Share

Chapter 2

"What? Why didn't you tell me immediately?" Rinig kong tanong ng lalaki sa taong nasa kabilang linya. Nakapagdamit na siya kanina roon sa may banyo at habang nagbibihis siya ay nagbihis na rin ako hanggang sa muli siyang lumabas at ngayon nga ay may kausap na. Narito pa rin ako sa gilid ng kama at pilit pa rin na pinoproseso ang lahat ng mga nangyari ngunit ayaw tanggapin ng utak ko. "Fine." Iyon na lamang ang huli kong narinig hanggang sa maramdaman ko ang paglingon nito sa akin. Ni hindi ko magawang pasadahan ng tingin ang lugar kung saan ako naroon ngayon dahil sa pagkakatulala ko lamang sa sahig. "Who are you?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin ngunit agad akong umtras sa kinauupuan ko dahilan para mapatigil naman siya agad. 

Hindi ako sumagot. Wala akong plano na sumagot. Ang gusto ko na lamang ay makaalis rito ngunit sa kamalas malasan ay hindi ko magawa dahil masakit pa rin ang gitnang parte ng mga hita ko. 

"Does it still hurt?" Sa pagkakataon na iyon ay nahimigan ko na ang pag-aalala sa kan'yang boses. Is he really asking me that?! Is he for real?! Siya kaya ang pasukan ng jumbo?! Nanatili akong tahimik. Hindi pa rin umiimik. Hanggang sa bigla ay matunog siyang humugot ng hininga. "Fine. You don't need to answer my questions. Just take this and leave. Don't let anyone know about what happened last night." Bigla ay may nilapag siyang isang malaking bag na kulay itim sa harapan ko at nang buksan niya iyon ay libo-libong pera ang naroon. 

Hindi ako makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kan'ya. Sa kaunaunahang pagkakataon ay naging maayos ang pagtatagpo ng paningin naming dalawa. "I am not a prostitute." Mariin ang naging bawat pagbitaw ko sa mga salitang iyon at saka pilit na tumayo dahilan para agad rin naman siyang mapatayo. Walang expression ang kan'yang mukha at mga mata na nakatingin sa akin at hindi rin siya umimik pa. "Wala akong plano na magpabayad sa trabahong hindi ko ginusto at wala sa plano ko. Hindi ako bayarang babae kaya i*****k mo sa baga mo iyang pera mo dahil hindi ko iyan tatanggapin." Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at saka agad na lumabas sa k'wartong iyon.

Nang tuluyang makalabas ay roon na pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala ng katao-tao sa palapag na iyon ganoon rin sa unang palapag nang makababa ako. Malinis na ang lahat ngunit bigo ako na makakita ng kahit sinuman na nagtatrabaho pa. Dumerecho na lamang ako sa dressing room kung saan ko iniwan ang mga gamit ko at saka mabilis na nagpalit ng damit. Palabas na sana ako ng club nang makasalubong ko iyong babae na nagbigay ng damit sa akin at nag-ayos. Nagtagpo ang paningin naming dalawa ngunit bigla na lamang niya akong nginisihan at saka tuluyang nilampasan. Nang mga sandali na iyon ay may hinala na ako na may kinalaman siya sa nangyari sa akin ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Ano'ng dahilan niya? Mahigpit akong napahawak sa bag ko hanggang sa makarating na ako sa parking lot ng resort at agad na sumakay sa kotseng hiniram ko lamang kay Cassidy. 

Malakas kong nahampas ang manibela dahilan para gumawa iyon ng nakakabinging ingay. Nang dahil roon ay napapatingin na sa gawi ko ang mga taong dumaraan ngunit tinted naman ang kotse kaya hindi rin nila ako makikita. Nang muli akong mag-angat ng tingin ay pinahid ko na ang mga luha ko at saka mabilis na pinaharurot ang kotse. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng daan nang maalala kong buksan ang cellphone ko. Ganoon na lamang ang panlulumo ko at pagsisisi sa lahat nang nangyari kagabi nang makita ko ang sobrang daming text at tawag ni Noah sa akin. 

From: Babe | 09:10 PM

Babe, where are you? Kakatapos lang ng meeting ko kaya ngayon lang ako nakapag-text sa 'yo. Sorry. 

From: Babe | 09:18 PM

Babe, why aren't you replying? You're not answering my calls too. Are you mad at me?

From: Babe | 09:41 PM

Babe, something happened to the office. I need to go back there. Please reply to me.

From: Babe | 10:59 PM

I just got home, babe. 

From: Babe | 11:26 PM

Beatrice, tell me what's wrong? Did I do something wrong? Are you mad? Why aren't you replying and answering my calls?

From: Babe | 05:19 PM

Babe..

Matapos mabasa ang lahat ng messages niya ay doon na tuluyang mas bumigay pa ang mga luha ko. How am I going to face you now after what happened, Noah? How? Matapos kong hayaan na umiyak nang umiyak ang sarili ko ay muli kong pinatakbo ang kotse pauwi. Nang makapasok sa village namin ay agad akong napahinto nang makita ang kotse ni Noah sa tapat ng apartment namin hanggang sa bigla ay bumukas ang gate at niluwa niyon si Cassi at Noah. May pinag-usapan pa silang dalawa ngunit dahil sa limang blocks pa ang layo ko sa kanila ay malabo ko iyon na maririnig. Nang makaalis si Noah ay agad naman akong pumarada sa tapat nang hindi pa nakakapasok muli na si Cassidy. 

"O-Oh! Beatrice! Sira na ba ang ulo mong babae ka, h-huh?! Ano'ng nangyari ba sa iyo?! Kagabi ka pa namin kino-contact ni Noah pero out of reach ang cellphone mo!" Agad akong nakatanggap ng bulyaw kay Cassi nang buksan ko ang pintuan ng driver's seat. "Tinawagan ko na rin si Sir Maurice pero miski raw sila ay hindi ka mahanap! Bigla ka na lang raw nawala! Ano bang pumasok sa isip mo, huh?!" Nang mag-angat ako ng tingin sa kan'ya ay agad siyang binakasan ng pag-aalala sa mukha nang makita niya ang luhaan kong itsura. "Beatrice..." Lumapit siya sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi. "W-What happened, beb? H-Huh?" Nang yakapin niya ako ay tuluyan na akong hindi nakasagot at umiyak na lamang nang umiyak. 

"I d-don't know how can I face him a-again after what h-happened, Cassi.." Para akong bata na umiiyak sa bisig niya. Narito kami ngayon sa k'warto ko. Nakaunan ako sa hita niya habang siya ay hinahaplos haplos ang buhok ko. 

"Calm down, Bea. Calm down. I will help you, okay?" Her soft voice makes me feel at ease. "Hush now, beb. You're not alone on this, okay? What do you want to do? Should we report that guy, huh?" tanong niya patungkol sa lalaking nakasama ko nang gabi na iyon. 

Umiling ako. "Kahit g-gustuhin ko ay hindi ko k-kaya. Wala akong kapera-pera, Cassi. Mas marami pa rin akong mas i-importanteng bagay na kailangang pagtuunan ng pansin kaysa sa b-bagay na ito."

Matunog siyang bumuntonghininga. "Okay. I'll support you no matter what your decision is, okay? I'll be here."

Since that day I started avoiding Noah. I know that I should just break up with him but I still can't face him. He doesn't deserve to have a break up through the phone too. He's so good. I know that I will be breaking his heart but making it in person will at least ease the fact that I step on his pride. "Is he still there?" I asked Cassi. Na'ndito kami ngayon sa club. Siya ang nakatoka sa may bar habang ako naman ay roon sa may kusina na nasa likod lamang niyon. 

Pasimple niya akong nilingon. "Oo. Na'ndyan pa. Doon ka muna sa loob, baka makita ka pa niya." Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi ni Cassi. 

"I'm really sorry, Noah," mahina kong saad nang mag-pop up na naman sa screen ng cellphone ko ang pangalan niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status