BivianneWhat I hated about people was when they did something bad, but they wouldn’t do anything to correct them. Or at least, apologize.Hindi naman gano’n kahirap ang gusto kong makuha mula kay Yeshua. We’re best friends. She should know me by now. Magagalit ako pero hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob lalo na sa mga taong pinahahalagahan ko.But I’m not one to take this lightly. After all, future niya ang nakasalalay rito. Wala nang bawian. Hindi na pwedeng baguhin.Pero matapos kong mag-isip-isip ay napagtanto kong ginawa niya lang ‘yon para sa ‘kin. Which is hindi pa rin talaga ako sang-ayon hanggang ngayon kahit na anong paliwanag pa ang gawin niya.My mom’s anger will be temporary. Sasaktan niya ako kapag hindi ako naging valedictorian pero mawawala rin ‘yon. She’ll just probably be stricter afterwards. Pero hindi naman n’on maaapektuhan ang future ko. I just have to work harder for my dreams.Napabuntonghininga na lang ako. Knowing Yeshua, she’s probably sulking right
BivianneOxem and I’s relationship became a secret. At least mula kay mom at sa mga taong maaaring makapagsabi sa kaniya. We became careful around our teachers as well, lalo pa at halos lahat sila ay kakilala ni mom.Bukod sa mga pinsan niya ay ang mga kaklase lang namin ang nakakaalam. It’s not like they really care about what’s happening with our lives. At alam ko namang wala silang balak na sabihin kay mom, maliban kung kilala nila ‘to personally.Anyway, hindi naman ganoon kahirap ang sitwasyon namin lalo pa at kasabwat na namin si Mang Kiko. He promised me not to tell mom about our relationship. But in exchange for that, we need to go out with Yeshua. Dahil kahit papaano, ayaw niyang magsinungaling kay mom. He needs to tell her half the truth.Pumayag si Yeshua sa ganoong set up lalo na sa tuwing gusto naming kumain ni Oxem sa labas. Pero hindi dahil do’n ay ayos na kami. Hindi pa kasi namin napag-uusapan ang tungkol sa nangyari. Sa tuwing magkasama kaming tatlo ay si Oxem lang a
BivianneNapabuntonghininga ako habang nakatitig sa mga litrato ni Oxem kasama ang mga pinsan niya sa beach. Gaya ng sabi ko ay mukhang nag-eenjoy talaga siya roon para sa ‘kin. Maya’t maya ang pagpapadala niya ng mga litrato.Miski ang mga pagkain na kinakain nila ay pinadadala niya. Bigla tuloy kumulo ako tiyan ko lalo na nang makakita ako ng iba’t ibang seafoods. Natakam tuloy ako sa tahong at alimasag.Wish you were here.Lumambot ang puso ko matapos mabasa ang mensahe mula kay Oxem. I also wish I’m with him. I look forward to all our adventures. Isa itong pagbabakasyon sa isang beach ang gusto kong gawin kasama siya.You know that you sounded cliche, right?I know. Minsan nagugulat na lang ako sa sobrang pagka-cliche at pagka-old fashion ko.Napangiti ako. Don’t worry. Mahal pa rin naman kita kahit na ang old fashion mo.Hindi agad siya nag-reply kaya bumalik muna ako sa pagsusulat ng lessons. Baka nagkakasayahan pa rin sila roon kaya akala ko mamaya pa siya makakasagot.You real
BivianneMonths went by like a blur. Balik-eskwela na ulit kami. Nagkaroon kami ng pagkakataon ni Yeshua na I-tour ang bago naming school for the next four years. And luckily, we’re classmates. Wala na naman akong kawala sa ka-hyper-an niya.But I guess it’s also okay. At least, mayroon na agad akong kakilala unang araw pa lang ng klase. But it will also mean na kasama ko sa iisang klase ang magiging potential na karibal ko. Not that she cares about that. At bata pa lang kami ay magkaribal na talaga kami. “May pupuntahan ka pa ba?” she asked.“Wala naman na. Gutom ka na ba? Hindi pa tayo nagtatanghalian.”“May pupuntahan kasi sana ako. Kung gutom ka na, pwede ka namang maunang mag-lunch.”“It’s okay. Matagal ka ba?”Umiling siya. “Saglit lang ako. I’ll sign up in the futsal team. Gusto mo rin?”Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Here you go again.”“What?” Mahina siyang natawa. “I’m asking a genuine question. Walang halong pamimilit. Naalala ko lang kung gaano ka kasaya noong huling
BivianneGaya ng inaasahan ko ay naging busy kami pareho ni Oxem sa school. Madalang kaming magkita pero gabi-gabi naman kaming naka-video call. Madalas ay wala kaming sinasabi sa isa’t isa. Basta lang nakabukas ang mga phone namin habang may kaniya-kaniya kaming ginagawa.Pero kahit na busy ako ay kaya ko naman. Hindi pa ganoon kabigat ang mga gawain lalo na siguro dahil first years pa lang naman kami. Palagi kaming magkasama ni Yeshua sa school. Tuwing nagtatanghalian at kahit na sa tuwing nag-aaral ako sa library.Gaya na lang ngayon kung saan nagbabasa ako para sa subject namin mamaya. Iyon nga lang, may dalang manga si Yeshua at iyon ang binabasa. Sa pagkakaalala ko ay isa ‘yong japanese comics. Mahilig kasi siya sa panonood ng anime.“Yesh,” tawag ko sa kaniya.“Hm?” Hindi niya inalis ang tingin mula sa binabasa.“I want to join your team.”“Okay.”Ilang segundo pa bago niya ako pabalang na tiningnan. Bahagya niya pang naipalo ang binabasa sa lamesa kaya nakalikha iyon ng ingay.
BivianneToday’s our first official match. Since intrams lang naman siya, ang makakalaban lang namin ay ang ibang department. This morning, ang unang kuponan namin ay laban sa educ. Mamaya namang hapon ay laban sa engineering.Nanonood lang kami ng naunang game. Nakabihis na kami at naghihintay na lang na matapos ‘to. Nang malapit nang matapos ay tinawag na kami ni coach para makapag-warm up. Sa isang gilid lang kami sumipa-sipa ng bola dahil na rin sa dami ng tao.Nang matapos kaming mag-warm up ay nagulat na lang ako nang may nagtakip ng mga mata ko. Agad kong hinawakan ang kamay na tumakip sa ‘kin at napangiti.“Oxem, come on. Kung hindi ko kilala ang kamay mo, baka kanina pa kita nasiko.”Mahina siyang natawa bago tinanggal ang mga kamay. “Mabuti kung ganoon. Kung may ibang tumakip ng mga mata mo, sipain mo agad.”Niyakap ko siya. “Ang aga mo naman? Wala ka bang pasok?”“Intrams din sa school namin kaya walang klase. Suportahan na lang daw namin ang mga kaklase naming lalaro.”“Eh
BivianneIsang linggo lang ang intramurals. Kaya naman mabilis lang ding dumaan ang mga araw. Ang department namin ang isa sa mga nakapasok sa semi-finals kalaban ang IT department. Last day na ngayon ng intramurals kaya naman mamayang hapon din gaganapin ang finals.Kung sino ang mananalo sa ‘min ngayon ay siyang magiging kalaban ng CSER department o ang College of Sports, Exercise and Recreation.Sa totoo lang, hindi na ako umaasang mananalo kami laban sa CSER mamaya. Ang tanging nagmo-motivate lang sa ‘kin ngayon ay kahit papaano, may pagkakataon kaming maging 2nd place. Hindi na rin masama.Pero napanood na namin maglaro ang IT noon at talagang magaling din sila. Sila ang nagpahirap ng todo sa CSER noong mga nakaraang araw. At tiyak na mahihirapan din kami.“Makakapunta raw ba si Oxem?” tanong ni Yeshua.“Mamaya raw siya pupunta sa finals,” sagot ko. “Ngayon kasi ang finals ng mga kaklase niya kaya nandoon siya para sumuporta.”Napasinghal siya. “Sinuportahan niya ‘yong iba pero i
BivianneI shouldn’t have hoped too much. Kung hindi ko ginawa ‘yon ay hindi sana ako ganito kadismayado. Kung hindi ako umasa kanina ay hindi sana ako ganito ka-down ngayon.Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na ayos lang ‘to. Remember what Oxem said? This is my dream. Wala ‘tong kinalaman sa pag-aaral ko kaya hindi dapat ako matakot. Pero natatakpan lang ‘yon ng mga salita ni mom sa ‘kin kanina.She doesn’t want a half-baked result, let alone a failing outcome. Natalo kami ng CSER. There’s no retaking it. I’m still a loser. Parurusahan na naman ako panigurado kapag nalaman niya ‘to. At hindi malabong malaman niya agad.“Hey.” Agad akong nilapitan nina Yeshua at Oxem nang matapos ang game. Pareho silang nag-aalala. Kahit na pagod na pagod si Yeshua ay nakuha niya pa ring tingnan ang kalagayan ko.Actually, we’re all exhausted. We gave our all. Halos magkandangudngod pa nga ako kahahabol ng bola kanina. But all that was a waste of effort. Ni hindi man lang namin nagawang makalamang