Share

Chapter 65

NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.

Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.

“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.

“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.

“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.

“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.

“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”

“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.

Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.

“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.

Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
galing nman ni author magsulat ng kwento,magaan din sa pkrmdam kayang kya ibalanse ang character ng bawat isa
goodnovel comment avatar
Alma Buagas Caluns
gandaaaaa sana ganito ang author hinde yong nagpapahirapan tapos ang gulo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status