เข้าสู่ระบบLabis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapaniwalang si Hulda at Hannah ang makikita niya."Hulda!" tawag niya sa kababata. "Hannah? Bakit kayo naririto?" baling naman niya sa kaibigan.Mas lumapit pa siya sa mga ito. Kinusot niya ang mga mata upang makasigurong tama ang kaniyang nakikita."Naisip ko lang subukan kong mahahanap ka ng mahiwagang bato, Samuel." Sagot ni Hannah."Mahiwagang bato?" pagtataka niya. "Nahanap ako ng isang mahiwagang bato? Paano naman ako mahahanap sa pamamagitan niyon?"Nagkatitigan sina Hannah at Hulda."Mahirap ipaliwanag ngunit batong Crisante ang tawag ko rito." Pagtukoy ni Hannah sa batong hawak nito."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa batong iyan. Tila isa nga iyang mahiwagang bato." Komento niya."M
Agad na naglakbay si Deborah kasama si Ram Luiz pabalik ng Edoma Forest. Sinikap nilang makabalik agad sapagkat ayaw nilang mahalata nina Deryk at Benedict ang pagmamanman nila sa mga ito.Pareho silang walang imik ng magiging kabiyak dahil sa nalaman nila. Sapat na ang kanilang mga narinig mula sa mga kasamahan at sa espeyang si Wano upang ipagbigay-alam iyon kay Datu Nebunizar.Hindi niya mabasa ang iniisip ni Ram Luiz ngunit mas pinili niyang huwag na muna itong usisain. Ayaw niya munang magtanong ng kung ano rito dahil alam niyang masama ang loob nito kina Deryk at Benedict.Wala rin siyang ganang magkuwento tungkol kay Victoria. Bumalik lang ang lahat ng takot at pangamba niya nang makita itong muli. Matagal na panahon na mula nang atakihin siya nito dahilan kaya naging infected werewolf siya. Marami na rin siyang nakaharap na mga werewolf. Ngunit nang makita niya itong muli, nakaramdam na naman siya ng takot. Nangamba siya na baka sa muli nilang pagkikita ay matuluyan na siya ni
"Tila ito na ang kanilang kampo, Binibini." Pabulong na saad ni Ram Luiz sa kaniya nang marating na nila ang kinaroroonan ng dayang na kakausapin nina Deryk at Benedict."Nasa Canama Forest na marahil tayo, aking binibini." Mahina ang tinig na singhal ni Ram Luiz sa kaniya."May ganito pa palang lupain sa Qanna," namamangha niyang sambit. "Mas malawak ito na 'di hamak kaysa sa Edoma Forest.""Hindi ako makapaniwala na mararating natin ang lugar na ito. Hindi ko inasahan na ang sinasabi nilang kampo ng iba pang werewolf clan ay ganito ang tanawin. Napakaaliwalas at nakabibighani." Pagpapangalawa naman ni Ram Luiz sa sinabi niya."Ngunit sino kaya ang dayang ng werewolf clan na pinuntahan nila?" puno ng kuryosidad niyang agam-agam. "Ang Adono kayang iyan ang nakita kong nag-eespiya sa Edoma Forest?""Ano ang nasa isipan mo, aking binibini?"Lumapit siya rito upang bumulong. "Kanina ko pa iniisip ngunit hindi ako sigurado. Paano kung ang Adonong iyan na kasama nila ay ang werewolf na nak
Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Matagal nang malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" narinig niyang tanong ni Deryk sa kasama nito."Dito nga iyon. Maghintay lang tayo." Sagot naman ni Benedict.Tiniyak niyang hindi siya maaamoy ni mararamdaman ng mga ito kaya inahit niya ang mga balahibo niya. Nagpahid din siya ng mga Oren leaves upang kahit paano ay maging kaamoy lamang siya ng mga Qanna tree na pagtataguan niya.Batid niyang iba ang amoy niya sa mga kalahating Adono at kalahating Mortano niyang kasamahan. Siya ay infected werewolf lamang kaya mas maaamoy pa rin ang pagiging Mortana niya. Iyon ang dahilan para mas madaling masaulo ng mga ito ang amoy niya."Aking binibini, ano bang ginagawa mo rito?" narinig niyang pabulong na tanong ni Ram Luiz na nasa tabi na niya.Nasapo n
Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" narinig niyang tanong ni Deryk sa kasama nito."Dito nga iyon. Maghintay lang tayo." Sagot naman ni Benedict.Tiniyak niyang hindi siya maaamoy o mararamdaman ng mga ito kaya inahit niya ang mga balahibo niya. Nagpahid din siya ng mga Oren leaves upang kahit paano ay maging kaamoy lamang siya ng pinagtataguan niya.Batid niyang iba ang amoy niya sa mga kalahating Adono at kalahating Mortano niyang kasamahan. Siya ay infected werewolf lamang kaya mas maaamoy pa rin ang pagiging Mortana niya. Iyon ang dahilan para mas madaling masaulo ng mga ito ang amoy niya."Aking binibini, ano bang ginagawa mo rito?" narinig niyang pabulong na tanong ni Ram Luiz na nasa tabi na pala niya.Nasapo niya ang mga labi sa pagka
Si Hannah ay abala sa pagpapakain ng mga alaga niyang Melyn sheep nang marinig ang pagtawag ni Hadassa."Youngest Sister!"Napabuntong-hininga siya at bumulong sa sarili, "Nariyan na naman siya upang mangumbinsi.""Youngest Sister," masayang bungad nito nang makapasok sa kulungan ng mga Melyn sheep. "Napag-isipan mo na ba ang aking pakiusap?"Nilingon niya lamang ito at muling nagpatuloy sa pagpapakain ng mga alagang Melyn sheep. Hindi niya pa mawari kung ano ang isasagot sa tanong nito.Lumapit ito sa kaniya at ngumiti. "Youngest Sister, ayaw mo pa rin bang gamitin ang batong Crisante?"Tumigil siya sa pagpapakain ng mga alaga. Humugot nang malalim na hininga upang kalmahin ang sarili. Hinahanda niya isipan upang malumanay pa rin na makapagsalita."Big Sister," bigkas niya. "Hanggang ngayon ay nag-aalangan pa rin ako na muling maglakbay gamit ang mahiwagang bato. Nangangamba pa rin ako na baka mapahiya ako o mapaghinalaan ng kung ano."Yumuko lamang si Hadassa at itinango ang ulo. Ng
Nakasakay sa kaniyang karwahe si Haring Yusef pauwi ng kaniyang palasyo. Bagamat marami pa ang nais niyang kausapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan, hindi na kinaya ng katawan niya ang labis na pagod. Kinailangan niyang umuwi nang maaga.Habang nasa daan ay may natanaw siyang karwahe na tila
"Tunay bang ikaw ay aalis na ng Guzen at magpupunta ng Edoma Forest, Deborah?" agad na tanong ni Zillah habang papalapit sa kanila ni Arahab.Nagtinginan muna sila ng kaibigan.Tumango siya at sumang-ayon, "Tama ang iyong narinig, Zillah. Nais ko sanang pormal na sabihin kay Reyna Milcah matapos a
Nakaramdam ng katiwasayan si Hadassa. Tuluyan na kasing nakatulog ang ina niyang si Linosa. Mahirap itong pakalmahin ngunit mas mahirap itong patulugin.Iniwanan niya ang ina sa silid nito at magtutungo sana siya sa kaniyang silid."Eldest sister!" payak niyang reaksyon nang dumating ang mga kapati
Nang malaman ni Linosa na magiging high priest na si Samuel ay ikinulong nito si Hadassa sa kaniyang silid."Mama, pakiusap," pagsusumamo niya, "buksan mo po ang pinto."Ilang sandali na rin siya na nasa loob ng kaniyang silid. Wala sina Hannah at Hulda sa kanilang Fortune Teller cabin. Ang papa na







