Nagmamadaling lumabas si Alexandra para humagulgol sa tiyahin niya. She cried so hard. Kulang na lang ay lumuwa na ang mga mata niya kaiiyak.
“T-Tita,” she uttered as she cried on her aunt’s shoulders.
Kunot-noo naman na humiwalay sa mga yakap niya ang kanyang tiyahin.
“Ano bang problema mo, ha??” asik ng tiyahin niya.
Gustong-gusto na talaga niyang sabihin. Ito na nga yata ang oras para masabi niya ang totoo sa tiyahin niya.
“K-Kasi p-po-”
Pinutol nito ang sasabihin ng dalaga. “Teka, sandali. Tumatawag ang kumare ko,” anito sabay sagot sa tawag. “Hello, mare. Ano’ng balita?” tanong pa nito sa kausap sa kabilang linya.
”Naku, kumare! Huwag ka sanang mabibigla ha? E, kasi may kumakalat na larawan ngayon sa internet. Kamukha ni Alexandra. Aba e nakitang lumabas sa isang kuwarto, pagkatapos ay sinundan ng paglabas ng isang lalaki. Mukhang bigatin. Ito at isi-send ko sa ‘yo ang link!”Nag-init agad ang pakiramdam ni Aling Teressa. Halos magsiakyatan ang lahat ng dugo niya sa ulo. Nanginginig ang kanyang kamay nang ibaba niya ang kanyang cell phone at tiningnan ng masama ang pamangkin niya.
Mabilis nitong binuksan ang link na ibinigay ng kumare niya at doon niya napagtanto na tama nga ang sinasabi nito. Si Alex nga iyon. The same body frame, the same dress. Kilala niya ang pamangkin niya at hindi siya puwedeng magkamali.
“P*t*ngina ka, Alex!” sigaw nito. Nagbabaga ang mga tingin nito kay Alexandra.
“T-Tita, b-bakit p-p-”
Bago pa man matapos ng dalaga ang sasabihin niya sana ay buong lakas na tumama sa kanyang pisngi ang palad ng tiyahin niya. Napahawak siya agad sa pisngi niya na sobrang namumula. Tila bumakat pa ang palad nito sa pisngi niya.
Sa sakit no’n ay napahikbi siya ng tuluyan. Kinutuban agad siya ng masama. Tama ang mommy ni Triton. She can lie, but she can’t keep everything as a secret.
“Wala kang utang na loob!! Araw-araw kong bilin sa ‘yo na huwag kang gagaya sa nanay mo na sumama sa ibang lalaki! Ano’ng ginawa mo?! Malandi ka rin pa lang babae ka! Nasayang ang pagpapalaki ko sa ‘yo! Umasa ako na mapapatino kita! Pero ito ang iginanti mo sa akin! Ito ang iginanti mo sa pagpapatira ko sa ‘yo dito sa bahay?! Ito na ‘yon, Alexandra?! Lintik na buhay naman ‘to, o. Sirang-sira na ang pangalan natin. Dinagdagan mo pa? Aba, nakakap*t*ngina na talaga!!”
“T-Tita, p-please, pakinggan n-niyo po muna ako. M-Magpapaliwanag po ako!” Pagmamakaawa ng dalaga na halos lumuhod na sa harapan ni Aling Teressa pero kinabig lang siya nito.
“Lumayas ka sa bahay na ‘to.” Pagdidiin ng kanyang tiyahin.
“H-Ho?? H-Huwag po, Tita! Wala akong matutuluyan! Please, patawad po. Hi-hindi ko iyon gusto! N-Nalasing ako. H-Hindi ko na alam ang nagawa ko!Nagmamakaawa po ako!” umiiyak na sagot niya.
Pero wala na. Tuluyan na ngang naging kasing lamig ng yelo ang puso ng tiyahin niya para sa kanya.
“Sana inisip mo ‘yan bago mo binuka ang dalawa mong hita para sa ibang lalaki! Isa kang kahihiyan tulad ng nanay mo! Wala na. Sira ka na, Alexandra. Malamang sa malamang, pinandidirihan ka na ngayon ng nanay ni Triton. Tingin mo ipakakasal ka pa sa anak niya? Tanga!”
Wala na. Lunod na lunod na talaga siya sa problema. Gusto na lang niyang maglaho at mawala sa paningin ng lahat. Hindi niya inakala na sa isang pagkakamali, ganito kasakit ang ganti. Hindi niya naman ginusto ang lahat pero bakit ang unfair ng mundo? Bakit ang unfair ng buhay? Minsan, inisip na lang niya na huwag na lang huminga nang matapos na ang lahat ng dagok na ito.
Pinaghahagis ng tiyahin niya palabas ang mga gamit niya. She feels so hopeless. Ito na nga yata ang katapusan niya. For sure ay pinagpi-piyestahan na ngayon ang larawan niya sa social media. Magaling magkalkal ang mga tao. Lalo na kapag nalaman ng mga ito na ikakasal na siya dapat pero nagpagalaw pa sa ibang lalaki. Katapusan na talaga niya. Wala na. Wala na ang lahat. Palpak na. Isa siyang malaking kapalpakan!
“Huwag na huwag ka nang tatapak pa sa pamamahay na ‘to. Simula ngayon, wala na akong pamangkin. At ikaw? Bahala ka na kung gusto mong idolohin ang nanay mong malandi. Wala na akong pakialam sa ‘yo,” huling sinabi ng tiyahin niya habang pinagsisipa lahat ng mga gamit niya palabas.
Kung minamalas nga naman si Alexandra, nakisabay pang talaga ang sama ng panahon sa bigat ng nararamdaman niya. Kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha na tila wala nang katapusan ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Walang-wala na siya. Hindi na niya alam kung saan pa siyang pupulutin ngayon. Kahit sa paghahanap niya ng pansamantalang matutuluyan ay minamata siya ng mga tao. Mukhang nagkalat na nga ang tungkol sa kanya. Ayaw na rin naman niyang buksan pa ang social media account niya at baka mas lalo lang siyang ma-depress.
She rented on a small boarding house. Ang buong bahay ay halos kasing laki lang ng sala nila pero pwede na rin ito dahil ito lang naman ang pinakamura. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Basang-basa siya gawa ng pagbuhos ng ulan. Sa kalagitnaan ng malakas na pag-ulan ay mabuti na lang nakahanap agad siya ng marerentahan. Basang sisiw siya na napayakap sa kanyang sarili. Awang-awa siya sa sarili niya. At mukhang kailangan na nga niya ng tulong ng best friend niya. She has no one but Sandra now.
She was about to dial her number nang biglang nauna na si Sandra na tawagan siya. Iisa talaga sila ng takbo ng pag-iisip. Without hesitations, pinindot niya ang answer button. And there, isang salita pa lang ang lumalabas sa bibig niya but she cried a river.
“S-Sandra.”
“Ssshh. Stop crying. Send me your address, I’ll be there right away.”
Habang nagtitipa ng address niya ay hindi pa rin maikubli ni Alexandra ang kanyang mga luha. Ilang minuto lang matapos niyang mai-send kay Sandra ang address kung saan siya ngayon ay agad-agad nitong pinuntahan ang dalaga.
“The photo of the man here is really blurry. Mukhang ikaw lang ang sadyang nahagip ng klaro ng CCTV footage. Pero sino naman ang makakakuha ng gan’on sa bahay nina Tito? How? Hindi ako makapaniwala kung anong paraan ang ginawa niya para makakuha ng footage ng CCTV.” Pagpapaliwanag naman ni Sandra.
Namumugto pa rin ang mga mata ni Alexandra nang datnan niya.
“Ang mommy ni Triton. Siya ang may gawa.”
“I advice you not to open your f******k account for your peace, Alex. If something really happened between you and that stranger, na maski ako hindi ko rin maaninag kung sino iyon dahil guest room iyong pinasok mo. So it must be a guest? Ewan. Iisa lang naman ang anak ni Tito at iyon ang bagong CEO na wala rin namang hilig na mag-stay sa mansion.”
“Totoong may nangyari, Sandra,” umiiyak na sagot nito.
“Oh my gosh,” tanging nasabi ni Sandra saka niya mahigpit na niyakap ang kaibigan niya.
“Paano na ngayon ‘yan? Paano na kayo ni Triton? Ikakasal na kayo. Sh*t. Bakit pa kasi kailangang mangyari ng lahat ng ‘to,” nanghihinayang na sagot ni Sandra.
“H-Hindi ko rin alam. Hindi ko na alam, Sand. Triton messaged me and said that he is calling off the wedding. Iyon lang. Wala na siyang iba pang sinabi.”
“Sh*t. That was quick. Nakokonsensya ako. Kung sana hindi kita sinama-sama doon, ‘di sana hindi ka na-”
”Stop it, Sand. Ayaw ko nang alalahanin ang lahat.”“I got you always, Alex. Tutulungan kita. Huwag kang mag-alala. There is a vacant position at Tito’s company. Tutulungan kitang makapasok doon. Para kahit paano ay makabawi ako sa ‘yo at makatulong na makapagsimula ka ulit.”
“S-Salamat. P-Pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang humarap sa mga tao. Alam kong handa na silang humusga sa akin.”
“Hayaan mo sila. Move forward. I will always be here for you.”
Matapos ng isang buwang pananahimik ni Alexandra, ipinasok siya ni Sandra sa construction company ng tito nito. Ang Luthman’s Construction Company. Nagdamit siya ng disente para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Mag-iisang linggo na rin naman siya sa trabaho pero hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin siya ng diskriminasyon. Nang makarating siya sa kumpanya ay ramdam niya agad ang mga mapanghusgang mga titig sa kanya ng ibang mga employee. Akala niya tapos na ang lahat. Hindi pa pa la. Dahil mukhang hanggang dito, maanghang ang magiging trato sa kanya.Sa bawat hakbang ng mga paa niya ay dinig pa niya ang bulong-bulungan ng mga ito.“Hindi ba’t iyan ang babaeng nag-viral sa facebook? ‘Yung lumabas sa isang kwarto kasama ng ibang lalaki?”“Oo. Alam mo ba, balita ko, ikakasal na dapat iyan ngayong buwan. E, sa lumandi. Ayan. Mabuti nga at natanggap pa dito.”“May pagka-makapal din ang mukha
Nagmamadaling dinala ni Zach ang dalaga sa clinic para ihiga ito doon at ma-monitor ng daddy niya. Lagot na naman siya nito. Inis na napasabunot siya sa kanyang buhok.“This damn woman. Of all the people that could work with me? Siya pa talaga?!” inis nitong sabi sa sarili.“Boss, nandito na po ang daddy niyo.” Ang body guard niya ang nagsalita.Agad na tumabi si Zach. “Dad, she passed out.” Pagpapaliwanag niya.“Oh, isn’t she familiar to you?” Pag-uusisa ng daddy nito na tila sinusubukan siyang hulihin kung ide-deny sa akto ang krimen na ginawa niya. Madalas kasi siya kung pagsabihan ng daddy niya na itigil na ang pambababae para makaiwas na siya sa gulo na dala ng mga ito pero matigas pa rin talaga si Zach. Walang makakapigil sa kanya.“She was the girl at the guest room, Dad,” sagot ni Zach habang hindi nakatingin sa daddy ni
Nang makauwi sa kanila si Alex ay halos mapatulala pa rin ito at hindi makapaniwala. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nagdadalang tao siya. Nagbunga ang kasalanang nagawa niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na isang kilala at makapangyarihang tao ang nakabuntis sa kanya, o mas lalo lang iyong magbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ni Alexandra. Pero ngayong mukhang matatali na siya sa isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa bansa, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya na tanggapin ang alok ni Doc. Zacaharias. Iyak pa rin siya nang iyak. Nasasaktan siya. Kung hindi siya gumawa ng mali, 'di sana kasal na sila ngayon ni Triton. 'Di sana, namumuhay na siya kasama ang lalaking pinangarap niya at hindi ang isang babaerong Zachary Luthman ang pakakasalan niya. Napakurap-kurap siya nang maamoy ang pagkain na galing sa maliit niyang kusina. Doon niya lang naisip na baka may iba
Nang makarating sina Alexandra sa mansion ng mga Luthman ay tila nanumbalik na naman lahat ng mapait na nangyari sa buhay niya mahigit isang buwan lang ang nakalilipas. Hindi niya inakala na sa isang simpleng pagkakamali na yon ay mababago ng napakalaki ng buhay niya. Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero para sa kanya ay sobrang dami nang nangyari at sa isang kisap mata, nawala ang lalaking pinakamamahal niya. Naalala niya ang bawat sulok ng mansion na ito kung saan ginanap noon ang party. Naalala niya kung gaano siyang parang tangang nagpakalasing. Naalala niya kung paano niyang pinasok ang kuwarto na sumira ng kasal niya dapat. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Everything is her fault. Hindi niya namamalayan na napaluha na pa la siya. Natigilan si Zach nang mapansin niya na hindi na nakasunod sa likoran niya ang dalaga. Nilingon niya. "Ano? Magda-drama ka na lang ba diyan?" Puna niya rito.
Nakabusangot si Alexandra habang nilalagay sa kanyang malaking walk-in cabinet sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Ano'ng sabi niya? Mga basura lang itong dala ko? Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Manganganak yata ako sa kanya ng wala sa oras! Inis na inis na aniya sa isipan habang iniisa-isa ang mga damit na dala-dala niya. Masyadong malaki ang kuwarto para lang sa kanya. Masyadong malungkot. Napakalungkot naman talagang mag-isa sa ganito kalaki at kagarang bahay. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa katahimikan nito. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. "Ma'am, Alexandra. Kakain na raw po. Tara na po sa baba." Yaya ng isa sa mga katulong. Alam na alam agad niya iyon dahil ang mga katulong lang ang natawag ng ma'am sa kanya kahit pakiramdam niya ay hindi naman siya karapat-dapat na tawagin ng gano'n. Para sa kanya, parehas lang silang mga ordinaryong tao na walang mataas na antas sa lipunan. Napatigil siya sa
Kinaumagahan, maagang nag-ayos si Alex para pumasok sa trabaho. Maliit pa man din ang tiyan niya. Kaya pa niyang magtrabaho. Pakiramdam niya kasi ay mas magkakasakit siya lalo kapag namalagi lang siya sa bahay na walang ginagawa. Better go to work nang mapakinabangan naman siya ng mga Luthman. Pagdating doon ay halos suriin na naman siya ng tingin mga kasamahan niya sa trabaho. Mula ulo hanggang paa kung makatingin ito sa kanya. Akala niya ay makakaligtas na siya sa mga mapangmatang mga tingin ng mga ito, pero nagkakamali siya. Hindi na nga yata sila natatapos sa pangungutya sa kanya. Wala bang katapusan ang lahat nang mga ito?"Ang kapal talaga ng mukha niya ano? Pagkatapos niyang duro-duruin ang CEO natin noong nakaraan? Papasok siya dito na taas noo at parang walang nangyari? Oh my gosh, nakakahiya!" sabi ng isa."Oo nga, dai! Makapal talaga. Ewan ko nga rin kung bakit gano'n na lang ang lakas ng loob niyan na pumasok pa pagkatapos nang lahat lah
Isang buwan matapos ang intimate wedding nina Alex at Zachary ay walang pinagbago ang trato nila sa isa't isa. Para pa rin silang mga aso at pusa kung magbangayan at mag-away minsan sa mansion. May dalawang buwan na rin ang tiyan ni Alex. Kung may kabutihan mang pinapakita si Zach, hindi iyon para kay Alex kundi para lang sa magiging anak nila. Umaga nang magising si Alex ay sa baba na siya agad dumiretso. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang awayin siya ni Lily sa kumpanya kaya ngayon, heto siya at nagmumukmok na lang sa mansion. Mabuti na lang at mababait ang mga maids ng mga Luthman. She instantly found a family. "Magandang umaga, manang. Ano pong niluluto niyo? I can help," wika ni Alexandra sa isang katulong na abala ngayon sa pagluluto ng agahan. Umiling-iling ang matanda. "Ay, nako, Ma'am Alex, huwag na. Kapag ikaw nakita ni Sir Zach na patulong-tulong dito, malalagot tayo, e." "Pero manang
Harap-harapan pa na nakasalubong ni Alex sina Zach at ang babae nito. Napakunot siya ng noo at pilit na inaalala kung ito ba ang babae rin na naabutan niyang nasa kama ng asawa niya kagabi. Pero hindi. It was a different woman--again! Hindi ba talaga ito titigil? Harap-harapan ba talaga kahit sa pamamahay mismo nila? "Oh, good evening. You are perhaps one of Zach's maid?" wika ng babae sa maarte nitong tinig. Napakagat ng labi niya si Alex. She is pissed now. Naniningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang lapastangang babaeng iyon. How dare she call her a maid? Mukha na ba siyang maid sa ayos niya ngayon? Napatingin si Alex sa sarili niya. Sinuri niya ang kanyang suot. Tsk. Ano naman kung simpleng t-shirt lang at shorts ang suot ko? Does that mean I am a maid already? Minsan hindi rin nag-iisip ang babaeng 'to, e. Napahilot ng kanyang sentido si Zach. He has been stressed in his work lately. Sobrang d