Share

Chapter 63

BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.

Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.

“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.

Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.

“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.

“Po?”

“Pupunta tayo sa magandang lugar.”

“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”

“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”

“Yehey! Kasama po si Daddy?”

Hindi na siya sumagot.

Pagdating sa kaniyang bahay ay n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status