Share

CHAPTER 10

Jeaneia's 🌻 Point of View

Bago ako magpahinga inayos ko muna ang gamit ko.

Habang nag aayos ako ng gamit namin biglang may kumatok kaya binuksan ito ni Jesean.

Nang tuluyang nakapasok si Vannesa umupo siya sa aking tabi kaya napatingin ako sakanya.

"Kain na daw tayo sabi ni mama"Saad niya

"Hindi ba nakakahiya sa mama't papa mo na nandito kami ng dalawa kong kapatid" Saad ko, kasi totoo namang nakakahiya sa magulang ni Vannesa.

Mamaya sabihin nila inaabuso ko ang kabaitan ng anak nila.

" Baka maging pabigat lang kami sainyo"saad ko.

"Ano ka ba, alam na nila mama't papa kaya wag na ng mahiya parang kapatid na rin ang turing ko sainyo. Halika na nga tama na ang dramahan hindi tayo artista nagugutom na ako"Saad niya habang nakanguso kaya natawa ako.

"Wag ka nga ngumuso mukha kang bisugo" Saad ko sabay tawa kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Anong bisugong pinagsasabi mo, sa gsnda kong ito para maging mukhang bisugo"Saad niya sabay hawi ng mahaba niyang buhok na mas lalong kinatawa ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status