ILANG linggo pa ang lumipas. Upang hindi mainip, nagtanim ng iba’t ibang gulay sa bakuran si Liza. Binilhan siya ni Midnight ng laptop, mayroon ding internet connection kaya nagagamit niya sa online tutorial.
Masuwerte nang makauwi isang beses sa isang linggo ang kaniyang asawa. Ganoon pa rin ang sitwasyon, mistulang caretaker lamang siya ni Midnight sa bahay nito. Pero minsan ay dumating sa isip niya na umalis na lamang doon. Hindi na siya umaasa na magugustuhan siya ni Midnight.
Hindi niya maintindihan bakit ayaw ni Midnight mag-asawa. Naghihinayang siya sa katangian nito. Maaring may mas malalim itong dahilan bakit ayaw nitong magkapamilya.
Ilang oras din ang iginugol niya sa paghahalaman sa likod ng bahay. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Palubog na pala ang araw. Nagulat siya pagpasok ng bahay ay naroon si Midnight. Marami itong pinamiling stock na pagkain at ibang kailangan niya.
Nag-iiwan naman ng allowance niya si Midnight pero naiipon dahil hindi naman siya gumagastos.
Nang mapansin siya’y sinuyod siya nito ng tingin. Nakasuot kasi siya ng jogging pants na itim at itim ding long sleeve shirt. Nagmukha siyang magsasaka. Nagtali pa siya ng panyo sa ulo na ginawang sombrero.
“Bakit ganiyana ng hitsura mo?” kunot-noong tanong nito.
“Uh…. kuwan, nagtanim kasi ako ng gulay sa likod ng bahay,” nakangising tugon niya.
Napasinghot si Midnight, tila hindi gusto ang amoy niya. “Amoy lupa ka. Maligo ka nga!” asik nito.
Matabang siyang ngumiti. “Pasensiya na. Nagbungkal kasi ako ng lupa.”
“Go, take a bath.” Bumaba ang timbre ng boses nito.
“Teka, dito ka ba kakain? Magluluto ako ng hapunan,” pagkuwan ay tanong niya.
“I’m not sure, but you should cook. Maligo ka muna at naiirita ako sa amoy mo.”
Tumalima naman siya. Abot tainga ang kaniyang ngiti habang papasok sa kaniyang kuwarto. Kahit papano’y kinakausap siya ni Midnight. Hindi katulad noon na puro masasakit ang sinasabi nito, madalas ay hindi siya pinapansin.
Kinuskos niya ng sabon ang kaniyang buong katawan, nilinis ang mga kuko. Pagkatapos ay nagsuot siya ng maayos na damit, dress kung tawagin. Maikli ang laylayan nito, kita ang kaniyang mga tuhod. Pumuti siya nang bahagya, kuminis din ang kutis. Dati kasi ay sobrang morena siya, payat din. Medyo nagkalaman na rin siya dahil sa nakakain na niya lahat ng gusto niya.
Nagpabango siya, hinayaang nakalugay ang kaniyang buhok. Paglabas niya ng kuwarto ay wala na sa sala si Midnight. Dumiretso siya sa kusina at inayos ang mga pinamili ng asawa. May nakadikit na papel sa labas ng ref, may sulat ni Midnight.
“Cook the beefsteak. Babalik ako before dinner,” basa niya sa sulat.
Malapad siyang ngumiti. At dahil hindi niya alam magluto ng beefsteak, nag-research siya sa internet. Ang daming lumabas na recipe pero pinili niya ang pinakasimple na madaling sundan. May mga sangkap kasi sa iba na hindi niya alam.
Sinunod niya ang proseso sa pagluto ng beefsteak, ibinabad sa piling sangkap. May nabasa siyang wine sa sangkap, at hindi niya alam kung saan iyon kukunin. Tumingin siya sa mini bar counter at may nakita siyang puting wine. Nilagyan niya niyon ang karne. Ibinabad niya ito ng mahigit isang oras.
At dahil hindi pa rin siya marunong gumamit ng oven, nagpadingas siya ng uling sa ihawan sa likod ng bahay. Doon na niya iluluto ang ibinabad niyang karne ng baka. Mga laman lang naman ito.
Habang binababad ang karne, nag-ihaw muna siya ng hita ng manok na timplado na. Isa na iyon sa paborito niya matapos makatikim noon sa restaurant na pinuntahan nila ng kaniyang lolo. Nag-ihaw rin siya ng talong na gagawin niyang salad na merong bagoong at kalamansi. Madalas nila iyong ulam sa probinsiya.
Nang maluto ang manok at talong, isinunod naman niya ang karne ng baka. At habang nakasalang ito, pinapahiran niya ng sauce mula sa pinagbabaran. Nasayang lang ang pabango niya dahil tinalo ng usok. Amoy ulam na siya.
“Ano ba ‘yan? Baka paliliguin na naman ako nito ni Midnight,” maktol niya.
Nang maluto ang ulam ay nagbihis siya ulit at nag-spray ng pabango. Pagbalik niya sa kusina ay napakislot siya sa pagkagulat. Naabutan niya si Midnight na tinitingnan ang mga niluto niyang pagkain sa mesa.
“Nariyan ka na pala. Maghahain na ako ng pagkain,” sabi niya.
Kumuha na siya ng mga kubyertos at dinala sa hapag. Doon na naghintay si Midnight, nakapuwesto na sa harap ng lamesa.
Isa-isa niyang hinakot ang nalutong ulam sa lamesa. Inasikaso pa niya ang inihaw na talong, hiniwa nang maliliit, nilagyan ng kamatis, bagoong, kalamansi, at saka siling labuyo. Natatakam siya sa amoy nito.
“What is that smell?” iritableng tanong ni Midnight.
Inilapag niya sa lamesa ang bowl ng salad na talong. “Bagoong ang naamoy mo. Gusto mo ba?” nakangiting sabi niya.
“Ang baho! Doon ka nga sa kusina kumain!” inis na sabi nito.
Ngumuso siya. Wala siyang choice kundi dinala sa kusina ang kaniyang pagkain. Kumuha naman siya ng isang hiwa ng steak. Hindi pa kasi siya nakatikim ng ganoong ulam.
Una niyang tinikman ang beefsteak at napapikit siya sa kilig. Sobrang sarap nito! Naparami siya ng kanin at nagkakamay sa pagsubo. Natitiyak niya na magugustuhan ni Midnight ang steak. Excited na siyang marinig ang komento nito.
“Liza!” mamaya ay tawag ng kaniyang asawa.
Napatayo siya at tinungo si Midnight. “Ano ‘yon?” kaswal niyang tanong.
“Nilagyan mo ba ng alak itong steak?” tanong nito.
“Kuwan, iyong puting wine lang naman.”
“Alin?”
Kinuha niya sa bar counter ang wine at pinakita kay Midnight.
Napahilot ito sa sintido at iiling-iling. “Dapat nagtatanong ka muna bago pakialaman ang mga bagay na hindi mo kabisado!” Pumalatak na ito.
Nadismaya siya dahil sa halip na purihin ang luto niya ay napagalitan pa siya. “Hindi ba ‘yan puwede ilagay sa pagkain? Kasi sa recipe may nakalagay na white wine, eh,” aniya.
“This wine is not made for marinating. Do you know how much the price of this wine is?”
“Magkano ba?” tanong niya naman.
“It costs two thousand US dollars! And it’s one of my collections!”
Namangha siya, napaatras siya dahil sa lakas ng boses ni Midnight. “Sorry, hindi ko alam. Pero masarap naman ang steak, eh,” aniya.
“Talagang sasarap dahil sa mahal ng ginamit mong marinate,” may gigil nitong sabi.
Hindi na siya kumibo at bahagyang napayuko.
“Kumain ka na do’n!” pagkuwan ay wika nito.
Tumalima naman siya. Nawalan na siya ng ganang kumain. Hindi niya akalaing may ilalala pa pala ang ugali ni Midnight.
MATAPOS ang isang beses na kumain sa bahay si Midnight, hindi na iyon nasundan. Ilang gabi na naman itong hindi umuwi. Kalaunan ay nasanay na si Liza na mag-isa sa bahay.
Tuwang-tuwa siya nang dumating na ang pinagawa niyang government I.D. Dahil ayaw ipagamit ni Midnight ang apelyido nito, single pa rin siya at apelyido sa pagkadalaga ang ginamit. Nagawan naman iyon ng paraan ng abogado.
Tinawagan kaagad niya ang abogado ng kaniyang lolo at nag-set ng schedule para makapunta siya sa bangko. Ayon dito, maari na raw niyang magamit ang pera sa bangko. Kaso, isang masamang balita ang natanggap niya mula sa kinalakihang pamilya.
May malalang karamdaman ang tatay niya, kailangang ma-operahan sa atay. Obligado siyang nagpadala ng pera sa mga ito. Bilang tulong na rin, nagbigay siya ng malaking halaga para makapagpagawa ng kongkretong bahay ang pamilya. Ang bilis ng pera. Lumala rin ang sakit sa puso ng nanay-nanayan niya kaya doon lang napunta ang pera niya.
Hindi naman siya naghihinayang dahil pinalaki siya ng mga tumayong magulang niya. Utang niya ang kaniyang buhay sa mga ito. Masyado siyang maluwag sa pera, at hindi niya alam kung paano ito gastusin nang tama. Nasilaw rin siya sa materyal na bagay kaya bili siya nang bili ng kahit ano kahit nakalulula ang presyo. Hindi naman siya pinakikialaman ni Midnight sa pagwaldas ng pera.
Pansin niya, simula noong nakuha niya ang pera sa bangko, hindi na nagbibigay ng allowance sa kaniya si Midnight. Ito na ang namimili ng stock niyang pagkain, nagbabayad ng bills. Kaya hindi niya namamalayan na paubos na ang laman ng bank account niya.
Sabado ng gabi, nagluto ng hapunan si Liza dahil inaasahan niyang uuwi si Midnight. Nagluto ulit siya ng beefsteak pero binili na niya ang wine na ibinabad sa karne. Hinintay niya si Midnight, ngunit humilab na ang sikmura niya ay wala pa ito.
Hindi siya nakatiis at nauna nang kumain. Inaantok na rin siya. Alas diyes pasado na ng gabi. Nang mabusog ay lalo siyang ginupo ng antok. Tumambay muna siya sa sala, nanood ng telebisyon. Kalaunan ay napahiga na siya sa sofa.
Nakaidlip na si Liza nang gisingin siya ng busina ng sasakyan, ubod ng lakas. Napabalikwas siya. Dumating na si Midnight! Pero nagtataka siya bakit bumubusina pa ito. May remote naman ito ng gate na siyang magbubukas.
Sa halip na pagbuksan ito ay tumakbo siya sa kuwarto. Naisip niya baka mainit ang ulo nito kaya ganoon, at ayaw niyang mapagbuntunan nito. Sumilip siya sa bintana ng kaniyang kuwarto. Nakapasok naman ang kotse kaya panatag siya.
Nagbihis na siya ng binili niyang manipis na pantulog. Hindi siya nagsusuot ng bra sa tuwing matutulog. Pahiga na siya sa kama nang may kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto, nag-aapura.
“Sandali lang!” sigaw niya.
Lumakas pa ang kalampag sa pinto kaya hindi na siya nakahanap ng pantatakip sa kaniyang dibdib. Nang buksan niya ang pinto ay nagulantang siya sa presensiya ni Midnight. Nasinghot niya ang amoy ng alak mula rito. Lasing ito!
“Ang tagal mo!” asik nito.
Hindi siya nakahuma nang bigla siya nitong sugurin at niyakap, pinugpog ng pangahas na halik sa leeg. Nawindang ang inosente niyang isip at katawan sa ibinungad sa kaniya ni Midnight.
HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis
NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I
PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa
NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c
NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis
BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n