Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 125 He's making it obvious

Share

Kabanata 125 He's making it obvious

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-29 00:28:35

LILY'S POV

Naiwan akong tulala habang hawak ko ang pisngi kong namumula. Bumibilis ang tibok ng puso ko. At ngayon ay nagsusumiksik sa isipan ko kung anong klaseng buhay ang mayroon si Wade — ang buhay niya ay pinapaikot ng pera at kapangyarihan. At dahil mula sa isang prominenteng pamilya si Wade ay kailangan niya rin ng isang babaeng ka-level niya.

But I don’t give a dàmn. Hindi fairytale ang hinahangad ko para sa aming dalawa ni Wade…kung hindi ay isang paghihiganti.

Pagkaalis ni Cecilia, unti-unting napuno ng mga bulungan ang paligid. May mga empleyadong nagkukunwaring abala sa computer pero halata namang nakikinig. Ang iba naman ay pasimpleng sumusulyap sa akin…sa pisngi kong mamula-mula at namamaga.

“Grabe ang sampal ni Miss Cecilia sa kaniya…”

Narinig kong bulung ng isa sa mga empleyado pero hindi ko magawang lumingon. Hindi ako makakakilos dahil nagbablangko ang utak ko.

“Bakit kaya? May relasyon daw ba talaga sila ni Master Wade?” bulong isa pang babae.

“Pero napaka-cheap n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 168 Is this love?

    LILY'S POVLumayo ako sa kama ni Wade at nagpasyang maupo sa mahabang sofa. Kinuha ko ang wrist watch ko sa bulsa ko. Hinubad ko kasi iyon kanina dahil naghugas ako ng mga kamay. Sinilip ko ang oras. Mag-aalas-diyes na ng gabi.Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng kama. May bagong mensahe mula kay Alena.ALENA: Kumusta ka na?Napabuntong-hininga ako bago nag-type ng sagot.AKO: Ayos lang ako, ikaw ba? Nandito ako ngayon sa ospital.Ilang segundo lang, tumawag siya. Sinilip ko muna si Wade—mahimbing pa rin ang tulog niya, marahan ang paghinga. Saka ko sinagot ang tawag.“Lily?” agad na sabi ni Alena, may halong pag-aalala sa boses niya. “Bakit ka nasa hospital? May nangyari ba?”Napahinga ako nang malalim. “May nangyari… kay Wade.”“Si Wade?” mabilis niyang tanong. “Ano’ng nangyari sa kaniya?” Tahimik ako saglit. Parang nanigas ang lalamunan ko. “Nilason siya,” mahina kong sabi.Natigilan si Alena. “Ano?” “Nilason siya,” ulit ko, halos pabulong. “At ako… ako ang dahilan kung baki

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 167 Eaten by guilt

    LILY'S POV Tahimik ang gabi sa labas ng hospital. Sa loob ng kwartong iyon, tanging tunog lang ng heart monitor at mahinang ugong ng aircon ang maririnig. Mula sa couch kung saan ako nakaupo, tanaw ko si Wade na mahimbing na natutulog. Nakasuot pa rin siya ng oxygen cannula. Maputla siya pero mukhang kalmado naman ang kaniyang mukha.Hindi ako umuwi kagabi. Hindi ko kayang iwan siya sa ganitong kalagayan. Hindi ko rin alam kung paano ako pinayagang manatili rito — siguro utos ni Wayne, o baka dahil ayaw ko talagang lumabas nang hindi ako sigurado kung hihinga pa siya sa susunod na minuto.Napahawak ako sa dibdib ko, pakiramdam ko’y ang bigat-bigat. Kanina lang, sinabi kong ginamit ko siya. Sinaktan ko siya sa paraang hindi kayang gamutin ng kahit anong gamot. At ngayong nakikita ko siyang nakahiga ro’n, parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Pero paano pa? Hindi naman niya kailangang marinig ang kahit ano mula sa isang gaya ko. Ito ang gusto ko noon – ang saktan siya at ip

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 166 Playing Cupid

    Wayne's POVTahimik akong nakaupo sa hallway ng hospital. Nakasandal ako sa malamig na pader habang nakatingin sa ilaw ng emergency sign. Ilang oras na rin akong naroon, pero kahit ilang tasa ng kape ang inumin ko, hindi pa rin mawala ang bigat at kaba sa dibdib ko.Nang lumabas ang doktor mula sa silid ni Wade, agad akong tumayo. “Doc,” tawag ko, at agad siyang huminto, nilingon ako. “Mr. Serrano, right?” sabi niya, habang inaayos ang hawak na chart. “You’re a close associate of Mr. Chilton?”Tumango ako. “Yes, doc. Ako po ang business partner niya. Kumusta siya?”Huminga nang malalim ang doktor bago sumagot. “Stable na siya, but still weak. The poison caused strain in his system at kung patuloy siyang ma-stress, babagsak ulit ang katawan niya. He needs to rest not just physically, but mentally. He has to be in a calm environment if we want him to recover completely.”Natahimik ako sandali. “I see,” mahina kong sagot. “So bawal siyang maistorbo. Bawal ang masyadong emosyon.”Tum

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 165 Actions Don't Lie

    LILY'S POVDahan-dahan kong inilayo ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko kayang harapin ang mga mata niyang dati kong pinaniniwalaang ligtas na kanlungan.“Kumalap ako ng impormasyon, ng paraan para makaganti. At kumagat ka, Wade. Bawat pain ko, kumakagat ka.”Bahagya akong natawa pero mapait iyon at puno ng luha. “Sa tuwing hinahalikan mo ako… sa tuwing tinitingnan mo ako gamit ang iyong mga mata ay diring-diri ako sa sarili ko. Kasi alam kong niloloko kita. Pero buong akala ko noon, tama ‘yon. Akala ko ay ikaw ang pumatay kay papa. Akala ko, karapat-dapat ka sa lahat ng sakit na maibibigay ko.”Napatigil ako saglit. “Lahat ng ginawa ko,” tuloy ko, mas humina ang boses ko. “Lahat ng mga sinabi ko, lahat ng ipinakita kong emosyon ay parte lang lahat ng plano kong mapalapit sa’yo. Wala akong naramdaman para sa’yo, Mr. Chilton.”At sa huling salitang iyon, napatingin ako sa kaniya. Tahimik pa rin siya. Pero kitang-kita ko kung paano unti-unting bumagsak ang mga balikat niya, kung paano na

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 164 Lying Heart

    LILY'S POV Nanatili akong nakatayo sa tabi ng kama. Naramdaman ko ang kamay ni Wade na humawak sa kamay ko. Pareho namin siyang nilingon ni Wayne. Namumutla siya, nanginginig ang labi, at bawat paghinga niya ay mahina. Napakagat labi ako. Nasasaktan akong makita siyang nahihirapang huminga. Kasalanan ko ang lahat nang ito pero hindi ko na maibabalik pa ang oras. Ika nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Masyado akong nilamon ng galit at paghihiganti na imbes mag-isip ako at mangalap ng ebidensya ay agad akong nagkaroon ng konklusyon sa isipan ko. “Wade, please… huwag ka munang magsalita,” sabi ko at sumenyas sa kaniya na tumahimik na lang, pero matalim ang tingin niyang nakatutok kay Wayne.“Wayne,” mahina ngunit mariin ang boses ni Wade. “Leave us.”Agad akong tumingin kay Wayne para tumutol sa gusto ni Wade. “Wayne—”Pero bago ko pa masabi ang gusto kong sabihin, sumabat si Wayne, halatang nag-aalangan. “Master, hindi ako aalis. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng babaeng ‘yan sa

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 163 What's your plan, Lily?

    Wayne's POVPagpasok ko sa hallway, sinalubong ako ng malamig na hangin at amoy ng disinfectant. Sa dulo, nakita ko si Inigo, nakatayo sa labas ng isang silid, nakayuko, parang matagal nang naghihintay.“Inigo!” tawag ko, halos kumalabog ang boses ko sa tahimik na pasilyo. “Ano’ng nangyari? Kumusta si Sir Wade?”Napatingin siya agad sa akin, halata ang pagod at takot sa mukha. “Sir Wayne… stable na raw po si Sir Wade. Pero—” tumigil siya, nag-iwas ng tingin. “Mas mabuti pong kayo na ang pumasok.”“Bakit? Anong meron?” tanong ko, pero hindi siya sumagot. Sa halip, itinuro lang niya ang pintuan ng silid.Kinabahan ako. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang dahan-dahan kong binuksan ang pinto.Tahimik sa loob. Ang puti ng ilaw, at tanging tunog ng makina ang maririnig. At doon ko siya nakita.Si Sir Wade — nakahiga, maputla, may mga tubo sa kamay at oxygen sa ilong. At sa tabi niya, si Lily. Nakatungo, hawak-hawak ang kamay niya na parang takot na takot na mawala sa tabi niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status