Share

Kabanata 1

Author: nerdy_ugly
last update Huling Na-update: 2025-07-18 22:51:45

Naging hectic ang schedule ni David sa mga meetings nito sa mga ilang investor, at halos mabaliw na si Yana sa ilang arrangement ng mga schedules at appointments, sunud-sunod kasi ang mga nagsidatingang investors.

Pumikit si Yana at isinandal ang likod sa kanyang swivel chair. She need to relax in a minute, paganahin ang utak. Heto ang unang sabak niya sa opisina ng lalaking lihim na minamahal. Pagkakataon nga naman. Kahit gano'n pa man, ay nananatiling nakapaskil sa kanyang mga labi ang masayang ngiti. Inspired siyang magtrabaho, imagine, kasama niya sa iisang building ang lalaking matagal na niyang pinagpantasyahan?

Nagulat si Yana ng bumukas ang pintuan na iyon ng opisina. Mula doon niluwa ang seryosong aura ng kanyang supladong boss. Naisip tuloy ni Yana sa sarili kung ipinanganak ba talagang suplado ang napakagwapo niyang boss, dahil ni hindi man lang nito kayang ngumiti kahit man lang sa isang segundo.

Ang aga-aga napaka-seryoso naman. Dapat chill lang. Ani ng kanyang isipan. Pasulyap-sulyap lang siya sa binata. Pagdaka'y narinig niya ang pagtunog ng cellphone nito. Nakikinig lang siya, ngunit kunot ang kanyang noo ng marinig ang salitang Spanish na siyang ginamit nito sa pakikipag-usap.

Tindi rin pala 'pag isa kang businessmen. Nakakatamad naman mag-aral ng iba't ibang lenggwahe. Ani ng kanyang isipan. Ipinilig ni Yana ang kanyang ulo at saka hinarap ang kanyang laptop. Sa totoo lang kanina pa siya kinakabahan.

"Did you prepare the agenda for the meetings?" tanong ni David kay Yana.

Medyo nagulat si Yana sa tanong na iyon ng kanyang boss. "Y-yes, sir," medyo nauutal niyang sagot sa seryosong si David.

"Did you manage my travel and schedule this month?" tanong ulit ni David sa tila kinakabahan na dalaga.

"Already done, sir," nakayukong sagot ni Yana bilang paggalang sa CEO.

"Good!" si David, at muling hinarap ang mga papeles sa sariling mesa.

"Thank you, sir,” saad ni Yana.

Hinarap muli ni Yana ang kanyang computer. She was now busy arranging for outgoing mail and packages to be picked up. Ibang-iba ang kilos niya sa opisina ni David kaysa opisina ng dati niyang boss na si Hercules. Para siyang sinasakal dito, na tila ba takot siyang makagawa ng kunting ingay. Kaloka, mapapanis ang laway niya sa opisina ni David.

"Yana, how about the statistical report?"

"I'll apologize sir, but-"

Hindi pa man tapos si Yana sa kanyang sinasabi, pansin niya ang iritadong mukha ng kanyang gwapong boss.

"I don't accept buts, Ms. Macaraeg. That was your job. Kinuha kita para mahasa ka sa trabahong pinili mo. Now, give it to me. I want to check your report. Now!"

Halos mayanig si Yana sa tinig na iyon ni David.

Aba't sumusobra na ang lalaking 'to, a. Subukan lang nitong bulyawan ulit siya, at babarahin na niya ito. Hump! Inis na turan ng isipan ni Yana. For her, hindi na makatarungan ang boss niya. Mabilis ang kilos ni Yana at kinuha ang folder, kung nasaan ang Statistical report na hindi pa niya natapos.

Tumayo si Yana at tinungo ang mesa ni David. "Here, Mr. Montenegro."

Agad na kinuha naman iyon ni David at tiningnan. Kunot ang noo ng naturang binata. Sabay angat ng kanyang tingin sa nakatunghay na dalaga.

Hindi mababakas sa mukha ni Yana ang takot sa awra ng naturang CEO ng Montenegro Cars. Inc.

"Damn it! Are you crazy?" malutong na mura ni David at binalibag ang naturang folder.

"Sir, hindi naman po tama iyang ginagawa ninyo, may utak po ba kayo o sadyang nasobrahan lang kayo sa galit, at galit agad ang pinaiiral ninyo?  Wala ba talagang excuse? Hindi po ako robot sir. Marami po akong trabaho bilang executive secretary niyo. Gusto niyo po bang i-summarize ko pa sa inyo ang job summary ko, then I tell you, sir. It's my responsible for supporting high-level executives and management or entire departments. Provides administrative support and performs numerous duties, including scheduling, writing, correspondence, emailing, handling visitors, routing callers, and answering questions and request. At baka gusto niyo rin pong marinig ang mga primary responsibilities ko sir, bilang sekretarya niyo? Alalahanin niyo po, ni isa walang nag-assist sa akin sa mga iniwang tambak ng sekretarya niyo, paano ko mapadali ang trabaho ko, aber?!" inis na turan ni Yana sa lalaking kaharap. Kulang na lang ay bigwasan niya ang gagong CEO na nasa kanyang harapan.

"Are you done?! Then, why haven't you told me, so that we can find a way for you to make your damn work make it easier?" sarkastikong turan ni David. Tumayo siya at hinarap ang tila nanunudyong dalaga. Sumilay ang mapang-asar nitong ngiti.

"Yan, hindi iyong idadaan mo sa init ng ulo. Kaya ilag sa iyo ang mga empleyado't empleyada mo, e. Dahil diyan sa ugali mong dapat na baguhin mo."

Umikot si David at lumapit sa dalaga. Pinakatitigan niya ito ng maigi. At sino ang babaeng 'to para pagsalitaan siya na parang ka-level lang sila nito? "Really, and who give you the permission na pagsabihan ako sa mga dapat kong gawin?" sarkastikong tanong niya sa dalaga, umigting ang panga niya sa inasal ng dalagang nasa harapan niya ngayon. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya naka-encounter ng isang babaeng palaban at hindi natatakot na sagot-sagutin ang isang katulad niya. Nasanay siyang ilag sa kanya ang lahat ng kanyang mga empleyado.

"Do I need some permission sir para lang sabihin ang nais kong ipunto?"

"You don't know me, Ms. Macaraeg. Pwede kitang tanggalin sa kompanya ko kung hindi mo babaguhin ang talas ng dila mo, you don't even know how to respect me, as your boss and CEO."

"Sir, I respect you wholeheartedly. Kaya huwag niyong sabihing hindi ko po kayo nirespeto. Ikaw ang hindi marunong rumespeto, hindi porket empleyado niyo lang kami ganyan na kayo kung umasta," nakangising tugon ni Yana. Inaasar niya ang bugnuting CEO.

Nagtangis ang bagang ni David. F-ck! Naikuyom niya ang kanyang dalawang kamao. "Anong gusto mong palabasin, Ms. Macaraeg?"

"Huwag niyo pong daanin sa init ng ulo. Chill lang, iyon po bang tipo na relax lang. Madadaan naman lahat sa magandang usapan at hindi sa bulyaw na paraan, hindi po ba?"

"What if I fired you!"

"Okay lang po, babalik ako sa dati kong boss, hindi ba't ikaw ang kumuha sa akin dito para maging sekretarya niyo? Hindi po ako namimilit, sir. At hindi po ako natatakot sa mga pagbabanta niyo, lalo na't alam kong nasa katwiran ang ipinaglalaban ko."

"Really? Makatwiran bang inutusan kita sa isang statistical report kahapon at hanggang ngayon hindi mo pa nagawa? Is that how you define the word makatwiran? I've told you yesterday, if you've never written a statistical report before, you might benefit from looking at other statistical reports that you can use as a guide to format your own. Did I remind you or not?!" nanggagalaiting turan ni David sa biglang tumahimik na dalaga.

Muntik ng hampasin ni Yana ang kanyang ulo. At talagang may lakas-loob pa siyang sagut-sagutin ang gwapong crush niya, kaya lang bugnutin nga lang. Nahihiya tuloy siya. Oo nga pala, pinaaalahanan siya ng bulyaw nito kahapon at na halos ikinatulig ng eardrums niya sa kanyang tenga. Minsan, naisip niyang bigwasan ang crush niyang ito, pasalamat ito at crush niya ang bugnuting CEO ng Montenegro Cars. Inc.

Napayuko si Yana at buong pagpakumbabang humingi ng sorry sa bugnutin niyang boss, at least nailabas niya ang kanyang hinaing na huwag nitong idaan sa init ng ulo at bulyaw sa tuwing nakikipag-usap ito sa mga empleyado’t empleyada nito, at hindi siya magsasawang-ipaglaban ang tama niyang katwiran bilang empleyada nito.

 

 

 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 30

    Pansin ni Yana na umalis na sina Paulo at ang mga kasamahan nito. Solo na naman niya si David. Lihim siyang napangiti. Naalala rin kaya siya nito? Kung tulog na ba siya o 'di kaya'y gising pa? Nagpakawala siya ng marahas na hininga. Napasulyap siya sa isang Ukulele. Nilapitan niya iyon at kinuha, saka niya tinungo ang maliit na balkonahe sa kwarto niyang iyon. Kumunot ang kanyang noo ng tila sintunado ito ng kanyang patugtugin. Inayos niya ang pagkaka-tono nito. Then, she lively play the Ukulele, she sang the song Someday (Crazy Love) by: Kim Chiu.Pumailanlang ang kanyang sintunadong boses dahilan para mapakunot ang noo ni David na ngayo'y nagpapahinga sa may hardin ng tree house. What the! Nailing si David at lihim na napangisi. Akala niya tulog na si Yana hindi pa pala. At ano naman kaya ang naisip nito at talagang kumanta pa. Tumayo siya at pumasok sa loob ng tree house. Habang kumakanta si Yana na animo'y pumipikit pa at tila ba damang-dama ang kanyang kinanta, nagulat siya ng

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 29

    "Ba't ang tagal nilang mag-start?" takang tanong ni Yana kay David."They are waiting for Paulo's leading lady, Ms. Janine Gutierrez," sagot ni David. "Oh, gosh! Really, pati si Ms. Janine makikita ko din?" palatak ni Yana. "Yeah," walang ganang sagot ni David, sa totoo lang he was so bored, pinagbigyan niya lang si Yana sa nais nito. Ayaw rin naman niyang ipagkait ang munting kasiyahan na nais nito. Kahit sinong babae ay manonood sa tinaguriang fangirls na batikang aktor. Paulo Avelino was gutsy to play an actor with his name, trusting that the viewers will know how to distinguish the rascal Paulo Avelino on screen."Sabihin na lang kaya natin kay direk na ako na lang muna ang leading lady ni Paulo," biro ni Yana. Hindi napigilan ni David ang sarili at humalagpak siya ng tawa. Hindi lang siya makapaniwala sa narinig mula kay Yana. The heck this woman!Ngunit, ganon na lamang ang gulat ni David nang lumapit sa kanila si Paulo. "Mr. Montenegro, is she your girlfriend?" tanong ni Pau

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 28

    Nagising si Yana sa katok mula sa kanyang pinto. She could hear that familiar tiny voices. It must be Noraisa. "Wake up, tita Yana!" si Noraisa, sabay pindot ng intercom para marinig ni Yana ang kanyang boses.Napangiti si Yana. Ayan na naman ang makulit na bubwit. Tumayo siya at napangiti. Tinungo niya ang pinto at nabungaran niya ang bagong ligo na si Noraisa. "Good morning, tita! I'm sorry for disturbing you as early," malungkot nitong saad sabay yakap sa kanyang bewang."Good morning! It's okay, sweetie," nakangiting sagot niya sa batang makulit. Lumuhod siya para pantayan ito. "Where's your parents?" "They were still sleeping, I just love to be with you, tita," ani Noraisa. "By the way, are you done with your breakfast?" tanong niya kay Noraisa."Yes, and Manang Tinay will be here in a minute to bring your breakfast," ani Noraisa. Naglakad ito patungo sa malambot na kama at sumampa doon. "I'm sleepy, tita." "Oh, ganon naman pala. Ba't ka bumangon ng maaga?" takang tugon ni Y

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 27

    "Thanks, pero hindi mo naman kailangan na gawin 'yon," pagdaka'y tugon ni Yana sa binata. "I just want to help you," sagot ni David. "Ikaw ang bahala. Salamat ng marami sir, David. Kung alam mo lang kung gaano ako ka saya ngayon, una, na kasama ulit kita, pangalawa, tutulungan mo pa akong makita ang totoo kong mga magulang," nakangiting tugon ni Yana, ngunit nasa pagkain nakatuon ang kanyang mga mata, nahihiya siya kay David. Muli, tumunog ang cellphone ni David. Sinagot niya agad ang tawag. Tulad kanina, ang humihikbi niyang tita Micah ang kanyang narinig. "Hey, tita.. something wrong?" David's jaw clenched. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Yana. "You need to be here, David. Please...," nanginginig ang boses na sagot ng kabilang linya."I'll be there, where?" "Your grandma and grandpa's mansion, ikaw na lang ang hinihintay namin, please...," si Micah sabay patay ng tawag.Biglang kinabahan si David sa narinig. Damn it! Mabilis na tumayo siya at tinungo ang pinto ng apartmen

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 26

    "Akala ko pa naman dadalhin mo ako sa isang class at mamahaling restaurant," birong tugon ni Yana sa binata na ang atensyon nito ay naka-focus sa pagmamaneho."Gusto kong magluto sa apartment mo," tipid na sagot ni David."Talaga? You mean, pupunta ka sa apartment ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Yana sa binata. Lihim siyang na excite."Yes, and what do you want for our dinner?" tanong ni David kay Yana."Ikaw siyempre! I mean, ano... ano ba 'yan," hindi magkandatuto si Yana sa sasabihin. Nagulat siya ng biglang itinigil ni David ang kotse nito sa may gilid ng daan. At hinarap siya nito. "Ano 'yon hindi ko narinig?" pabirong tanong ni David sa kinakabahan na si Yana. "Wala, sabi ko ikaw na magluto. Alam ko namang masarap kang magluto ng pagkain," saad ni Yana. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng binata. "Hindi 'yan ang narinig ko kanina. I want the other one," hinarap ni David ang dalaga. "Ano bang sinasabi mo, 'yon nga," pilit na saad ni Yana sa binata. "Are you s

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 25

    "Dito po tayo ma'am sa doctor's office," ani ng isang nurse na nag-assist kay Yana. "First, I need to check your vital signs, temperature, blood pressure and you're heart rate," pagpapatuloy ng nurse.Sumunod lang si Yana sa naturang nurse. Tahimik lang siya at patuloy na nanalangin ng tahimik. Hindi niya alam pero ibang-iba ang nararamdaman niya sa babaeng tinulungan nila kanina. There was something strange that she couldn't explain. Pumikit siya, tiyak na hinahanap na siya ngayon ni David. Hindi pa nga pala siya nagpaalam dito. Damn!Mga ilang minuto bago natapos ang nurse, napangiti siya ng qualify siyang makapag-donate ng dugo sa naturang babae. Nagalak ang kanyang puso sa tuwa. Tumayo na siya para umpisahan ang procedure. Hindi naman nagtagal ay agad iyong natapos, thirty minutes bago siya pinalabas ng naturang kwarto. She needs to find David. Sa pagmamadali ni Yana, nabangga niya si Ginoong Maxwell. "Oh gosh, I'm so sorry, Mr. Maxwell. I'm just in a hurry, I'm looking for, Dav

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status