Beranda / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 28 Drinking the pain away

Share

Kabanata 28 Drinking the pain away

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-07 04:48:38

ZAID’S POV

“Give me one bottle of whiskey,” sabi ko, sabay lapag ng card ko sa counter. Ngayon lang ako sumuway sa utos ni Kuya. Ngayon lang ako lumaban.

Madalas, kapag nagkikita kami ni Kuya Wade, puro biro lang, puro inisan. Hindi ko siya tinitigasan ng ulo kahit anong sabihin niya. Sa pamilya namin, siya ang perpekto, siya ang pinupuri. Ako? Ang tinatawag nilang mantsa—ang walang direksyon, ang walang patutunguhan. Pero ngayong gabi, iba. Ngayong gabi, hindi ko nagawang manahimik.

“The hardest whiskey,” dagdag ko, mariing binigkas.

Habang inaabot ng bartender ang bote, tanging mukha lang ni Lily ang nasa isip ko. Ang paraan ng pagkakatingin niya kanina, parang nalusaw na ang lakas sa katawan. Punit ang damit, maga ang labi, may mga bakas pa ng luha sa pisngi. Para siyang sirang laruan na nilaro nang sobra ng isang bata.

Hindi ko alam kung anong mas matindi—ang galit ko kay kuya o ang sakit na makita si Lily sa gano’ng kalagayan.

Babae siya. At higit sa lahat, tao siya.

Paano nagawa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 43 Not your girlfriend anymore

    Bahagyang nagtaas ng kilay si Wade, parang natatawa sa sinabi ko. “Mistress? Girlfriend? That’s the same thing for me,” malamig niyang sagot, sabay baling ng tingin sa labas ng bintana na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.Napahawak ako sa kumot. Pinipigilan kong ipakita ang panginginig ng kamay ko sa kaniya. Hindi iyon dahil sa takot, kung hindi dahil sa galit. “So that’s it? Gano'n lang ba ‘yon sa iyo, Wade? Para bang isa lang akong laruan na kapag nagsawa ka na ay puwede mo na akong itapon?”Huminga siya nang malalim, mabigat at walang emosyon. “Lily, huwag mong bigyan ng kulay ang mga bagay. Alam mo naman kung ano ‘to sa simula pa lang. You knew the deal. Isa pa, ikaw ang nagmakaawa sa akin. Ikaw ang unang lumapit.”“Deal?” mapait akong natawa. “Alam kong ako ang nagbigay ng motibo, pero hindi ibig sabihin noon ay pumapayag akong habang-buhay na maging side chick mo lang, Wade. I was so stupid to expect something from you.”Mabagal siyang humarap sa akin, nakakunot ang

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 42 Black Card

    LILY'Z POVNanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. “Wade, I— I wasn’t myself! You knew I was drúgged!”“Exactly.” Tumitig siya sa akin, malamig at matalim. “That’s why I tried to stop you. But you wouldn’t let me. You were trembling, crying, calling my name—” Huminto siya saglit, parang nag-iisip pa kung ano ang sunod niyang sasabihin. “Don’t make it sound like I forced you, Lily. Ikaw rin mismo ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyong ‘yon. Masyado ka kasing nag-alala sa kapatid ko—na itinaya mo pa ang sarili mo para mailigtas siya.”Umalis si Wade sa pagkakaibabaw sa akin. Agad akong napapikit dahil kagaya ko ay wala rin siyang saplot. “Open your eyes,” mariing utos ni Wade. Napamulat ako ng mata. Napalunok ako sa nakita ko. Nagsiakyatan ang dugo ko sa mukha dahil sa hiya. Siraulo ba siya? O ito ang fetish niya?“Nakita mo na ’to kagabi, bakit ka pa mahihiya?” nanunuya niyang sabi habang nakataas ang isa niyang kilay.“H-Hindi, ah!” mabilis kong tugon

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 41 The Consequence of Saving Zaid

    LILY'S POVNapaungol ako nang magising ako. Ang bigat ng ulo ko at parang binibiyak ang sintido ko sa sakit. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko, kaya’t bahagya akong umupo para uminom ng tubig sa tabi ng kama. Pero bago ko pa iyon magawa, napahinto ako.Malamig. Masyadong malamig.Agad kong ibinaba ang tingin at doon ko napagtanto na wala akong suot na damit. Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong hinila ang kumot at itinakip sa katawan ko. Halos mapahingal ako sa gulat.Ano ‘to? Bakit wala akong suot? Nasaan ako?Kinabahan ako at dahan-dahang tumingin sa kaliwa. Muntik na akong mapasigaw nang makita ko si Wade. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nakahubad din siya tulad ko at ang puting kumot lang ang nakatakip sa kalahati ng katawan niya.Parang huminto ang mundo ko. Hindi, hindi p'wedeng mangyari ‘to.Napatitig ako sa kaniya. Umaasa akong magigising mula sa isang bangungot. Pero nang marinig kong dahan-dahan siyang huminga at gumalaw, lalo akong nataranta. Napahawak ako nang mahigpit sa

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 40 It's your fault

    Zaid’s POV“Nasa’n si Miss Lily?” agad kong tanong pagkapasok pa lang sa sasakyan. Ramdam ko ang kirot sa mukha at tagiliran ko pero mas nangingibabaw pa rin ang kaba.Nag-aalala ako sa kalagayan ni Miss Russell lalo pa’t nasa ilalim siya ng droga. Naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ang sinapit niya sa kamay ng mga barumbadong ‘yon!“Wala kang dapat ipag-alala, young master,” sagot ng assistant ni Kuya na si Wayne. Kalmado ang tono niya. “She’s safe with your brother. Sa ngayon ay dadalhin muna kita sa hospital para ipagamot—”“What?” mabilis kong putol. Medyo tumaas ang boses ko. “Hospital? Hindi ba puwedeng sa bahay na lang? May sarili naman kaming doktor, ‘di ba? Papuntahin mo na lang doon. Baka nasa bahay rin sila Kuya Wade at least… ma-check rin si Miss Russell ng doktor. Baka may magawa siya para maalis sa sistema ni Miss Russell ang droga.”Mabilis na umiling si Wayne. Halatang naiilang siya. “Mahigpit na bilin ni Master Wade na kayo po mismo ay dadalhin ko sa hospital. At

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 39 Her Irresistible Charm Part 2

    Napakapit ako sa kama. Pinipigilan ko ang aking sarili. “Lily, stop…” mahina kong sabi, pero para bang hindi na niya ako naririnig. “Please, Wade…” muli niyang pagmamakaawa, halos pabulong, halos luha na ang boses niya.Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Lily,” malamig kong wika, kahit ramdam kong kumakabog na rin nang malakas ang dibdib ko. “Get some rest.”I couldn't imagine that I will be able to see Lily in this kind of situation. Nasanay ako sa matapang niyang personalidad. Hindi siya maalam magmakaawa. Ang mga mata niya ay palaging may apoy kahit alam niyang nilalamon na siya ng kaba at takot. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila pinag-isipan muna nang mabuti ngunit sa maikling sandali lang. She's that kind of woman. Strong, fierce, beautiful and hot. And now that her flame is raging, she became the total opposite. Her innocence resurfaced. Her charm multplied and her beauty, it became irresistible."Lily, you should sleep now. I'm

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 38 Her Irresistible Charm Part 1

    Wade's POV “Is there any way you could help her?” tanong ko kay Doctor Luther. Hindi ko magawang itago ang inis at pag-aalala sa tono ko.Marahang umiling si Doctor Luther habang pinupunasan ang pawis niya sa kaniyang sintido. “Unfortunately, there’s nothing I can do, Mr. Wade. Wala tayong magagawa kung hindi ang hintayin na bumaba ang epekto ng droga. Napakahirap maghanap ng antidote sa klase ng substance na ‘yan dahil bago pa lamang ang drógang inihalo nila sa inumin niya. Ito ay experimental, high-grade, at mabilis tumama sa central nervous system. Six to twelve hours pa bago tuluyang mag-cool down ang epekto nito.”“What?” mariin kong ulit, halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “You’re telling me she has to suffer for six to twelve hours?”“Yes. Six to twelve hours at least,” sagot ng doktor sabay tingin kay Lily na ngayon ay hirap pa rin sa paghinga. “And if her body can’t handle it well, baka mas tumagal pa.”Napatingin ako kay Lily. Nakahiga siya sa kama habang nangingin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status