로그인LILY’S POVNapalingon ako. Nakadilat na siya. Nakatingin siya sa amin na parang naguguluhan.“Anong nangyayari rito?”“Wade!” Mabilis akong lumapit sa kaniya, halos mahulog ang cell phone ko sa sahig. “May lalaking pumasok at may tinurok siya sa IV mo! Akala ko—”Pero bago ko pa matapos, narinig kong napahawak siya sa ulo niya at napakunot ang noo. “Kelvin?” tawag niya, medyo garalgal ang boses. “Bakit ka nasa sahig?”Natigilan ako. “Ano? Kilala mo siya?” Napalingon ako ulit sa lalaki – siya ‘yong tinutukan ko kanina. Nakaupo siya ngayon sa sahig at nag-aayos ng puting coat na gusot-gusot na dahil sa pagkakahila ko sa kaniya kanina.“Teka lang,” sabi ni Wade, pilit umuupo sa kama. “Lily, anong ginawa mo kay Kelvin?”Napakunot ang noo ko. “Kaibigan mo siya?” “Oo!” sagot ni Wade, halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa eksena. “He’s my friend and he's the Vice President of this hospital.”Para akong binuhusan ng malamig na tubig.“A-Ano?” “VP siya rito,” ulit ni Wade, mas malinaw
LILY'S POV Kakaupo ko pa lang sa tabi ng kama ni mama nang biglang tumunog ang cell phone ko. Pagtingin ko, pangalan ni Alena ang lumabas sa screen.“Hello?” “Lily!” halos sigaw niya sa kabilang linya. Ramdam ko agad ang kaba sa boses niya. “Nasaan ka ngayon?” “Sa hospital. Dito kay mama. Bakit?” “Makinig ka,” mabilis niyang sabi, halatang nagmamadali. “Kumakalat na sa social circle ng mga investors at shareholders ang tungkol kay Wade. Na nalason daw siya. Hindi ko alam kung paano lumabas ang impormasyon pero nag-viral sa mga group chat ng mga may-ari ng kumpanya.”Napahigpit ang hawak ko sa telepono. “Ano? Paano nila nalaman?” “Hindi ko alam. Pero ang mas masama, Lily…” Tumigil siya sandali, parang nag-aalangan. “Maraming nagagalit. Hindi lang sa kaniya bilang CEO, kung hindi pati na rin sa mga desisyon niya sa kumpanya. May mga nagsasabing dapat na siyang palitan. At may mga tao—” “May mga tao na ano?” halos hindi ko na marinig ang sarili ko sa galit. Ang kapal nilang lahat p
LILY'S POVTumunog ang cell phone ko habang nasa banyo ako. Napatingin ako, at agad kong nakita ang pangalan sa screen."Dr. Ramos (Mama’s Doctor)"Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko. May nangyari ba kay mama? Agad kong sinagot ang tawag.“Hello, Doc?” “Lily,” mahinahon pero mabilis ang tono ni Dr. Ramos. “P'wede ka bang makapunta ngayon dito sa facility? May kailangan lang tayong pag-usapan tungkol sa mama mo.”Tumigil ako sa paggalaw. “May nangyari ba sa kaniya?” “Wala namang masama pero kailangan ko ng pahintulot mo. Ililipat na kasi siya sa bagong ward.”Napakunot ang noo ko. “Bagong ward? Bakit po?” “Mas magiging maayos doon ang treatment niya. May bagong program ang hospital para sa mga pasyenteng nangangailangan ng close monitoring. VIP ward na siya.”“VIP?” halos hindi ako makapaniwala. “Doc, baka may pagkakamali. Hindi ko po inaprubahan ‘yon at wala akong binitiwang malaking halaga para maili—” “Mas mabuti kun
Wade's POV “Wade…” tawag muli ni Lily sa akin. “Hindi ko sinasabing tapos na ang lahat,” putol ko, diretso ang tingin. “Pero… salamat.”Hindi ako madalas nagpapasalamat. Kahit kay Wayne na assistant ko ay hindi ko naman talaga pinapasalamatan. Pero kapag si Lily ang kaharap ko ay kusang lumalabas ang salitang ‘yon sa bibig ko.Tahimik lang siya. Ilang segundo, walang gumalaw hanggang sa marahan siyang tumango. “Walang anuman.”Nagtagal kami sa gano’ng katahimikan. Dalawang taong parehong sugatan, parehong hindi alam kung saan magsisimula. At sa labas, unti-unting sumikat ang araw, tumatama ang liwanag sa mukha niya, at sa unang pagkakataon mula nang magising ako, naisip kong baka hindi pa nga tuluyang huli ang lahat.“Uy, buhay na pala si master.”Si Wayne iyon, nakangisi at may bitbit pang kape, pero halatang hindi rin nakatulog nang maayos. Lumapit siya at tumayo sa paanan ng kama. Tumingin siya sa akin na parang gusto niyang siguraduhing hindi siya nananaginip.“Kala ko tuluyan
Wade's POV Mainit. Iyon agad ang unang naramdaman ko pagdilat ng mga mata ko. Mainit at mabigat ang pakiramdam ko, parang ilang araw akong tulog. Saglit kong sinubukang igalaw ang kamay ko pero parang may nakakabit — may benda, may linya ng IV.Mabagal kong inikot ang paningin ko, at doon ko siya nakita. Si Lily. Nakaupo siya sa tabi ng kama, nakasandal, nakatulog habang hawak pa rin ang kamay ko. Magulo ang buhok niya at may bahid ng pagod sa mukha, pero sa kabila noon, may kakaibang katahimikan sa paligid. Ang kamay niyang nakahawak sa akin, mahigpit na parang takot siyang mawala ako.Hindi ko alam kung bakit, pero kahit anong galit o sakit ang dapat kong maramdaman, nawala iyon sa isang iglap.Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Kaya mong patawarin nang paulit-ulit. Kahit gaano pa kasakit ang nagawa niya?Gumalaw ako nang kaunti, at napakislot siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, at pagtingin niya sa akin, para bang huminto ang oras.“Wade…” mahina n
LILY'S POVLumayo ako sa kama ni Wade at nagpasyang maupo sa mahabang sofa. Kinuha ko ang wrist watch ko sa bulsa ko. Hinubad ko kasi iyon kanina dahil naghugas ako ng mga kamay. Sinilip ko ang oras. Mag-aalas-diyes na ng gabi.Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng kama. May bagong mensahe mula kay Alena.ALENA: Kumusta ka na?Napabuntong-hininga ako bago nag-type ng sagot.AKO: Ayos lang ako, ikaw ba? Nandito ako ngayon sa ospital.Ilang segundo lang, tumawag siya. Sinilip ko muna si Wade—mahimbing pa rin ang tulog niya, marahan ang paghinga. Saka ko sinagot ang tawag.“Lily?” agad na sabi ni Alena, may halong pag-aalala sa boses niya. “Bakit ka nasa hospital? May nangyari ba?”Napahinga ako nang malalim. “May nangyari… kay Wade.”“Si Wade?” mabilis niyang tanong. “Ano’ng nangyari sa kaniya?” Tahimik ako saglit. Parang nanigas ang lalamunan ko. “Nilason siya,” mahina kong sabi.Natigilan si Alena. “Ano?” “Nilason siya,” ulit ko, halos pabulong. “At ako… ako ang dahilan kung baki







