MALAKAS na napasinghap si Caroline nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Agad naman siyang napalingon dito.Sa dinami-rami naman ng tagpo na puwede nitong maabutan ay bakit ʼyon pa?“Austin.”Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Calvin. “Whatʼs the meaning of this? Bakit nakikipaghalikan ka sa boss mo?” Bakas ang kalituhan sa mukha nito.Akmang magpapaliwanag siya nang bigla niyang naramdaman ang kamay ni Calvin na humawak sa kaniya.“Why? Whatʼs wrong about me kissing my wife?” Calvin asked innocently.Marahas namang napahugot ng hininga si Austin. “Y-your wife?” Bumaba ang tingin nito sa kanilang mga kamay kung saan ay tila sinasadya pang ipakita ni Calvin ang suot nilang singsing.Hindi makapaniwala itong napaangat ng tingin sa kaniya. “I donʼt understand. Isang linggo pa lang mahigit ang nakalilipas magmula noong huli tayong nagkita. Pagkatapos ngayon ay may asawa ka na agad?” Napatiim bagang ito.“Donʼt tell me that you have been cheating on me all this time.” S
BUONG maghapon na naging abala si Calvin nang dahil sa dalawang meeting na inatendan niya at dami ng paperwork na kailangan niyang basahin at pirmahan. Dahil dito ay hindi na niya namalayan pa ang oras.Sa pag-angat niya ng tingin sa bilugang orasan ay napamaang na lang siya nang mapansin kung anong oras na.Itʼs 5:30 pm already. Kung dati ay saktong ala-singko kung umuwi si Caroline, ngayon ay tila ba hinihintay siya nitong matapos dahil hindi pa ito pumasok ulit sa opisina niya pagkatapos siyang hatiran ng kape kanina.Agad na inayos niya ang mga natira pang papeles sa isang tabi. Bukas na lamang niya ito tatapusin. Mayroon pa kasi silang kailangan puntahan ngayon.Nang matapos ay tinanggal na niya ang suot na suit bago tumayo. Sa paglabas niya ng opisina ay naabutan niya si Caroline na abala pa rin sa pagtitipa ng keyboard.“Darling, thatʼs enough for today. Letʼs go.”Gulat na nilingon siya nito. “You donʼt need to call me like that while weʼre in the office.” Pinatay na nito ang
KINABUKASAN ay maaga silang nag-almusal. Kasabay rin nila ang kapatid niyang si Shiela.“Dalawang linggo na lang pala at pasukan nʼyo na. It will be your first year in senior high school. May napupusuan ka na bang strand?” tanong dito ni Calvin.Sunod-sunod namang napatango ang kapatid niya. Bakas ang excitement sa mukha nito. “Yes. I want to take ABM.”“Thatʼs nice,” Calvin commented. “So are you interested in putting up a business in the future?”“Not really. What I want is to apply to one of your branches.” Shiela giggled.Napangiti na lang si Caroline nang dahil sa inasta ng kapatid. Sheʼs more lively now than before.Napatango naman si Calvin. “I would love to have you in one of our branches. So Iʼll be looking forward to it.”Shiela smiled. “You can count on me.”Ibinaba na ni Calvin ang hawak na kutsara bago uminom at tumingin sa kaniya.“Are you done already?”Uminom muna siya bago tumango. “Yes.”Napatayo na si Calvin. “Letʼs go then.”Nilingon naman niya ang kapatid bago ito
NATIGILAN si Calvin nang maramdaman ang paghawak ni Caroline sa braso niya.“Itʼs too much. Mamimili na lang ako. Hindi mo naman kailangang bilhin ang halos lahat ng nandito, eh.”Mariin naman siyang napailing dito. “Itʼs not too much. Trust me. Magagamit mo ang lahat ng ʼyon.”Akmang aalma pa si Caroline ngunit sa huli ay humalukipkip na lang ito at piniling manahimik.Pinigilan naman ni Calvin ang mapangisi nang mapansin na halos umusok na ang ilong ni Erica nang dahil sa sobrang inis na nararamdaman. Hindi nagtagal ay nagmamartsa itong nilampasan sila.Ilang minuto pa silang naghintay bago tuluyang na-punch ang lahat ng mga inorder niya. Pagkabalik sa kaniya ng naturang black card ay agad niyang inabot ʼyon kay Caroline.“Why are you giving this to me?” Napakunot noo ito.“You can use this card whenever you want to go shopping or you want to buy something,” he explained.Nang hindi nito abutin ʼyon ay siya na mismo ang naglagay ng naturang card sa kamay nito. Bago pa ito makatanggi
NAKATANAW lang si Caroline sa mga tao na nagja-jogging habang nakaupo siya sa damuhan. Matagal-tagal na rin ang panahon na lumipas magmula noong huli siyang mapadpad sa lugar na ʼyon dahil naging abala siya sa pagtatrabaho.“I didnʼt know that this kind of lakeside existed here,” Calvin commented after some minutes of silence.Bata pa lang sila ng kaniyang kapatid noong dalhin sila ng ina sa lugar na ʼyon. Sariwa ang hangin, tahimik ang paligid at napakakalmado pa ng tubig lawa sa kanilang harapan. Sa hindi kalayuan ay mayroong mahaba na trail kung saan puwedeng mag-jogging at mayroon din namang nakapalibot na kainan doon. Habang sa loob naman ng malaking hall na nasa bandang dulo ay mayroong ibaʼt ibang klase ng amenities.“Palagi ka kasing nakakulong sa loob ng opisina mo. Hindi mo tuloy nakikita ang ganda ng paligid mo.” She chuckled.Calvin shook his head. “Fine. I admit that.” Nilingon siya nito. “Pero dahil kasama na kita ngayon ay nasisiguro ko na mas marami pa akong madidiskub
PAGKABABA ng sasakyan ay napanganga na lang ang kapatid ni Caroline na si Shiela nang makita nito ang bago nilang tirahan. “Wow! Dito na ba talaga tayo titira, Ate Carol?” hindi makapaniwalang bulalas nito habang mangha pa rin na inililibot ang tingin sa paligid. “Dati sa mga magazine ko lang nakikita ang ganito. I canʼt believe that I am now standing in front of a mansion!” Napangiti naman siya bago marahang hinaplos ang buhok nito. “Yeah. We are going to live here from now on.” Maging siya ay hindi pa rin makapaniwala sa mga naging takbo ng pangyayari. It feels like a fairytale dream. Napalingon naman ang kapatid niya sa kaniyang boss at asawa. “Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin po lubos na maintindihan ang mga nangyari. Pero isa lang po ang nasisiguro ko. Hindi kayo nagkamali na ang ate ko po ang pinakasalan nʼyo.” Bumungisngis pa ito. Nanlaki naman ang mga mata niya nang dahil sa sinabi nito. “Ikaw na bata ka kung anu-ano ang sinasabi mo!” Shiela just grinned at her. “Itʼs