Share

Chapter 19: Another Trouble

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-08-01 14:29:23
Tumaas ang kilay ni Clea nang mamataan niyang pumasok ang brand new manugang. Ang kinaiinisang babae noon ng anak niyang si Judah at asawa nitong si Lucrezia. Di niya sukat akalain na magiging asawa nito ni Magnus. Ngayon, kailangan niyang alamin kung paano nito nagawang pikutin ang anak niya. She’ll resort to all kinds of tricks just to force her to confess.

"Uh-ho, kala ko talaga ay hindi na darating ang asawa mo," mahina niyang wika sabay takip ng pamaypay sa mukha. Kumislot siya nang masipat ang umaapoy na ekpresyon ni Magnus.

"I warning you, Mom. Don't play trick on her or else, I gonna hang you in the ceiling fan later," babala nito, may lason sa tono ng boses.

Napalunok siya. Pinawisan ng malamig ang mga palad, nangatog ang sistema at umatras ang dila. Nabasa agad nito ang nasa isip niya. Minsan naiinis siya sa pagiging sociopath nito. Nagkamali yata ang father-in-law niya na ampunin ito.

Tumayo si Magnus para salubungin si Cece. Akma niyang kunin ang kamay nito pero ma
Winter Red

Thank you for reading po :)

| 7
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 89: Attempt

    Pinawisan ng malagkit si Cecelia. Umabot na sa lalamunan ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nanlaki at nanginginig ang kanyang mga mata. Mariin kinagat ang mga labi. Halos takasan siya ng hwesyo habang hinahayaan ang sarili na tangayin siya ni Valentina. Hindi niya sukat akalain na isasakripisyo nito ang buhay para paghigantihan siya.Kinaladkad siya patungong exit. Naging bato ang mga empleyado niya. Walang magawa si Brylle kundi ang matulala. Sinubukan silang harangan ni Graziano kasama ang iba pa niyang body guards ngunit walang magawa. Tinutuk ng mga ito ng baril kay Valentina. Hindi natinag ang babae, sa halip ay lalong umapoy ang mga mata nito.“Sige! Subukan niyo kung ayaw niyong pasabugin ko ang tagiliran nito!” banta nito, matigas at puno ng lason ang boses.Sumusukong binagsak ng mga ito ang kamay hudyat para makatakas si Valentina. “Kung ano man iyang binabalak mo, huwag mo ng ituloy, Valentina. Nilalagay mo lang sa panganib ang sarili mo!” kumbinsi niya. Sinikap na pal

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 88: Let's be Real

    Hindi pa rin mapigilan ni Cecelia ang uminit ang pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. Nawawala siya sa pokus imbes na atupagin ang trabaho at maging sabik sa tuluyang pagkakulong ni Maxwell. Huli na bago sumagi sa isip niya ang ginawa kahapon, umaasa siya na nataggap ni Maxwell ang mga litrato na pinadala niya. Pinaghirapan niyang kunin iyon. Binayaran niya ng mahal ang bastardong kabit ni Valentina para makakuha lang. Nag-away na ba ang dalawa? Kinasusuklaman na ba ito ni Maxwell? Inaabangan niya ang balita na nagpakamatay ang ex-bestfriend niya. Kapag nangyari iyon, siya na ang pinakamasayang avenger sa buong mundo!“Ma’am Cecelia,” pangugulo ni Brylle sabay siko sa kanyang braso.Awtomatikong gumuhit ang yamot sa kanyang mukha. “What?”&l

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 87: Depression

    Nakababa ang kurtina dulot ng kadilim ng silid ni Valentina, mabigat ang hangin na may kasamang amoy kulob na pabango at malamig na kape. Nagkalat ang mga gamit niya sa sahig: mga pinunit na papel, basag na picture frame, at basag na mwebles. Walang ingay maliban sa wall clock, pero pakiramdam niya ay lalong bumabagal ang bawat segundo.Nakaupo siya sa sahig, yakap ang mga tuhod habang nakasandal sa sahig. Tanging puti at mahabang night dress ang kanyang suot. Nangangatog ang kamay niya, hindi sa lamig kundi sa mga bagay na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Iniisip niya na ilusyon lamang iyon. Hindi siya pinagtabuyan ng taong minahal niya ng lubusan.Muli siyang napahikbi nang maalala ang sinabi nito. Magang-maga na ang mga mata niya at wala na siyang luhang ilalabas. Pero dumudurugo pa rin ang kanyang puso. Pagod na siya magwala.

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 86: My Pleasure

    Mahaba ang nguso ni Cecelia nang nanaog siya bibit ang isang itim na kahon. Hindi niya kasi nagustuhan ang regalo sa kanya ni Magnus. Lumalampas na naman sa bakuran at may balak pang gawing intense ang laro nila sa kama. Natagpuan niya ang asawa sa bar counter, sa gilid ng infinity pool ng bahay nila. Tumutungga ng whiskey habang may kausap sa cellphone. Bagamat nakatalikod ay alam niyang may inaanda itong problema. Gusto niyang mang-usisa pero parang wala itong balak ibahagi ang problema nito.Magtatatlong buwan pa lamang silang naging mag-asawa, hindi pa niya buong kilala ito pero naiinis siya sa sarili dahil binigay niya ng buong-buo ang tiwalarito. Sana hindi maging si Judas. Alam niya ang ilang bahagi ng nakaraan nito. Namatay ang unang asawa nito pero tila bigla siyang nagseselos sa portrait painting nito. Binabalak niyang ipatapon iyon isang araw. Bukod doon, alam niya kung ano ang tra

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 85: Deciever

    Bumagyo ang takot, galit at pagsisisi sa buong sistema ni Valentina. Tila huminto ang oras, tanging silang dalawa ang natira ni Maxwell sa mundo. Nakalimutan niyang huminga, dumidilim ang mga mata, nanghihina ang mga tuod at natanto niyang nangingilid ang kanyang mga luha.Umakyat baba ang balikat nito sa bawat paghinga, nanginginig ang mga kamay sa tagiliran nito, matalim at malamig ang mga mata na tila binabalatan siya. “Anak ka ng p*ta! Niloloko mo pala ako. Tapatin mo, sino ang ama ng anak mo?!” Dumagundong ang boses nito sa buong silid dulot ng pagbaling mga tao sa kanila at pagiging alerto ng mga jailer. Maski galit si Maxwell ay sinikap nitong maging matimpi. Sa kanya lang talaga binuntong ang galit.Suminok siya siya, hindi kaagad makapagsalita. “A-Aksidente lang iyon. Hindi ko sinasadyang mabuntis niya ako.

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 84: Supportive Husband

    Tila umahon mula sa pagkakalunod si Valentina nang binitawan ni Cecelia. Bagamat nangingisay ay kaya pa rin nitong gantihan siya ng nakakalasong tignin. She is really provoking her. Kung masamang tao siya, baka kanina pa niya napatay. “Pasalamat ka, hindi mo pa oras ngayon!” bulyaw niya sa mukha nito.Habol ang hininga nitong hinawakan ang leeg. Halos luluwa ang mga mata sa tindi ng galit. “P-Paano, paano mo nalaman ang tungkol sa anak ko?!”Ngumisi siya—iyong mapangutyang ngiti. “Naalala kasi ako ng Diyos, naawa siya sa akin kaya binigyan niya ako ng pagkakataon na malaman ang sekreto mo.”Umakma itong susuntukin siya. “At ikaw rin iyong nam-blackmail sa akin, tama?”“At binayad mo sa lalaki mo ang pera na dapat sa akin.” Inikot niya ang mga mata. “You’re stupid as ever. Akala mo siguro matalino ka na sa utak monggo mong iyan? Yes, inagaw mo ang asawa ko. Yes, pinatay mo ang anak ko. And yes, sinisingil ka na ngayon ng kasakiman mo!”Umikot-ikot siya, parang kinakalkal niya ang kalu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status