เข้าสู่ระบบLoving is also accepting whatever your partner’s beliefs, taking care his reputation and accepting all his worst. Isang simpleng babae lamang si Jeaneia, habang niya ang buhay na sa paningin niya’y deserve din niyang matamasa. Mapagmahal, mabait at responsableng ate siya sa kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Hanggang sa makilala niya si Draven, isang lalaking hindi niya aakalain na magiging rason ng kaniyang pagbabago. A one night stand mistake that they will never forget for a lifetime.
ดูเพิ่มเติมCHAPTER 1: BEGINNING
Tinitingnan ko lang ang mga taong pumapasok at lumalabas sa club na pinagtatrabahuhan ko, masasabi kong maraming tao ngayon, hindi tulad dati o mga nakaraang araw, dahil siguro friday ngayon kaya aasahan mo talagang maraming tao, nagising nalang ako mula sa aking malalim na pag-iisip nang biglang may kumuhit sa akin kaya tiningnan ko siya. Si Sicily pala. "Besh, pwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa room 205 na-si-CR na kasi ako." saad niya habang nakahawak sa tyan. Masasabi kong kanina pa siya pabalik-balik sa CR kaya tumango nalang ako, tanda ng pagsang-ayon ko. Kinuha ko na ang tray na naglalaman ng mga mamahaling alak, dahan-dahan, at maingat ko itong dinala sa room 205. Nang nakarating na ako sa room 205, kumatok na ako tanda ng paggalang ko. Hindi naman nagtagal bumukas na ang p***o at mula roon lumabas ang isang mala-goddess na lalaki. Maputi, matangos ang ilong, at kulay green ang mata. "Hello, Sir. Ito na po yong order ninyo," magalang na saad ko. Ngunit hindi niya pa rin tinatanggap kaya nahihiya ko itong binaba. "Can you bring that inside?" saad niya. Sa wakas nagsalita na rin siya, kala ko magdamag na ako sa labas. Nang makapasok na ako, nagulat ako sa ganda ng VIP room na ito na parang bahay lang. Nang nailapag ko na ang kanilang order at balak ko ng lumabas, nagsalita ang isang lalaki. "Dude, you ordered snack?" saad niya kaya nagtaka ako. Dahil drinks lang ang in-order nila maliban doon ay wala na. "Come here, baby girl. Sit in my lap," saad niya. Kaya umiling ako dahil hindi gan'on ang trabahong aking pinasukan "Sorry, sir. Hindi po pwede at hindi po ako gan'ong klaseng babae, excuse me po kung wala na po kayong ipapa-order pwede na po ba akong makaalis? May trabaho pa po kasi akong gagawin."magalang na saad ko. "Oh common, don't feel like a virgin, how many men have tasted you?" saad ng isa nilang kasama. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya dahil nasa may bandang madilim s'ya. "I can double or triple the price if you want. What do you think?" dagdag pa niya. Umiling lang ako. "Sorry, Sir! Hindi po ako gan'ong klaseng babae, kung naghahanap po kayo ng magpapaligaya sa inyo, meron po kami sa baba kung gusto niyo po ipapatawag ko." saad ko. Sapagkat nakakasakit na s'ya hindi porque nagtratrabaho ako sa club ay binebenta ko na ang puri ko, yun na nga lang ang mapagmamalaki ko sapagkat ang tingin nila sa akin pariwara. Kung makapanghusga ang lalaking 'yon, akala mo kilala niya lahat ng babae. Bumuntong hininga nalang ako ng nakarating na ako kung saan ako umalis kanina, pinagpatuloy ko na ang aking naudlot na trabaho. Hindi naman nagtagal natapos na ang duty naming, inaayos nalang namin ang mga upuan at ibang gamit para maka-alis na, habang nag-aayos ako ay biglang lumapit sa akin si Sicily at nagsimulang mag-ayos na rin. Sana kalagitnaan na ako ng pag-aayos ng biglang nagsalita si Sicily. "Besh, salamat pala kanina. Masama lang talaga ang tiyan ko." saad niya kaya natawa ako. "Baliw! Ayos lang, ayos na ba yang tiyan mo?" tanong ko, dahil nag-aalala ako kay Sicily. Si Sicily lang kasi ang nag-iisang kaibigan ko dito dahil gaya ko, waitress lang din s'ya. "Ayos na, hindi na masyadong masakit," saad niya habang palabas na kami ng club na aming pinagtratrabahohan. Pauwi na sana ako ng may inabot si Sicily sa'kin invitation kaya tumingin ako sa kanya ng may pagtataka. "Besh nakalimutan kung sabihin sayo birthday kasi ni Sir Primo at dito gaganapin sa club kaya invited tayo" saad niya kaya pala naghahanda ang lahat, hindi ako updated. "Ah, kaya pa naghahanda sila," sabi ko. Tumango naman siya. "At may isa pa akong good news," saad niya. Nananatiling nakatingin lang ako sa kanya kasi hinihintay ko ang sinasabi niyang good news daw kuno. "Hindi raw tayo nag tratrabaho sa araw ng birthday ni Sir Primo at balita ko kasama raw ang mga kaibigan niya, alam mo ba na ang popogi at ang yayaman ng mga kaibigan ni Sir Primo pero lahat babaero," saad niya. Hindi na ako magtataka kung bakit alam na alam niya yan isa ba naman siyang dakilang Marites. "Ano naman kung pogi at mayayaman sila kung lahat naman sila babaero?" saad ko na may halong inis. Hindi naman sa pagiging bitter pero gaya nga ng sinabi niya lahat sila babaero, wala ring silbi kung mayaman o may itsura kung babaero naman. "Alam mo besh ang bitter mo, ah basta magpapaganda ako alam mo naman baka mapansin ako ng isa sa kaibigan ni Sir Primo, at maging billionaire agad ako," saad niya kaya napailing nalang ako. "Pupunta ka ba, besh?" tanong niya. Kung pupunta ako wala naman akong magandang susuotin at syempre wala rin akong ireregalo. "Hindi siguro besh, alam mo naman ang situwasyon ko," saad ko. Nalungkot naman siya. "Pero, besh. Sabi ni Sir Primo dapat nandoon tayo. May pasok tayo pero nag-eenjoy lang daw at besh ngayon lang naman ito, pumayag ka na... please." sabi niya kaya wala akong nagawa kung 'di ang pumayag, kahit ayaw ko. Nang natapos na ang daldalan namin ay uuwi na ako, bago ako umuwi dumaan muna ako sa karenderya ni Aling Presing, ito kasi ang nag-iisang bukas na karenderya kahit madaling araw na. Nang nakabili na ako naglakad na ako pauwi, hindi naman sa wala akong pamasahe pero kailangan ko lang talagang magtipid lalo na't malaki na ang gastusin sa bahay at next year grade 7 na si Jesean kaya lalo ng lalaki ang bayarin kaya kailangan ko magtipid at kumayod ng doble. Hindi naman nagtagal nakarating na ako sa bahay narinig ko ang pag uusap nila Jessica at Jesean. "Ate sa tingin mo iiwan din tayo ni ate Jeaneia gaya ni mama?" saad ng bunso kung kapatid. "Hindi naman siguro bunso, mahal kaya tayo ni ate Jeaneia," saad ng pangalawa kung kapatid. "Bakit si nanay? Sinabi niya rin na mahal niya tayo," sagot ni Jesean. Kung tatanungin niyo kung nasaan ang magulang namin ay wala na sila. Nang namatay ang tatay namin ay iniwan na kami ni nanay, sumama sa ibang lalaki, kaya ako na ang tumayong nanay at tatay sa mga kapatid ko. "Nandito na ako at may pasalubong ako!" Saad ko kaya sabay silang napatingin sa akin. Tumayo sila para hagkan ako. Isang halik lang nila sa'kin tangal na agad ang pagod ko. Pagkatapos nila akong hagkan kinuha na ni Jessica ang dala kung plastic bag na naglalaman ng ulam para ihanda na ito sa hapagkainan. Nang matapos na kaming kumain. Nagmadali na akong mag-ayos ng sarili, dahil meron pa akong trabaho na pupuntahan hindi lang pagiging waitress sa bar ang pinagkakakitaan ko. Nagtratrabaho rin ako bilang vendor sa palengke, pero sa pagkakataong ito kasama ko ang aking nakababatang kapatid na si Jesean. Nang nakapag-ayos na ako, nag-ayos na rin si Jesean wala kasi siyang pasok kaya gusto niyang sumama sakin para tulungan ako sa pagtitinda samantalang si Jessica naman ay first year college kaya kailagan kung magdoble-kayod dahil pamahal na nang pamahal ang mga bilihin ngayon. Nang nakarating kami sa palengke nagsimula na akong magtinda •••••• "Pampano po, Ma'am. Fresh po 'yan," saad ko sa babaeng nakatingin sa Pampano kaya lumapit naman siya sa akin. "Magkano isang kilo, miss?" tanong niya habang namimili ng Pampano. "350 isang kilo, ma'am. Fresh po 'yan," saad ko. Nagpatuloy lang siya sa pagpili. "Dalawang kilo, Miss." saad niya pagkatapos niyang mamili kaya inabot ko sa kanya ang basahan para ipamunas niya sa kamay n'ya. "Ma'am, sobra po ito. Okey lang po ba 2.4 kilos po ito, Ma'am?" saad ko tumango lang siya kaya pinastic ko na. "840 po lahat, Ma'am" saad ko kaya binigyan niya ako ng isang libo. Binaryahan ko siya ng 160 pesos. Sobrang saya ko talaga ngayon kasi maraming bumibili sa'kin. •••••• HINDI naman nagtagal naka-ubos na ako at laking pasasalamat ko 'yon dahil maaga kaming nakaubos kaya maaga rin kaming makaka-uwi. Bago kami umuwi dumaan muna kami sa pamilihan ng mga manok para bumili ng aming uulamin sa hapunan. Habang naglalakad kami napapansin kung napapatingin ang bunso kung kapatid sa mga laruang nadadaanan namin kaya tinanong ko siya.JANELA'S Point of viewNAALIPUNGATAN naman ako ng maramdaman kong may maingat na humahaplos sa pisngi ko, minulat ko naman ang mga mata ko at dun tumambad sakin ang seryosong mukha ni señorito na nakatingin sakin, habang ang palad niya ay nasa pisngi ko parin.Hindi naman agad ako naka galaw dahil sa mata niyang kulay asul na mapang-akit. Hindi maikakaila na ang ganda ng mata ni señorito dahil sa mahaba ang pilik mata na bagay sa hugis ng mata niya at sa kulay asul niyang eyeball, ang makapal niyang kilay nababagay din sa seryosong mukha niya, labi niyang mamula-mula na sing tamis ng strowberry at ilong niyang matangos kaya kahit seryoso man ang mukha nito hindi parin matatakpan na gwapo siya.Nabalik naman ako sa reyalidad ng maramdam ko ang pag haplos nito sa pisngi ko at biglang pag kabog ng dibdib ko kaya naman ay dali-dali na akong umalis sa pag kakandong sa kanya."Pasensiya na po señorito." nahihiya kong saad sa kanya at umayos sa pag kakaupo."It's okay. Alam kong hindi ka mak
JANELA'S Point of viewIlang araw na ang nakalipas simula ng nangyayari ang family day sa school ng mga bata, kaya ilang araw na rin akong umiwas kay señorito Draven.Kasalukuyan akong nagwawalis sa sala ng bahay ni señorito Draven, ng may narinig akong yapag mula sa hagdan. Kaya napatingin ako." Magandang araw po señorito." Magalang na saad ko. Kahit iniiwasan ko rin hindi naman pwedeng hindi ko siya batiin pag nagkasalubong kami o nagkita."Ahmm can I ask?"Napatingin naman ako kay señorito ng bigla na lang ito nag salita sa likod ko. Kahit na nag tataka ay tumango na lang ako sa kanya."Ano po iyun?" nahihiya kong tanong sa kanya at pinagpatuloy ang pagwawalis."May gagawin kaba, tomorrow?" Tanong niya sakin bago sumandal sa gilit ng lababo at uminom ng tubig sa hawak niyang mineral water."Ahmm bukas po?",Nag iisip ko pang isagot sa kanya. Dahil iniisip ko kung may gagawin ba ako."Wala naman po." napapailing kong sagot sa kanya ng maisip na wala naman. Nandito lang ako sa mansiyo
JANELA'S Point of viewTahimik lang akong nanonood, maraming pamilyang naglalaro kaya hindi ko maiwasang mapangiti, ang saya kasi nilang tignan." Tay, i want to play too." Saad ni Dawn. Kaya napatingin ako sa'kanya."Janela, can we?" Tanong ni señorito. Kaya hindi ko alam ang isasagot pamily play kasi yun hindi naman kami pamilya." Ahh ehh kasi." Utal na sagot ko. Ng napatingin naman ako kay Dawn nakita ko itong malungkot na nakatingin sa'kin, nararamdaman nya siguro na ayaw ko." Sige na, halika na kayo para makasali tayo sa next game." Nakangiting saad ko. Hindi ko naman maiwasang nakaramdam ng tuwa ng bigla akong yakapin ni Dawn at Dew." Let's go." Masayang tawag ni Dawn at hinila ako papunta sa mga pamilyang masayang maglalaro." Can we join?", Magalang na tanong ni Dew sa magpapalaro." Oo naman." Nakangiting sagot ng babae habang nakatingin kay señorito Draven. Hindi naman si señorito Draven ang kinakausap, hindi ko naman maiwasang magselos kaya nakatatlong iling ako bago kinu
JANELA'S Point of viewNAGISING ako banda alas singko ng madaling araw para ako na ang gumawa ng almusal at makapag pahinga naman rin si nanay Helen.Kararating lang niya kasi, kaya ako na muna ang gagawa ng mga gawanin ni Nanay.Pagka tapos maligo at mag bihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at agad ng dumeretyo papuntang kusina.Nang makarating ay agad naman na ako nag simulang mag luto ng almusal.. Natigilan naman ako sa pag luluto ng nakaramdam ako ng uhaw, kaya naman ay lumapit muna ako sa freezer at agad kumuha ng mineral water. Pagkatapos uminom ay agad ko nang sinarado ang freezer at agad ng humarap, pero agad rin natigilan ng mabunggo ako sa matigas na dibdib.Napaangat naman ang tingin ko sa nag mamay- ari ng dibdib na ito, at dun naman sumalubong sakin ang seryosong mukha ni señorito at ang magulo nitong buhok na mukhang kagigising niya lang."Magandang umaga señorito." saad ko sa kanya at umatras ng konti kahit alam ko naman wala nang maatrasan.Hindi naman ito nag sali
JANELA's Point of ViewNANG matapos mamalengke ay agad naman na akong dumeretso sa hospital."Anak!" napangiti naman ako ng marinig ko ang boses ni mama ng nakapasok ako sa kwarto niya sa hospital."Anak mabuti nakadalaw ka ulit, kamusta naman ang trabaho mo don? Hindi ka ba nila sinasaktan? Mahirap b
JANELA'S POINT OF VIEWISANG linggo na ang nakakalipas simula ng nabasag ang ini-ingatang vase ni señorito, iniiwasan kong pagtagpuin kami ni señorito.Sa loob ng isang linggo ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa hindi ko siya nakita, dahil nung araw na iyon ay may biglang tumawag sa kanya may busin
JANELA'S point of viewNASA loob na ako ng punishment room yakap yakap ko ngayon ang sarili dahil sa subrang lamig na nararamdaman ko, idagdag pa ang madilim na paligid kung walang araw na tumatama dito ay wala ka talagang makikita kahit na isa.Para itong bodega may nasisinghot kasi akong alikabok da
JEANEIA'S POINT OF VIEW"I'm pregnant---" Simple niyang sabi ngunit ang sunod niyang sinabi ang nagpabagsak ng luha mula sa aking mata."---with Draven's child"Nag-iinit na ang magkabilang gilid ng mga mata ko dahil sa sinabi niya ngunit ayoko siyang paniwalaan, alam kong hindi magagawa ni Draven yun












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น