Share

The Contract
The Contract
Author: Jealie

Prologue

"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" 

Natigil sa pag-iimpake ng kan'yang mga kagamitan si Olivia nang marinig ang nag-alalang boses ng Ina. 

Napabuntong hininga na lamang siya dahil noong isang linggo pa nagpabalik-balik ng tanong ang huli. Simula kasi nang malaman nitong magta-trabaho siya bilang isang katulong sa Maynila ay hindi na huminto ang kaniyang Ina sa pagtatanong. Inintindi na lamang niya ito dahil ito ang unang beses na mapalayo siya sa kanyang magulang at nag-iisang kapatid na si Victoria na nag-aaral ngayon bilang first year college sa isang Unibersidad. Wala naman kasi siyang choice kundi ang magtrabaho dahil naawa na siya sa kaniyang Inay at Itay. Gusto niyang makatulong para mabawasan man lamang kahit konti ang problema ng kaniyang mga

magulang. Nasa college na ang kanyang kapatid kaya dapat todo kayod na talaga ang mga magulang nila. Hindi biro ang bayarin lalo na at nagrenta lang rin ng apartment si Victoria dahil malayo ang kanilang tahanan doon sa kaniyang paaralan. 

Umupo siya sa kaniyang katre at sinenyasan ang kaniyang inang maupo. At nang nakaupo na ito ay saka lamang siya nagsalita. 

"Oho Inay. Ilang beses niyo nang natanong iyan sa akin magmula nang malaman mo ang tungkol dito." Lumingon siya sa kaniyang Ina dahil sa biglaang pagyakap nito. "Wag ho kayong mag-alala Inay, kaya ko na ang sarili ko. Ako pa ba? Eh taob nga 'yong mga tambay sa atin sa katapangan ko," saka siya tumawa ng pilit dahil sumisikip na ang kan'yang dibdib sa pagpipigil na maiyak. Kinagat na lamang niya ang kaniyang pang-ibabang labi para hindi na tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha. 

‘Kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ako luluwas ng Maynila. Ayaw kong mawalay kina Inay at Itay,’ piping sambit ni Olivia sa sarili. 

"Ikaw talagang bata ka!" Humigpit pa ang yakap ng kaniyang Ina na para bang ito ang kanilang huling pagkikita kaya gumanti naman kaagad siya ng yakap dito. "Oh basta ha, mag-iingat ka roon. Iba Ang probinsya natin kesa doon sa Maynila. Marami roong hudas barabas. Pag may problema ka ay wag kang mahihiyang tumawag sa telepono. Mahal na mahal kita, anak!" Tinapik na muna ng kaniyang Inang si Consolacion ang kan'yang balikat bago ito kumalas sa kanilang yakapan. Agad na rin itong tumayo para lumabas sa silid nila ng kaniyang kapatid, na ngayon nga'y hindi pa naka-uwi dahil may klase pa ito’t malayo pa ang kanilang semestral break. 

"Mahal na mahal din po kita, Inay!" Lumingon lamang si Consolacion sa kan'yang anak at ngumiti ng matamis bago tuluyang isarado ang pintuan ng kwarto. 

Nang makalabas na ang kan'yang Ina ay saka siya malungkot na napangiti 

“Mamimiss ko ho kayo ‘Nay, ‘Tay. Sana alagaan niyo ang isa’t-isa dahil wala na kaming magkakapatid rito upang gawin iyon sa inyo.” 

Matapos niyon ay saka lamang siya nagpatuloy sa pag-iimpaki. Nang makitang maayos na nang nakalagay sa kaniyang bag ang lahat ng kaniyang dadalhin ay kaagad siyang pumunta sa kanilang banyo upang maligo. Nanlalagkit na kasi ang kaniyang katawan dahil nililinis niya rin kanina ang kwarto nilang magkapatid. 

“Anak, kain na.” Napatingin si Olivia sa nagsalita at nakita niyang ang kaniyang Inay iyon. Nagpapahangin kasi siya sa labas matapos niyang maligo kanina. Hindi niya namalayang nawiwili na pala siya sa pagmamasid ng mga batang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay.

“Inay, kayo ho pala. Anong oras na ho?” Lumapit siya rito at saka nagmano. “Lagpas alas sais na ng gabi, anak.” 

“Ganoon ho ba? Pasok na ho tayo at nang makakain na. Maaga pa ho ang alis ko bukas.” Tumango lamang ang kaniyang Ina at saka sila magkapit bisig na naglakad patungong kusina. Matapos kumain ay kaagad na naglinis ng kaniyang katawan si Olivia. 

Nagpaalam muna siya sa kaniyang mga magulang bago pumasok sa kaniyang silid. “‘Nay, ‘Tay matutulog na ho ako.” 

Ngumiti naman kaagad at tumango sina Ibrahim at Consolacion. 

“Matulog ka ng mahimbing anak,” anang Itay niya. 

“Oho, kayo rin ho ni Inay.” 

Nang makapasok na sa kaniyang silid ay kaagad siyang humiga. Hayy, bukas na ang alis niya, sana ay makatulog siya ng mahimbing. 

NAGISING SI OLIVIA sa ingay ng kanilang alagang manok. Tumingin siya sa kan'yang relos at alas sinco y medya na pala. Nag-inat muna siya ng kaniyang katawan bago tuluyang bumangon. Niligpit niya ang kaniang hinihigaan at ginawa ang kaniyang pang-umagang ritwal. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kaniyang silid. 

Nadatnan niyang nagkakape ang kaniyang mga magulang sa kanilang maliit na kusina. Napansin naman kaagad siya ng kaniyang amang si Ibrahim kaya inaya kaagad siya nitong maupo. 

"Sandali at ipagtitimpla kita ng kape, anak." Wika pa ng kaniyang Ina at akmang tatayo pero kaagad na pinigilan niya ito. 

"Ako na lang ho Inay, wag na kayong mag-abala pa." dumiretso naman muna siya sa gawing kanan para doon magtimpla ng kaniyang kape at hindi muna umupo. 

"Kamusta ang tulog mo anak? Maayos naman ba? Pasensha na at hindi ako masyadong nakipag-usap sa’yo kagabi." Humigop muna ito ng kanyang kape bago nagpatuloy "Alam mo naman, tumatanda na ang iyong Itay, mabilis nang mapagod ang aking buto-buto," saka marahang tumawa

Ganito talaga ang kaniyang Itay noon pa man. Masyado itong maalaga sa kanila. Paniguradong isa rin ito sa mamimiss niya doon sa Maynila. 

Nilagyan niya nang mainit na tubig ang tasa na may lamang kape at saka ito hinalo. 

"Okay lang naman ho Itay, ang sa inyo ho ba ni Inay? Ayos lang ba?" Pagtatanong din niya habang naglalakad patungo sa kaniyang upuan dala ang isang tasang may lamang kape. 

"Okay lang naman anak," maikling sagot ni Ibrahim sa kaniyang anak at tumayo na. Siguro ay tapos na itong magkape 

"Oh siya, Consolacion, anak, mauna na ako sa bukid at marami pang gawain ang nakatambak doon." Pagpapaalam ni Ibrahim sa kaniyang anak at asawa 

Tumango na lamang si Olivia at patuloy na nagkakape 

"Syanga pala anak." Lumapit si Ibrahim kay Olivia at niyakap ito ng mahigpit. "Mag-iingat ka roon ha? Huwag mong pabayaan ang iyong sarili." 

"Oho Itay, pangako!" Saka gumanti ng yakap si Olivia sa kaniyang Itay 

"Hindi niyo ba ako isasali sa inyong yakapan?" Naiiyak na tanong ni Consolacion sa kaniyang mag-ama ngunit hindi pa man nakasagot sina Ibrahim at Olivia ay yumakap na rin ito nang mahigpit sa kanilang dalawa at saka hamagulhul. Napatawa na lamang ang dalawa dahil sa kadramahan ni Consolacion.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status