Home / Romance / The Chronicles of Ashcroft / Chapter 3: ESCAPING ASHCROFT

Share

Chapter 3: ESCAPING ASHCROFT

Author: Welch Phyxion
last update Last Updated: 2021-09-05 21:52:10

"Ah,! Ah!" Sunod sunod na nagbagsakan ang aming mga kasamahan matapos tamaan ng mga palaso.

"Sandali, hindi galing sa likuran ang mga tama nila kundi galing sa ating unahan" pabulong kong hudyat habang naka taas ng bahagya ang kanan kong kamay upang pahintuin ang aming mga kasamahan.

"Tama ka prinsesa, at kilala ko ang mga palasong ito. Galing ito sa mga kawal ng Sylverstein, malamang ay inutusan sila ng Reyna upang ipapaslang ka mahal na Prinsesa" ika ni Heneral Cognan

Umupo muna kami upang magtago sa matatayog na damo.

"Mahal na prinsesa napapa ligiran tayo ng mga kawal ng Shein at Sylverstein. Kailangan nating maghiwa hiwalay upang linlangin sila. Tiyak pag nagkasalubong ang mga kawal ng Shein at Sylverstein ay magpapatayan din ito" Paliwanag ni Heneral Cognan.

"At paano iyon mangyayari?" maikli kong tanong

"Paumanhin mahal na prinsesa ngunit kailangan mong maka ligtas, ikaw nalang ang natitirang pag-asa ng lahat. Magtungo ka sa kaliwa at kami naman sa kanan upang hatakin ang kani-kanilang atensyon"

"Huh, bakit mag isa lang ako heneral?" muli kong tanong

"Paumanhin mahal na prinsesa" mabilis na sambit ni Heneral Cognan saka ito tumakbo sa bandang kanan kasama ang pitong kawal na natitira.

"Heeeeeee!" Dinig kong sigaw ni Heneral Cognan, sabay tingting sa kanyang kalasag dahilan upang magsi-suguran ang mga kawal ng Shein at Sylverstein. At gaya ng sabi niya nagpatayan nga ang magkabilang panig ng magkita ito.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo patungo sa mataas na sementong bakod na sa palagay ko ay makakaligtas ako pag naakyat ko ito. Malamang may ibang kaharian sa kabila ng bakod na ito at baka matulungan ako nitong maipaghiganti ang aking Ama.

Malapit na ako rito ng may naramdaman akong palasong parang tatama sakin. Agad akong dumapa dahilan upang maiwasan ko ito. Nang lumingon ako sa likod ay nakita ko ang papalapit na limang assassin at alam kong mga kawal sila ng Sylverstein halata ito sa mga dala nilang pana at palaso.

Marahan kong binunot ang aking espada at hinagis ito sa isang ninja at sya namang tumama sa tiyan ng isa rito. Mabilis akong tumayo upang akyatin ang sementong bakuran na ito ng may natapakan akong parang bangkay ng tao,

"Huh!" Bumulantang sa akin ang bangkay ng dalawang babaeng di na makilala ang mukha dahil sa sinapit nitong sugat sa mukha, na sa palagay ko ay natamo nito mula sa pagkakahulog sa mataas na bakurang ito.

Hinila ko ang isa dito papalayo, saka ko hinubad ang kaniyang damit habang isinusuot ko sa kaniya ang aking baluti ng sa gayun ay sabihin ng mga assassin na ako ay namatay sa pagkakahulog mula sa bakurang ito.

Lumayo ako mula sa bangkay at nagtago sa matayog na damo saka sumigaw na para bang ako'y nahulog. Di nagtagal ay natagpuan ng apat na assassin ang bangkay ng babaeng kunyare ay ako. Tiningnan nito ng maigi ang mukha, ngunit dahil suot naman neto ang aking baluti ay nakumbinsi rin silang bangkay ko nga ang kanilang natagpuan.

-Princess Louvier's PoV

"Tooooooottttt"

Isang malakas na hudyat ang narinig namin ng aking Ina matapos nito ipaliwanag sakin ang masamang plano ng Reyna.

"Hudyat yan na nagbalik na ang mahal na Hari" paliwanag ko sa aking Ina

"Hindi maaari, masyado pang maaga upang magbalik ang mahal na HarIi. Isa lang ang ibig sabihin nito louvier--- uhoh uhoh!" nanginginig na sambit sakin ng aking Ina habang nakatitig sakin.

Nagmamadali kaming lumabas ng silid upang mag tungo sa palasyo.

--

"Narito na ang bangkay ng Hari, maghanda kayong lahat. Gusto kong umakto kayo ng nararapat. umiyak kayo ng dugo kung kinakailangan para makita nilang nagdudusa at nalulungkot tayo sa pagpanaw ng Hari" nakangisi kong sabi sa apat na ministrong kapanalig ko.

'Hahahahaha!, sa wakas makakahinga na ako ng maluwag dahil ako na ang mamumuno sa kahariang ito, at itutuloy ko ang ugnayang Sylverstein at Aerosmith na hindi kailanman ginusto ng walang kwentang Hari, Hahahahaha!" Pa halakhak kong sambit na siya ring ikinatuwa ng aking mga kasamahan

"Ngunit Mahal na Reyna, paano kung angkinin ni Prinsesa Sapphire ang trono at kaharian?" nag aalalang tanong ni Ministro Morey

"Wag kang mag-alala Ministro Morey, hindi ako tanga para mag plano ng alam kung may makakasira dito. Antayin niyo lang may darating pang magandang balita. Sinusigurado kong walang matitira ni isang alas sa mga Sylverstein dahil ako si Reyna Qiana Seigel Aerosmith ang babaeng uudlot sa apilyedong Sylverstein mula sa kasaysayan ng bansang Ashcroft, Hahahahaha!" nanlilisik kong tawa habang naka tingin sa labas ng palasyo kung saan naghihiyawan ng iyak ang mga tagapaglingkod at mga ministrong tapat sa Hari.

"Dalhan niyo ako ng malinis na tubig, at lagyan niyo ng kakaunting sili" ilalagay ko ito sa bandang ibaba ng aking mata upang pahuwad na maluha.

"Tayo na sa labas mga ministro" paimbita kong saad

--

"Nagtagumpay nga ang walanghiyang babaeng yun sa kanyang binabalak. Humanda ka sakin, may sakit ako oo, pero kayang kaya parin nga mga kamay ko ang wasakin ang makapal mong pagmumukha" marahan kong sambit habang nakikita kong nakayakap ang aking Anak sa naka tihayang bangkay ng kanyang Ama.

"Kamahalaaaaan! Ang pinaka mamahal kong asawa! Mahal koooo!" naririnig kong sigaw ng rRyna habang pekeng pumipiyok.

Hindi pa ito natapos magsalita agad akong tumayo at walang pag-aalinlangang pinakawalan ko ang pinaka malakas kong sampal na hindi ko pa kailan man nagawa buong buhay ko.

"Walang hiyang kang baliw!" Pasigaw nitong tugon na hindi ko pinansin at pinakawalan ko ulit at isa pang napakalakas kong sampal dahilan upang bumagsak ito sa semento.

"Hindi mo kami makukuha sa papeke-peke mong iyak at sigaw! Alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Hayop ka! Mamamatay tao! sigaw ko habang tinuturo sya.

"Huh! Totoo ba ito?"

"Siya ang nagpapatay sa hari?"

"Ano na ang mangyayari sa'tin?"

"Hindi siya karapatdapat na mamuno sa Sylverstein!" Naririnig kong mga sigaw at bulungan nga mga inistro, at iba pang may mga matataas na panunungkulan sa kaharian.

--

Nag mamadali akong tumayo at itinulak ko ng pagkalakas ang baliwng babae na ito.

"Akooo! Ako pa talaga ang pagtataasan mo ng boses at pagbibintangan ng kasuklam-suklam na krimen? Nababaliw kana Lady Halen, tingnan mo nga namutmutla kana sa katangahan mo" Pasigaw kong tugon habang pekeng umiiyak na sa tingin ko ay naniwala naman ang karamihan.

"Kaya pala matagal ng hindi nakaka tuntong ng palasyo si Lady Halen"

"Marahil ay totoo ang sinasambit ng reyna na baliw na nga siya"

"Nakakaawa naman siya"

Yan ang mga katagang naririnig kong pinag uusapan ng mga taong nakapaligid sa amin matapos na palabasin ng Reyna na nababaliw na ang aking Ina.

"Tooooooot!!!!"

Isa na namang nakabibinging tunog ang aming narinig ng may dumating na namang apat na kawal na may dalang isa na namang bangkay na may suot na baluting pangkawal.

"Mag bigay pugay sa bangkay ng mahal na Prinsesa Sapphire" Sigaw ng isa sa mga lalaking naka kabayo

"Ano! Hindi totoo yan" Nanghihinang sambiT ng aking Ina at mabilis na hinawakan ang duguang bangkay ng aking kapatid.

"Hindi totoo ito! Hindi ito si Prinsesa Sapphire, bakit hindi makilala ang kaniyang mukha?" Naguguluhang tanong uli ng aking Ina.

"Bakit ganyan ang itsura ng mahal na Prinsesa?" di makapaniwalang tanong hi Punong Ministro Hugh

"Hinahabol po kami ng mga kawal ng Shein hanggang sa umabot kami sa bakurang hangganan. Sinubukan niyang umakyat sa sementong bakod na iyon at di sinasadyang nahulog ang mahal naprinsesa" ika ng isang lalaking kawal na nakatagpo sa bangkay ng aking kapatid

Maingat na binusisi ng aking ina ang magkabilang braso ng aking kapatid at agad itong tumayo at kinalabit sa buhok si Reyna Qiana.

"Pakana mo itong lahat ahas ka! Plano mo talagang ubusin ang lahat ng Sylverstein!" Pasigaw na saad ng aking Ina habang sumisigaw sa sakit ang Reyna.

"Bitiwan mo ako baliw ka!" sigaw ng Reyna sabay kalabit din sa aking Ina

"Kamahalan! Tama na!

Ilayo niyu ang kamahalan sa baliw na babaeng yan sigaw ni Ministro Morey

At mas lalong tumindi ang presyon sa pagitan ng Reyna at ni Ina. Gyundin sa mga Ministro na parang nahahati sa dalawang panig.

"Mga kawal ibalik nyu na si Lady Halen sa kaniyang silid at painumin ng kaniyang gamot!" atas ng Reyna sa mga kawal at siya ring agad na dinampot ang kaawa-awa kong ina.

"Walang gagalaw sa aking inaaaaa!" isang nakakabingi hiyaw ang pinakawalan ko dahilan upang matigil ang dalawang kawal na dumampot sa aking Ina.

"Ano na namang kabaliwan 'to Prinsesa Louvier? Wag niyo siyang pansinin sige na dalhin na yan" naniningkit na taray ng Reyna

"Ang sabi ko bitiwan nyo siya!" Nang gigigil kong sigaw na halos sumabog ako sa galit sabay bunot sa espada ng isang kawal at ititutok ko iyon sa leeg ng isa sa lalaking naka dampot sa aking Ina.

"Prinsesa Louvier matutu kang lumugar" nakakairitang sigaw ng Reyna

"Mali! Hindi na ako si Prinsesa Louvier! Dahil Ako-o-o-o! Ako na ang inyong bagong Reyna! Reyna Louvier Morissette Sylverstein, at nananalaytay sa aking ugat ang dugong maharlika ng aking amang Hari.

"Huh!"

"Totoo naman ang sinasabi niya"

"Tama nga, siya nalang ang natitirang Sylverstein, kung kaya't siya na ang magmamana ng trono"

Nanlaki ang mata ng Reyna sa kanyang mga narinig, akala niya siguro ay tanga ako para hayaan siyang mamuno sa Sylverstein para mag hasik ng kanyang maitim na budhi.

"Magbigay pugay sa Bagong Reyna!" Sigaw ni punong Ministro Hugh, at agad namang lumuhod ang lahat ng mga taong nakapaligid sa amin maging ang apat na ministrong nasa tabi ni Reyna Qiana.

"Hindiiii! Ako lang ang Reyna sa kahariang ito" galit na sigaw nito

"Magsitayo na kayo, tara na't dalhin niyo ang katawan ng aking ama at aking kapatid" utos ko at agad namang sinunod ng mga kawal at naiwan ang nababaliwng sumisigaw na si Reyna Qiana.

--

"Ahhh! Konti nalang Sapphire, malapit na kaya mo 'yan" sabi ko sa sarili ko habang patuloy na inaakyat ang napakatayog na bakod na ito.

"Tulong!!! haring Walter tulong" sigaw ko,

"Teka! sino ba si Haring Walter?" nako nababaliw na ata ako, kung ano ano na ang aking naiimbento.

Malapit na Sapphire, narito kana sa tuktok!

"Hala! Ano ito?" tanong ko sa sarili ko ng makita ko ang nagliliwanag na mga bakal na matayog na nakatayo mula sa malayo

"Woaaaahhh! Anong lugar ito?"

Kuya Welch: Ready na ba kayo makilala si Greyson? Makikilala niyo na siya sa susunod na Chapter. Enjoy reading, and please don't forget to leave a comment po and pa vote na rin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eleonor Moresca Celis
ang labo ng kwento, di ko alam kung cno ang story teller
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Chronicles of Ashcroft   Chapter 48: SAKATUPARAN NG LAHAT

    Sapphire's PoV"Ah!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko at isinilip ko ang aking mga mata mula sa pinagtataguan kong mesa.Agad na nagunaw ang aking mundo at ang masasayang ngitian at palakpakan kanina ay napalitan ng sakit at kirot na hindi kayang ipaliwanag ng mga salita."Honey!" Sigaw ko at agad na tumayo mula sa aking pinagtataguan."Relax ka lang! Madadamay kayo ng anak mo!" Sigaw na pigil sa akin ni Harris at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong braso."Paano ako magre relax!" Sigaw ko sa kaniya at muling tiningnan ang nakatayo paring asawa ko na pulang pula na ang kaniya suot na white suit."Dagdagan pa natin yan Prinsipe!" Muling sigaw ni Qianna mula sa Helicopter at agad na muling pinaputukan ang duguan ngunit malakas paring si Greyson."Alam kong malabo na ang makaligtas ako at maisakatuparan ang mga pangakong pinangako ko sa kaniya kani-kanina lang, ngunit nais kong sa huling yugto ng aking buhay ay makita ang ka

  • The Chronicles of Ashcroft   Chapter 47: LABANAN NG MGA BABAYLAN

    Palapit ng palapit na ako kay Greyson na hindi na maitago ang kaniyang galak at saya na siyang nakapinta at maliwanag na masisilayan sa kaniyang malalapad na ngiti.Unti unti nang nakakahalata si Heneral Cognan sa aking ibang pag iyak, dahil naramdaman niya na ito na hindi na ito tears of joy. Sinusubukan kong tiisin at itago ang takot at kabang nagliliyab sa aking katawan ngunit kahit gaano ko man ito itago ay hindi ko parin kaya.Nang makarating na kami malapit sa unahan ay agad na yumakap si Greyson kay Heneral Cognan at niyakap naman ako nang napaka higpit ng mahal na Emperatres."Tahan na anak, masisira ang make up mo niyan, and I know the happiness you had right now, cause I'd been there before, kaya smile my gorgeous daughter-in-law and of course my soon to born handsome prince." Saad ng mahal na Emperatres habang niyayakap ako at marahang hinawakan ang aking tiyan.Hindi na ako makapag salita dahil sa kakaiyak, but I'm really wishing a

  • The Chronicles of Ashcroft   Chapter 46: THE BROKEN GLASS

    "It's time!" I heard Tracy screamed so freaking loud and it almost broke the door. I covered my head with my pillow and to the left side to hide my face from the sunshine of the morning sun. Why is she like that? This is really not the real her. I stated inside my head and heard again not just a loud screamed but a loud knock on my door. "Fine, you freaking piggy doll, why are you disturbing my day huh?" I screamed back as I opened the door. She's done bathing, what's happening why do I felt like got something special today. I tried to paused for a while and she's looking at me with her puppy eyes. "What is it?" why are you up too early? Do you have a date?" I inquired and she just wagged her head without uttering a single word. "Ano ngang meron?" sigaw ko sa kaniya habang hawak hawak ang aking tiyan. "Shhh, I'm talking to your tita Tracy my prince. Sabihin mo na para akong mamamatay sa kaba sa ibabalita mo" kamot ko sa aking ulo.

  • The Chronicles of Ashcroft   Chapter 45: IT'S A BOY

    “Hello my baby” hiyaw ni Harris ng makita kami ni Greyson na papasok pa lang ng Hospital. Natawa nalang kami ni Greyson sa inasta ng kaniyang kaibigan, para itong bata kaya’t maging ang mga nurse staff ay natawa na rin.“Hindi pa yan nagsasalita, kaya wag kang ano” sita ko sa kaniya habang nagsi-shake hand ito ni Greyson. Tumingin ito sa akin saka ibinababa ang kaniyang tingin at tiningnan ang aking tiyan.“But he would talk soon, right future prince of Ashcroft?” tinaasan ko ito ng kilay saka namiwanang. Bahagya siyang napa ngiti at hinawakan ang ulo.“Hay nako, oo na babae na” bawi niya sa kaniyang sinabi kaya’t ngumiti nalang ako, ewan ko ba bakit gustong gusto ko na babae ang magiging anak namin, sana talaga babae. Bahagya akong napatawa sa aking imahinasyon.“Ang weird talaga ng mga buntis” inirapan ko itong muli saka ako tumingin kay Greyson.“At matampuhin din&rdqu

  • The Chronicles of Ashcroft   Chapter 44: PAGPANAW NG DEMONYO

    “Ahh” napa atras nalang ang prinsesa sa sobrang lakas ng pag ataki ng Emperador. Sa sobrang bilis nito ay maging siya ay nahirapang iwasan ito at agad na nagtamo ng malaking sugat sa kaniyang hita at napaluhod nalang ito dahil sa hindi na niya kayang itayo pa ito.“Ganito pala kahina ang pinuno ng tinatawag nilang magagaling na mamamana sa Ashcroft” sambit ng Emperador habang nagpapalibot libot sa nakaluhod na Prinsesa.“Huh!” sigaw ni Prinsipe Wynn at Prinsipe Farjeon.“Isa ba itong pagtitipon? ang mga anak ko ay kinakalaban na akong lahat” sambit ng Emperador. Agad na itinayo ni Prinsipe Wynn ang kaniyang kapatid at tinalian ng isang tela ang sugat ng prinsesa.“Mali ka Emperador, dahil pagtutulungan ito ng magkakapatid para mabigyan ng hustisya ang aming mga magulang na walang awa mong pinaslang” sambit ni Prinsipe Farjeon.Una nang sumugod si Prinsipe Farjeon, ngunit gaya ni Prinsesa H

  • The Chronicles of Ashcroft   Chapter 43: ANAK LABAN SA AMA

    Ligtas na nalisan ni prinsipe Farjeon ang Emperyo ng Shein ngunit nabigo naman siyang makumbinsi ang dalawa niyang kapatid.“At paano kami nakakasiguro na hindi ka bitag para lamang makapunta kami sa Emperyo at mahuli ng iyong minamahal na ama” naghihinalang sambit ni Prinsesa Haracchi.“Sabi ko, hindi ko siya Ama!” sigaw ni Prinsipe Farjeon.“Wag kanang umarte Farjeon, dahil hindi bagay sayong gampanan ang karakter ng isang bida, hindi talaga bagay sa’yo kaya’t bumalik ka na sa Emperyo at magsimulana kayong maghanda, dahil sa muling pag lusob ng Knightwalker at Sylverstein ay paniguradong tangin pangalang ng emperyo ng Shein na lang ang siyang tanging maaalala ng mga tao sa Ashcroft.” mahabang pangangaral ni Prinsipe Wynn.“Kung ayaw niyong maniwala, hindi ko kayo pipigilan, basta’t kung maaari lamang, pahiramin niyo lang ako ng mga sapat na kawal upang kalabanin ang kaunting mga kawal na natiti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status