Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad