Beranda / Romance / The CEO's Cold Ex-Wife / Kabanata 2 Waiting for Love

Share

Kabanata 2 Waiting for Love

Penulis: Maria Bonifacia
last update Tanggal publikasi: 2024-06-06 20:07:47

Hinanap niya ang comfort room sa likod ng bakuran. Ayaw na niyang pumasok sa loob, nahihirapan siyang lumakad ng maraming nakatingin. Na hindi niya alam kung humahanga o nanunuya. Napakababa talaga ng self-confidence niya. Palibhasa ay laking probinsya. Ang pakiramdam niya sa sarili ay marami siyang kulang. Kahit ang sariling ama ay hindi siya pinuri sa mga nakamit na karangalan sa pag-aaral o kahit ang pumunta man lang sa kanyang recognition day. Itinigil na niya ang pag-iisip. Ayaw niyang makulong sa nakaraan. At baka unti-unting magbago ang pakikitungo ng ama sa kanya. Hindi siya nagkukulang sa pagdarasal para sa araw na iyon. Nakahanda siyang maghintay. Dalawang lalaki ang hinihintay niyang mahalin siya, si Jace at ang daddy niya.

May narinig siyang mahinang tawanan sa loob ng maliit na stock room na katabi ng comfort room. Saglit siyang natigilan sa paglakad sa pasilyong makipot. Nakaawang ng bahagya ang pinto kaya sinilip niya ang pinagmumulan ng ingay. Natutop niya ng bibig. Si Maecy nakakandong sa classmate nilang si Jonathan habang nakikipaghalikan at halos hubad na. Hindi siya makapaniwala sa kataksilan nito kay Jace.

Maingat siyang humakbang paatras. Ngunit nabunggo siya sa isang malaking bulto ng katawan. Si Don Ricardo! Unti-unting lumapit ang Don sa pinto ng stock room upang tignan ang ikinagulat niya. Gusto niya itong pigilan ngunit huli na. Marahas nitong binuksan ang pinto ng stock room. Tumambad dito ang malaswang tagpo. Napapikit na lamang siya sa gulong maaaring mangyari.

“Mga walang modo! Sa pamamahay ko pa kayo gumagawa ng kahalayan at sa mismong birthday pa ng anak ko!” Galit na galit ang Don. Kitang- kita niyang natatagis ang bagang nito, kinaladkad nito palabas ang dalawa na hindi nagawang iayos ang mga sarili. May mga ilang bisita ang nakapansin sa gulo.

 "Bakit Dad?” gulat na gulat si Jace ng makasalubong ang tumatakbong si Jonathan na bitbit ang damit pang-itaas.

“Nahuli ko ang dalawang iyan na gumagawa ng kabastusan. Mabuti at nakita sila ni Bella,” sagot ng Don.

Dali-daling lumapit si Maecy kay Jace upang magpaliwanag.

“Let me explain, babe. It was set up, alam mo namang patay na patay sa'yo ang babaeng ‘yan,” pagmamakaawa ni Maecy habang pilit na niyayakap ang binata.

Isang matalim na tingin ang pinukol ni Jace sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang bumulagta na siya ng mga sandaling iyon. Naniwala ito sa sinabi ni Maecy. Nakabuka ang bibig niya ngunit walang tinig na lumabas. Gusto niyang itanggi ang paratang.

"Get out of my house and my son's life!” pagtataboy ni Don Ricardo kay Maecy.

Tumakbo sa kwarto si Jace at hindi na bumaba pa. Ang mga magulang na lamang nito ang nag-asikaso sa mga bisita.

***

Pabiling-biling siya sa higaan.  Hindi siya dalawin ng antok. Malungkot siya para kay Jace. Hindi ba at dapat ay matuwa siya dahil may chance na siyang mapansin ng binata. Pero nakita niya sa mga mata nito ang sakit ng malaman na nagtaksil ang nobya. Kapag pala tunay ang pag-ibig mas importante na masaya ang taong minamahal kahit pa ang ibig sabihin noon ay kalungkutan niya.  Nakatulog siyang nag-aalala para sa binata. Bukas ay kakausapin niya ito at kukumustahin.  

Kinabukasan ay hindi siya mapakali. Iniisip niya kung ayos na ba si Jace. Kahit may hawak siyang libro para magreview ay ayaw gumana ng utak niya. Okupado ni Jace. 

 “Oh, ano masaya ka na?" untag ni Jace sa pananahimik niya sa dulong bahagi ng science garden ng unibersidad. Palagi siya dito dahil talagang sariwa ang hangin sa dami ng puno at halaman. Tahimik ang paligid, tamang tama sa pagrereview sana niya.

“Jace, huwag mo naman sana ako sisihin,” depensa niya sa sarili.

“Shut up! Umamin na sa akin si Jonathan, ikaw ang nag-utos sa kanya para sapilitang ipasok sa stock room si Maecy at pagsamantalahan. At tsaka mo tinawag ang daddy ko! Napakagaling ng plano mo para mapaghiwalay kami. At nasira ang birthday party ko para sa pansariling kagustuhan mo!” mataas ang tono ng binata.

“Hindi totoo ‘yan!" nanayo ang balahibo niya sa kasinungalingang iyon. Paano naatim ni Jonathan na magsinungaling. Ni hindi nga niya kinakausap ang lalaking iyon, paano pa ang makipagsabwatan dito. Palapit pa lang siya kay Jonathan ay tumitilapon na siya sa lakas ng hangin nito sa katawan. Nuknukan ng yabang kahit wala namang ipagmamayabang.

“Ganoon ka ba kadesperada para magbayad pa ng tao para makuha ang gusto mo? Tandaan mo ito, kahit kailan ay hindi kita magugustuhan. Kaya huwag ka nang gumawa ng bagay para masira kami ni Maecy. Mabibigo ka lang.”

It feels like lightning strikes straight through her heart at that moment. Ibubuka sana niya ang bibig ngunit inawat siya ng binata.

“Huwag ka ng magdeny, totoo man o hindi, kami pa din ni Maecy.”

Hindi siya makapaniwala. Paanong nagawang patawarin nito ang kataksilan ng kasintahan sa mismong kaarawan at bahay nito. Bulag ba ito? O tanga? Napiling na lamang siya.

“Kinakausap kita dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit tinutulan ng daddy ko ang relasyon namin ni Maecy. Kailangan ko ng tulong mo.”

Kumunot ang noo niya. Naguluhan sa tinatakbo ng usapan nila ni Jace.

"Inutusan ako ng daddy ko na ligawan kita. So, let's pretend na nililigawan nga kita. While the truth is kami ni Maecy.”

Wala siyang maapuhap na sasabihin dahil literal na wala siyang maintindihan sa gusto nitong mangyari. Ilang sandali bago rumehistro sa isip niya ang mga sinabi nito. Papayag ba siya sa hinihiling nito?  Na maliwanag na isang kabaliwan. Ngunit hindi nga ba at isa siyang baliw. Baliw sa pag-ibig.

“Tanggapin mo ang sinasabi ko para mapatawad kita."

Gusto sana niyang sabihin na hindi niya kailangan ng patawad dahil inosente siya but she’s willing to do it with other reason. Isa itong chance niya para mapalapit sa binata. O isang paraan para lalo siyang masaktan. Nag-aaway ang puso at isip niya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon.

“Pag-iisipan ko.”

“Pumayag ka na, wala kang ibang choice,”

Napatitig siya sa binata. Seryoso ito. Mahal nito si Maecy habang mahal naman niya ito. Papayag siya sa kalokohang naisip nito.

 “Okay, payag na ako."

Nagliwanag ang mukha nito sa sagot niya. Nakahanda siya sa anumang resulta ng pagpapanggap nila.

Nagpanggap silang nagkakamabutihan sa mata ng pamilya ni Jace. May mga lakad silang kunwari ay magkasama kahit si Maecy ang talagang kasama nito. Mahirap. Mas lalo siyang nasasaktan. Ngunit unti-unti ay napapalapit na ang loob ni Jace sa kanya. Kaibigan na ang turing nito sa kanya. Kampante ito sa pagkukuwento ng mga ginagawa nito sa araw-araw at all ears ang pakikinig niya dito. Sana ay tuluyan ng mahulog ang loob ni Jace sa kanya. Sana ay maging totoo ang pagpapanggap nila bilang magkasintahan.

Kinabukasan ay alas sais ng umaga ang umpisa ng klase nila, 5:15 pa lang nasa school na siya. Kinilabutan siya ng mapadaan sa library dahil balitang may naglalakad na lalaking pugot ang ulo na nagpapakita o nagpaparamdam doon.

Madilim pa sa paligid, lalong nadagdagan ang kaba niya. Mabilis ang bawat hakbang niya dahil tila may sumusunod sa kanya.  Nagmamadali siyang makarating sa classroom, madilim pa sa pasilyo. May naulinigan siyang pamilyar na boses na nag-uusap, si Maecy at Jonathan!

Sumilip siya sa bintanang nakaawang ng bahagya upang makumpirma ang hinala. Patuloy pa din pala ang relasyon ng mga ito! Mga makakapal talaga ang mukha.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 80 Choosing to Love Again

    Pagsapit ng madaling-araw, nanatili pa rin si Bella sa tabi ng kama ni Jace.Ilang ulit na siyang pinapahinga nina Crissy at Donya Carmelita, ngunit tumanggi siyang umalis sa ICU. Hindi niya kayang ipikit ang mga mata habang hindi niya alam kung muli pa bang magigising ang lalaking minamahal.“Bella, kailangan mong magpahinga kahit sandali,” mahinang sabi ni Crissy. “Hindi makabubuti sa inyo ng baby ang sobrang pagod.”“Dito na lang ako,” sagot niya. “Kapag nagising siya, gusto kong ako ang una niyang makita.”Marahang pinisil ni Donya Carmelita ang kanyang balikat bago ito sumunod kay Crissy palabas. Naiwan si Bella sa tabi ni Jace, kasabay ng mahinang ugong ng mga makina.Hinawakan niya ang kamay nito.“Marami pa tayong kailangang ayusin,” bulong niya. “Kaya huwag mong isipin na sapat na ang pagsalo mo sa bala para mapatawad kita agad.”Huminga siya nang malalim upang pigilan ang panibagong pagdaloy ng kanyang mga luha.“Galit pa rin ako sa’yo. Nasasaktan pa rin ako. Kaya bumangon ka

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 79 Between Life and Love

    “Jace!”Napasigaw si Bella habang pilit na sinasalo ang katawan nitong unti-unting bumibigat sa kanyang mga bisig.Muling itinaas ni Maecy ang baril, ngunit bago pa nito maitutok sa kanila, sinunggaban ng security officer ang pulsuhan nito. Pumailanlang ang sigaw ng babae habang pilit na kumakawala.“Bitawan mo ako! Papatayin ko siya!”Mabilis na inagaw ng isa pang guwardiya ang baril bago pinadapa si Maecy sa semento at ipinosas. Patuloy ang pagsigaw at pagmumura nito, ngunit halos hindi na iyon marinig ni Bella.“Tumawag kayo ng ambulansiya!” sigaw niya. “Bilisan ninyo!”Marahang inihiga ni Bella si Jace sa semento. Nang makita niyang mabilis na kumakalat ang dugo sa suot nitong polo, hinubad niya ang kanyang jacket, itinupi iyon, at mariing idiniin sa sugat sa dibdib nito.Napangiwi si Jace.“Sorry… Kailangan kong pigilan ang pagdurugo.” Nanginginig ang kanyang mga kamay. “Jace, tumingin ka sa akin. Huwag mong ipikit ang mga mata mo.”Bahagyang gumalaw ang mga labi nito. “Ikaw… ligt

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 78 A Love Worth Dying For

    Parang tumigil ang paligid ni Bella habang nakatitig sa mensaheng nasa monitor.Napalingon siya kay Jace. Namutla ito at mahigpit na nakakuyom ang isang kamay sa gilid ng mesa.“Si Maecy…” halos pabulong nitong sambit. “Siya ang mastermind sa tangkang pagkidnap at pagpatay sa’yo?”“Hindi pa natin siya kokomprontahin,” mariing sabi ng imbestigador. “Hindi rin muna dapat malaman ni Maecy na nakita natin ang mga mensaheng ito.”“Pero malinaw ang pangalan niya,” ani Jace.“Contact name lang iyan. Kailangan muna nating mapatunayan na sa kanya nakarehistro o konektado ang numerong ginamit. Kukunin din natin ang buong message history at call records. Kapag kumpleto na ang ebidensiya, saka tayo kikilos.”Huminga nang malalim si Bella. Kahit malinaw ang nabasa niya, alam niyang hindi maaaring emosyon lamang ang pairalin. Isang maling hakbang at maaaring makatakas sina Maecy at Jonathan.“Mahahanap ba ninyo si Jonathan gamit ang cellphone?” tanong niya.Tumingin ang imbestigador sa digital foren

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 77 The Enemy from Their Past

    “Ulitin mo,” ani Bella.Kahit natatakpan ng sombrero at face mask ang malaking bahagi ng mukha nito, may kung anong pamilyar sa mga mata at tindig nito.“Sabihin mo kung saan ko ihihinto.”“Diyan.”Pinindot nito ang pause nang bahagyang tumingala ang lalaki habang inaayos ang identification card na nakasabit sa dibdib. Pinalaki ni Anthony ang larawan.Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Bella. Malinaw na ngayon ang manipis na peklat sa gilid ng kaliwang kilay nito.“Si Jonathan nga.”“Gaano ka kasigurado?” tanong ni Anthony.“Siguradong-sigurado siya,” singit ni Jace. “Dating boyfriend niya ang lalaking ’yan.”Napalingon si Bella rito. Mabilis na napalitan ng inis ang takot na gumapang sa dibdib niya.“Talagang hanggang ngayon, pinaniniwalaan mo pa rin si Maecy?”Bahagyang kumunot ang noo ni Jace. “Hindi ba—”“Hindi ko naging boyfriend si Jonathan.” Hindi na niya napigilang tumaas ang boses. “Same school natin siya, kaya kilala ko siya. At nakita ko siyang kahalikan ni Maecy. Pati ang

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 76 Getting Back His Wife

    Hindi nakaligtas sa paningin ni Bella ang biglang pagliwanag ng mukha ni Jace.“Kung totoo ang narinig ko,” sabi nito, hindi maitago ang pag-asang sumilay sa mga mata, “ibig sabihin, hindi kayo legal na mag-asawa.”“Jace, tunay man o hindi ang kasal, it does not matter.” Pinilit ni Bella na manatiling malamig ang boses. “Ang mahalaga, nagmamahalan kami.”Naging mapait ang kasinungalingan sa kanyang bibig, ngunit iyon lamang ang naisip niyang paraan upang pigilan ang pag-asang mabilis na nabubuo sa mukha nito. Hindi pa nga niya lubos na nauunawaan ang ginawa ni Matthew, sinusubukan na agad ni Jace na humanap ng puwang sa buhay niya.“Well, hindi naman siguro masamang isipin na may pag-asa pa ako sa’yo.”“Baliw ka ba?”Bahagyang ngumiti si Jace. “Oo. Baliw na baliw sa’yo.”Mabilis na umiwas ng tingin si Bella nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso. Hindi ito ang tamang panahon upang maapektuhan siya sa mga salitang matagal na niyang hinintay marinig noon.“Umalis ka na. May meeti

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 75 Love and Lies

    Naghintay si Fiona banggitin ni Matthew si Lyneth. Nais niyang bigyan ito ng pagkakataong magsabi ng totoo, ngunit nanatili lamang itong tahimik habang mariing nakatitig sa daan.“Wala akong relasyon sa babaeng nakita mo,” mariing sabi nito.Hindi na kumibo si Bella.Pagdating sa bahay, agad na pumarada si Matthew. Kakabukas pa lamang ni Bella ng seat belt nang huminto rin sa tapat ang kotseng kanina pa nakabuntot sa kanila.Bumukas ang p***o niyon at bumaba si Jace.Nanlaki ang mga mata ni Bella. “Jace, anong ginagawa mo rito?”Lumapit ito sa kanila, kalmado ngunit matigas ang mukha. “Gusto ko lang masigurong ligtas kang nakauwi.”Biglang isinara ni Matthew ang p***o ng sasakyan. “Gago ka talaga! She’s my wife! Huwag mo kaming guluhin!”“Matthew, huwag—”Hindi na siya nito pinakinggan. Mabilis nitong nilapitan si Jace at walang babalang nagpakawala ng suntok.Ngunit bago tumama ang kamao nito, sinalubong iyon ng kamay ni Jace—at sa unang pagkakataon, nakakita si Bella ng tunay na tako

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 56 Fake Marriage

    Nahintakutan si Bella. Napatingin siya sa seryosong mukha ni Jace. Ngunit wala siyang balak magpakasal at masakal sa relasyon nila. Ginawa na niya ito noon at ilang baldeng luha ang naubos niya.Kilala niyang magaling itong magmaneho. Nagulat sila ng may isang kotse na nasa tabi nila. Ibinaba ng driv

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 55 Best Way to Propose

    “Wala akong ninanakaw. Isang araw maiintindihan mo din kung bakit ganito ang naging desisyon ng daddy mo,” sabi ni Bella. Siya yata ang hindi nakahandang masaktan si Jace. Buong buhay nito ay naniwala ito na anak ito ni Don Ricardo. It will be too painful for him kung malalaman nito ang katotohanan.

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 53 Together in One Room

    Sa halip na takpan ni Jace ang pagkalalaki ay humakbang pa itong palapit kay Bella. Napalunok siya. Nataranta siya. Matagal na noong huli niya nakita ang alaga nito. Hindi siya nagpahalata.Itinaas niya ang kaliwang kilay at tumingin ng deretso sa mata ni Jace.“Bakit ka nandito sa room para sa repres

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 52 Rejected Proposal

    “Jace, tumayo ka diyan. Tigilan mo ako sa drama mo,” sabi ni Bella.“Tanggapin mo ito!” bulyaw ng binata. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito at pamumula ng mukha.“Kahit ano ang mangyari. I will never marry you. Not again. Not in this life. Nakarating ako ng langit at impyerno mula ng ikinasal tay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status