Mag-log inNagpulong ang mga hari sa Guzen dahil sa sunod-sunod na pag-atake sa mga pinapastulang alaga ng mga mamamayan."Kapag hindi pa natigil ito, maging ang mga Qanna sheep at Qanna goat na iaalay sa templo ay mauubos. Maraming may-ari ng lupain ang mababawasan ng kabuhayan." Wika ni Haring Jeto.Napakibit-balikat na lamang si Haring Chezedek sa suliranin. Bumaling na lamang ito kay Haring Yusef na nakikinig lamang sa usapin."Anong masasabi mo, Haring Yusef?" tanong sa kaniya ng biyanang hari.Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot, "Hindi lamang kabuhayan ng mga mamamayan ang nanganganib, ama kong hari, ang kaligtasan ng lahat ang mas dapat pagtuunan ng pansin.""Ikaw ba ay nababahala na maaaring ang mga mamamayan mismo ang atakihin ng hindi pa natutukoy na nilalang?" tanong naman ni Haring Jeto sa kaniya.Nilingon niya ito, "Wala namang ibang nilalang na maaaring gumawa ng ganito kundi mga werewolf, hindi ba?""Nakasisiguro ka ba riyan, Haring Yusef?""Mula pa nang tayo'y m
"Anong nangyari sa mga alaga kong Qanna goat?" nanlulumong tanong ng isang pastol.Nakita nitong wala nang buhay ang mga Qanna goat na pinapastol nito."Maging ang mga alagang Qanna sheep mo rin pala?" hindi makapaniwalang saad ng kapwa nitong pastol. "Ganiyan din ang nangyari sa mga Qanna sheep ko noong makalawa lamang.""Bakit ba nangyayari sa atin ang lahat ng ito?"*****Si Haring Yusef ay kasalukuyang nasa kaniyang himpilan. Binabasa niya ang bagong mapa na ipinaguhit sa isa sa mga pintor ng palasyo."Mahal na hari," bungad sa kaniya ng isa sa mga punong sundalo ng kanilang kaharian pagpasok nito sa kaniyang himpilan."Anong balita, Heneral Gaddai?" kaswal niyang tanong na sa mapa pa rin nakatuon ang paningin."Kamahalan," panimula naman ng punong heneral na salubong na ang kilay hindi pa man naibabahagi ang dala nitong balita. "Marami na sa mga nagmamay-ari ng pastulan at mga pastol ang dumulog sa amin. Sunod-sunod ang pagkam*tay ng mga alaga nilang Qanna sheep, Qanna pig, at Qa
Nagkaroon ng katiwasayan sa bansang Gypto mula nang manalo sina Anarah at Deborah laban sa vampire clan nina Edwardo at Belinda.Naging panatag ang loob ng mga mamamayan na hindi na sila gagambalaing muli ng mga vampire."Kumusta ang pagtuturo mo sa academy, younger sister?" pangungumusta ni Deborah nang bisitahin niya ang totoong Anarah sa himpilan nito.Kagagaling lamang nito sa pagtuturo ng dark magic sa mga bagong mag-aaral.Ngumiti ito bago sumagot. "Nakatutuwa ang mga bagong mag-aaral sa klase ko, eldest sister. Sila ay maalam na sa dark magic at sabik na sabik matuto.""Mabuti naman kung ganoon. Siguradong marami silang natutuhan mula sa iyo.""Ikaw ba, eldest sister, wala ka bang balak mag-aral muli ng witchcraft at dark magic?"Umiling siya at nagpamalas ng tipid na ngiti."Alam mo, younger sister," panimula niya, "noong una, kaya ko lang tinalikuran ang witchcraft at dark magic ay dahil kay Papa. Siya rin ang dahilan kaya ako umalis ng Gypto. Naging dahilan pa iyon kaya ako
Bumalik si Harvan sa palasyo ni Reyna Milcah. Nagtaka sina Lexie at Zillah sapagkat labis ang kaniyang pagngiti."Bakit ba tila ikaw ay tuwang-tuwa, Harvan?" tanong sa kaniya ni Zillah."Ikaw ba ay nakapag-alay na ng susunuging insenso sa templo?" wika naman ni Lexie.Masigla siyang sumagot, "Nanggaling na nga ako sa templo at ipinag-alay ng temple priest doon. Tinanggap naman ng Lord Father Adonai ang insenso kaya masaya ako."Nagkatinginan ang dalawa na mas lalong nagtaka."Kaya ka nakangiti nang ganiyan?" usisa pa ni Lexie."Gayon na nga. Nakatutuwa lamang na mababait sa akin ang mga temple priest na naroon maging ang bagong eldest high priest.""Bumisita roon ang eldest high priest?""Iyon na nga, Lexie," pagsang-ayon niya. "Habang ako ay paalis, nadaanan ko siya sa himpilan ng mga temple scribe. Nagpahayag ako ng paggalang at binati niya rin ako. Hindi niya nga lang naaalala ang aking pangalan kaya tinanong niya iyon.""Bata pa ang bagong eldest high priest at hindi pa nag-aasawa
Sinamahan ni Emmanuel si Harvan sa lugar kung saan susunugin ang dala nitong insenso. Pinayagan na niya itong mag-alay sapagkat naipanalangin na niyang luminis ang hangarin nito."Natitiyak mo bang malinis na ang iyong budhi?" tanong niya habang sila ay naglalakad.Tumango naman ang tagapaglingkod. "Natitiyak ko, temple priest.""Mabuti kung gayon, ipasunog na natin ang iyong handog na susunugin."*****Si Eldest High Priest Samuel ay katatapos lamang sa pag-aayuno dahil sa pagnanais malimutan si Hulda.Kapag naikasal na ito ay kalapastanganan nang maituturing ang nararamdaman niya para sa kababata.Alam niyang dapat nang lumimot sa kaniyang damdamin. Ngunit mahihirapan siyang magawa iyon sa kaniyang sariling pagsisikap.Mula pagkabata ay magkalapit na ang loob nila. Kinailangan lamang umiwas ni Hulda dahil ayaw itong palapitin ng inang si Linosa sa mga kabataang naglilingkod sa templo. Upang sundin ang ina ay bihira na lamang itong sumama sa mga nakababatang kapatid upang makihalobi
Dahil ikawalong Melyntor day na naman, muling lumabas sa palasyo ni Reyna Milcah si Harvan. Ilang metro na rin ang nalakad niya patungong Locust City. Nais niyang maghandog kay Lord Father Adonai."Matagal-tagal na rin mula nang mag-alay ako ng ensensong susunugin para kay Lord Father Adonai. Marami rin kasing naganap nitong dalawang nagdaang Melyntor years."Bigla namang napadaan ang karwahe na kilala niyang sinasakyan ni Haring Jeto."Ang mahal na Haring Jeto," bulong niya na agad tumigil sa paglakad at yumuko bilang paggalang sa hari.Hinintay niya munang makalayo ang karwahe bago siya muling tumingala at pinagmasdan iyon.Nakaramdam siya ng lungkot para sa bagong hari. "Marahil ay nagdadalamhati pa rin siya para sa pagkawala ng namayapang Haring Jesu." Bulong niya sa sarili na tinawag ang yumaong Haring Jehu sa bagong titulo nito.Nagpatuloy siya sa paglakad na ang bagong hari pa rin ang inaalala. Mula pagkabata ay nasubaybayan na niya ang malulungkot na pangyayari sa buhay nito
"Hannah!" pagtawag ni Hulda sa bunsong kapatid. Nakapagluto na siya ng makakain nila kaya hinahanap niya ito."Saan kaya siya ngayon?" tanong niya na iniisip kung saan ito nagpunta.Sinubukan niyang hanapin ito sa silid nito ngunit wala siyang nakita. "Baka nagpapastol pa rin siya hanggang ngayon."
Hindi pa rin napapayag ni Hannah ang big sister niyang si Hadassa na kilalanin kung sino ang nasa pangitain nito. Mas pinaalalahanan pa siya nito na huwag nang gawin ang iminungkahi niya upang mabantayan nila ang inang si Linosa."Tila hindi ko na talaga mapapapayag ang big sister na kilalanin nami
"Ipagpaumanhin mo sana kung ginambala ka pa ng dalawang ito, aking binibini," nahihiyang wika ni Ram Luiz.Bagamat nahihirapan siyang bumangon ay pinilit niya pa ring makaupo sa kaniyang higaan."Walang ano man iyon, Ram Luiz. Ikinalulungkot ko ang iyong sinapit at ng iyong mga kalahi mula sa werew
Nagising na si Ram Luiz mula sa matagal na panahong pagkakahimbing. Hindi pa man naghihilom ang kaniyang mga sugat ay nais na niyang bumangon."Magpahinga ka na muna, Ram Luiz. Hindi ka pa lubusang magaling." Pigil sa kaniya ni Sharina.Imbes na makinig ay nagtangka pa siyang tumayo na ipinag-alala







