Mira Dela Cruz’s Point of View
Mainit. Maingay. At amoy usok ang hangin. Ganito pala sa Manila.
Pumasok ako sa isang convenience store para lang maibsan ang init. Isang bottled water lang ang kaya ng budget ko ngayon. Hawak ko pa ang envelope ng mga resume ko at isa na namang rejection ang natanggap ko kanina.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanggihan ngayong linggo.
‘We’re looking for someone with experience.’ Ang palaging dahilan. Pero paano ko nga ba makukuha 'yon kung wala namang nagbibigay ng pagkakataon?
‘We’ll call you.’ Mag 1 week na nga at wala man lang akong natanggap na tawag ni isa sa kumpanya, sana man lang ay mag-inform sila na hindi ako qualified or rejected ako, para naman hindi na ako umasa.
Kaka-graduate ko lang ng IT at galing sa probinsya. Ganito pala ang paghahanap ng trabaho lalo na at wala akong connection o ibang kakilala man lang dito sa Manila. Kung paulit-ulit na lang ganito ay hindi ko na lang ipagpatuloy itong pagiging IT.
Bukas ay ipagsabay ko na rin ang pag-apply sa mga fast food or sa Mall. Kahit saan na lang as long as ay may trabaho na ako kasi hindi na kakayanin ng wallet ko kung magpapatuloy pa ako next week.
Naisipan kong magtungo sa kalapit na Park. Malapit na rin mga 5:00 ng hapon, hindi na ganon ka-init. Maraming tao, mga estudyanteng nagpa-practice, mga batang naglalaro, mga mag-jowang nakahawak ang mga kamay, mga magulang na masayang pinagmamasdan ang mga anak nila.
Sana ay isa ako sa mga ito, may kasama at masaya.
Ay, nevermind. Hindi ko na nga pinansin ang iba at naupo na sa bakanteng upuan na gawa sa bakal.
‘Sobra naman, kahit pinturahan na lang nila ang upuan na ito para magmukhang bago. Parang ilang minuto lang naupo ko ay didikit na sakin ang kapal na kalawang.’
Napabuntong-hininga na lang ako at sinubukang i-relax ang mukha ko dahil kanina pa nakakunot ang noo ko. Napapikit na rin ako habang mahigpit ang hawak sa aking sling bag and envelope. ‘Mahirap na at baka may manghablot ng gamit ko.’
Ramdam kong may naupo sa tabi ko kaya umusog ako ng konti habang nakapikit dahil sinusubukan ko ngang ipahinga ng konti ang katawan at isipan ko.
Narinig ko ang pagkunwaring ubo nito, halatang gusto niyang kunin ang atensyon ko pero hindi ko ito pinansin.
“Hi, miss,” sabi niya ng pabulong. “If you’re available tonight... I’ll pay—just once.”
Hindi ko in-expect ang sasabihin nito kaya agad akong nagdilat ng mata at nilingon siya nang may pagtataka.
“J-just name your price,” seryosong saad nito at ngumiti pa nga sa akin.
Napanganga na lang ako habang nakatingin pa rin sa kaniya.
Pormal ang ayos niya — naka-white long sleeves and black pants, relo na halatang may presyo. Wala siyang dalang bag, pero mukhang may pinanggalingan at malinis ang gupit. Halatang mayaman at ang gwapo.
Oo, masyadong gwapo para sa isang stranger na basta na lang uupo sa tabi ng isang tulad kong pawisan at parang lantang gulay.
“Huh?” ang tanging lumabas sa bibig ko habang nakatitig sa kaniya.
“Don’t get offended. I just thought... I mean, you’ve been sitting here for a while. I assumed maybe you're offering something.”
Napakagat ako ng labi, sinubukang intindihin kung totoo bang naririnig ko.
“W-Wait, teka lang sir. Mukha ba akong may ma-o-offer?” sarkastikong tanong ko sabay irap. “Pagod na pagod ho ako, mukha na nga akong lantang gulay dito, nag-iisip ba kayo?”Tumikhim siya, halatang nagulat sa pagkairita ko. “I-I didn’t mean to offend you. Sorry?”
Tiningnan ko siya ng masama, saka ako napailing. Tumingin na lang ako sa harap, pilit na isinasantabi ang galit. Pumikit ako, umaasang makapagpahinga kahit sandali lang.
“B-But you could’ve just said yes if you’re available tonight or no, if you’re not. Simple as that—”
Napalingon ulit ako sa kanya. “Simple? Akala mo ganun lang ‘yon? Basta na lang ako sasagot sayo kung gusto ko o ayoko? Anong tingin mo sakin, menu sa fast food?”Hindi siya nakapagsalita agad. Tila natigilan siya, parang hindi inasahan na lalaban ako ng ganito.
“Look, I’m sorry. I really thought…” bumuntong-hininga siya. “I thought you were someone... who offers that kind of service.”
“Just because I’m sitting alone here, mukhang pagod at pawis, ganun na agad ang tingin mo? Wow. Ang babaw ng pamantayan mo ah.”
“I made a mistake. I said sorry,” sagot niya, pero halatang naiilang pa rin ang mukha niya. “Hindi ko intensyon na bastusin ka.”
Natahimik ako sandali. Hindi dahil nakumbinsi niya ako, kundi dahil pakiramdam ko ay biglang nabigat ang dibdib ko. Hindi dahil sa kanya—hindi sa tanong niya—kundi sa lahat ng kabiguan ko ngayong araw.
“Alam mo ba kung ilang kumpanya na ang tinanggihan ako ngayong linggo?” tanong ko, medyo mas kalmado na pero ramdam pa rin ang bigat ng boses ko.
“Anim na araw pa lang mula nang lumuwas ako dito. Bawat araw, rejection ang sinasalubong sakin. Kaya ako nandito, kasi hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta.”Tahimik siya. Tila hindi na makatingin nang diretso. Pinagmamasdan lang niya ako na parang may hinahanap sa mga mata ko.
“Hindi ko deserve na may magtanong sa’kin o sabihan ako—kung magkano ako para sa isang gabi. Hindi ako desperada.”
Hinugot ko ang hangin at pilit kong tinulak pabalik ang luha na gusto nang tumulo.“Oo, pagod ako. Oo, wala akong trabaho. Pero hindi ibig sabihin nun, ibebenta ko sarili ko.”“I understand,” sabi niya, mas mahina na ang boses ngayon. Hindi ko alam kung sincere. Pero kahit anong klaseng sorry pa 'yan, wala na rin namang silbi.
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
“Kaya please lang, okay? Hindi ako bayarang babae.”Tumayo ako at tumingin sa kanya nang diretso.
“At ako ang nauna sa upuang ito, kaya sana ikaw ang umalis.”Ngunit imbes na sumunod, bigla siyang napangiti. Hindi 'yong bastos na ngiti ha—pero 'yong tipong may alam siyang hindi ko alam, at parang aliw na aliw siya sa inis ko.
“You’re really something, you know that?” ani niya habang umayos ng upo.
“No girl has ever talked to me like that before. Impressive.”Umirap ako at nagsimulang lumakad palayo, pero bago pa ako makalayo ng tatlong hakbang—
“Can I make it up to you?” tanong niya ulit.
“Maybe treat you to coffee? Para naman hindi masyadong masama ang tingin mo sa’kin?”Huminto ako. Bumaling pabalik. Napakunot ang noo ko.
“Hindi ako mahilig sa pa-coffee-coffee ng kung sino-sino. At isa pa, baka isipin mo, yes na ‘to sa offer mo.”Tumawa siya. “Wow. You’re really not letting me off the hook, huh?” Tinaas niya ang dalawang kamay, parang sumusuko.
“Okay, okay. I won’t say it again, promise. Let me explain myself properly.”“Explain what? That you mistook a tired woman sitting alone in the park as someone who sleeps for money?”
“I know how it sounds,” sagot niya.
“But you have to admit—it was a wild coincidence. Pretty girl, all dressed up, alone in a romantic park... come on, that’s like a movie setup.”
Napailing ako. “So kung babae mag-isa, automatic bayaran? Anong klaseng logic 'yan?”
“Hey, I didn’t say it was smart logic.”
Napakamot siya sa batok. “Just... stupid impulse. I’ve had a long day too, okay?”“Alam mo, ang babaw mo.”
Naglakad na ulit ako, mas mabilis. Pero hindi ko akalaing susundan pa rin niya ako.“Miss, teka lang. I’m not dangerous. I just want to talk,” ani niya habang nakasunod, kahit pasimpleng lakad lang.
“Wala akong pakialam kung dangerous ka o hindi. Basta lumayo ka sa’kin!”
Pero hindi siya tumigil. Ngumiti pa nga habang sumasabay sa akin.
“What’s your name, anyway?”
“Hindi kita sasagutin,” iritadong sagot ko.
“At kung hindi ka pa titigil, sisigaw na ako.”“Okay, okay. Chill. Noted.” Tumigil siya sa paglakad, pero andun pa rin ang ngiti niya.
“So see you around, Miss Not-For-Sale?”
Napahinto ako. Lumingon habang bumibigat ang hininga ko sa inis. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ko kung gaano siya ka-walang hiya.
“Kadiri ka. Ang baboy mo.”
Iyon lang ang sinabi ko bago ako bumaling at nagmadaling lumakad palayo. Gusto kong mawala agad sa presensya niya. Nakakadiri. Nakakainsulto.
Pero bago pa ako makalayo ng limang hakbang, narinig kong sumunod siya.
“Teka, Mira Dela Cruz ‘di ba?”
Tumigil ako sa pagkilos. Napalingon ako pabalik.
“Paano mo nalaman pangalan ko?”
Medyo ngumiti siya, medyo nag-aalangan.
“Your envelope. It’s Transparent. Nung nahulog ‘yung resume mo kanina… kita agad pangalan mo sa taas.”
Tumango siya, para bang sinasabing wala siyang masamang intensyon. “Hindi ko naman binuklat, ha. Hindi ko na kailangan, ang laki ng font ng pangalan mo sa taas, eh.”
Napakagat ako sa labi, biglang nahiya pero mas nangibabaw pa rin ang inis.
Ngumiti siya—yung tipong nakakataas ng presyon.
“Call me Ethan. My name is Ethan Alexander Reyes,” sabay lahad ng kamay niya kahit alam niyang hindi ko tatanggapin. “At least now we’re both officially introduced.”
Umirap ako at naglakad ulit, pero ilang hakbang pa lang, naramdaman kong sinusundan niya na naman ako.
“Ang kulit mo!” sigaw ko habang huminto. “Stalker ka ba talaga? Wala kang ibang ginagawa sa buhay kundi mang-bastos ng babae sa park?”
“No, no,” aniya, habang itinaas ang dalawang kamay. “I’m just curious now. You’re interesting.”
“Hindi ako aliwan para sa curious mong utak.”
Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Lalo na’t medyo madilim na ang paligid. Maraming tao, oo, pero iba pa rin ang pakiramdam kapag sinusundan ka ng isang lalaking hindi ko naman kilala.
“And I’m not used to being called baboy,” dagdag niya, kunwari’y nasasaktan. “But fine, maybe I deserved that.”
“Maybe? No, you deserved it, kadiri,” sagot ko ng marinig ang sinabi niya habang naglalakad palayo.
“Hindi mo pwedeng idaan sa ngiti, o sa accent mo, o sa expensive mong relo ang pambabastos mo kanina. Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng harassment sa ginagawa mo?”
“You noticed the watch, huh?” masayang saad niya.
“Kapal.” Napahinto ako at hinarap siya, paano ako makakauwi nito kung sinusundan niya ako e, malaman niya pa kung saan ako tumutuloy ay baka may gawin sya sakin.
“Huminto ka na sa kakasunod kung ayaw mong sisigaw ako at hihingi ng tulong!”
Napatigil siya. Tinaas ulit ang mga kamay, kunwari’y sumusuko.
“Okay, okay. Chill. I’m done.”
Sabay upo niya sa bench malapit sa fountain.
“Pero Mira,” aniya habang nakatingin pa rin sa akin, “fate doesn’t waste moments like this. I’ll see you again.”
Napatingin ako sa kanya.
“Fate mo, mukha mo.”
At tuluyan na akong umalis.
Pero kahit ilang minuto na akong naglalakad palayo, hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Parang hinahabol pa rin ako ng presensya niya. At sa hindi ko maintindihang dahilan, hindi rin maalis sa isip ko ang pangalang binanggit niya—pangalang hindi ko man tinanong.
Ethan? Ethan Alexander Reyes.
Ethan Alexander’s POVFrom a distance, I saw her.She wasn’t alone.For the first time since she stepped into this company, she was laughing. Subtle, konting tawa lang, pero enough to make my chest tighten.And she wasn’t laughing because of me.Standing beside her was a guy that was too loud, too comfortable, throwing jokes like he owned the hallway. The admin assistant was there too, smiling warmly at her like they’ve been friends for years. And then there was this tall guy right beside her.I know him, pero nakalimutan ko pangalan niya.The quiet type. Slim, composed, the kind of guy na hindi mo agad mapapansin sa crowd pero once you do, may presence. Calm and steady. Like he’s not even trying, pero iba ang nararamdaman ko sa presence niya.And Mira? She seemed at ease around them. Her shoulders weren’t tense. Her brows weren’t furrowed. She didn’t look like she was preparing to fight. She looked—God, she looked comfortable.That smile. Bakit hindi niya magawa sa akin? Puro galit
Mira's POV Continuetion“P-please listen,” ang sabi nito sa akin. Nakikinig naman ako pero hindi na nga ako sumagot pa dahil mataas pala ang posisyon niya sa team, bale mag 4 years na pala siya pati si RJ sa kumpanya. So, both sila 25 years old. Si Ms. Carla naman ay 28 years old bale 6 years na siya dito. “Hey,” agaw atensyon ni Liam sa akin. “If you need help, just ask. Huwag kang mahihiya. We all started somewhere.”Simple lang yung boses niya, pero ramdam ko yung sincerity. Yung tipo ng tao na hindi magsasayang ng salita pero kapag nagsalita may sense at may importance. “Salamat po,” mahina kong tugon sa kaniya. “Po?” bahagyang ngumiti siya. “Don’t call me po. Just Liam.”Hindi ko namalayan napangiti ako ulit hindi dahil sa pangungulit gaya ni RJ, kundi dahil ramdam kong genuine siya. Pagkatapos ng meeting, nagsimula nang magsilabasan ang mga tao. Ako, mabilis na tinikom ang notebook at parang gusto ko na agad magtago sa workstation ko. Hindi pa rin ako sanay sa dami ng tao
Mira’s POVPagbukas ng elevator sa 37th floor, halos mag-jogging na ako sa pagmamadali. Hindi dahil sa late na ako kundi dahil kay Ethan. Hindi ko sinipot ang dinner invitation niya kagabi, at hindi ko rin sinagot ang email niya. Alam kong hindi niya basta palalampasin ‘yon. At bilang CEO siya, anytime, pwede siyang lumitaw sa harap ko, at pwede niyang gawin ang gusto niya at para naman hindi masira ang araw ko at hindi ako makaramdam ng pambabastos niya ay ako na ang iiwas. “Diyos ko naman,” bulong ko habang tumatakbo-takbo ng konti, pilit tinatakpan ang mukha ko ng notebook. Kahit alam kong may CCTV cameras, para bang instinct ko na lang na magtago. Dali-dali akong tumakbo patungo sana sa conference room pero sa pagmamadali ko—Pak! Ang sakit ng braso ko, napa daing na lamang ako. Nabundol ko ang isang matangkad na lalaki rito sa hallway. Muntik na akong nahilata sa sahig dahil sa tigas ng katawan niya at buti na lang mabilis siyang kumilos at nasalo ako bago pa ako tuluyang suma
Ethan’s POVThe moment she walked out of the elevator, clutching that check like it was poison, I knew I messed up.I wasn’t supposed to lose control. I look so desperate offering something that we can have a secret relationship in my company. That’s stupid of me, pero hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil sobra nga naman hirap niyang mapasunod sa gusto ko. She looked at me with those fire-filled eyes. Eyes that didn’t waver even when everyone else bows down the moment I pass by. No one had ever spoken to me the way she did. Everyone either flatters me, agrees with me, or fears me.But her? Mira doesn’t give a damn. And it drives me crazy.I leaned against the office wall after she went inside with Ms. Mendoza. For a CEO, I shouldn’t even have the time for this nonsense. There were meetings, contracts, expansion projects waiting. But instead, I found myself typing an email to her that we’re not yet done talking. I smirked at the thought. I knew she’d roll her eyes at it. I could
Mira’s POVNapatitig siya sa tseke, pero hindi niya ito agad kinuha. Sa halip, lumapit siya sa akin, ang tingin niya ay biglang naging seryoso.“Wait. Hey. Don’t you dare reject me again this time.” “Anong ibig mong sabihin niyan?” matigas kong tanong, pero ramdam kong lumalalim na ang hininga ko. Nag-aalangan ako kung dapat ba akong matakot o magalit pa lalo. Pinindot ko rin ang 37th button para ka makabalik na ako ulit sa magiging trabaho ko. “Hindi mo ba nararamdaman? I don’t just play around. I don't just throw offers at people for fun.”Humakbang siya palapit, pero hindi ko inatrasan. “Hindi mo pa ba naiintindihan? I want you here. In this company. Close to me.”“Kung gusto mo akong manatili dito, then let me work in peace,” matapang na sagot ko at hindi pinuputol ang matalim niyang tingin. “Kung gusto mong makatrabaho ako, respetuhin mo ako bilang empleyado, hindi bilang—kung anuman ang iniisip mong papel na dapat kong gampanan sa personal mong interest.”Tumawa siya ng mahina.
Mira’s POV Ang oa niya naman makasabi na welcome sa first day ng new life ko. Napapa-irap na lamang ako dahil kanina pa siya nakasunod sa akin. “Excuse me, okay? Huwag mong sabihin pati sa loob ng cr ay sasamahan mo ako — “ “At bakit naman hindi? You know what I can tell you a secret – “ “Sisigaw talaga ako pag hindi ka lumayo sa akin!” pagbabanta ko sa kaniya, nakalimutan ko tuloy na isa siyang CEO. Tumawa lang ito habang nakatingin sa akin. Mabuti at walang tao rito sa 37th floor, konti lang ang mga offices rito mostly para sa mga developers lang at ang main server room. Wala ring mga janitor or cleaners ang nandirito. Ngayon nga ang first day ko sa trabaho at in-assign nila ako sa mga developers bilang isang Junior Quality Assurance or QA tester for short, I-check kung okay ang system bago ito gamitin ng mga user. Maghanap ng bugs, mag-report ng issue. Test, test, test.Gusto ko man ang role na maging isang developer ay wala na akong magagawa, isa sa entry level na role an