Share

KABANATA 6

last update Last Updated: 2023-11-10 02:52:23

TAMARA’S P O V

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Harry bago siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

“Ano? Hindi ka na nakasagot?” angil ko.

“Pagod ako, Tamara.” Isa pang buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang humahagod ang mga mahahaba niyang daliri sa magulo niya ng buhok. “Kaya ako tumango. Ibig kong sabihin dun, birthday niya at nagpakain siya sa canteen.”

I stared at him for a moment, trying to read him. “Ano pa ang inililihim mo sa akin, Harry?”

“Wala!” he said, glaring at me. “Wala akong itinatago sa’yo. Wala akong inililihim sa’yo!”

“Talaga ba?”

He held up his hands. “Ayokong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagtalo sa’yo. Pagod ako at gusto ko ng magpahinga. Please lang, huwag kang nagger, Tamara. Nagiging katulad ka na ni mommy.

‘Si Mommy, napakanagger. Wala ng ginawa kundi bunganga dito, bunganga doon. Mula umaga hanggang hapon, binubungangaan pa din si daddy.’

Naalala kong sinabi niya sakin iyon dati at napatulala ako. Ganoon ba ako sa kanya? Nagger na ang tingin niya sa akin ngayon katulad ng nanay niya na lahat sinisita. Nagtatanong lang naman ako.

I watched him as he stormed out of the living room and ascended upstairs.

Napaupo ako saglit sa sofa at nagpakalma ng sarili. Hindi ito maaayos kung pareho kaming nagsisinghalan. Kailangan naming mag-usap ng maayos. Hindi lang para akin, kundi para na rin sa kanya. Para kay Lily. Para sa aming pamilya.

Mga sampung minuto lang ang pinalipas ko bago ako umakyat ulit sa taas upang kausapin ang asawa ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakaupo siya sa gilid ng kama, looking so contrite.

“I’m sorry…’’ he said, shame-faced. “Hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa iyo ang mga iyon. Kung bakit ko nagawa iyon. I was a jerk, Tamara. I’m really sorry…’’

He pulled me into a hug, and I gave in as I leaned on his shoulder.

“Namimiss ko na yung dati. Yung kakain tayo sa labas, manonood ng sine.” Tumingin ako sa kanya. “Pwede siguro akong dumaan sa office niyo kapag lunch break para sabay tayo---‘’’

“Baka busy ako nun…’’ he cut me off. “Madaming ginagawa sa office kahit breaktime.

I sighed. “Nawawalan ka na ba ng gana sa akin, Harry?”

“Hindi sa ganun.” He unwrapped his arms around me and turned me around to make me sit on his lap. “Bago lang ako sa trabaho. Kailangan kong magpaimpress sa boss ko.”

“So, okay lang sayo na magpaimpress sa boss mo kahit na napapabayaan mo na ang pamilya mo? Gusto mong maging employee of the month, pero dito sa bahay wala kang ginagawa.”

Tinitigan niya ako na para bang nanay niya ang kaharap niya.

Umalis ako sa kandungan niya at pumasok ako sa banyo. Hinihintay kong pigilan niya ako pero wala. Nagbago na talaga siya. Hindi na siya katulad ng dati. Kung siya pa yung Harry na asawa ko, hahabulin niya ako at aamuin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapangiti.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay lumabas na ako ng c.r. para lang mapatigil nung makita ko si Harry na mahimbing natutulog at naghihilik pa.

Umaasa pa naman ako na paglabas ko ng banyo ay malamig na pareho ang ulo namin at makakapag-usap na kami ng maayos.

Napailing na lamang ako at padabog na nahiga sa tabi niya.

A week later, we were getting dressed to go to the office , and I said to Harry, “Pwede ba nating imbitahin muna si mama para makapag stay siya dito sa bahay ng ilang araw?”

“Saan siya matutulog?” Tanong niya.

Dalawa lang kwarto sa taas, ang master’s bedroom at ang kwarto ni Lily.

Nang akmang sasagot ako ay napasin ko na tapos na niyang itali ang necktie nya sa kanyang leeg. Napakunot-noo ako dahil hindi ganito ang mga tipong kulay niya. Kahit minsan ay hindi ko siya nakitang nagsuot ng ganitong kulay ng necktie, ngayon lang. Ang nakakasilaw na kulay pink.

At napansin kong kanina pa siya sa harap ng salamin. Hinihimas himas ang kanyang baba na may mga tumutubong malilit na balbas. Harry never liked stubbles. Gusto niya lagi siyang nakaahit at sinisigurado niya na laging makinis ang kanyang mukha sa anumang mga buhok.

Pero ngayon…

“Pwede si mama sa kwarto ni Lily. Matutuwa si Lily dahil alam kong namimiss niya na ang kanyang lola.”

“Ewan ko---‘’’ Nakanganga naman siya ngayon at tinitignan ang bawat sulok ng mga ngipin niya, ngala-ngala, gilagid. Mukha na siyang tanga sa ginagawa niya.

“Alam mo namang malungkot si mama ngayon. Nag-iisa lang siya sa malaking bahay sa Sampaloc. Sigurado ako namimiss niya na si Papa, and I think it would be nice for her to spend some time with us, especially with Lily.”

“What about our privacy? Hindi ako sanay na may ibang tao dito sa bahay.” Matalim siyang nakatingin sa akin mula sa salamin, ang kanyang mga kamay na kanina lamang ay nagtatanggal ng tinga ay nasa magkabilang gilid na ng kanyang bewang.

“Ibang tao? Nanay ko yun, Harry!” napataas ang boses ko dahil sa sinabi niya.

“Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin—’’

“Okay, I get it.” Pinilit kong balewalain ang sinabi nya at pakalmahin ang sarili ko. “Sana magets mo din ang sinasabi ko. Kapag nandito si mama, makakalabas na tayo palagi. Kapag aalis tayo sa gabi, hindi na tayo magmamadaling umuwi. This is a win-win situation, Harry.”

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Tsinicheck naman niya ngayon ang loob ng ilong niya mula sa salamin.

“Paano kapag magsesex tayo? It would be awkward to have sex with your mom next door.”

Sex? Kailan ba ang huli naming pagniniig? Two months ago. Noong nagcelebrate kami dahil natanggap siya sa bago niyang trabaho.

“Sinasabi mo bang ayaw mong papuntahin dito si mama?” Nawalan na ako ng ganag makipag-usap sa kanya, dahil alam ko na ang sagot sa tanong ko base sa itsura niya.

Sa wakas umalis na din siya sa harap ng salamin.

“Oo. Ayoko siyang papuntahin dito.” Yun lang ang sinabi niya at lumabas sna siya ng kwarto.

Nagdadabog akong kinuha ang shoulder bag ko at sumunod na din akong lumabas ng kwarto pero dumiretso ako sa kwarto ni Lily.

“Aalis muna kami ni Daddy, okay? Huwag mong pasasakitin ang ulo ni Abby. Be a good girl, anak.”

“Why can’t Ate Myca babysit me?” she grumbled.

“Dahil inalagaan ka na ni Myca buong maghapon. Kailangan niya ding magpahinga anak.” Paliwanag ko sa kanya. I can’t imagine how Myca did everything here in the house. The cooking, the cleaning, and babysitting Lily—an oftentimes whiny, very bratty Lily. But Myca did everything so perfectly. Sobra talaga ang paghanga ko sa kanya dahil nagagawa niya ang mga hindi ko kayang gawin.

“Ayoko kay Ate Abby, mommy. Ang daming buhok sa braso niya. May bigote din siya kagaya ng kay daddy ngayon! Mukha siyang unggoy!”

“Anak!” suway ko sa kanya. Mabalbon kasi si Abby. Sabi niya sa akin ay ipinaglihi daw siya sa balot. Ayaw naman daw niyang ahitin ang mga buhok sa katawan niya dahil lalo lamang daw itong kakapal. “Hindi tama yang mga sinasabi mo na ganyan sa ibang tao ha. Masama yan.”

Ilang minuto lang ay dumating na si Abby.

Masama agad ang tingin na ibinigay ni Lily sa kanya, at saka sinabing, “Hindi ka nag-ahit?” Lily sounded so disappointed.

“Hindi.” Nakangiting sagot ni Abby kay Lily. Bilib din ako sa kanya dahil hindi siya napipikon sa anak ko.

“I’m just worried about you, Ate Abby. Ayokong nagmumukha kang unggoy.” Nakahalukipkip nitong sabi. Pinagalitan ko siya at pinilit kong magsorry siya kay Abby, in which she did immediately.

“Mag-aahit ako mamaya. Pahiram ako ng shaver ng daddy mo ha?” Sabi nito, at napatitig ako sa kanya. Bakit kailangan niyang gamitin ang pang-ahit ni Harry? Hindi ba siya makabili ng sarili niya?

Pero naisip ko baka binibiro niya lang si Lily dahil una na niyang sinabi sa akin na hindi siya nag-aahit.   

“Buti magkasundo na sila ni Lily.” Nakatawang sabi ni Harry tungkol kay Abby habang nasa kotse kami at nakaalis na ng bahay.

“Oo naman. Baka nabilinan na ni Myca.” I laughed back.

It felt like a long time since Harry and I have smiled or laughed together. And I’m loving the feeling of it again.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's First Love   KABANATA 53

    TAMARA’S P O VKinabukasan ay maagang inihatid ni mama si Lily sa school kaya naman pagbaba ko sa kusina para mag-almusal ay hindi ko na sila naabutan. Hindi rin ako ginising ng anak ko. Siguro ay sinabi dito ni mama na hindi ako papasok sa trabaho ngayon. Nag-isip na lamang siguro ng dahilan si mama kung bakit, dahil alam kong matanong ang anak ko.Nagkape muna ako, at kumain ng tasty bread na nilagyan ko ng palaman na peanut butter. Habang kumakain ay nagiiscroll ako sa cellphone ko kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho. Pwede siguro ako sa call center dahil fluent naman akong magsalita ng english. Pwede din sa office ulit, mag-iistart ako sa mababang posisyon kagaya ng secretary o personal assistant. Ilang araw pa lang naman kasi akong branch manager sa opisina kaya hindi ko ito pwedeng ilagay as experience.Ah, bahala na. Lalabas na lamang ako at maghahanap kung ano ang mga hiring.Pagkahugas ko ng ginamit kong tasa ay umakyat na ulit ako sa taas para maligo. Kailangan kong u

  • The CEO's First Love   KABANATA 52

    TAMARA’S P O VAyos na sana ang lahat. Papatawarin ko na sana siya sa ginawa niya sa akin, kaya lang ay bigla ulit itong nagsalita at sinabing, “Kung magreresign ka man, kailangan mong bayaran ang breach of contract…” nakangisi nitong sabi. “Pero isang tingin ko pa lang sa’yo ay hindi mo na kayang bayaran ito…” dagdag pa nito bago tumaas-baba ang tingin nito sa akin at pinagmasdan ang lumang kasuotan ko. “Hindi din siguro sasapat ang ipon mo para bayaran ako, tama ba?”Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi na ako nakakapamili ng mga bagong suotin sa opisina dahil iniisip ko ang ipon ko para kay Lily. Para sa kanyang pangangailangan ang kakaunting naipon ko kaya hindi muna ako gumagastos para sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko at sa anak ko. Heto ako nagtitiis upang mabuhay siyang mag-isa samantalang ang tatay niya ay isang milyonaryo at may-ari ng isang matagumpay na kumpanya.Eksaktong paglapit sa akin ni Daniel ay lumipad

  • The CEO's First Love   KABANATA 51

    TAMARA’S P O VNagkita ulit kami ni Daniel noong may party ang company, pero isa iyon sa mga hindi ko inaasahang mangyayari. At dahil doon ay nakita kami ni Harry at nag-isip agad ito ng masama tungkol sa amin. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita, pero wala namang problema kung magkita ulit kami, pero ‘yung maging boss ko siya at araw-araw kaming magkakasama, hindi ko ata kakayanin iyon, lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Paano kung malaman niya ang tungkol kay Lily? Baka kunin niya sa akin ang anak ko. Natatakot akong gawin niya iyon. Mas mabuti pang magresign na lamang ako sa trabaho, at kahit bumalik kami sa Maynila, huwag lamang mawala ang anak ko sa akin.Noong sinabi sa akin ni Wendy na nagpakasal na ulit si Daniel, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay galit na galit sa akin ang mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Maluwag kong tinanggap ang naging kapalaran namin ni Daniel. Alam kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil ayaw sa akin n

  • The CEO's First Love   KABANATA 50

    TAMARA’S P O V As usual, nagviral ang video na iyon ni Wendy at tinadtad ito ng iba’t ibang mga comments kagaya ng: “Malandi ang author ng book, bagay lang sa kanya ‘yan!” “Mang-aagaw! Homewrecker! Kulang pa sa’yo yan!" “Dapat ipasunog lahat ng libro mo. Wala nang bibili niyan! Hindi ka pa sumisikat laos ka na kaagad!” Tapos may nabasa pa akong mga comment tungkol naman ito kay Harry. “’Yang lalaki, may anak yan na six or seven years old. Kaklase dati ng anak ko ang anak niyan sa Cubao.” “Cubao? Di ba taga Cebu si Wendy? Paano sila nagkikita ng ganun kalayo?” “Baka naman etong babae talaga ang habol ng habol at panay ang punta dito sa Maynila para magpakantot lang sa lalaking ‘yan! Idinadahilan lang 'yung libro niya, Napakalandi talaga! Sariling kaibigan mo ang niloko mo! Ahas ka! Doon ka sa gubat nararapat!” “Balita ko naglayas na ‘yung tunay na asawa kasama ‘yung anak nila.” “Kahit ako man, iiwanan ko talaga ang babaerong ‘yan! Walang kwentang lalaki!” Sinubukan ko pang b

  • The CEO's First Love   KABANATA 49

    TAMARA’S P O VUmiiyak na si Harry sa harap ko. At nagsimula na naman itong maglitanya. Mga araw-araw na message niya sa akin na parang sirang plakang inuulit-ulit niya ngayon.“I’m sorry, Tamara. Please forgive me. Please… pwede pa tayong magsimula ulit. Hindi ko kakayanin ang mawala ka. Ang mawala kayo ni Lily sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Tam. Please…”He looked up at me. And I was reminded of the way he had looked up at my mom as we sat in the living room of her house six years ago. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng sinseridad habang kinakausap ang mama ko para hingin ang mga kamay ko. He was so raw and honest, like his words, stumbling, yet so sweet and gentle.“Alam mo, mabuti na lamang at hindi ikaw ang tunay na ama ng anak ko.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit na namuo sa dibdib ko. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga pagdurusa ni Lily. Sa tuwing sinasabi nito na, ''hindi na ako mahal ni daddy, mommy,'' para akong sinasaksak ng

  • The CEO's First Love   KABANATA 48

    TAMARA’S P O VNapagdesisyunan kong ibigay na lamang kay Harry ang bahay. Ipinagpipilitan nito na kailangan daw naming maghati kapag naibenta na niya ito. SIyempre hati kami. Hindi ako papayag na mapunta lang ang perang mapagbebentahan namin sa babae niya. At saka mas lugi ako dahil may anak ako. Alam ko naman na hindi siya magsusutento kay Lily, at hindi ko naman talaga hihingin iyon sa kanya, at kahit magpumilit pa ito ay hindi ko tatanggapin dahil wala siyang obligasyon sa anak ko. Wala na siyang karapatan ngayon sa anak ko, dahil lahat ng pagkakataon na ibingay ko ay binalewala lang nito. Hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng anak ko.Isang araw ay tumawag ito pero hindi ko ito sinagot kaya naman nag-iwan na lamang ito ng mensahe sa voice mail.His voice cracked with emotions as he said, “Natanggap ko na ang annulment papers kaninang umaga lang. Gusto kong malaman mo na… hindi ako kumokontra dito. Nagkasala ako sa’yo. Niloko kita, at alam kong hinding-hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status