Beranda / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Sixty-seven: Pabatid

Share

Chapter Sixty-seven: Pabatid

last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-28 01:23:10

Kausap pa ni Datu Nebunizar ang Mortanang manggagamot na si Raya nang marinig na tila nagkakagulo sa labas ng panuluyan. Doon pansamantalang nakaratay ang apo niyang si Ram Luiz.

"Anong ingay iyon?" nababahalang tanong niya.

Iniwan niya si Ram Luiz at ang manggagamot at lumabas sa panuluyan.

Natanaw niya si Siviro na papasugod sa mga kapwa adult nito. Agad niya itong pinuntahan upang sawayin.

"Anong kaguluhan ito?" salubong ang mga kilay niyang tanong dito at sa tatlo pang adult na sina Deryk, Benedict at Sharina. "Kulang pa ba ang nangyaring sagupaan na tinamo ninyo at kayo naman ang nag-aaway?"

"Patawad po, mahal na datu," mahina ang tinig na paghingi ng paumanhin ni Deryk sa kaniya.

Binalingan niya si Siviro. "Imbes na nag-aasal paslit ka kasama ng mga ito, bakit hindi mo bantayan ang kapatid mo?"

Si Ram Luiz ang tinutukoy niya na bantayan nito.

"Opo, grandfather kong datu," pagsang-ayon naman ni Siviro.

"Lumayas kayo rito! Asikasuhin ninyo ang mga kagrupo niyo," singhal niya sa ka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-two: Walang Imik

    "Hannah!" pagtawag ni Hulda sa bunsong kapatid. Nakapagluto na siya ng makakain nila kaya hinahanap niya ito."Saan kaya siya ngayon?" tanong niya na iniisip kung saan ito nagpunta.Sinubukan niyang hanapin ito sa silid nito ngunit wala siyang nakita. "Baka nagpapastol pa rin siya hanggang ngayon."Nang magtungo siya sa madamong parte ng lupain malapit sa fortune teller cabin nila ay natanaw niya si Hannah na pinapapasok sa kulungan ang mga pinapastol na Melyn sheep."Tama nga ako," pagsang-ayon niya sa sarili habang naglalakad papunta sa kulungan ng mga Melyn sheep."Hannah!" sambit niya.Tumingin ito sa direksyon niya bago isinara ang kulungan ng mga pinapastol nito.Nang makalapit siya ay ramdam niyang malungkot ito. Wala siyang marinig na sinasabi ng isip nito."Narito ka lamang pala," sabi na lamang niya. "Nakaluto na ako, tayo nang kumain."Tumango ito. Nakayuko at nagsimula nang humakbang.Nais niya itong kumustahin ngunit batid niyang hindi nito nais na magbahagi. Kapag nakiki

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-one: Pagkapahiya

    Hindi pa rin napapayag ni Hannah ang big sister niyang si Hadassa na kilalanin kung sino ang nasa pangitain nito. Mas pinaalalahanan pa siya nito na huwag nang gawin ang iminungkahi niya upang mabantayan nila ang inang si Linosa."Tila hindi ko na talaga mapapapayag ang big sister na kilalanin namin kung sino ang nasa kaniyang pangitain," agam-agam niya habang nagpapastol sa mga Melyn sheep malapit sa kanilang fortune teller cabin. "Ngunit pakiramdam ko ay may dapat lamang na ako ay gawin."Muli niyang kinuha sa lalagyan nito ang batong Crisante at iniangat iyon sa harapan ng kaniyang mukha. "Ikaw lamang ang makatutulong sa 'kin. Dalhin mo sana ako sa parte ng Gypto na malapit sa mga Qanna raven."Siya ay pumikit hawak ang mahiwagang bato. Inilagay niya sa kaniyang imahinasyon ang mga Qanna raven. "Paganahin mo ang iyong imahinasyon, Hannah."Sa kaniyang pagmulat ng mga mata, mga gumuhong gusali at bumagsak na mga Qanna tree ang bumungad sa kaniya."Hannah!" narinig niyang tawag sa ka

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty: Kaibigan?

    "Ipagpaumanhin mo sana kung ginambala ka pa ng dalawang ito, aking binibini," nahihiyang wika ni Ram Luiz.Bagamat nahihirapan siyang bumangon ay pinilit niya pa ring makaupo sa kaniyang higaan."Walang ano man iyon, Ram Luiz. Ikinalulungkot ko ang iyong sinapit at ng iyong mga kalahi mula sa werewolf clan na sumugod sa inyo." Tugon naman sa kaniya ni Deborah.Pasimpleng bumulong si Severus sa kaniya. "Leader, huwag mong masyadong ipahalata na kinikilig ka."Napabungingis si Hanri sa ibinulong ni Severus sa kaniya."Isa ka pa, Hanri," saway niya sa isa pang kagrupo bago bumulong kay Severus. "Malalagot talaga kayo sa 'king dalawa."Nagtinginan naman sina Severus at Hanri sa isa't isa na kapwa nagpipigil ng tawa."Aking binibini," baling niya kay Deborah. "Napakabuti ng iyong puso. Sa kabila ng pagkaabala mo sa paglilingkod sa palasyo ng inyong prinsesa ay dinalaw mo pa ako. Huwag sana ako maging kaabalahan sa iyo."Napuna niya ang biglang pagbago ng emosyon nito. "Hindi na ako maglil

  • The Chosen Wife   Chapter Seventy-nine: Patagong Pagsisisi

    Pabalik na muli ng kaniyang palasyo si Haring Yusef matapos ang pag-uusap nila ni Deborah. Sa loob ng kaniyang karwahe ay pumalibot ang katahimikan. Wala siyang imik at nakatanaw sa kawalan.Nagpupuyos ang kaniyang damdamin sa isipin na iyon na ang huling pagkikita nila ni Deborah. Alam niya na maling nalulungkot pa siya sa pag-alis nito. Kahit nauunawaan ni Reyna Milcah ang sitwasyon nila ay hindi niya maikakailang pagtataksil ang ginagawa niya. Mayroon na siyang asawa kaya wala na siyang karapatang mangulila sa ibang Mortana.Sinasabi ng kaniyang isipan na tuluyan nang kalimutan si Deborah. Iyon ang tama. Noon pa man ay inihanda na niya ang sarili na panindigan ang mga naging disisyon niya.Sa huling pag-uusap nila ni Deborah ay nakita niya sa mga mata nito na desidido na itong lumayo. Wala siyang nakitang bahid ng pagsusumamo at pagdadalawang-isip dito. Nakita niyang buo na ang pasya nitong umalis na ng Guzen.Nais niyang magtampo sapagkat hindi man lang nito ipinaalam na aalis na

  • The Chosen Wife   Chapter Seventy-eight: Malapit Sa Puso

    Nagising na si Ram Luiz mula sa matagal na panahong pagkakahimbing. Hindi pa man naghihilom ang kaniyang mga sugat ay nais na niyang bumangon."Magpahinga ka na muna, Ram Luiz. Hindi ka pa lubusang magaling." Pigil sa kaniya ni Sharina.Imbes na makinig ay nagtangka pa siyang tumayo na ipinag-alala nito."Itigil mo iyan, Ram Luiz! Napakasutil mo," saway nito."Sharina, nasa panganib ang ating werewolf clan. Paano ako makapagpapahinga lamang dito?" sumbat niya. "Huwag mo na akong pigilan pa.""Mas mainam na magpagaling ka na lamang sa ngayon. Kami na muna ang bahalang sumagupa sa werewolf clan nina Xandro at Victoria sa pagbabalik nila.""Bakit ba kasi ganoon na lamang ang galit nila sa aming mga Adonong kalahating Mortano?""Masanay ka na, Ram Luiz. Ang lahi ng mga Mortan ang lubos na kinamumuhian na nilalang ng mga werewolf at vampire. Natural lamang na ayaw ng karamihan sa amin na malahian ninyo.""Ano bang mali sa pagiging Mortano? Bakit ba kinamumuhian kami ng mga nilalang na hind

  • The Chosen Wife   Chapter Seventy-seven: Ang Laman Ng Pangitain

    Dahil abala si Hulda sa pagpapakain sa kanilang inang si Linosa ay nagkaroon ng pagkakataon si Hannah na kausapin si Hadassa.Nagtungo si Hannah sa silid nito upang usisain tungkol sa isang usapin."Youngest sister!" nagtatakang reaksyon ni Hadassa nang pumasok siya sa silid nito. "Bakit nagawi ka sa aking silid?""May itatanong lamang sana ako sa iyo, big sister." Panimula niya."Ano iyon?""Hindi ba at nagkaroon kang muli ng pangitain noong nakaraan? Kilala mo na ba kung sino ang nasa iyong pangitain, big sister?" tahasan niyang tanong."Oo ngunit paano mo nalaman na muli akong nagkaroon ng pangitain?" usisa nito.Napakamot siya sa noo. "Ipagpaumanhin mo, big sister, narinig ko kasi ang pag-uusap ninyo ni eldest sister noong mapadaan ako sa silid na ito."Umiling si Hadassa. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam, youngest sister.""Big sister, ano kaya kung gamitin ko ang batong Crisante upang makita natin ang mga lugar na nakita mo sa iyong pangitain? Hindi ba at hindi ka pamily

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status