Share

Chapter 2

Author: Rhod Selda
last update Huling Na-update: 2023-03-22 17:02:45

SA halip na magprotesta, sumang-ayon si Liza sa desisyon ng kaniyang lolo. Rinig niya ang maayos na usapan sa pagitan ng kaniyang lolo at ni Midnight. Nangako ang binata na ibibigay nito ang kailangan niya, lalo na ang makapag-aral.

Pagkatapos ng kasunduan, nilapitan siya ni Midnight nang nasa kusina siya. Silang dalawa lamang ang naroon.

“How old are you?” seryosong tanong sa kaniya ni Midnight.

Nagbabalat siya ng hilaw na papaya para sa tinola. “Ho?” untag niya. Nakatungo lamang siya sa binata na tumayo sa kaniyang harapan.

“Ang sabi ko, ilang taon ka na?” muli’y tanong nito.

“Uh…. n-nineteen po,” naiilang niyang tugon. Hindi niya makuhang makipagtitigan sa binata.

“You’re so young to get married. Sigurado ka bang okay lang sa ‘yo na makasal sa akin? I’m twenty-five years old now.”

Hindi siya makapag-focus sa sinasabi nito kaya hindi niya masyadong maintindihan.

“Ano po?” tanong niya.

Napailing ang binata, ngumisi. “Mahina ba ang pandinig mo? O talagang mahina lang ang pick-up ng utak mo sa sinasabi ng kausap mo?”

Kumurap-kurap siya at hinimay-himay sa kaniyang kukoti ang mga sinabi ni Midnight. At nang matanto na may kasamang insulto ang tanong nito, labis siyang nadismaya. Kabaliktaran ng pisikal na katangian nito ang pag-uugali.

“Pasensiya na, hindi kasi ako mapakali,” aniya.

“I think you need to think million times before marrying me. Ayaw ko ng kasamang absent minded, mahina ang function ng utak. At ayaw ko ng tatanga-tanga. Huwag mo akong bigyan ng sakit ng ulo.”

Nakaawang lang ang bibig ni Liza habang nakatitig kay Midnight na inisa-isa ang ayaw nito. At hindi na siya sigurado kung kakayanin niyang makisama rito. Umalis na lang ang binata ay walang katagang nanulas sa kaniyang bibig.

Pagkatapos ng tanghalian ay pinuntahan ni Liza ang kaniyang lolo sa kuwarto nito. Nakahiga na ito sa kama.

“Pasensiya ka na, apo. Hindi na kita magagabayan. Nanghihina na ang katawan ko,” wika ng ginoo sa malamyos na tinig.

Lumuklok siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kanang kamay nito. “Bakit n’yo po ba naisip na makipagkasundo kay Midnight? Gaano n’yo po siya kakilala?” tanong niya. Nais din niyang malaman ang ibang dahilan ng lolo niya.

“Napansin ko na hindi mo pa kayang manindigan sa mga desisyon mo. Mura pa ang iyong isip at natatakot ako na baka abusuhin ka ng ibang tao.”

“Sigurado po ba kayo na hindi ako aabusuhin ni Midnight?” usig niya.

“Kilala ko si Midnight. Mataas ang pinag-aralan niya, disiplinado, at nangako siya sa akin na hindi ka niya sasaktan. Mayroon kaming kasulatan. Konsensiya niya ang uusig sa kaniya kung hindi siya tutupad.”

Kinakabahan siya sa posibleng mangyari sakaling kasal na siya kay Midnight. Napansin din niya na hindi pabor ang lola nito sa napagkasunduan. Pero mapilit si Midnight.

“Natatakot ako, Lo,” nababahagang saad niya.

“Apo, manalig ka sa Diyos. Ang matitirang perang ibabayad ni Midnight sa lupa ay awtomatikong ipapasok sa bank account na bubuksan ko para sa ‘yo. Wala akong tiwala sa namamahala ng farm dahil ilang beses na nila akong niloko at ninakawan. Kaya mainam na ibenta ko ito at itira itong bahay para sa ‘yo.”

“Hindi po ba ito ibebenta kay Midnight?” manghang untag niya.

“Nakabukod ang titulo ng lupang kinatatayuan ng bahay. Nakapangalan ito sa mama mo. Sinabi ko kay Midnight na iba ang may-ari ng lupang ito, at hindi ko na sinabi na sa mama mo. Kung sakaling gusto mong umuwi rito, walang problema.”

“Salamat, Lo,” mangiyak-ngiyak na sabi niya.

“At kapag kasal na kayo ni Midnight, doon ka na titira sa bahay niya. Itong bahay na ito ay titirhan muna ng pinsan ko.”

“Paano ko po makukuha ang pera sa bangko?” inosenteng tanong niya.

“Sa ngayon ay hindi ko pa nailipat sa pangalan mo ang bank account. Kailangan mo ng valid ID, at saka dapat meron kang pirma, iyong gagamitin mo sa lahat ng documents mo.”

Napangiwi siya. Wala pa siyang opisyal na pirma. Wala rin siyang valid identification card.

“Paano po ‘yan? Baka hindi ko makuha ang pera. At saka hindi ako makapag-aral,” angal niya.

“Huwag kang mag-alala, apo. Paaaralin ka ni Midnight. At kung maayos na ang kailangan mo sa bangko, ang abogado na ang bahalang mag-assist sa ‘yo. Maari mo na iyong gamitin sa pag-aaral.”

Tinandaan niya lahat ng mga sinabi ng kaniyang lolo. Gustong-gusto talaga niyang makapagtapos ng pag-aaral at magtrabaho.

HABANG papalpit ang kasal ni Liza kay Midnight ay unti-unti na ring nanghihina ang lolo niya. Kabaliktaran ang nararamdaman niya sa mga babaeng ikakasal. Sa halip na pananabik ang mararamdaman, pinagharian siya ng lungkot at dalamhati.

Hindi niya inaasahan na napili ni Midnight magpakasal sa South Korea, isa sa bansang pinangarap niyang marating balang araw. Walang kalatuy-latoy ang kanilang kasal, walang bisita, tanging silang dalawa lamang at isang witness, ang lola nito.

“Our marriage will remain secret, so don’t tell anyone that I am your husband,” malinaw na sinabi ni Midnight.

Nakauwi na sila ng Pilipinas. Hindi manlang siya nakagala.

Pakiramdam ni Liza ay nagpakasal siya sa isang hari at wala siyang karapatang suwayin ito. Umaasa siya na magiging mabait din sa kaniya si Midnight. Maayos naman nitong pinakitunguhan ang lolo niya. Ito pa ang nag-asikaso sa lahat ng kailangan nila sa ospital.

Subalit isang linggo pagkatapos ng kasal nila ni Midnight, tuluyang pumanaw ang kaniyang lolo. Ilang araw siyang naglukha. Kahit sandali lamang niya nakapiling ang kaniyang lolo, ipinadama nito sa kaniya ang pagmamahal na inaasam niya.

Opisyal nang pag-aari ni Midnight ang malawak na lupain ng lolo niya. May balak pala itong gawing resort at farm ang lupain. Ang ibang tauhan ay nanatili at nagsilbi rito.

SA unang linggo na pagtira ni Liza sa bahay ni Midnight sa Cavite, tila bilanggong nakakulong lamang siya roon. May dalawang palapag ang bahay ni Midnight, malawak din ang lupaing kinatitirikan nito. Ngunit ni hayop ay wala siyang kasama roon.

Magkahiwalay sila ng kuwarto ni Midnight, siya sa ground floor. Naintindihan niya bakit bihira umuuwi si Midnight, dahil sa dami ng negosyo nito. Wala na itong oras sa kaniya. At kung uuwi man ito, madalas gabing-gabi na, oras na ng tulog. Pero kahit ganoon, hinihintay niya ito.

Sabado ng gabi ay umuwi si Midnight, mas maaga sa nakasanayan nito. Nagluto ng hapunan si Liza ngunit hindi kumain si Midnight.

“Baka gutumin ka mamaya, initin mo lang ang ulam,” sabi niya. Iniligpit niya ang hinubad na sapatos ng asawa at jacket.

“I told you not to wait for me. Gawin mo ang nakasanayan mo at huwag mo akong isipin,” sabi nito. Ni isang beses ay hindi siya nito sinipat.

Lumapit sa mini bar si Midnight at nagbukas ng red wine. Nagsalin ito sa isang kopita at marahang sinimsim.

Lakas-loob niya itong nilapitan upang idulog ang concern niya. “Uhm, wala na palang stock sa ref. Paano pala ako mamalengke? Malayo rito ang kalsada at hindi ko kabisado ang lugar. Baka maligaw ako. At saka wala akong hawak na pera,” aniya.

“Sumabay ka sa akin bukas. May malapit na supermarket dito at bibigyan kita ng pera. Pag-uwi mo, magpahatid ka sa tricycle at sabihin lang ang address ng bahay. Kung may magtanong kung kaanu-ano kita, sabihin mo pinsan mo ako.”

Napatda siya. Wari may tumamang punyal sa kaniyang dibdib at makirot ang pagtanggap niya sa mga sinabi ng asawa.

“B-Bakit hindi ko puwedeng sabihin na asawa mo ako?” curious niyang tanong.

Pumihit paharap sa kaniya si Midnight. “I don’t want to. Just do what I want,” masungit nitong wika. Nilagpasan siya nito. Naglakad ito patungong sofa at naupo roon. Nagbukas ito ng telebisyon at nanood habang inuunti-unti ang laman ng baso nito.

Hindi maipaliwanag ni Liza ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin. Natanong niya ang sarili bakit kailangan niyang masaktan samantalang hindi naman siya nagpakasal sa lalaking mahal niya. Hindi naman niya maikakailang humanga siya kay Midnight dahil sa pisikal nitong katangian at talino.

Ipinakita niya sa asawa na hindi siya apektado ng mga sinabi nito. Muli niya itong nilapitan at humirit sa isa pa niyang gusto. Umupo siya sa sofa may dalawang dangkal ang pagitan dito.

“Uhm…. malapit na pala ang pasukan. Saan ba ako mag-e-enroll?” excited niyang tanong.

Tila hindi siya narinig ni Midnight. Nakatuon lamang ang atensiyon nito sa telebisyon. Inulit niya ang kaniyang tanong, mas malakas. At sa wakas ay sinipat siya nito.

“Hindi ka pa mag-aaral,” sabi nito.

Nawindang siya. “Ha? Bakit naman? Akala ko ba paaaralin mo ako?” Biglang naglaho ang pananabik niya at nahalinhan ng lungkot.

“Dito ka lang muna sa bahay at sa online ka mag-aaral. Maraming tutorial channel sa social media platforms, marami kang matutuhan. Puwede ka ring mag-enroll sa mga online courses,” sabi nito.

“Bakit hindi ako puwedeng mag-aral sa karaniwang paaralan?”

“You can’t use my sure name.”

“Ano?”

“Hindi mo ba ako naintindihan, Liza?” may iritasyon nang untag nito.

Nasindak siya sa biglang pagtaas ng tinig nito. “Pasensiya na. Hindi ko kasi maintindihan bakit ayaw mo akong pag-aralin.” Napayuko siya.

“Hindi sa ayaw kitang paaralin. Ayaw ko lang na gamitin mo ang apelyido ko. Wala dapat makaalam na asawa mo ako, naintindihan mo?”

Namimilog ang mga matang tumitig siya kay Midnight. Nagbabadya nang lumaya ang kaniyang mga luha ngunit maagap niya itong pinigilan.

“Nakakahiya ba ako? Bakit itinatago mo ako?” emosyonal niyang usig sa asawa.

Bumalikwas ng tayo si Midnight. “I’m not a marrying type and don’t want to get married. Ayaw ko na may babae sa buhay ko na kakabit ng pangalan ko! Hindi mo pa rin ba maintindihan?” nanlilisik ang mga matang pahayag nito.

Tuluyang umalab ang bawat sulok ng kaniyang mga mata at lumaya ang mga luha. Hindi pa rin niya maintindihan si Midnight.

“Pero bakit mo pa ako pinakasalan?” garalgal ang tinig niyang tanong.

“Don’t you get it? Pinakasalan kita dahil sa lupa! I want to invest more in business, and that matter to me! I don’t need a wife and to be involved in a stupid romance!”

Iilan lang sa sinabi nito ang naintindihan niya. Tumayo na siya at hindi na pinilit ang ayaw ni Midnight. Iniwan niya ito at patakbong pumasok sa kaniyang kuwarto. Doon ay napahagulgol siya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lani Solidad
Exciting ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 68

    HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 67

    NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 66

    PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 65

    NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 64

    NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 63

    BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status