Audrey“Si Andrea ang mag o-orient sa’yo, at dun ang magiging desk mo,” sabi niya ulit.Sinundan ko ng tingin ang daliri niya at nakita na sa sulok para may cubicle. Hala! Magkasama kami sa loob?“Sigurado po kayo sir?” maang na sabi ko.Seryoso naman niya ako tinignan, “Why?”“Magsasama po tayo este magkasama po tayo sa loob ng office?” tanong ko.“You will be my executive secretary, gusto ko ay isang tawag lang ay makakasagot ka na, so what’s the matter?” balik niyang tanong.May point naman siya.“W-Wala po sir.”Pinindot niya ang telepono saka tinawag si Andrea, “Orient Audrey.”“Yes, sir.”Mabilis na sagot ni Andrea saka pumasok sa loob, “Miss Audrey, dito muna tayo sa labas.”Tumango ako ay akma ng lalabas ng mapatingin kay Mr. Lincoln, “S-Salamat po sir.”Hindi ito sumagot pero tumango, nakahinga ako ng malalim paglabas sa opisina niya, napangiti naman si Andrea.“Ang gwapo ni Mr. Lincoln diba?” natatawang sabi nito.“Ah, o-oo, sakto lang,” sagot ko.“May boyfriend ka na ba? As
Last Updated : 2025-09-12 Read more