แชร์

Kabanata 3 Unrequited Love

ผู้เขียน: Maria Bonifacia
last update วันที่เผยแพร่: 2024-06-06 20:30:07

Nagkukukot ang damdamin niya para kay Jace. Kung may dala lang siyang gasolina at posporo malamang sinunog na niya ang classroom nila o kaya ay kahit granada. Kapag siguro nagtamo ng third degree burn ang dalawang iyon ay titigil na sa ginagawang panloloko ng kapwa.

“Babe, don’t be jealous, ikaw ang talagang mahal ko,” boses ni Maecy na parang pusang naglalambing sa itaas ng bubong.

“Paanong hindi ako magseselos, lagi kayo magkasama, at alam ko may nangyayari din sa inyo,” medyo matigas ang boses ng lalaki.

“Ilang beses ko ba sasabihin, business lang iyon, seguridad ng negosyo. Alam mong magkasosyo sa negosyo ang mga pamilya namin.”

“Eh hindi ba at basa na ang papel mo sa matanda. Tiyak na tututol sa relasyon ninyo si Don Ricardo."

“Well, hanggang hawak ko sa leeg si Jace Malvar, ang nag-iisang tagapagmana, I don't need to worry,” kampanteng sabi nito.

Sabay dinig niya sa mahinang boses nito na animo umuungol.

Nanginginig siya sa galit. Napakawalanghiya nito. Lalayo na sana siya ng magsalita pa ito.

“Wait, babe, next month nagbabalak na kaming magtanan, sasamantalahin ko ang pagkabaliw sa akin ng lokong yun. At tiyak na wala ng magagawa si Don Ricardo. I'll be richer a hundred times. At damay ka din syempre sa tagumpay ko kaya suportahan mo na lang ako."

Dinig na dinig niya ang malutong na tawa nito na parang baliw.

Lumayo na siya. Nalumo siya sa natuklasan. Magtatanan sina Jace at Maecy. Ano ang gagawin niya?! She has to do something, hindi para mapasakanya si Jace kundi iligtas ito sa masamang balak ng nobya nito.

***

Tatlong linggo na ang lumilipas, isang linggo na lamang ang nalalabing araw bago itanan ni Jace ang nobya. Ano ang gagawin niya? Kung sasabihin niya dito ang totoo, tiyak na hindi siya nito papaniwalaan. Bulag at bingi ito pagdating kay Maecy.

May outing ang pamilya ni Jace sa Isla Buena, isang first class resort sa gawing norte. Ibang klase ang lugar. Paraiso sa lupa, iyon ang tamang pagsasalarawan sa lugar. Maging ang serbisyo ay de-kalidad at world class. Dahil siya ang pakilala na girlfriend, siya ang kasama ni Jace. At dito na niya gagawin ang plano. Para siyang may daga sa dibdib sa kaba maisip pa lang ang gagawin.

Kakatapos lang niya kumain. Umupo siya sa dalampasigan. Lumayo siya sa karamihan upang makapag-isip na mabuti. Ang buhangin ay napakapino at napakaputi. Maraming puno ng niyog sa di kalayuan na pwedeng lagyan ng duyan dahil sa agwat ng bawat puno. Isa talagang paraiso ang lugar na ito, malawak ang asul na karagatan na kumikislap sa liwanag ng buwan. Dumadapyo sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Lumapit si Jace at umupo sa tabi niya.

“Bella, gusto kong magpasalamat sa’yo,” sabi ni Jace.

Napatingin siya dito. Mukhang nakainom na ito. Namumula ang pisngi nito at namumungay ang mga mata.

“Para saan?” inosenteng tanong niya.

“Para sa kabutihan mo, sa pagtulong para maitago ang relasyon namin ni Maecy. Alam kong mabuti kang tao. Hindi ko nga lang matuturuan ang puso ko na mahalin ka kaya hanggang friendship lang ang kaya kong i-offer sa’yo. Bilang kaibigan, wala akong masabi sa’yo. Alam kong maswerte ang lalaking makakasama mo.”

“Wala yun, 'wag mong intindihin. Tanggap ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Oo gusto kita pero isang araw alam kong mawawala din itong nararamdaman ko para sa’yo. Tanggap ko ang katotohanan. Salamat sa pagkakaibigan na ibinigay mo. At hangad ko ang kaligayahan mo.”

Gustong bumalong ng luha sa mga mata niya ng sandaling iyon. Alam niyang niloloko niya ang sarili. Dahil habang tumatagal ay mas lumalim ang damdamin niya para sa binata.

“May sasabihin ako sa'yo, may plano kaming magtanan,”

Napamaang siya sa pinagtapat nito. Alam na niya ang tungkol dito, ngunit bakit iba pa din kapag sa bibig mismo nito nanggaling. Bakit parang hiniwa ang puso niya at pinatakan ng kalamansi at asin.

“Hindi ba at napakabata pa ninyo para mag-asawa. Sa isang buwan ka pa lang magtatapos ng kolehiyo,” kalmante niyang sabi. Ayaw ipahalata ang pagtutol. Kilala niya ang binata ayaw ng kinokontra ang kagustuhan.

“Pakiramdam ko ay handa na kami. At nahihirapan na din kami ni Maecy ng patago. Marami kaming plano para sa pamilyang bubuuin namin.”

 Aray.  Para sa sarili niyang damdamin at para sa awa niya sa lalaking iniibig.

“Sigurado ka ba? Hindi biro ang pag-aasawa.”

“Mahal namin ang isa’t isa, hindi pa ba sapat na dahilan yun?”

“Papayag ba ang Daddy mo?”

Gusto niyang magbago ang desisyon nito dahil maling babae ang binabalak nitong pakasalan.

“Kaya magtatanan kami, pagbalik namin kasama na ang pamilya ni Maecy kaya tiyak wala na siyang magagawa pa kundi pumayag. At isa pa ako ang makikisama at hindi siya.”

Sasabihin ba niya na niloloko lang ito ni Maecy? Paniwalaan kaya siya nito? Malamang ay hindi. Itutuloy niya ang plano.

“Kailangan ko ang tulong mo sa pagtatanan, kausapin kita bukas para sa iba pang detalye.”

Napatango na lamang siya. Nagdasal siya ng taimtim. Ililigtas niya si Jace. Tiyak na magagalit sa kanya ang binata. Pero kailangan niyang pigilan ito.

Alas-dos ng madaling araw, walang kuryente, nasira ang generator sa isla na ipinagpasalamat niya dahil mas madali niyang maisasakatuparan ang plano. Maingat na pinihit ni Bella ang seradura ng pinto. Pumasok siya sa loob at inihanda ang sarili. May nadinig siyang mga yabag. Parating na ang hinihintay niya.

Pumasok si Jace sa cottage. Madilim sa loob ngunit may munting liwanag mula sa mga buwan at bituin. Medyo mabuway na ang lakad ng binata. Lumapit siya dito sa paraang mapang-akit habang sumasayaw ng walang saplot.

Gustong mangilabot ni Bella sa ginagawa. Eto siya performing an art na wala siyang alam. Kahapon lamang niya napanood sa you tube itong sayaw niya. Napangiti ang binata.

“Sino nagpadala sa'yo? Ang pinsan ko ba? Kakasabi ko lang na magpapakasal na ako, may regalo agad."

Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit siya at inilapat ang bibig sa labi ni Jace. Inalis niya ang damit pang itaas nito at isinunod ang shorts. Nakita niya ang pag-igkas ng pagkalalaki nitong matigas na. Napalunok siya ng ilang ulit sa laki ng alaga nito.

“Bakit nanginginig ka?" pansin ng binata.

Yumapos siya at diniin ang pagkakahalik sa binata. Marahan siya nitong tinulak.

“Look Miss, nakainom ako pero ikakasal na ako. Umuwi ka na.”

 Yumuko siya at natigilan. Inaninag siya ito.

“Bella, ikaw ba 'yan? What the hell is this?” nagulantang ito ng makilala siya.

“Jace mahal na mahal kita. Hindi ko hinihinging mahalin mo din ako. Halikan mo lamang ako kahit sa huling pagkakataon,” basag ang tinig niya dala ng pinaghalong emosyon na hindi na niya kayang bigyan ng pangalan.

Malamang ay nakadama ng awa ang binata, niyakap siya nito at hinalikan sa mga labi na bahagyang nakaawang. Maalab ang halik nito. Her first kiss. Lumalim ang halik ng binata na parang may hinahanap. Natangay na din siya emosyon. His hands move, touching every inch of her. Gusto niyang sumigaw sa sensasyon. Hindi niya kayang pakibagayan ang ganitong uri ng damdamin. Napasabunot siya sa buhok ng binata.

Nang biglang bumukas ang pinto, si Don Ricardo, may dalang flashlight na nakatutok sa kanilang dalawa!

Nagsumiksik Bella sa binata upang ikubli ang kahubaran.

Saglit lang ang pagkagulat ng Don. “Magbihis kayo, sumunod kayo sa cottage namin."

Pagdating nila ay nandoon na din si Alfredo at Donya Carmelita.

“Matapos ang nakita ko, I insist na magpakasal na kayo,” bungad ni Don Ricardo.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 80 Choosing to Love Again

    Pagsapit ng madaling-araw, nanatili pa rin si Bella sa tabi ng kama ni Jace.Ilang ulit na siyang pinapahinga nina Crissy at Donya Carmelita, ngunit tumanggi siyang umalis sa ICU. Hindi niya kayang ipikit ang mga mata habang hindi niya alam kung muli pa bang magigising ang lalaking minamahal.“Bella, kailangan mong magpahinga kahit sandali,” mahinang sabi ni Crissy. “Hindi makabubuti sa inyo ng baby ang sobrang pagod.”“Dito na lang ako,” sagot niya. “Kapag nagising siya, gusto kong ako ang una niyang makita.”Marahang pinisil ni Donya Carmelita ang kanyang balikat bago ito sumunod kay Crissy palabas. Naiwan si Bella sa tabi ni Jace, kasabay ng mahinang ugong ng mga makina.Hinawakan niya ang kamay nito.“Marami pa tayong kailangang ayusin,” bulong niya. “Kaya huwag mong isipin na sapat na ang pagsalo mo sa bala para mapatawad kita agad.”Huminga siya nang malalim upang pigilan ang panibagong pagdaloy ng kanyang mga luha.“Galit pa rin ako sa’yo. Nasasaktan pa rin ako. Kaya bumangon ka

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 79 Between Life and Love

    “Jace!”Napasigaw si Bella habang pilit na sinasalo ang katawan nitong unti-unting bumibigat sa kanyang mga bisig.Muling itinaas ni Maecy ang baril, ngunit bago pa nito maitutok sa kanila, sinunggaban ng security officer ang pulsuhan nito. Pumailanlang ang sigaw ng babae habang pilit na kumakawala.“Bitawan mo ako! Papatayin ko siya!”Mabilis na inagaw ng isa pang guwardiya ang baril bago pinadapa si Maecy sa semento at ipinosas. Patuloy ang pagsigaw at pagmumura nito, ngunit halos hindi na iyon marinig ni Bella.“Tumawag kayo ng ambulansiya!” sigaw niya. “Bilisan ninyo!”Marahang inihiga ni Bella si Jace sa semento. Nang makita niyang mabilis na kumakalat ang dugo sa suot nitong polo, hinubad niya ang kanyang jacket, itinupi iyon, at mariing idiniin sa sugat sa dibdib nito.Napangiwi si Jace.“Sorry… Kailangan kong pigilan ang pagdurugo.” Nanginginig ang kanyang mga kamay. “Jace, tumingin ka sa akin. Huwag mong ipikit ang mga mata mo.”Bahagyang gumalaw ang mga labi nito. “Ikaw… ligt

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 78 A Love Worth Dying For

    Parang tumigil ang paligid ni Bella habang nakatitig sa mensaheng nasa monitor.Napalingon siya kay Jace. Namutla ito at mahigpit na nakakuyom ang isang kamay sa gilid ng mesa.“Si Maecy…” halos pabulong nitong sambit. “Siya ang mastermind sa tangkang pagkidnap at pagpatay sa’yo?”“Hindi pa natin siya kokomprontahin,” mariing sabi ng imbestigador. “Hindi rin muna dapat malaman ni Maecy na nakita natin ang mga mensaheng ito.”“Pero malinaw ang pangalan niya,” ani Jace.“Contact name lang iyan. Kailangan muna nating mapatunayan na sa kanya nakarehistro o konektado ang numerong ginamit. Kukunin din natin ang buong message history at call records. Kapag kumpleto na ang ebidensiya, saka tayo kikilos.”Huminga nang malalim si Bella. Kahit malinaw ang nabasa niya, alam niyang hindi maaaring emosyon lamang ang pairalin. Isang maling hakbang at maaaring makatakas sina Maecy at Jonathan.“Mahahanap ba ninyo si Jonathan gamit ang cellphone?” tanong niya.Tumingin ang imbestigador sa digital foren

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 77 The Enemy from Their Past

    “Ulitin mo,” ani Bella.Kahit natatakpan ng sombrero at face mask ang malaking bahagi ng mukha nito, may kung anong pamilyar sa mga mata at tindig nito.“Sabihin mo kung saan ko ihihinto.”“Diyan.”Pinindot nito ang pause nang bahagyang tumingala ang lalaki habang inaayos ang identification card na nakasabit sa dibdib. Pinalaki ni Anthony ang larawan.Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Bella. Malinaw na ngayon ang manipis na peklat sa gilid ng kaliwang kilay nito.“Si Jonathan nga.”“Gaano ka kasigurado?” tanong ni Anthony.“Siguradong-sigurado siya,” singit ni Jace. “Dating boyfriend niya ang lalaking ’yan.”Napalingon si Bella rito. Mabilis na napalitan ng inis ang takot na gumapang sa dibdib niya.“Talagang hanggang ngayon, pinaniniwalaan mo pa rin si Maecy?”Bahagyang kumunot ang noo ni Jace. “Hindi ba—”“Hindi ko naging boyfriend si Jonathan.” Hindi na niya napigilang tumaas ang boses. “Same school natin siya, kaya kilala ko siya. At nakita ko siyang kahalikan ni Maecy. Pati ang

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 76 Getting Back His Wife

    Hindi nakaligtas sa paningin ni Bella ang biglang pagliwanag ng mukha ni Jace.“Kung totoo ang narinig ko,” sabi nito, hindi maitago ang pag-asang sumilay sa mga mata, “ibig sabihin, hindi kayo legal na mag-asawa.”“Jace, tunay man o hindi ang kasal, it does not matter.” Pinilit ni Bella na manatiling malamig ang boses. “Ang mahalaga, nagmamahalan kami.”Naging mapait ang kasinungalingan sa kanyang bibig, ngunit iyon lamang ang naisip niyang paraan upang pigilan ang pag-asang mabilis na nabubuo sa mukha nito. Hindi pa nga niya lubos na nauunawaan ang ginawa ni Matthew, sinusubukan na agad ni Jace na humanap ng puwang sa buhay niya.“Well, hindi naman siguro masamang isipin na may pag-asa pa ako sa’yo.”“Baliw ka ba?”Bahagyang ngumiti si Jace. “Oo. Baliw na baliw sa’yo.”Mabilis na umiwas ng tingin si Bella nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso. Hindi ito ang tamang panahon upang maapektuhan siya sa mga salitang matagal na niyang hinintay marinig noon.“Umalis ka na. May meeti

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 75 Love and Lies

    Naghintay si Fiona banggitin ni Matthew si Lyneth. Nais niyang bigyan ito ng pagkakataong magsabi ng totoo, ngunit nanatili lamang itong tahimik habang mariing nakatitig sa daan.“Wala akong relasyon sa babaeng nakita mo,” mariing sabi nito.Hindi na kumibo si Bella.Pagdating sa bahay, agad na pumarada si Matthew. Kakabukas pa lamang ni Bella ng seat belt nang huminto rin sa tapat ang kotseng kanina pa nakabuntot sa kanila.Bumukas ang p***o niyon at bumaba si Jace.Nanlaki ang mga mata ni Bella. “Jace, anong ginagawa mo rito?”Lumapit ito sa kanila, kalmado ngunit matigas ang mukha. “Gusto ko lang masigurong ligtas kang nakauwi.”Biglang isinara ni Matthew ang p***o ng sasakyan. “Gago ka talaga! She’s my wife! Huwag mo kaming guluhin!”“Matthew, huwag—”Hindi na siya nito pinakinggan. Mabilis nitong nilapitan si Jace at walang babalang nagpakawala ng suntok.Ngunit bago tumama ang kamao nito, sinalubong iyon ng kamay ni Jace—at sa unang pagkakataon, nakakita si Bella ng tunay na tako

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 56 Fake Marriage

    Nahintakutan si Bella. Napatingin siya sa seryosong mukha ni Jace. Ngunit wala siyang balak magpakasal at masakal sa relasyon nila. Ginawa na niya ito noon at ilang baldeng luha ang naubos niya.Kilala niyang magaling itong magmaneho. Nagulat sila ng may isang kotse na nasa tabi nila. Ibinaba ng driv

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 55 Best Way to Propose

    “Wala akong ninanakaw. Isang araw maiintindihan mo din kung bakit ganito ang naging desisyon ng daddy mo,” sabi ni Bella. Siya yata ang hindi nakahandang masaktan si Jace. Buong buhay nito ay naniwala ito na anak ito ni Don Ricardo. It will be too painful for him kung malalaman nito ang katotohanan.

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 53 Together in One Room

    Sa halip na takpan ni Jace ang pagkalalaki ay humakbang pa itong palapit kay Bella. Napalunok siya. Nataranta siya. Matagal na noong huli niya nakita ang alaga nito. Hindi siya nagpahalata.Itinaas niya ang kaliwang kilay at tumingin ng deretso sa mata ni Jace.“Bakit ka nandito sa room para sa repres

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 52 Rejected Proposal

    “Jace, tumayo ka diyan. Tigilan mo ako sa drama mo,” sabi ni Bella.“Tanggapin mo ito!” bulyaw ng binata. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito at pamumula ng mukha.“Kahit ano ang mangyari. I will never marry you. Not again. Not in this life. Nakarating ako ng langit at impyerno mula ng ikinasal tay

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status