Deserve! 🤭
Luceros Mansion.Mabilis ang paglakad ni Camilla habang palinga-linga sa paligid, hindi alintana ang malalakas na yabag ng takong niya sa sahig ng marmol. Puno ng inis ang kaniyang mukha, halatang hindi na siya makapaghintay na kausapin ang kaniyang ina.Pagkapasok sa living area, nadatnan niya si Agnes na tahimik na umiinom ng tsaang inihain ng isang kasambahay.“Mom!” tawag niya, medyo pasigaw.Napalingon si Agnes. Hindi na ito nagulat sa pagdating ng anak. “Ano na naman, Camilla?” malamig na tanong nito.“Narinig ko na ang ginawa ni Nica. Sinampal niya raw si Trina at halos palayasin kayong dalawa sa ospital! Tapos ngayon, ikaw pa ang nagmamakaawa sa kaniya? Mom, seriously?” Halos mapatili si Camilla habang naglalakad palapit sa ina.Hindi sumagot si Agnes. Ininom nito ang natitirang laman ng tasa bago dahan-dahang ibinaba sa lamesa. Tiningnan niya si Camilla, diretso sa mga mata nito.“Oo, at ano ngayon?” malamig ngunit matigas ang tinig niya. “Kung kailangan kong magmakaawa sa an
Ang mga staff ay nananatiling nakaluhod sa harap ni Nica habang sina Agnes at Gerald ay tuluyang nawalan na ng dignidad sa kanilang pagmamakaawa. Ang lahat ay tahimik na saksi sa matinding tagpo.Biglang huminto ang isang mamahaling itim na kotse sa tapat ng driveway. Bumukas ang pinto. Bumungad si Rafael.Hindi nag-aksaya ng oras ang binata. Mabilis ang mga hakbang. Matalim ang tingin. Sa bawat yabag niya ay ramdam ang galit na pilit niyang nilulunok.“Nica!” tawag niya, at sa isang iglap, lumapit siya at hinila ang dalaga palapit sa kaniya.Nagulat si Nica. Napapitlag siya pero hindi siya tumutol. Ramdam niyang nanginginig sa galit ang binata. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael sa kaniyang braso, na para bang ayaw nang ipahawak sa iba.“Tinanong ko na kayo noon,” singhal ni Rafael sa mag-asawa. “Ano pa bang kailangan n’yo kay Nica?”“Rafael…” mahinang pakiusap ni Gerald. “Please… anak namin siya—”“Too late,” malamig na putol ni Rafael.Muling lumuhod si Agnes. Ang dating matapobre
Pagkatapos ng mahaba at tensyong pag-uusap, tuluyan nang ipinalipat nina Agnes at Gerald sa pangalan ni Nica ang lahat ng ari-arian na dating nakapangalan kay Camilla—ang ilang property sa Maynila, shares sa negosyo ng pamilya, at maging ang mga bank accounts na may malaking halagang naipon sa loob ng maraming taon.Tahimik si Gerald habang pinipirmahan ang mga dokumento sa harap ng abogado. Si Agnes naman ay walang imik. "Hindi na ito para kay Camilla," mahinang sabi ni Gerald, habang inaabot ang huling folder sa abogado. "She lost her right the moment she hurt our real daughter.""Masakit man, pero totoo," dagdag ni Agnes. "Si Nica ang tunay naming anak. At lahat ng ito, nararapat lang na mapasakanya."Pagkatapos ng pirmahan, hindi rin nagtagal ay muling tinangka ng mag-asawa na makipag-ugnayan kay Rafael.Tumawag si Gerald sa assistant ni Rafael ngunit sinagot ito ng maikli at malamig na boses.“Mr. Luceros, pinasasabi po ni Sir Rafael na hindi siya available. At sa ngayon, wala r
Tahimik ang buong mansyon ng Luceros nang araw na iyon. Ngunit ang katahimikang iyon ay tila puno ng tensyon at hindi maipaliwanag na lungkot habang dahan-dahang pinihit ni Agnes ang makapal na doorknob ng isang kwartong matagal nang hindi nabubuksan. Maalikabok pa ang paligid, ngunit hindi na ito mahalaga para sa kanya. Pumasok siya sa loob kasama si Gerald, habang sumusunod sa kanila ang dalawang kasambahay na may dalang mga kahon at ilang shopping bags. "Simula ngayon, ayusin na natin itong muli," sabi ni Agnes habang tinitingnan ang lumang mga larawan at laruan na naiwan sa kuwarto. "Dito siya titira kapag bumalik siya rito… sa tahanan niya." Tumango lang si Gerald. Walang salitang kayang magsalita ng lahat ng kanyang emosyon—guilt, pangungulila, at ang kakaibang takot na baka huli na ang lahat. Agad ipinapasok ng mga kasambahay ang ilang mamahaling gamit sa loob ng kwarto—mga bagong designer clothes, handbags, imported na perfumes, sapatos, at iba pang gamit pambabaeng halatan
Habang nakaupo si Nica sa sala ng bahay ni Lola Maria, pinagsisilbihan siya ng matanda ng tsaa at meryenda, at kahit may kaba pa rin sa dibdib niya, ramdam niya ang kaibahan."Kung ako ang tatanungin, pakasalan mo na agad ang apo ko, hija," nakangiting biro ni Lola Maria habang kinukuha ang kamay ni Nica. "Baka kung sino pa maunang mag-propose d’yan sa gwapong ’yan."Napayuko si Nica, pinipilit itago ang pamumula ng pisngi habang si Rafael naman ay bahagyang natawa, hindi maitago ang saya sa tinuran ng lola niya.Pero biglang bumukas ang pinto.Tumambad sa lahat ang matikas ngunit tensyonadong presensiya ni Doña Vivian Watson. Suot nito ang paborito niyang designer dress, hawak pa ang isang mamahaling clutch. Tumitig ito diretso kay Nica, punung-puno ng panlalamig ang mga mata."So, ito na ba ang bago mong pamilya, Rafael?" matalim ang boses ni Vivian habang naglalakad papasok. "Nang-aagaw ka na rin ng tahanan ngayon, Nica? Sa susunod baka pati ang pangalan ng pamilya namin, gusto mo
Makalipas ang ilang araw ng pananatili ni Nica sa ospital ay unti-unti na rin siyang nakakabawi sa sinapit niyang pisikal at emosyonal na trahedya. Hindi man ganap ang paggaling ng sugat sa kanyang puso, sapat na ang presensiya ni Rafael upang maramdaman niyang ligtas na siya. Walang araw na hindi dumalaw si Rafael. Hindi ito umuwi sa condo simula noong araw na isinugod si Nica sa ospital. Inutusan lamang nito si Lance, ang kanyang assistant, na ikuha siya ng mga gamit upang makapanatili sa ospital at hindi kailanman iwan ang dalaga. Kahit pagod at puyat, walang reklamo si Rafael. Siya mismo ang nag-aabot ng tubig at pagkain kay Nica. Siya ang naghahawak ng kamay nito sa tuwing nagigising sa gitna ng gabi si Nica na may luha sa mga mata. Alam niyang hindi ganoon kadaling malimutan ang sinapit ng dalaga, kaya’t tiniis niya ang lahat alang-alang sa kaligtasan at kapayapaan ni Nica. Sa wakas, dumating na rin ang araw ng paglabas ni Nica sa ospital. Nasa waiting area sila ng main lobby