"Anong kailangan mo?" Bagot na tanong ni Felix nang makababa siya sa motor na kaniyang sinakyan papunta sa bahay ni Lark. "Make sure lang na may thrill 'yang ipapagawa mo, ah. I sacrificed my own happiness just for you."
"Lame," tipid at malamig na saad ni Lark. Nakapamulsa itong naglakad papasok ng bahay at iniwan na si Felix sa labas na napailing na lang. "Don't leave me, Lark!"Ma-dramang sigaw ni Felix saka humabol kay Lark papasok. Hindi na niya ipinasok ang sasakyan at maging ang helmet ay iniwan niya na rin sa labas. Mahigpit ang security sa subdivision at kampante siya na walang kukuha niyon, and if ever somebody stole his helmet even his bigbike; then he can just buy another one. Dumeritso si Lark sa second floor ng kaniyang bahay habang si Felix naman ay lumiko sa kusina at naghanap ng inuming nakalalasing sa naroong fridge. Naka-dekwatro siyang naupo sa sofa at hinihintay na bumalik ang kaibigan. As usual, nasa bar siya na kaniyang pagmamay-ari, he was having a good time with two women when Lark suddenly called him demanding him to go to his house because he needed Felix to do something for him. There was no 'favor' or 'please'. It was a straight order. Lark and his bossy side. Hindi siya makatanggi sa lalaki dahil baka uminit na naman ang ulo nito at pasabugin hindi lang ang kaniyang bungo—kundi pati na rin ang kaniyang bar. Wala sa sariling nagtaas ng middle finger si Felix habang nakatutok iyon sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Saktong pababa si Lark noon kaya mabilis pa sa takbo ng kabayo na ibinaba niya ang kamay nang lingunin ni Lark ang kaniyang pwesto. Ngumiti na lang siya rito ng peke at sumaludo. Muntik niya pang hindi masalo ang binato ni Lark na telepono, mabuti na lang at mabilis ang kaniyang reflexes kaya mabilis niya iyong nahabol. "What am I gonna do with this trash?" Kunot-noong tanong ni Felix habang ini-examine ang hawak na android phone na mukhang pinaglumaan pa ng panahon. Felix tried turning on the phone, but it was locked. It needed a passcode. "I need you to hack into its system and find out who is the owner of that phone." "Seriously, Lark? What's so important about the owner of this phone? Was it from one of the women you bed before?" "None of your business." Naglakad si Lark palayo sa kaniya. Naupo ito sa katapat niyang sofa na animo'y isang hari na naupo sa kaniyang trono. "You're impossible," Felix muttered aloud. His fingers tapping on the phone screen. He let out a sigh and began to try some common passcodes, but to no avail; every number he entered was incorrect. He was good at tech—that was maybe the reason why Lark called him—but the device had a complicated lock. Hindi man lang natinag sa kaniyang kinauupuan si Lark. Nakatanaw lang siya sa labas ng malaking bintana kung saan pumapasok ang mala-kulay gintong liwanag ng papalunog na araw. Felix let out a frustrated sigh, he tossed the phone onto the coffee table. Sumandal siya sa backrest ng sofa at pabirong nagsalita. "Sana naman kung mang-s-snatch ka ng phone, 'yong maayos naman. Wala bang clue man lang d'yan?" Sa wakas, nagawa na rin siyang lingunin ni Lark. Sumilay sa mukha nito ang isang bahagyang ngisi. "Clues aren't my style. Either you're gonna figure it out, or I will stop sponsoring your bar." Dahil sa pagbabanta ni Lark ay mabilis pa sa alas kwatro na dinampot muli ni Felix ang phone. "Ito na nga, Sir, Boss, Mr. Chairman. I'm good at this. I can figure it out." Felix raised a thumbs up and another fake smile. Felix borrowed a laptop from Lark. He wore the eyeglasses he saw at the top of the stairs making him look like a nerdy geek. He stretched his arms and back before going back to the sofa and started doing his business, but not actually his business because Lark just dragged him into this after telling him that it's not Felix's business. After a few taps or more on the keyboard of the laptop; he switched to the phone, continuously tapping on its screen like some expert hacker. His whole face shouts concentration. After a few more tries, the screen automatically slid up on its own, the lock disappeared. "Tsk! Easy, basic, piece of cake," pagyayabang ni Felix. Ngumisi pa ito. Satisfaction flooded his blood. Hindi niya na binalik kay Lark ang cellphone. Siya na mismo ang kumutingting doon. Hindi niya alam kung anong pakay ni Lark sa mga nilalaman ng bagay na iyon, ngunit base sa pagmamadali nito ay mukhang malaking bagay iyon. Nagsimulang mag-scroll si Felix sa telepono, sinusubukang hanapin ang pagkakakilanlan ng may-ari niyon. Binabalot din siya ng kuryusidad kung ano ba talaga ang pakay ni Lark sa may-ari ng cellphone at kung anong kasalanan ang nagawa nito sa kaibigan at kailangan pa siya nitong ipahanap sa kaniya. Nang mapansin ni Lark na sinasarili na ni Felix ang impormasyon sa loob ng telepono ay dagli niya iyong hinablot. Hindi rin naman nagtagal bago niya na-access ang mga mensahe, social media accounts, browsing history, files, at mga dokumento. What Lark found wasn't what he expected, at least not entirely. There were no secret messages from a secret lover or a sugar daddy, there are no suspicious contacts or calls either. From a little diary on its note app and the resumé saved on its files—it was revealed that the woman had been looking for a job. But what surprised Lark is that the constant rejection she faced from the company she had applied for. Walang tumatanggap sa kaniyang kompanya dahil isa siyang undergraduate, wala siyang degree at kwalipikasyon na maipagmamalaki. The more Lark dug into her personal history, the more he saw the pattern, and the more he gets angrier. Halos lahat yata ng puwedeng trabaho ay napag-apply-an na nito, simula sa mabababang opisina o kaya costumer service level of roles. Malinaw na naghihirap ito. Bumalik sa kaniyang alaala nang makita niya ito na halos kinakaladkad na ng isang kanò sa isang nightclub. At ang naging pag-uusap nila noong lasing na ang babae. Walang ibang naramdaman si Lark kundi ang pagkairita habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga job application na ginawa ng babae. How could she let herself fall so low? Maybe, that is one of the reasons why he needed to steal money from him, but that mere reason didn't even falter Lark's decision; he still needed to make her pay for what she did. None of those things excused what she had done. She had taken his money, stolen from him, and ran away. Mas lalong tumindi ang pagnanais ni Lark na mahanap ang babae. She had made him feel foolish. And Lark Fletcher didn't take kindly to feeling foolish. As the night went on, Lark's thoughts were consumed by one thing: finding Delaney. No, it wasn't just about the money. It was personal now. She made him feel vulnerable and exposed. And he wasn't going to let her get away with it.Delaney's POV"One more time," utos ni Veron. Nakatayo siya sa gilid ko habang hawak ang isang magazine na kalaunan ay idinagdag niya rin sa dalawang magazine na nakapatong sa ulo ko. I tried my very best na hindi mahulog ang magazines sa ulo habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng living room ng bahay ni Lark.Magka-cross ang mga braso ni Veron habang bahagyang nakataas ang kaniyang kilay at kinikilatis ang bawat lakad at galaw ko. Isa iyong dahilan upang ma-conscious ang katawan ko. Pa-uga-uga ang katawan ko dahil sa taas ng heels na pinasuot niya sa akin. Malapit na ako sa may pader nang biglang mahulog ang magazine na kalalagay niya hanggang sa nahulog na rin ang dalawa pa. "I'm sorry," hingi ko agad ng paumanhin dahil baka magalit siya. Ako na mismo ang pumulot sa mga magazine at mabilis iyong ibinalik sa ulo ko. Akmang lalakad ulit ako nang magsalita siya. "We can do it again later . . . or tomorrow." Kinuha niya ang magazines sa akin at itinapon sa sofa. "Just keep pract
Delaney's POV Muling huminto ang kotse ni Lark sa tapat ng isang building. Akmang bubuksan ko na ang pinto para sana lumabas nang um-echo ang boses ni Lark sa loob ng sasakyan. "Stop!" Seryoso ang kaniyang boses. Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa pinto. "Okay?" Naunang bumaba si Lark at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya pa ang kaniyang kanang kamay at inalalayan ako na parang isang prinsesa. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng restaurant.Antique ang style ng restaurant. Sa labas pa lang ay malalaman mo na agad na mayayaman lang ang may afford na makakain sa ganitong klaseng kainan. Si Lark ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong pumasok bago siya sumunod. Amoy at lamig ng aircon ang unang bumati sa balat at ilong ko. Tuyong lavender ang halimuyak na kumakalat sa buong paligid. Halos bilang lang din ang mga taong naroon at halos lahat ay pawang magkasintahan, base na lang din sa kanilang kilos at kung paano sila ngumiti at
Delaney's POV"Good afternoon, Sir!" Bati ng dalawang saleslady nang makapasok kami sa loob ng isang boutique. Tango lang ang isinagot ni Lark."Good afternoon, ma'am!" Bati naman nila sa akin noong tumapat ako sa kanila. Hindi ko na sila nagawang batiin pabalik nang tuloy-tuloy akong hilahin ni Lark papasok. Kaya ngumiti na lang ako at bahagyang yumuko.Nagpumiglas ako kaya binitawan ni Lark ang kamay ko. Nangunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya. "P'wede bang kumalma ka? Ano bang pinagmamadali mo? May sale ba ngayon at takot kang maubusan ng mura?" "Funny, Delaney," sarcastic niyang saad."Buti naintindihan mo," pabulong kung saad. Ang perception ko kasi sa mga mayayaman at English speaking na katulad niya ay hindi nakakaintindi ng humour na pang-mahirap."I am Filipino. I can understand Tagalog.""E, iyong joke ko, naintindihan mo ba?""Of course—enough with the useless chitchats," saway niya sa akin kaya napaikot na lang ang mga mata ko. Naupo ako sa naroong single sofa a
Delaney's POV"Masarap ba?" Nakangiti kong tanong habang pinapanood si Mikas na kumakain sa harap ko."Sarap, Ate Nani! Hihi!" Tumawa pa siya sabay subo ng spaghetti. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang drumstick at kinakaway-kaway niya iyon. Gumagalaw-galaw pa ang kaniyang katawan na animo'y bulate—sa kaniyang kilos ay alam kong masaya siya at nag-eenjoy siya sa kinakain niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal habang pinapanood siya. Hindi ako malungkot. It was more like being emotional out of happiness. Bago rin ang kaniyang gupit. Noong huli kong bisita sa kaniya ay malago na ang kaniyang buhok. Palagi na rin siyang mabango at nakakakita ako ng damit na suot niya na wala naman siya dati. Mukhang binilhan siya ni Mother Eliza ng bagong mga damit at mukhang alagang-alaga talaga siya rito. Hindi katulad noong magkasama kami na palagi siyang amoy araw."Kelan mo ako sundo, Ate Nani?" Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ko ang cute niyang boses. Hindi siya nakati
Delaney's POV Pagkatapos kong basahin at pirmahan ang agreement na binigay sa akin ni Lark ay kumain na muna ako. Bigla akong nawalan ng gana, pero hindi ko matiis ang gutom na pilit pa ring sumasagi sa tiyan ko. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas. Wala roon ang kwarto ko. Ibibigay ko lang kay Lark ang papel. Nang makarating ako sa tapat ng kaniyang kwarto ay nagdalawang isip pa ako kung kakatok ba ako o bukas ko na lang iaabot sa kaniya dahil baka nagpapahinga na siya, pero naisip ko na baka hindi ko na naman siya maabutan bukas. Hindi pa lumalabas ang araw ay umaalis na siya at bumabalik kapag nakalubog na ang araw. Hindi ko alam kung may lahi bang bampira itong si Lark. Masyado siyang dedicated sa kanilang kompanya.Ilang beses akong kumatok, pero walang sumasagot. Tinapat ko sa pinto ang tenga ko at pinilit pakinggan sa loob, pero useless lang din dahil mukhang makapal ang kahoy na nagsisilbing pinto. Hindi ko rin alam kung bakit nanatili pa ako ng ilang minuto sa h
Delaney's POV Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa bahay ni Lark. All-in-one at all-around ako sa bahay niya dahil pagkadating na pagkadating ko roon ay pinaalis niya ang mga katulong niya. He literally fired all of them. Naghalo ang iba't ibang emosyon sa dibdib ko noong mga oras na iyon: nagalit ako sa kaniya, nainis, nairita. Gusto ko siyang pagsabihan, pero parang nagkaroon ng silencing spell ang bibig ko—hindi ko magawang magsalita at ipagtanggol ang mga dati niyang katulong. Na-guilty ako ng sobra. Inagawan ko sila ng trabaho. Pakiramdam ko ako mismo ang nagpalayas sa kanila. The elder woman even asked me for help para lang pabalikin sila o huwag ng paalisin, pero wala rin akong nagawa kahit umiiyak na siya sa harap ko. Hindi ko alam na ganoon pala siya kasama. He's a cold-hearted person who doesn't care about the feelings of others basta nakukuha at nagagawa niya ang mga gusto niya.Later that night, hindi pa man nagsisimula ang kal