LOGINKasalukuyang kumakain ang buong mag-anak ni Nahor isang noon-hour sa kanilang fortune teller cabin."Ako ay nalulugod para sa tuluyan mong paggaling," saad ni Nahor habang hinihimay ang pagkain nito. Kausap nito ang asawang si Linosa.Gumanti ng ngiti si Linosa at sumang-ayon, "Alay ko sa inyong lahat ang paggaling ko. Mahabang panahon din akong naging pasanin sa inyong lahat."Inabot ni Nahor ang kamay ng asawa at umiling. "Hindi ka pasanin sa amin ng mga anak natin. Ikaw ang pinakamahalaga sa amin. Masaya kaming inaalagaan ka."Nagkatinginan sina Hulda at Hannah.Napayuko naman si Hadassa at nagsubo ng pagkain. Marahan siyang ngumunguya nang maramdamang sinipa ni Hannah ang kanan niyang paa.Muntikan pa siyang masamid at pasimpleng tinitigan ang bunsong kapatid.Napuna niya ang pagbikas nito na walang lumalabas na tinig. Ngunit nabasa niya ang sinasabi ng bibig nito."Tanungin mo na si Mama tungkol sa panaginip mo," nakakunot ang noong pag-unawa niya sa nais nitong ipahiwatig.Agad
"Older Brother!" tawag ng sixteen Melyntor years old na si Prinsesa Samerah sa kapatid.Kalalabas lamang niya ng silid at ang mga tagapaglingkod na naman ang una niyang nasilayan."Isang masayang morning hour sa iyo, Prinsesa Samerah! Ang mahal na Prinsipe Jehu ay nasa kaniyang pagsasanay." Magiliw na bungad sa kaniya ni Chai, isa sa pinakabatang tagapaglingkod ng palasyo.Inirapan niya ito. "Paano mo naman nalaman na nasa kaniyang pagsasanay ang aking kapatid? Sinusubaybayan mo ba siya?"Batid niyang namula ang mga pisngi ng tagapaglingkod dahil sa tanong niya.Nataranta ito at nagwika, "Hindi po, Prinsesa Samerah! Nagpunta kasi rito sina Prinsipe Nimrod at Prinsipe Chezedek. Hinanap nila ang inyong kapatid sapagkat sila ay nakatakda raw na magsanay ngayon."Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Bumuntong-hininga siya bago nag-usisa. "Kanina pa ba sila umalis?""Hindi pa po nagtatagal, Prinsesa."Mang-uusisa pa sana siya nang mapuna ang isa pang
Kinailangan ni Reyna Milcah na magpunta ng Way Kingdom upang damayan si Inang Reyna Liana. Malubha na ang karamdaman ng anak nito na si Haring Jehu.Mula nang maging reyna siya ay naging adbokasiya na niya ang damayan ang mga kapwa reyna maging mga inang reyna sa ano mang pasanin ng mga ito. Prinsesa pa lamang siya ay natunghayan na niya ang mga paghihirap na kinaharap ng kaniyang ina na si Reyna Qinlan.Tumatak sa kaniyang isipan na kaakibat ng pagiging reyna ang pagiging ina ng buong kaharian. Kailangang manatiling matatag upang tulungan ang hari.Ngunit ang mga reyna at inang reyna ay mga Mortan lamang. Para sa kaniya, ang mga tulad ni Inang Reyna Liana at Reyna Qinlan ay nararapat ding makaranas ng suporta mula sa iba pang reyna at inang reyna."Handa na po ang karwahe ninyo, Reyna Milcah." Pagbibigay-alam ni Lexie.Itinigil ni Reyna Milcah ang pagsusuklay na buhok. Nilingon niya ang first-ranked attendant."Salamat, Lexie. Sabihan mo si Harvan na mauna na sa karwahe. Hinihintay k
"Harvan," tawag ni Zillah sa second-ranked attendant. "Pinatatawag ka ng mahal na reyna."Itinigil nito ang ginagawang palamuti sa gawaan ng dekorasyon. Tumayo ito at lumapit sa pintuan kung saan siya sumilip."Bakit, Zillah? May ipag-uutos ba si Reyna Milcah?"Humugot siya ng malalim na hininga bago tumugon. "Tayo ay magpupunta ng Way Kingdom at may ipagbibilin siya sa iyo.""Ganoon ba? Susunod na lamang ako sa iyo, Zillah. Itatago ko lang muna ang mga ito.""Magkita na lamang tayo mamaya."Nakangiting tumango si Harvan. "Sige, Zillah!"Isinara na niya ang pinto sa gawaan ng dekorasyon at bumuntong-hininga. "Sunod-sunod na dagok ang kinakaharap ng mga maharlika ng Guzen. Huwag naman sana madamay ang mga tulad ni Harvan sa kalungkutan ng mga reyna at prinsesa sa Way Kingdom at Light Kingdom."*****Matapos ang ginagawa ay agad na tinungo ni Harvan ang himpilan ng bagong reyna.Kumatok siya sa pinto."Harvan? Ikaw na ba iyan?" narinig niyang tanong ng reyna na nasa loob ng himpilan nit
Pinangunahan ni Armida ang seremonya ng pamamaalam para sa yumaong Datu Nebunizar.Ang lahat ng mga Adono at Adona sa kanilang werewolf clan ay tumatangis.Limang henerasyon ang pinamunuan ng yumaong datu. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay inilaan nito ang buhay para sa kanilang kampo."Ikinalulungkot ko, Siviro." Naluluhang pagpapaabot ng dalamhati ni Sharina sa kababata.Tumango lamang si Siviro ngunit hindi lumingon sa kaniya.Pinili niyang ngumiti at tinapik ito sa balikat. "Ihahanda ko lamang ang aking grupo para sa seremonya. Sasabihan ko na rin si Carlos para maging alerto ang grupo ninyo."Nakita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito. "Salamat, Sharina."Iniwan na niya ito at nagtungo sa mga kagrupo niya.Lumapit sa kaniya si Joross at bumulong, "Kumusta ang magiging bagong datu, Leader?"Lumingon muna siya sa direksyon ni Siviro bago bumulong sa kausap. "Mailap pa rin siya sa pakikipag-usap, Joross. Ang mabuti pa ay maghanda na kayo para sa pagtapos ng seremonya."T
"Aking Binibini!" halos mawala sa sariling sigaw ni Ram Luiz nang maabutang nakahandusay si Deborah.Duguan ito at puno ng sugat sa buong katawan. May pulso pa ito nang pakiramdaman niya ngunit mabagal."Sino? Sino ang gumawa nito sa kaniya?" palatak niya na napayakap na lamang sa kabiyak.Lumapit sa kaniya si Sharina na marami ring kalmot at pasa sa katawan.Nanghihina pa ito nang sagutin ang tanong niya. "N-nagkasagupa s-sila ni Dayang Victoria... Ibinuhos niya ang galit sa pakikipagtunggali."Matalim na tingin ang iniukol niya rito. "Magbabayad siya. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa binibini ko.""Ilang ulit niyang binabanggit ang pangalan mo, Adult Ram Luiz. Parang nakikita ka niya at nakakausap kanina." Mahina ang tinig na pagbabahagi nito."Gayon din ako, Sharina. Habang nakikipaglaban ako ay naririnig ko ang tinig niya. Inakala ko nga na magkalapit lang kami." Tugon niya."Kailangang dalhin natin siya sa babaylan. Masidhi ang tinamong mga sugat sa buo niyang katawan.
Nakasakay sa kaniyang karwahe si Haring Yusef pauwi ng kaniyang palasyo. Bagamat marami pa ang nais niyang kausapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan, hindi na kinaya ng katawan niya ang labis na pagod. Kinailangan niyang umuwi nang maaga.Habang nasa daan ay may natanaw siyang karwahe na tila
"Tunay bang ikaw ay aalis na ng Guzen at magpupunta ng Edoma Forest, Deborah?" agad na tanong ni Zillah habang papalapit sa kanila ni Arahab.Nagtinginan muna sila ng kaibigan.Tumango siya at sumang-ayon, "Tama ang iyong narinig, Zillah. Nais ko sanang pormal na sabihin kay Reyna Milcah matapos a
Nakaramdam ng katiwasayan si Hadassa. Tuluyan na kasing nakatulog ang ina niyang si Linosa. Mahirap itong pakalmahin ngunit mas mahirap itong patulugin.Iniwanan niya ang ina sa silid nito at magtutungo sana siya sa kaniyang silid."Eldest sister!" payak niyang reaksyon nang dumating ang mga kapati
Nang dalawin ni Arahab si Deborah ay naipaalam na nito sa kaniya ang pinaplanong pag-alis nito ng Guzen."Sigurado ka na ba, Deborah? Aalis ka na nga ba sa palasyong ito?" tanong nito.Sa pagbisita niya sa kaibigan ay nakita niya kung paano ito nagpapakatatag sa kabila ng kabiguan."Marahil ay kail







