Muling tinitigan ni Zane ang dalawang resume na hawak. Parehong tipid ang mga ibinigay na impormasyong naroon. Anastacia Mondragon. Nakalagay doon ang totoong mga magulang at pareho ding nakalagay na deceased na. Nagtapos ito ng AB in Mass Communication at naroon din ang numero at pangalan ng kumpanya kung saan ito nag-OJT, pero wala itong anumang inalagay na magbibigay ng koneksyon nito sa Rancho Mondragon.
Sa isang resume kung saan ito ay si Anikka Merced ay ma
Lumipas ang isang linggo ay madaling nakabisado ni Anikka ang trabaho habang si Jayzee ay abala naman sa kabi-kabilang meeting. Sa kabila naman ng pagiging abala nito ay hindi pa rin ito tumitigil sa panunukso sa kanya na nakasanayan na rin niya sa araw-araw. Alam niyang gawain din naman ng binata ang ganoon kahit sa ibang babae. Pero bukod kay Jayzee, tila nakuha rin niya ang atensyon ng ibang kalalakihan sa kumpanya at kahit pa ang ilang bisitang kasosyo sa negosyo ng mga Albano – na ikinaiinis ng binata.
Alas syete pa lang ay nasa opisina na siya Lunes ng umaga. Wala pa ang buong pamilya niya dahil ngayon pa lang ang flight ng mga ito pabalik. Wala siyang ginawa buong weekend kung hindi manood ng sports sa cable channel at lumangoy sa pool. Wala siya sa mood pumunta sa club kaya sa condo lang siya sa loob ng dalawang araw na iyon. For the first time in his adult life, ngayon lang yata siya nagkaroon ng ‘me’ time.Malayo pa lang siya’y tanaw niya na ang mali
Tinotoo nitong siya na ang kasama sa conference room sa tatlong meeting nito ngayong araw. Na-extend rin ang oras ng pangalawang meeting nila na inabot na halos ng ala-una. Wala rin siyang nagawa nang yayain siya ng binata na mag-lunch sa labas. Hindi naman ito naging mapanukso habang kumakain dahil puro tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Humanga siya sa galing at pagiging propesyunal nito pagdating sa trabaho. Hindi nakapagtataka na ipinapaubaya na ng ama nito ang pagdedesisyon na may kinalaman sa kumpanya.
Nagising ng maaga si Anikka kinabukasan dala pa rin ang alalahanin sa nangyaring paghalik sa kanya ng ilang beses ni Jayzee nang hindi man lang siya nakatanggi o nakaiwas man lang. Ngayon ay hindi niya alam kung paano niya ito haharapin na tila walang nangyari. Ginagawang laro na lang ba talaga ang pakikipagrelasyon ngayon? Si Jude at Benedict ay hindi naman nagparamdam ng ganoon sa kanya. Nakakatawang kung sino pa ang hindi seryoso sa kanya’y doon pa yata mahuhulog ang loob niya.
Sa hapon ay dumating si Oliver at ito mismo ang nagdeliver ng spare parts na kailangan ng airlines. Katulad ng dati ay nagtagal ito sa harap ng mesa niya na ikinasimangot ni Jayzee. Alam din niyang sinasadya nitong palagi siyang tawagin sa opisina nito para hindi magkaroon si Oliver na dumiskarte sa kanya. Hindi rin naman niya gusto si Oliver, pero malaking tulong ang presensya nito para makapag-isip siya ng maayos sa harap ni Jayzee.“Anong oras ba uuwi ang lalaking ‘yan?&nb
Lihim na pinagmamasdan ni Jayzee si Anikka sa mga ikinikilos nito dahil tumataas ang kuryusidad niya habang dumadaan ang mga araw. Mula nang mangyari ang pagdukot kay Marga na may kinalaman ang dati niyang sekretarya ay naging mapanuri na siya sa mga babaeng nakikilala. Mayaman ang angkan nila at hindi malabong may mga mangilan-ngilan na iba ang intensyon sa pakikipaglapit sa kanila. He saw her frightened a while ago. Iyon
Alam ni Anikka na lasing na siya dahil sandaling umikot ang paningin niya nang lumabas ng kotse at akayin siya ng binata papasok ng apartment niya. Nagpanggap naman siyang maayos pa ang lakad para hindi mapahiya, pero hindi niya maipasok ang susi sa pintuan kaya’t kinuha sa kanya ng binata at ito ang nagbukas ng pinto. Nang makapasok ay agad siyang umupo sa sofa samantalang si Jayzee ay tumuloy sa kusina at nagtimpla ng kape. Nakapikit siya pero naririnig niya ang bawat kilos ng binata. Matapos ang ilang sandali ay lumapit na ito dala ang dalawang tasa ng kape.
Hindi mapakali si Jayzee sa opisina niya dahil alas nueve na’y wala pa ang dalaga. Nagtext naman ito na on the way na ito pero kanina pa iyong alas otso. Muli niyang inalala ang nangyari sa kanila kagabi at muling nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. Kung hindi lang siya nakatulog ng mahimbing at tinanghali ng gising ay aangkinin niya itong muli. Na sa kauna-unahang pagkakataon ng buhay niya ay natulog siyang katabi ang isang babae hanggang mag-umaga. Maliit lang ang kama nito na halos hindi sila magkasyang dalawa, pero nakatulog siya ng mahimbing yakap ang dalaga.