga taong aalis sa tabi natin na hindi natin aasahan. Minsan naman may bumabalik pero 'yung iba? Hindi na muling babalik pa sa buhay natin.Magugulat na lang tayo isang araw, wala na sila sa tabi natin. Ang masakit pa, kung kailan nakasanayan na nating naandito sila palagi sa tabi natin saka pa sila mawawala na parang bula.Mahirap kalimutan ang isang taong minahal mo kahit sa sandaling panahon lang ang binigay sa inyo. Pero minsan kailangan tanggapin na may mawawala sa buhay natin kahit sobrang sakit.Kailangan nating magpaalam kahit ayaw pa natin, kailangan nating tanggapin kahit masakit sa puso natin at higit sa lahat, kailangan natin maging matatag kahit mahirap.Ako? Kung ako ang tatanungin... noong mawala si Mama sa tabi ko ay sobrang hirap, isama mo pa ang sarili ko. Pero akala ko wala na pa lang mas sasakit pa doon. Meron p

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 33: Gone

    Lilie“Papa,” umiiyak kong saad at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya nang makita niya ako.Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. “Lilie, anak. Patawarin mo si Papa,” umiiyak na rin siya katulad ko.“P-papa, matagal na po kitang pinatawad, napatawad na po kita. Wala ka na pong kasalanan sa akin,”saad kong muli pero umiling lamang siya at nagpatuloy.“Patawarin mo ako, Lilie... pinatay ko ang Mama mo.” Dahil sa sinabi niya ay naguluhan ako. Ano ang ibig sabihin ni Papa? Anong pinatay niya si Mama?“Pa, hindi niyo po kasalanan 'yon.” Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Papa.“Pinatay ko ang Mama mo, kung hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status