MasukMARIANNakita ko si Lea mula sa rearview mirror na tumatakbo palabas ng gate ng mental hospital, halos madapa sa pagmamadali habang yakap-yakap ang bag niya. Napangisi ako.There she is. Mukhang buhay pa naman. Alam kong kinakabahan siya, kitang-kita sa galaw niya. Pero at the same time… she did it.Pagbukas pa lang niya ng pinto ng kotse, halos nasigaw na agad siya.“Nabigay ko na kay Miranda yung smart watch! At Hindi siya baliw, matinong matino ang isip niya.”Hindi ko na siya pinatagal pa. Agad kong pinaandar ang kotse, mabilis pero kontrolado. Ayokong tumambay pa doon dahil masyadong risky.“Good,” sagot ko, diretso lang ang tingin sa kalsada. “At least marunong ka pa ring sumunod sa instructions.”“Grabe ka naman,” reklamo niya, napasandal sa upuan. “Hindi biro yung ginawa ko, ha. Halos hindi ako papasukin nung mga guard. Buti nalang dati akong extra sa mga movies. Nagamit ko yung mga acting skills ko.”Napangisi ulit ako.“Pero pinapasok ka pa rin,” sabi ko. “That’s what matter
LEANang mabalitaan ni Marian na inilipat na si Miranda sa isang mental hospital, parang wala lang sa kanya noong una pero kilala ko siya. Malamang ay may iniisip na naman siyang plano.Nasa loob kami ng kotse niya at naka parked sa gilid ng kalsada, medyo madilim dahil palubog na ang araw. Tahimik lang ako habang siya, parang may sariling mundo. Hanggang sa hindi ko na napigilan.Napailing ako at napabuntong-hininga.“Alam mo, Marian, kapag pumasok ka diyan… aakalain na ikaw si Audrey. What if someone recognizes you? What if tawagan nila si Mr. Lincoln? Mabubuking agad yang pang gagaya mo kay Audrey.”Hindi siya agad sumagot. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, tapos… ngumisi.Yung ngising ‘yon? Hindi ko gusto.“Hindi ba, Lea, sabi mo ay gusto mo makabawi sa lahat ng utang mo sa akin?”Parang may kumurot sa sikmura ko. Napakagat ako sa labi ko, hindi agad nakasagot.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, kahit alam ko na kung saan papunta ‘to.“Simple lang,” sagot niya. “Ikaw ang pap
MIRANDADinala na nga nila ako sa mental asylum parang bangkay na walang kalaban-laban, tahimik na tinutulak sa isang lugar na hindi ko alam kung bilanggo ba ako o pasyente. Wala akong nagawa kundi sumunod habang pinapalitan nila ang damit ko.From my own clothes… to this. Isang puting patients uniform. Malinis, oo. Pero para sa akin, parang may kahulugan iyon na hindi ko matanggap parang tinatanggalan nila ako ng pagkatao.Napalunok ako habang tinitigan ko ang sarili ko. May maliit na tatak sa dibdib ng damit.“Patient 610…” bulong ko.Pagkatapos nila akong bihisan, iniwan nila ako sa isang kwarto. Doon ko napansin na sobrang tahimik.Hindi ito yung inaasahan kong lugar.Sa isip ko, dapat maingay. May sumisigaw, may tumatawa ng baliw, may umiiyak. Pero wala. As in wala. Parang ang buong lugar ay sinadyang lunukin ang lahat ng tunog. Nakakabingi ang katahimikan.“Bakit ganito…?” mahina kong sabi habang dahan-dahan akong pumasok sa loob.Sinara nila ang pinto sa likod ko. Narinig ko yu
ShaneNagkatinginan kami ni Kevin sa loob ng courtroom, parehong iniisip na this is not normal. Hindi ito simpleng hearing. Hindi ito basta emergency trial lang. Kilala ko si Miranda, at kung may isang bagay na sigurado ako, hindi siya gagalaw nang walang plano.Kanina lang, tinawagan ako ng abogado ko, “Sir Shane, may emergency hearing po tungkol kay Miranda. There’s a motion to reassess her mental condition.” Hindi na ako nagdalawang-isip, agad akong umalis at pumunta dito, kahit alam kong may posibilidad na isa na naman itong pakulo.At habang pinapanood ko siya ngayon—yung pag-iyak, yung pagturo sa akin, yung biglang pagtawa—lalo lang tumitibay ang hinala ko.Hindi siya baliw.Hindi siya nawawala sa sarili.She’s performing.“Sir,” bulong ni Kevin sa tabi ko, bahagyang yumuko para hindi marinig ng iba, “siguro kung ililipat man siya sa mental facility, pwede naman natin siguraduhin na hindi siya makakatakas. We can hire our own security 24/7.”Napabuntong-hininga ako, hindi ko aga
MIRANDANakatulala lang ako habang nakaupo sa gitna ng courtroom, parang wala akong pakialam sa kahit anong nangyayari sa paligid ko, pero sa totoo lang, bawat salita na binibitawan nila ay malinaw kong naririnig at iniipon sa loob ng isip ko.Dinala ako rito dahil sa natakot ang mga pulis ng makita akong kinakain ang dala ni Marian na pasalubong.Ang mga abogado, mga doktor, pati ang judge—lahat sila abala sa pagdedebate kung baliw na ba talaga ako o nagkukunwari lang.“Your Honor,” sabi ng isang abogado habang tumatayo, “the behavior of the accused clearly shows signs of severe mental instability. Hindi normal na kumain ng daga at ipis ang isang tao, lalo na sa harap ng mga awtoridad. This is beyond manipulation—it’s psychological deterioration.”Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko. Instead, pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko, nakatitig lang sa sahig na parang wala akong naiintindihan.Ngunit bago pa man tuluyang mapunta sa side nila ang simpatya ng korte, tumayo naman ang
MIRANDAHindi ako pwedeng magkamali.Nakatingin ako sa direksyon ng hallway kung saan siya lumabas, habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Yung babaeng naka-disguise bilang Audrey… hindi lang basta kahawig. Hindi lang simpleng impersonation. May something sa boses niya, sa tindig niya, sa paraan ng paggalaw niya na parang sinadya niyang kontrolin lahat para hindi mabuko.Pero ang tumama sa akin nang tuluyan…yung boses niya.Hindi iyon si Audrey.At hindi rin ito basta ibang tao.“Marian…” bulong ko, biglang nanlamig ang buong katawan ko.Ibig sabihin… tama ang hinala ko. Ginaya niya si Audrey. Kinuha niya ang mukha nito. Ginawa niyang sandata.Napakuyom ako ng kamao ko habang nakaupo pa rin sa visitation chair, pilit pinipigilan ang sarili ko na mag-panic. Pero sa loob ko, gumugulo na ang lahat. Hindi ito simpleng plan. Hindi ito simpleng revenge. Mas malalim ito.Mas delikado.Mas personal.“Hindi…” bulong ko sa sarili ko, nanginginig ang panga ko. “Hindi pwedeng mangyari ‘to…
AudreyPagmulat ko kinabukasan, ramdam ko agad na parang umiikot ang paligid. Mabigat ang ulo ko, parang kulang ako sa tulog, kahit ang totoo sobrang pagod ako kagabi. Umupo ako dahan-dahan sa kama at pinisil ang sentido ko. Tahimik lang ang buong bahay, rinig ko lang yung mahinang ugong ng electri
Miranda Tahimik ang buong kwarto nang dahan-dahang nagsara ang pinto. Narinig ko pa ang click ni Mama—nilock niya talaga, siniguradong walang makakapasok. Nakahiga pa rin ako sa kama, nakapikit, kunwari wala pa ring malay. Talang kinarir ko sa pag-acting.“Okay na,” mahina pero malinaw na sabi ni
AUDREYNagulat ako ng makita na kumakatok si Andrea at ang asawa nitong si Kevin sa bahay namin ng dis oras ng gabi kaya agad akong lumabas.“Sir, Ma’am? Bakit po?” tanong ko.“Audrey, pasensya ka na at naabala namin ang tulog ninyo, pero inutos kasi ni Mr. Lincoln na kunin kayo ngayon at dahil sa
SHANEPagpasok ko sa hospital room, parang biglang bumigat yung mundo ko. Ang lamig sa loob. Ang tahimik. Yung ilaw sa kisame puting-puti, sobrang linaw na halos masakit sa mata, pero kahit ganun, mas nangingibabaw yung bigat sa dibdib ko.Nakita ko si Miranda sa kama—maputla, naka-oxygen, may naka







