Umungol si Cecelia nang bumalikwas ng bangon. Pakiwari n'ya'y binugbug s'ya sa sobrang sakit ng katawan n'ys. Di 'ya pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. "Sucks! Nasaan na ba ako?" daing n'ya sabay sapo ng noo. Saktong pag-angat n'ya ng ulo ay bumungad ang nakalukot na mukha ni Magnus. "Ano'ng problema?" Nakaupo ito sa silya na parang trono. "Next time h'wag kang lalabas ng mansyon ng mag-isa," maawtoridad na wika nito, kumibit balikat at napayukod sa kanya. Ngumuso s'ya. Kahit ayaw ng sistema n'ya ay sumasang-ayon naman ang utak niya. "I didn't expect that he would kidnap me. Mataas naman ang siguridad ng kompanya, ewan kung paano n'ya nagawang pumasok." "Hindi s'ya mahahalatang kidnapper dahil sa suot n'ya. Sino bang matino ang mag-aakalang kriminal ang isang tao kung mala-anghel ang mukha?" Binaba nito ang paa na nakadekwatro. Sumang-ayon siya. "He's getting hostile now. I don't know what to do anymore. Paano na ako makakiganti sa mga hayop na 'yon. Ang hirap niyo n
"H'wag mo talaga akong subukan, Maxwell." Inikot ni Magnus ang braso ng pamangkin nang manigas ito, pumagting sa tenga ang pagtunog ng buto nito. Gumapang palayo si Cecelia nang malamang sinunggaban niya ang kanyang pamangkin. "Nakaisa ka lang, Tito!" angal nito, sinubukan kumawala kahit kumikirot ang balikat nito. Humigpit ang pagkahawak n'ya na parang dinudurog ang braso nito. "Mas tuso ako sa'yo. Nakalimutan mo yata na ako ang nagturo nito sa'yo. Tingnan mo, hindi mo natapos ang sinimulan mo." Umungol ito sa kirot. "May araw ka rin..." "Kailan ka ba susuko? Lampas na sa isang daan ang pinapadala mong blackmail at death threats, nakakainip din. Saka hindi rin naging effective ang paggamit mo sa asawa ko," turan niya na may pangungutya sa tono. "Considered it as your lucky day," asik nito sabay siko sa tadyang niya dahilan para mabitawan ito. Isang iglap ay umikot ito, hinarap s'ya at inambunan s'ya ng suntok. Umilag s'ya, pero may isang nakalusot at tina
"Naalala mo pa bang lugar na ito, Cece? Dito natin binalak gawin ang first baby natin, 'di ba?" Mababa at punong-puno ng lason ang boses ni Maxwell. Napalunok si Cece. Pilit inaanda ang namumuong inis sa dibdib niya. Tila acido na kumukulo ang bawat salitang minumutawi ng bibig nito at kaunti na lang ay ibubuga na niya rito. "Wala akong pakialam. Parang ikaw ata ang hindi nakakalimutin dito? Bakit, nagsisisi ka ba na iniwan kita?" Naikuyom nito ang kamay sa armrest ng upuan nito na parang trono sa malamlam na kastilyo nito. Hawak ng kabilang kamay nito ang baso na may whiskey. Napalis ang mabagal at mala-lobong ngiti nito, tumingkad lalo ang delikadong kinang ng mga mata nito. "That's a bullsh*t! Sinong lalaki ba ang magsisisi na iniwan ng asawang bulag? Okay lang sana kung totoong minahal nito kaso ginamit lang para kunin ang kayamanan nito. Sayang lang kasi tanga ang lalaki 'yon, pinalipas niya muna ang araw bago pinatay." Pabagsak nitong nilapag ang baso sa malapit na lamesit
Bumabyahe pauwi si Magnus Quinn nang nag-vibrate ang cellphone na nasa secret pocket ng coat niya. Humigpit ang pagkahawak niya sa steering wheel. Umigting ang panga niya, nakasalpok ang kilay at nagpakawala ng mahina, pero marahas na buntong hininga bago hinugot iyon. Walang tingin niyang sinagot ang tawag. "Who the hell is this? What the hell you want?" Magaspang at matalim ang boses niya, nasa dulo ang iritasyon doon—tila bagyo na kinuha niya kanina mula sa mahabang araw ng trabaho. Malutong na tawa ang sinagot ng lalaki sa kabilang linya. "Hindi ako pumapatol sa baliw na katulad mo. Dumaan ka muna sa ibabaw ng malamig kong bangkay bago mangyari iyon!" sigaw ng babae sa kabilang linya, basag ang boses nito na tila iyon ang huling hininga. Nanlaki ang mga mata niya at ginapang s'ya ng takot nang matukoy ang boses. "Cecelia!" nanginginig niyang hiyaw. "Anong ginawa mo kay Cecelia! Nasaan s'ya? Sabihin mo!" Huminto sa kakatawa ang lalaki, pumalatak ito at binaba ang boses. "
Basang-basa ang mukha ni Cecelia sa magkahalong luha at sipon niya. Wala s'yang mapapala kahit anong pagpupumiglas niya. Nagtagumpay si Maxwell na dalhin s'ya sa tambayan nito. Nandito sila sa dati nitong penthouse. Ginapos s'ya nito sa upuan. Hinubad ang suot ng coat, tinggal ang tatlong butones ng shirt niya at ginulo ang kanyang buhok. Imbes na magmakaawa ay pinanlisikan n'ya ito ng tingin. Sinasabi ng mga mata nito na 'humanda ka kapag makatakas ako rito.' "Uh-ha, sapat na siguro ito para magmukha kang ginahasa. Tignan natin kung madadala si Magnus sa pagba-blackmail ko," ani Maxwell sabay tawa ng nakaloloko. Ginamit pa s'yang paon sa kabalastugan nito. Wala sa bokabularyo n'yang ma-involve sa away magtiyo kaso naipit na s'ya sa sitwasyon. Ano pa ba ang magagawa niya? "Pakawalan mo ko, demonyo ka!" hiyaw niya, kinakapos ng hininga at tagaktak ng pawis maski malakas ang airconditoner. Hinila nito ang buhok niyo. "Kumalma ka kasi hindi pa ako tapos." Nilapit nito ang mukha sa
Kanina pa inulit-ulit sa ka-li-lipstick si Cecelia pero hindi niya maayos-ayos dahil nanginig pa rin s'ya. Nahihirapan s'yangmakahuma buhat ng eksena kagabi. Galit na galit s'ya sa pagiging sinungaling at possessive ng taon pinagkatiwalaan n'ya. He didn't deserve to be loved by her. Ang kinaiinisan n'ya ay madali s'yang matutukso kapag tatawagin s'ya ng laman at kamunduhan. "Sa ngayon, titiisin ko ang isang De Silva para maisagawa ko ng maayos ang paghihiganti ko. Hindi ako susuko sa hangarin kong mapatay silang lahat, kasali na ang Magnus na ito. Patutunayan ko sa kanya na hindi ako laruan," ngitngit n'yang sabi sa sarili. Sinarado ang lipstick at marahas iyon na sinalapak sa vanity table. Kinagat n'ya ang ibabang labi, pinigilan n'yang umiyak kahit nanakit ang kanyang lalamunan. Sa dinami-raming tao sa mundo, s'ya pa mismo ang nasangkot sa buhay ng masasaho na angkan na ito. Pinanganak ata s'yang malas, nabulag s'ya dahil sa isang aksidente, pinagkasunduhan s'yang ipakasal s