Beranda / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Ninety-two: Town Shepherd Lamang Ba?

Share

Chapter Ninety-two: Town Shepherd Lamang Ba?

last update Tanggal publikasi: 2026-01-18 20:18:47

Nagtaka si Davideh kung bakit bigla na lamang lumabas ng kanilang tirahan si Anarah. Susundan niya sana iyon ngunit naunahan na siya ng kanilang inang si Gamarah sa naisip niyang gawin.

Lumabas din siya ng kanilang witch cabin upang usisain kung saan nagpunta ang mama niya upang sumunod sa nakatatanda niyang kapatid.

"Ano kayang pinag-uusapan nila?" puno ng kuryosidad niyang tanong habang nakatanaw sa mama at big sister niya.

Napailing siya sapagkat kahit hindi kalayuan ang kinatatayuan ng mga
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-eleven: Pagdiriwang ng Hustisya

    "Ikinagagalak ko na muli kang makita, Linosa," magiliw na saad ng inang reyna. "Mabuti na lamang at bumalik ka.""Ikaw talaga ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito sa Guzen, Mahal kong Reyna." Magiliw na sambit naman ni Linosa.Bago umuwi sina Linosa ay inimbitahan ito ni Reyna Liana sa palasyo nito. Nais nitong ipagdiwang nila ang tungkol sa pagkatanggal ni Eldest High Priest Ellai at ang pagkakaroon ng hustisya para sa mga Mortana na biktema ng mga high priest.Ginawa iyon ni Inang Reyna Liana sapagkat minamahal nito si Linosa na tila isang anak. Nalugod din ito nang lubos sa muli nilang pagkikita.Habang nag-uusap sina Inang Reyna Liana at Linosa ay pinagmamasdan naman sila ni Hadassa kasama si Emmanuel."Napakasayang pagmasdan ni Ginang Linosa. Sa wakas ay natapos na ang pinagdaraanan niya ngayong natanggal na si Eldest High Priest Ellai sa posisyon nito.""Siya nga, Emmanuel. Ngayon ko lamang nasilayan na ganiyan siya kasaya." Naluluhang sambit ni Hadassa.Napangiti si Emmanue

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-ten: Tuluyang Paghilom

    "Ginang," sambit ni Reyna Milcah, "paano mo ba mapatutunayan ang iyong sinabi? Isa iyang mabigat na paratang.""Mabigat na paratang? Hindi isang paratang ang aking sinabi kundi pagkasira ng aking dangal, Mahal na Reyna." Lumuluhang sagot sa kaniya ni Linosa."Maaari mo bang isiwalat ang lahat ng iyan sa paglilitis sa mga high priest? ""Ngunit, Mama," pigil naman ni Hannah."Wala kang dapat na ipag-alala, anak ko." Saad naman ni Linosa.Agad na iminungkahi ni Reyna Milcah kay Haring Chezedek na payagang magpatotoo si Linosa laban kay Eldest High Priest Ellai sa kalagitnaan ng paglilitis.Pinahintulutan naman ng hari ang kaniyang iminungkahi bagamat nakatutok ang paglilitis sa mga high priest.Maraming miyembro ng elders council ang umalma na pakinggan si Linosa. May mga tutol sapagkat ilang taon na ang nakalilipas mula nang maging usap-usapan ang nangyari rito at high priest pa lamang noon si Eldest High Priest Ellai. Ang ilan naman ay iginigiit na walang katotohanan ang sinabi nito.

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-nine: Ang Huwad Na Anarah

    Hindi mapakali si Arahab. Siya ay labis na nababahala sapagkat maaaring sa pakikipag-usap ni Reyna Milcah kina Hadassa at Hannah ay mapag-usapan ng mga ito ang tunay na Anarah."Prinsesa Anarah!" narinig niyang tawag sa kaniya ni Lexie nang makasalubong siya nito."Lexie!" nanlalaki ang mga mata niyang singhal. Nagulat siya nang bigla na lamang itong sumulpot sa kaniyang harapan."Kanina ko pa kayo hinahanap ng Mahal na Reyna. Saan ba kayo nagtungo?" "Kami ay nagawi lamang banda roon," turo niya sa direksyong pinag-iwanan niya sa bagong reyna."Nasaan na nga ba si Reyna Milcah? Hindi ba at kayong dalawa lamang ang magkasama?""Natitiyak kong siya ay naroroon pa kasama ang mga Mortanang naghahanap sa Inang Reyna Liana." Sagot niya na nakaturo pa rin sa nasabing direksyon."Maaari mo ba akong samahan, Prinsesa?""Huh!""Kung iyong mamarapatin, Prinsesa.""Ang Mahal na Reyna ang naroon sa bandang iyon!" turo niya na hinanap naman ng first-ranked attendant."Nasaan ba, Prinsesa?" tanong

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-eight: Ang Huwad Na Kapatid

    Nang dahil sa mga reklamo laban kay High Priest Peniha ay ipinatawag ito ni Haring Yusef at ng mga hari sa iba't ibang kaharian sa Guzen.Ipinatawag din si Eldest High Priest Ellai at iba pang high priest na pinaghihinalaang gumagawa ng paglabag.Ipinatawag ang mga ito dahil sa pagsumite ni Haring Chezedek ng reklamo mula sa mga mamamayang nagbibigay ng alay sa mga templo. Napuna kasi ng mga ito na binabawasan na agad ng karamihan sa mga high priest ang laman ng mga alay bago tuluyang matupok ng apoy. Iyon ay kalapastanganan ayon sa kanilang paniniwala.Kasama na rin sa pagsasakdal ang mga ginawang mahal*y na pagtrato ng mga high priest sa mga Mortana na nag-aalay sa templo.Ang lahat ng ito ay mula sa nakalap na impormasyon nina Reyna Milcah at Arahab na idinulog kay Haring Chezedek. Iyon naman ay ipinagbigay alam sa iba pang hari at opisyal. Ang mga hari, reyna, at mga opisyal mula iba't ibang kaharian ng Guzen ay nagkaisang litisin ang mga high priest. Naroroon din ang mga goberna

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-seven: Parte Ng Propesiya

    Agad na nagpunta sina Deborah at Ram Luiz sa Wuluf Cave. Nais nilang ipagbigay-alam sa datu ang kanilang natunghayan tungkol sa pakikipagsabwatan nina Deryk at Benedict kay Victoria."Adult Ram Luiz," tawag ng tagapagbantay sa kaniyang magiging kabiyak. "Pumasok na raw kayo saad ng mahal na Datu."Tumango rito si Ram Luiz. "Salamat!"Bumaling naman ito sa kaniya, "Tayo na, aking binibini."Biglang tila mapalundag ang puso niya nang dahil sa pagtawag nito. Habang tumatagal ay nagkakaroon na ng kahulugan sa kaniya ang pagtawag nito ng "aking binibini.""Su-susunod ako, Ram Luiz." Muntik pang mautal niyang sagot.Pakiramdam niya ay may ibang sensasyon ang dumaloy sa kaniyang mga kalamnan nang dumampi sa kanang braso niya ang isang palad nito. Pinigilan niya ang sarili na huwag ilayo rito ang kanan niyang braso. Napalunok na lamang siya habang humahakbang papasok sa himpilan ng datu."Aking grandfather na Datu!" pagbibigay-galang ni Ram Luiz kay Datu Nebunizar."Saan kayo nanggaling, Ram

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-six: Hindi Malilimutang Kababata

    Labis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapaniwalang si Hulda at Hannah ang makikita niya."Hulda!" tawag niya sa kababata. "Hannah? Bakit kayo naririto?" baling naman niya sa kaibigan.Mas lumapit pa siya sa mga ito. Kinusot niya ang mga mata upang makasigurong tama ang kaniyang nakikita."Naisip ko lang subukan kong mahahanap ka ng mahiwagang bato, Samuel." Sagot ni Hannah."Mahiwagang bato?" pagtataka niya. "Nahanap ako ng isang mahiwagang bato? Paano naman ako mahahanap sa pamamagitan niyon?"Nagkatitigan sina Hannah at Hulda."Mahirap ipaliwanag ngunit batong Crisante ang tawag ko rito." Pagtukoy ni Hannah sa batong hawak nito."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa batong iyan. Tila isa nga iyang mahiwagang bato." Komento niya."M

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-eight: Bagong Pangalan

    Dahil inihalal na ni Haring Yusef si Prinsesa Nini bilang kabiyak nito, maraming pagbabago ang magaganap sa kaniyang palasyo.Hindi na niya kailangang dumalo sa pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Jeto. Kaya naman ang paghahanda ng mga tagapaglingkod sa pagpunta niya ng Way Kingdom ay

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-seven: Hindi Inaasahang Panauhin

    Nang marating ni Ram Luiz kasama nina Loisa, Hanri at Severus ang kaniyang tanggapan, naratnan nila si Ziporrah at ang inang si Josebeth."Mama!" tuwang bulalas niya."Ram Luiz, anak ko!" naluluhang salubong nito. Napakahigpit ng pagkakayakap nito sa kaniya.Niyakap niya ang ina at ipinikit ang mga

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-six: Pagkikita at Pagkasabik

    Nakasakay sa kaniyang karwahe si Ziporrah habang masayang pinagmamasdan ang kalangitang natatanaw sa bintana."Napakaganda!" turo niya sa isang bulto ng mga Qanna flower na nakita niya sa daan."Ano iyon, Prinsesa Ziporrah?" tanong ni Josebeth na nakaupo sa kaniyang harapan."Napakagaganda po ng mg

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-five: Deklarasyon

    Batid ni Deborah na may mga nilalang na nagmamasid sa kaniya sa Jealous river. Hindi man niya mawari kung ano ang pakay ng mga ito sa pagmamanman sa kaniya ngunit malakas ang kutob niyang hindi sila mga taga-Guzen."Hindi kaya't nagmamanman na naman ang mga werewolf sa bansang ito?" pakiwari niya n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status