Matapos ng isang buwang pananahimik ni Alexandra, ipinasok siya ni Sandra sa construction company ng tito nito. Ang Luthman’s Construction Company. Nagdamit siya ng disente para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Mag-iisang linggo na rin naman siya sa trabaho pero hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin siya ng diskriminasyon. Nang makarating siya sa kumpanya ay ramdam niya agad ang mga mapanghusgang mga titig sa kanya ng ibang mga employee. Akala niya tapos na ang lahat. Hindi pa pa la. Dahil mukhang hanggang dito, maanghang ang magiging trato sa kanya.
Sa bawat hakbang ng mga paa niya ay dinig pa niya ang bulong-bulungan ng mga ito.
“Hindi ba’t iyan ang babaeng nag-viral sa f******k? ‘Yung lumabas sa isang kwarto kasama ng ibang lalaki?”
“Oo. Alam mo ba, balita ko, ikakasal na dapat iyan ngayong buwan. E, sa lumandi. Ayan. Mabuti nga at natanggap pa dito.”
“May pagka-makapal din ang mukha kasi mag-iisang linggo na iyang pumapasok at ni parang wala lang sa kanya ang lahat.”
Mangilang-ngilan lamang iyon sa mga narinig niya. Mahigpit siyang napahawak sa sling bag niya at pinilit na magtimpi. Talagang madaming oras ang mga ito sa pagtsismis sa buhay ng iba kaysa gawin na lang ang trabaho nila.
Iginalaw niya ang kanyang leeg saka pilit na hindi pinansin ang mga sinasabi ng mga ito behind her back. Dumiretso siya sa loob ng meeting hall kung saan siya pinapupunta. May meeting kasi ngayon ang mga empleyado at required na um-attend ang mga baguhang employee tulad niya.
Aminado siyang kinakabahan siya sa unang linggo niyang ito sa trabaho. Pero hindi pa man siya nakakarating sa meeting room ay hinarangan na siya ng iba niyang mga kasama sa hallway.
“Hey, b*tch. Saan ang punta mo? Sa meeting room ba? Tsk. Bago ka magpunta do’n, gawin mo muna ‘tong pinapagawa ni Sir sa amin. Akala mo naman por que nakapasok ka na dito ng walang kahirap-hirap, magiging madali na ang trabaho mo? Dream on. Wala nga dapat na puwang dito ang mga malalanding katulad mo, e,” maanghang na wika sa kanya ng isa niyang katrabaho.
Napatiim-bagang si Alex dahil sa sinabi nito. Kay gandang bungad naman ng umaga niya. Mariing siyang napapikit saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Labag sa kalooban niyang tinanggap ang mga papeles na naglalaman ng mga pinapagawa ng mga office mates niya.
“Good. Madali ka lang naman pa lang kausap, flirt. For sure uubra ka sa bago nating CEO. See yah!” she said sarcastically saka nilampasan lang si Alex.
Napairap na lang si Alexandra. Ni hindi nga niya kilala iyong babaeng ‘yon. Araw-araw kasi ay kung sino-sinong kaopisina niya ang nagpapagawa ng kung anu-anong trabaho sa kanya. Inisip niya na mas okay na rin siguro ito nang makalimutan niyang broken hearted pa rin siya hanggang ngayon.
Dahil sa mga pinagawa sa kanya ng mga katrabaho niya na hindi naman niya trabaho in the first place ay na-late siya sa meeting. Pagdating niya doon ay inaasahan niya na nag-uumpisa na ang lahat pero hindi iyon ang inabutan niya. Inabutan niya na nagtsi-tsismis ang mga empleyado habang wala pa ang CEO na si Mr. Luthman. Parang hangin lang siya na naupo sa isang bakanteng upuan sa harap. Siya lang itong naupo sa harapan. Ni isa ay walang nagtangkang maupo dito. At kahit hanggang dito ay hindi natapos ang pagbubulong-bulungan nila tungkol sa kanya.
“Ano kayang naramdaman ng fiance’ niya no’ng niloko niya ito? Sa pagkakaalam ko kasi ay ngayon na dapat sila ikakasal. But look at her now, parang wala nga lang sa kanya ang lahat ng nangyari.” Bulong ng isang babae na nakaupo sa kanyang likuran. Kahit na walang sinasabing pangalan ang mga ito ay alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
“At alam mo ba? Hindi basta-basta ang ex niyan. Anak ng chinese ‘yon, e. Mayaman. Tapos guwapo pa. Hindi ba siya nanghinayang do’n? Tsk.”
“Sis, ang malalandi, hindi iyan makapermi sa isang lalaki. For sure maghahanap na naman iyan ng bagong bibiktimahin.”
Kumukulo na talaga ang dugo niya samga ito. Hindi na niya kaya pang magtimpi kahit na ipikit niya ang mga mata niya. Hindi na umubra ang paghinga niya ng malalim. Sa sobrang galit niya ay padabog na siyang tumayo at pinandilatan ang mga babaeng nag-uusap sa kanyang likuran.
Everyone in the meeting room was shocked on the way she acted. First time niya kasi na umakto ng gano’n. All these days naging tahimik lang siya. Pero ngayon, hindi na niya kayang manahimik na lang. Kailangan niya ring ipagtanggol ang sarili niya.
Habang kuyom-kuyom niya ang kanyang palad ay handa na sana siyang magsalita nang biglang nagsi-ayos ng upo ang mga kasamahan niya.
“Si Sir Zach! Nandiyan na siya!”
“Shocks, brace yourself, guys!!”
Halos manigas si Alex sa kinatatayuan niya. Nanatili lang siyang nakatayo at tila nag-slowmotion na nang tuluyan ang paligid niya nang masilayan niya ang mukha ng bagong CEO nila na kinababaliwan ng lahat.
Para siyang nakakita ng multo ng huminto sa tapat niya si Zachary Luthman; ang bagong CEO ng Luthman’s Construction Company. Mas lalong umigting at napatunayan niya sa sarili niya na ang lalaking nakasiping niya ng gabing iyon ay ang lalaking ngayon ay nasa harapan na niya.
“Good morni-” Naputol ang pagbati ni Zachary o kilala sa tawag na ‘Zach’ nang bigla siyang dinuro ni Alex.
Buong lakas at walang pag-aalinlangang sumigaw ang dalaga. “Ikaw ‘yon, ‘di ba?! Ang lalaking tumangay ng pagkababae ko?!”
Nagulat ang lahat sa tapang na ipinamalas ni Alex pero halos mapaatras rin ang mga ito dahil hindi sila makapaniwala na nagawa niyang pagsisigawan ang CEO nila.
“Hala, nababaliw na ba siya?”
“How dare she mess with the wrong person?”
Hindi magkamayaw ang bulungan ng mga empleyado sa inasal ni Alexandra. Isa itong malaking issue kung nagkataon. Isa pa ay hindi basta-bastang kumpanya ang hinahawakan ni Zach.
“Wait, Miss. Let’s not talk about it he--”
“Ikaw ‘yon!! Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha mo! Kasalanan mong lahat nang--”
Nahimatay na lang bigla si Alexandra at napabulagta sa sahig. Napasigaw ang lahat. Sobrang bilis ng pangyayari at maging si Zach ay hindi rin nakakurap. Pero agad siyang napabalik sa kanyang huwisyo at kahit labag sa kalooban niya ay mabilis niyang binuhat ang dalaga.
THREE YEARS LATER “BABY, don’t run! You might hurt yourself!” sigaw ni Alexandra ang umalingawngaw mula sa garden ng bahay nila. She’s busy with the decorations for Baby Zeph’s birthday today. She just turned three years old today. At wala nang mas excited pa sa birthday niya kundi silang dalawa ng asawa niyang si Zach. “Mommy, Zeph wants to play!” sagot pa nito habang nagpapadyak ng kanyang mga paa. Mukhang minana nito ang kamalditahan niya kay Zachary. “Do you want to see your knees bleed? H’wag matigas ang ulo, Zeph. Come on, darling. Just sit down while we’re waiting for your visitors.” Tila naputulan ng pagpakpak si Baby Zeph. She behaved immediately habang naka-pout pa dahil nagtatampo na naman ito sa mommy niya. Napailing iling na lang si Alex. Siniko siya ng marahan ni Sandra. “Look at your daughter. Parang si Zach kung magtampo, e.” Natawa si Alex sa sinabi nito. “Oo. Ganyan ang mukha niya kapag hindi nakaka-score sa ‘kin tuwing gabi,” sagot pa nito sabay hagikhik. Hin
MAY mga bagay na ginagawa ang tadhana na akala natin, ikasisira natin dahil hindi umayon sa gusto natin. Later, we will realize na hindi tayo nilagay sa ganoong posisyon para lang sa wala. It will always have a purpose. Nakatitig lang si Alex sa mga butin sa labas ng bahay nila. Nasa garden siya at nakatanaw sa langin. The stars shine so brightly. She finds peace just by looking at the sky. Hinihintay niya lang ang pag-uwi ng asawa niya. Kahit isang araw lang silang hindi nagkita ay nami-miss niya agad ito. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mga palad na siyang napatakip sa dalawa niyang mga mata. His scent. He really knows it. The warmth of his fingers is really familiar to her. How can he forget? Triton, anong ginagawa mo,” saway niya rito. Triton chuckled as he gently removed his hands covering Alex’s eyes. Hinarap nito si Alex. “Hi. I missed you.” Bungad niya agad. Dumako ang mga mata ng dalaga sa maletang dala-dala nito. He’s leaving again? “Bakit ka naparito?” tanong
KAHIT na nalaman na ng mga Luthman ang totoo, hindi pa rin papakampante si Zach na okay na sa asawa niya ang lahat. Nakagawa pa rin siya ng kasalanan at kailangan niya pa ring suyuin ang asawa niya sa kahit anong paraan na kailangan. Habang hawak niya ang boquet ng white roses sa kamay niya ay nag-aalangan pa siyang pumasok sa kwarto nilang mag-asawa. Nagpa-praktis pa siya kung ano ang sasabihin niya. Nariyan ang kaba at tensyon sa kanya ngayon. Walang humpay rin ang pagbuga niya ng mabibigat na buntong hininga sa kaba niya. He is from a week business trip kaya naman atat na atat ito na surpresahin ang asawa niya dahil wala itong alam na ngayon siya uuwi. Miss na miss na niya ito pati na rin ang unica hija nilang si Baby Zephaniah. He opened the door gently. Ulo niya pa lang ang nakadungaw sa pintuan ay nakita agad siya ni Alex. “Zach, please paabot naman nung bottle ni Baby Zeph.” Utos ni Alex sa asawa niya. Busy ito kakaasikaso sa anak nila. Pinaliguan niya kasi ito at ngayon ay
TUMINDI ang tensyon sa pagitan ng lahat nang dumating na si Akira kasama ang Daddy nito na si Mr. Arman. Maging ang mga katulong a bahay ng mga Luthman ay iyon din ang pinag-uusapan. Kalat na rin iyon sa buong angkan nila pero hanggang doon lang iyon. Hindi hinayaan ng mga Luthman na umalingasaw ang buong mga kaganapan nang hindi pa nila nasisigurado ang totoo.Taas noo pa na naglakad si Akira papasok ng office ni Doc. Zacharias kung saan nakapalibot silang lahat. Si Alex na katabi ang tiyahin niya, at si Zach na siyang katabi rin nito. Hindi niya ito kinikibo pero hawak nito ang kamay niya. Hinayaan lang ni Alex na gawin niya iyon para ipamukha kay Akira na kahit anong mangyari, sa kanya kakapit si Zach. Kamay lang nito ang hahawakan ng binata.“Sit down, Mr. Arman.” Utos ni Doc. Zacharias.Ang malamig na kwarto ay napalitan ng init. Gayun pa man, nanlalamig pa rin ang mga palad ni Alex kaya’t pinipisil-pisil iyon ni Zachary.He kept on whispering I love you in her ears. Paulit-ulit.
“RUN AWAY? Nababaliw na ba siya?” Bulalas ni Sandra.Hindi niya inasahan na manggagaling kay Triton ang mga salitang iyon.Nasa kabilang kwarto lang si Triton ng hotel. Maya-maya rin ay uuwi na sila pabalik ng city. Naikwento ni Alex sa kaibigan niya ang naging pag-uusap nila ni Triton kanina kaya naman nag-hysterical agad ito.“Alex, alam ko may kasalanan si Zach dito ha? But I can’t tolerate Triton’s offer to you. This is not a game you’re playing. Parehas na kayong may mga asawa at kasal.”Napayuko si Alex. “Alam ko, sis. At hindi rin naman ako pumayag. Ayaw ko naang dagdagan pa ang apoy at gulo. Tama na. Masyado nang masakit ang ulo at puso ko.”“Mabuti naman kung ganon. Masasapok ko talaga yang si Triton na yan, e.. Kung ano anong pinagsasabi sa ‘yo.” Nakapamewang nitong pangaral sa kaibigan niya.“Ang totoo, hindi pa ako handa na bumalik ng syudad, Sis.”Nagsalubong ang kilay ni Sandra. “Well, kailangan mo nang maging handa. Dahil sigurado ako na hindi na natin mapagtatakpan sa
TAHIMIK na lang na napasandal si Zach sa seat ng chopper plane. Parang nung isang araw lang ay masayang-masaya pa sila ni Alex papuntang isla. Now, he needs to go home alone. Na kay Alex pa rin ang isip niya. Hindi sana ito nangyari kung hindi naagpadalos-dalos si Akira at si Mr. Arman. Now, he needs to talk to the two of them with Doc. Zacharias when they get back home. “Don’t worry, Zach. I’ll help you out with everything. We will investigate what Akira has been doing all these time. We need to make sure that you really are the father of that baby she carries.” “B-But Dad, paano nga kung ako? Something happened between us.” “Many times?” kunot noo pang tanong ng Daddy niya. “It’s just once.” “Hmmm. We’ll see. I will ask my private investigator to work on this matter. Sa ngayon, just relax. You can think about Alex, but don’t stress yourself. “ Payo ng daddy niya. Hindi naman sa tino-tolerate nito ang ginawang kasalanan ni Zach, pero gusto niya lang talagang tulungan ang a
Zach asked all his staffs and even some of his body guards na hanapin ang asawa niya. He had no idea that his will happen. Sobrang sakit at kaba sa dibdib ang nararamdan niya. Halo-halo. Gulong-gulo na siya pero alam niya na kung mayroon mang mas nasasaktan dito, yun ay ang asawa niya at kasalanan niya pa rin ang lahat nang ‘to. He lied. It was a white lie but is still a lie. Gusto lang naman sana niya na pansamantala muna silang makalimot. Na mag-enjoy na lang muna sila until such time na handa na siyang aminin ang pagkakamali niya. But this happened. Hindi niya masisisi ang asawa niya. Walang ibang masisisi kundi siya. Siya ang may kasalanan ng lahat nang ‘to. Nang bumalik siya sa hotel room nilang mag-asawa ay naroon pa ang mga gamit ni Alex. But she’s still nowhere to be found. Kabisado naman ni Zach ang islang to pero hindi lang talaga niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano niyang hahanapin ang asawa niya sa isla. Paano kung hindi na ito magpakita sa kanya?
Nagkunwari pang naiiyak si Akira. Sinadya niya na umiyak. Pinilit niya na umiyak para mas makumbinsi ang Daddy nya at lalong lalo na si Zach. Para ipalabas sa mga ito na kahit anong mangyari, siya ang biktima.“Z-Zach. Y-You need to k-know t-the truth. A-At sa t-tingin ko, kailangan din ‘tong m-malaman ni A-Alex.” aniya pa nang may panginginig sa kanyang boses.Hindi masukat ang kaba nina Alexandra at Zachary sa dibdib. Ano mang oras ay tila sasabog ang ugat sa ulo ni Alex kakaisip sa kung anong sasabihin ni Akira. Wala siyang alam. Wala siyang ideya. Ang alam niya lang nang mga sandaling ito ay hindi maganda ang mangyayari. Nagsimulang kumulimlim. Senyales na ba ito na may paparating na hindi maganda?“Akira, stop wasting our time and tell it directly to us!” sigaw ni Alex. Hindi na niya kaya pang magpanggap na kalmado. Nanginginig ang mga daliri niya. Maging ang tuhod niya ay nanghihina na rin. Hindi siya handa sa mga maririnig niya but she has no choice but to be ready.Napakapit s
AKIRA has this feeling na nagkabalikan na sina Zach at Alexandra kaya naman heto siya ngayon, thinking of a plan on how to talk to Zach again. He surely blocked her in everything. Para siyang tanga na naghihintay sa wala. Nagbabakasakali na babalikan siya ni Zach. She always go clubbing. Hooks up with different para lang kalimutan pansamantala si Zach. “Is he really playing games on me? Then he should be ready.” Aniya sa sarili habang hinihimas ang kanyang tiyan. She’s holding a pregnancy test in his hand. “Akira, what are you up to? Kung hindi iyan maganda, itigil mo na. That will only cause trouble.” Payo ng daddy niya sa kanya. Her father is a good man. Sadyang, hindi niya lang talaga minana ang kabaitan nito. “Dad, Zach brought trouble to himself. Ako ba ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon? Hell no. He chose this, I am just giving it to him. Tingnan lang natin kung magkaroon pa sila ng happily ever after ng asawa niya.” She smirked. Napailing-iling na lamang ang daddy n