TRIGGER WARNING!!!
Lilie
I don't know why I'm still here in this world. I mean, after all the pain that they gave to me I will wake up everyday just to suffer and make myself miserable and worthless.
Napatingin ako sa pala-pulsuhan ko nang makitang may benda na naman ito. Inalala ko ang nangyari kagabi at natawa na lamang. Bakit sa tuwing sinasaktan ko ang sarili ko ay nandiyan siya palagi sa akin.
Unti-unti kong tinapak ang mga paa ko sa sahig at pumunta sa banyo para tingnan muli ang sarili ko. Dahan-dahan kong hinarap ang sarili ko sa salamin at natulala na lamang.
Kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa akin, mula sa mukha hanggang sa katawan kong namayat talaga. Pakiramdam ko, sa bawat araw na dumadaan ay nagiging pabigat na lang ako sa mga taong tumulong sa akin. Pakiramdam ko wala akong kwenta, walang pakinabang sa mundo.
Pakiramdam ko, sinasayang ko lang ang oras at panahon nila sa akin, mga oras nila na handa silang tulungan ako pero miski ang sarili ko ay hindi ko maggawang tulungan.
Wala akong kuwenta dahil dahil hinayaan kong kitilin ni Mama ang sarili niya at alam kong kasalanan ko 'yon.
Kung maiibabalik ko lang ang oras kung saan may tapang akong sabihin kay Mama ang lahat, siguro hindi umabot sa gan'to. Kung maiibabalik ko lang ang gabing ginawa sa akin ang kababuyan na 'yon, siguro hindi ako mahihirapan ng ganito, siguro kung tumakbo ako noong oras na 'yon, makakaligtas pa ako.
Kung maiibabalik ko lang ang oras, siguro... hindi ko mararanasan ang maging ganito. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat.
Hindi ko namalayang nasuntok ko ang salaming nasa harapan ko. Napasigaw ako sa sakit hindi dahil sa mga bubog na bumaon sa mga kamay ko kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko para sa sarili ko.
"I'm useless," paulit-ulit kong sinasambit sa sarili at hindi ko namalayang may yumakap sa akin dahilan para lumakas lalo ang pag-iyak ko.
"I'm a useless person who doesn't deserve to live!"
Third Person
Seryosong nag-uusap ang dalawa, si Lucas at Elise. Pinaguusapan na naman nila ang kondisyon at ginawa ng dalaga.
"She's hurting herself again and again at para hindi na niya gawin iyon ay kailangang may tumulong sa kaniyang iparamdam na may halaga ang buhay at sarili niya. And I know that you're the one who will help her, Lucas," sabi sa kaniya ni Elise kaya napatingin siya rito.
"Naghihisterikal nga siya kapag may lalaking lumalapit sa kaniya at humahawak", sagot naman ng binata dahilan para tumawa ang pinsang kausap niya.
"Then prove to her na hindi mo siya sasaktan. That's why I choose and trust you Lucas. Alam kong ikaw ang magiging way para ibalik ang tiwala at halaga niya sa sarili at sa ibang tao."
...
After Lucas and Elise talk about the condition of Lilie. Lucas decided to visit the woman in her room. Pagpasok niya ay nakita niyang wala sa higaan ang dalaga kaya dahan-dahan siyang pumasok at nakita niya itong nasa c.r at umiiyak.
Gusto niyang lapitan ang dalaga at yakapin, nasasaktan siya, nasasaktan siya para sa dalaga. Gusto niyang yakapin ito para maibsan ang sakit na nadarama ng dalaga.
Lucas was stunned when he witness the next scene, nakita niyang sinuntok ng dalaga ang salamin, kitang-kita niya ang pagsigaw at pagdaloy ng dugo mula sa kamay ng dalaga.
Kaya napatakbo si Lucas papunta sa dalaga at hindi nagdalawang isip na yakapin ito. Mas lalong napaiyak ang dalaga at nagpupumiglas ito sa kaniya kaya mas lalo niya pa itong niyakap ng sobrang higpit.
"Bitawan mo ako! I'm useless! I'm useless to this fucking world!" Sigaw ng dalaga dahilan para mapaupo sila sa sahig ng banyo. Iyak lamang ng iyak ang dalaga habang nakasandal sa kaniyang dibdib.
"I'm useless, I'm useless"
Ayan ang paulit-ulit na sinasambit ng dalaga sa kaniyang sarili habang ang binata naman ay tinataliwas ang lahat ng ito.
"No, you're not useless Darling. You're worth it. Please, please stop hurting yourself again. You're hurting, I'm hurting. Please, let me heal you," sambit niya sa dalaga dahilan para kumalma ito.
Tanging malalalim na paghinga na lamang nilang dalawa ang naririnig ngayon sa banyo. Rinig pa rin ni Lucas ang mumunting hagulgol ni Lilie.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago tumayo si Lucas na buhat-buhat si Lilie at pagtingin niya ay nakatulog na pala ito. Kaya dahan-dahan niya itong nilagay sa kama at siya namang pagdating ni Elise na nagulat sa nasaksihan niya.
"Did she hurt herself again?" Tanong niya sa binata kaya napatingin ito sa kaniya habang kinukuha ang medical kit upang gamutin ang sugat ng dalaga. Habang ginagamot naman ni Lucas si Lilie ay nililinis naman ni Elise ang mga basag na salamin.
"Lucas, magpalit ka muna ng damit mo, may mga mantsa pa kasi ng dugo."
"No, dito muna ako sa tabi niya baka kasi may gagawin na naman siya."
"Ako muna ang magbabantay sa kaniya, huwag kang mag-alala," mahinahong saad ni Elise kaya nagdadalawang isip si Lucas at umalis na para magpalit ng damit.
Lilie
Pagkagising ko ay may nakahanda ng pagkain sa tabi ko. Tocino at sinangag ang nakalagay sa plato at may mansanas pa na nakalagay rin dito.
"Kumain ka muna, para bumalik ang lakas mo." Napatingin ako sa lalaking nagsalita na lamang bigla.
Napatitig ako sa mukha niya, mula sa ilong, labi,at napatigil ako sa mata niyang black ang kulay. Mga ilang segundo ko lamang siyang tinitigan at muling umiwas. Maputi rin pala siya, masasabi kong magandang lalaki siya.
Nakasandal siya sa pintuan habang nakatingin sa akin ng seryoso. Bigla na lamang itong lumapit sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Kinuha niya ang pagkain ko at nilagay sa tabi ko, nakatingin lamang ako sa kaniya habang inaayos ang pagkain ko. Ang alam ko pamilyar siya sa akin.
Tumingin muna siya sa akin bago magsalita. "You should eat, Lilie. Para manumbalik ang lakas mo, tingnan mo ang payat mo na." Hindi ko pinapansin ang sinasabi niya pinaga-aralan ko lang mabuti ang mukha niya. Alam kong nakita ko na siya.
Biglang nanlaki ang mata ko nang maalala ko kung sino siya. Siya 'yung lalaking pinakita sa akin ni Alexandra!
"L-lucas." Hindi ko namalayang nasambit ko ang pangalan niya kaya napatingin ito sa akin.
"Kilala mo na pala ako," saad niya at ngumiti sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil kinilig ako, dahil sa kabang nararamdaman ko ng magsalita siya. Nakaramdam agad ako ng pagkapahiya.
"Ha?" Tanging nasabi ko na lamang.
"Ha? Kumain ka na," Pambara niya sa akin at hindi sinasadyang mahawakan ang kamay ko. Kaya nanlaki ang mata ko at biglang inagaw ang kamay ko mula sa kaniya dahilan para mapalayo siya sa akin ng kaunti.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang hawakan ka," saad niya sa'kin habang nakatingin sa akin ng diretso kaya huminga ako nang malalim at ngumiti ng tipid sa kaniya.
Lilie, kalma hindi ka niya sasaktan.
Habang kumakain ako ay nakatingin lamang siya sa akin kaya naiilang ako at the same time ay hindi rin mapakali. Siguro ay nahalata niyang hindi ako komportable kaya umayos siya at nagsalita.
"Kung may kailangan ka, pumunta ka lang sa kwarto ko na katapat ng kwarto mo. Just knock on my door and tell it to me," habilin niya at sinarado na ang pinto. Kaya binaba ko ang kutsara ko at natulala na lang sa pintong pinaglabasan niya.
Anong ginawa ko para pagtiyagaan nila ang isang katulad ko? Hindi ba sila napapagod sa akin? Kasi ako, pagod na pagod na minsan sa sarili ko.
...
Kinabukasan ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na kaharap ang taong tutulong sa akin upang mahuli ang gumawa sa akin niyon. Katulad ko ay diretso ang pagkakatitig ko sa kaniya.
"I'm Detective Lee. I'm here to help you. You can trust me, Lilie." Panimula niya pero siniksik ko lamang ang sarili ko sa sofa nang akmang lalapit siya sa akin. Nakita ko naman ang awa sa mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin.
Huwag mo akong kaawaan, lalo akong naaawa sa sarili ko.
"This is my daughter, Asha. She experienced that too and as a father of a rape victim... I'm here to help and give you justice, Lilie. Nawala ang anak ko, ayokong may mawala pang iba." I can feel the sincerity in his voice.
Kaya pumikit ako ng mariin at pilit kong ibinuka ang nanginginig kong mga labi. "Uwian na namin noong gabing 'yon. I was peacefully walking through my home and didn't mind the chilly night because I knew to myself that I'm safe... but I was wrong." Tumigil ako sa pagsasalita at pumikit ng mariin dahil bumalik sa akin ang lahat.
"Someone grab me. Dinala niya ako sa talahiban kung saan walang makakarinig sa akin. Malaki siyang tao, may bigote. Medyo malaki ang mata na pulang-pulang, mahaba ang buhok. That man... that man ruined me. He ruined me!" Hagulgol kong saad at mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa sofa.
Kitang-kita ko naman ang pagiging alerto ng lalaki dahil sa ginawa ko. He remained in his chair and listen to me carefully. Kaya nagpatuloy ako kahit sobrang sakit. Gusto kong ilabas ang pakiramdam na ito.
"He ruined me. Pagkatapos niyon ay binaril niya ako. Akala ko mamamatay na ako ng gabing 'yon pero may dumating. Kaya ang ginawa ng lalaking 'yon ay basta-basta na lang niya inilagay sa gitna ng kalsada, iniwan niya akong nag-aagaw buhay ng mga oras na 'yon." Tumigil ako saglit at napatingin sa lalaking seryosong nagbabantay sa akin. Kitang-kita sa salamin kung paano siya maging alerto sa kung ano man ang mangyari sa akin.
"Someone saved me that night. He saved and that was him." Saad ko habang nakatitig sa lalaking diretso rin ang pagkakatitig sa akin kaya napunta naman sa kaniya ang atensyon ni Detective.
"I promise that we will give justice to you, Lilie. You deserve a justice."
...
Nagdaan ang ilang araw ng matapos ang pag-uusap namin ng Detective na 'yon. Nakayuko lamang ako habang nagdu-duyan, napatingin ako sa gilid ko ng tumabi sa akin, si Lucas. Nakangiti siya sa akin kaya iniwas ko ang pagtitig ko sa kaniya.
"Hi," bati niya kaya muli akong tumingin sa kaniya, nilayo ko nang kaunti ang sarili ko dahil naiilang pa ako sa kaniya.
"H-hi," naautal kong salita at tumahimik muli ang paligid. Naandito kami ngayon sa garden nila.
Ang laki ng bahay niya, mansion na yata ito, eh. Ang babait pa ng mga tao rin dito. Kahit mailap ako sa kanila ay kinakausap pa rin nila ako at lagi akong kinu-kumusta.
Hindi ko alam kung deserve ko ba ang ginagawa nila sa akin. Pakiramdam ko kasi ay pabigat lamang ako sa kanila. Lalo na kay Lucas, alam kong siya ang mas nahihirapan kaya nahihiya ako.
Gusto ko mang magpasalamat at mapalapit sa kanila pero palagi akong pinangungunahan ng takot at pangamba. Gusto ko ng umalis sa ganitong pakiramdam na puro takot at pangamba ang lagi kong iniisip sa mga taong nasa paligid ko.
Paano ako gagaling at magiging matatag kung hindi ko tutulungan ang sarili ko at nakaasa lamang sa kanila. Kung puro problema na lamang ang iniisip ko at hindi ang magagandang bagay.
"Lilie," pagtawag niya sa akin kaya tumingin muli ako sa kaniya, hinihintay ang gusto niyang sabihin. Nagulat na lamang ako sa sinabi niya sa akin.
"Ang ganda mo."
LilieNang basahin ko ang sulat sa akin ni Lucas ay naiiyak na lamang akong napatingin kay Julie."Kaya ba hindi ako pinapansin ni Lucas dahil dito?" Pagtatanong ko kay Julie na ngayon ay nakatingin lamang sa akin habang nakangiti.Dahan-dahan siyang tumango at sumagot, "Oo, that's the only way para hindi mo mapansin ang mga pinaplano ni Lucas para sa'yo. And I'm sorry for that, Lilie.""Para kayong mga ewan. Ginawa niyo na namang akong tanga. Bakit ganiyan kayo?!" Natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya.“Si Lucas ang nakaisip niyan, bilang kapatid niya. Sumunod na lang ako sa utos niya. Sayang 'yong libre niya sa akin na pang-isang buwan,” bulong niya sa akin kaya inirapan ko siya.Napatingin kami sa isang guard na ngayon ay nakatayo sa harapan namin na tila ay hinihintay pa kami.“Ma'am Juli
LucasTime flies so fast. Tuluyan ng naka-recover si Lilie and I am the most happiest person in the world when she's back to the old Lilie that I knew.Pero sa araw-araw na pananatili niya dito sa akin at magkasama kaming dalawa. Alam kong sa sarili kong iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot lang ako na umamin.For so many years of waiting for her and wanted to see her again. I'm afraid to confess to her. Whenever she's around, she always makes my day. She always makes me laugh, smile, and feel comfortable with her.Every time I feel exhausted, she's always there to lighten up my mood and day. Whenever everything feels wrong, she's always saving me even though she never knew it. For me, when everything feels wrong, she's the one who will make it right.All I can say is... she's always saving me from all the problems I have, from all the circumstances that I'm facing. Basta, ang alam ko lang mahal ko siya.Pinagkati
LucasI'm a mess, I don't know where to go. My mind is in a mess right now. I'm like a puzzle who are finding his missing pieces, until now.I don't know what to do in my life right now, I can't see where the right path and light is. I don't know where the hope they are saying. All I can do is to stare at the river whenever I want to jump in.I'm in a mess.My mind are in darkness.Can someone save me?I feel like I am a lost puppy who are waiting for his owner to find me. I stare at the sky and smiled. All my life, all I can do is to take care of everything, all I can do is to pursue everything they want.They say, my life is perfect, our life is perfect. But they are wrong, I'm wrong. I thought too that our life is perfect but it was not, until my parents died.Noong mga panahon na 'yon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta,
Lilie"Pagod ka na ba sa akin, Lucas?" Mahina kong tanong at alam kong narinig niya dahil gumalaw siya ng kaunti. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ko masambit ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya."L-lucas..." Tanging pangalan niya lamang ang nasambit ko at hinihintay ang sagot niya. Nagsimula na ring magtubig ang mata ko. Kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya itong tanggalin na tila'y napapaso siya sa paghawak ko."Magpahinga ka na Lilie, saka na lang tayo mag-usap," malamig niyang saad kaya tumango ako at umatras ng tatlong hakbang papalayo sa kaniya."S-sige, kapag hindi ka na pagod Lucas," piyok kong saad at pinanood ko lamang siya na umalis sa harapan ko. Tuluyan na akong humagulgol ng mawala na siya. Hindi m
LilieMinsan sa buhay natin may mga taong aalis sa tabi natin na hindi natin aasahan. Minsan naman may bumabalik pero 'yung iba? Hindi na muling babalik pa sa buhay natin.Magugulat na lang tayo isang araw, wala na sila sa tabi natin. Ang masakit pa, kung kailan nakasanayan na nating naandito sila palagi sa tabi natin saka pa sila mawawala na parang bula.Mahirap kalimutan ang isang taong minahal mo kahit sa sandaling panahon lang ang binigay sa inyo. Pero minsan kailangan tanggapin na may mawawala sa buhay natin kahit sobrang sakit.Kailangan nating magpaalam kahit ayaw pa natin, kailangan nating tanggapin kahit masakit sa puso natin at higit sa lahat, kailangan natin maging matatag kahit mahirap.Ako? Kung ako ang tatanungin... noong mawala si Mama sa tabi ko ay sobrang hirap, isama mo pa ang sarili ko. Pero akala ko wala na pa lang mas sasakit pa doon. Meron p
Lilie“Papa,” umiiyak kong saad at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya nang makita niya ako.Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. “Lilie, anak. Patawarin mo si Papa,” umiiyak na rin siya katulad ko.“P-papa, matagal na po kitang pinatawad, napatawad na po kita. Wala ka na pong kasalanan sa akin,”saad kong muli pero umiling lamang siya at nagpatuloy.“Patawarin mo ako, Lilie... pinatay ko ang Mama mo.” Dahil sa sinabi niya ay naguluhan ako. Ano ang ibig sabihin ni Papa? Anong pinatay niya si Mama?“Pa, hindi niyo po kasalanan 'yon.” Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Papa.“Pinatay ko ang Mama mo, kung hindi