Share

Chapter 1

Author: Jealie
last update Last Updated: 2022-02-15 14:12:52

Napanganga si Olivia dahil sa pagkamangha nang tumambad sa kaniya ang bahay, ay hindi mansyon pala, na papasukan. Pagkatapos niya kasing mag-agahan kanina kasama ang kaniyang Inay ay sumakay na siya ng bus patungong Maynila at nag-taxi na lamang patungo rito sa mansyong pagta-trabahuan niya. Medyo may kamahalan ang pamasahe sa taxi pero hindi niya na iyon ininda dahil pera naman iyon ng kanyang magiging amo, libre kasi.

Ilang minuto rin siyang nakatayo roon at nakatunganga lamang nang mapansin siya ng gwardya ng bahay.

Hindi niya namalayang nasa kanyang harapan na pala ang lalaki.

"Ano hong kailangan?" Magalang na pagtatanong ng gwardya 

Agad namang nagising sa pagkatulala si Olivia. Nakita niya ang isang payat na lalaking nasa edad kuwarenta na siguro at nakasuot ng unipormeng pang gwardya. Tumikhim muna siya bago magalang na sinagot ang tanong nito.

"Ako ho si Olivia Irid Hacar. Ako ho iyong bagong katulong dito sa mans.. ahh este bahay na ito," muntik na niyang masabi ang salitang mansyon. Eh paano ba naman kasi, ngayon lang siya nakakita ng ganitong napakalaking bahay. At saka wala namang ganito sa kanilang probinsya, ano. 

Saglit namang natigilan ang gwardya sa kaniyang sinagot na para bang may inaalala. Ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang mukha nito. 

"Ahh oo, ikaw siguro iyong sinabi ni Nanay. Halika, pasok ka," saka nito binuksan ang gate at tinulungan si Olivia na magbitbit ng kaniyang dalang mga gamit.

Hindi naman masyadong marami ang kanyang dala pero hinayaan niya lang ang lalaki.

Nang magsimulang maglakad ang gwardya ay sumunod na rin si Olivia. Kung nakamamangha sa labas ng mansyon este bahay pala, ay mas lalo naman sa loob nito. Maraming mga painting na nakadikit sa dingding, siguro mahilig ang kaniyang amo sa mga ito. Natigil lamang siya sa pagpapala sa kaniyang mga mata ng magsalita ang gwardyang hanggang ngayon ay hindi pa pala niya alam ang pangalan. 

"Iha, dito ka lang muna sa sala ha? Tatawagin ko muna si Nanay at siya na ang bahalang magpakilala ng iba pang kasambahay sa 'yo," pagpapaalam nito kay Olivia 

"Sige ho, Manong," magalang na sagot ni Olivia sa mabait na g'wardya 

Lumakad naman kaagad ito at tanging siya na lamang ang nakatayo sa gitna ng napakalaking sala. 

Nang makaramdam ng pagod ay balak niya na sanang umupo ngunit nakita niyang naglalakad na papalapit sa kaniya ang gwardya at may kasama na itong may edad na babae. Hindi na lang muna siya umupo at hinintay na makalapit ang mga ito sa kinatatayuan niya. 

Nang makarating ang dalawa ay agad siyang nginitian ng matamis ng matanda at saka nagsalita.

"Magandang hapon, iha. Ako nga pala si Victorina Salazar, tawagin mo na lamang akong Nanay Rina. Ito naman ang aking anak na si Brandon. Alam kong hindi pa nagpapakilala itong anak kong ito kaya ako na lamang ang magpakilala sa 'yo," saka ito marahang tumawa. 

Tumawa na lamang din siya at nginitian ang gwardya na ngayon ay nagkakamot na ng kanyang batok. Napahihiyang ngumiti rin ito pabalik sa kaniya at saka nagpaalam na sa dalawang babae bago bumalik sa pwesto niya kanina. Nang mawala na ang gwardya sa kanilang paningin ay saka lamang nagpakilala si Olivia sa matanda. 

"Ako nga ho pala si Olivia Irid Hacar." Ngumiti si Olivia at ilang saglit pa ay nagpalinga-linga ito na tila ba ay may hinahanap.

Magalang namang nagtanong ang dalaga kalaunan. "Tayo lang ho ba ang nandirito Nanay Rina?" 

"Ay naku, hindi! May apat pa tayong kasama rito. Isa na roon ang aking asawang si Simon, ang family driver ng pamilyang Abejero," magiliw na sagot ni Victorina kay Olivia.

"Ah ganoon ho ba? Nasaan na ho ba sila Nana…" hindi na natapos ni Olivia ang pagtatanong dahil may biglang pumasok na tatlong kababaihan. Suot-suot nila ang unipormeng pang katulong. 

"Nanay Rina, pinatawag niyo raw ho kami?" magalang na pagtatanong ng isa sa mga babae kanina at sa tantiya niya ay ito ang pinakapandak sa kanila 

"Oo Seleni, nandirito na kasi ang iyong kahalili kaya bukas siguro ay pu-pwede ka nang maka-alis kung gusto mo," sagot naman ni Victorina 

"Siya ho ba ang iyong tinutukoy Nanay?" sabay turo sa kaniya ng isa rin sa mga babae kanina. Siguro ay mas mataas lamang ito ng ilang pulgada sa tinatawag nilang Seleni. 

"Oo siya nga Moly," maikling sagot ni Victorina. 

Tumango-tango naman ang tatlong babae tanda na kanila itong naintindihan. 

"Hello Olivia. Ako si Thori pero tinatawag nila ako ritong Inday. Twenty-six na ako at ako ang pinakabata sa aming tatlo. Ako ang nakatoka sa paglilinis ng bawat kwarto sa bahay na ito. Siya naman si Moly," at tinuro nito ang tinawag na Moly kanina, "twenty-nine na siya at siya ang pinakamatanda sa amin. Siya naman ang nakatokang alagaan ang hardin ng amo na'ting babae. At siya naman," tinuro nito ang pinakapandak sa kanilang tatlo, "ay si Seleni. Twenty-seven na 'yan at siya ang nag-aalaga sa anak ng amo natin. Siya iyong papalitan mo kasi nag-retire na ang gagang iyan. Paano ba naman kasi ke tanda-tanda na ang harot pa rin."

Napasimangot naman si Seleni at umismid kay Inday "Nakahanap na kasi iyan ng kano. Sa anong website nga iyon, Moly?" pero hindi pa man nakasagot ang tinanong ay nagsalita na kaagad ito "Ay oo, naalala ko na. Sa Omagol? Onegal? Ayy basta parang ganoon ang pangalan ng website na iyon." 

"Omegle Inday, Omegle," pagtatama ni Seleni saka umingos. 

"Oo nga, ano bang sabi ko? Diba Onagel?" Gumanti rin naman ng irap si Inday. 

Napaikot na lamang ang mata ni Moly sa kakulitan ng dalawa. Si Olivia naman ay natatawa sa kinikilos nila, para kasi silang mga bata kung mag-asaran eh. 

"Alam mo Inday, inggit ka lang sa beauty ko eh. Ihahanap na lang kita ng kano pag nakapunta na ako sa Amerika," balik na asar ni Seleni kay Inday. 

"Hindi ko kailangan ng kano. Kuntento na ako kay Brandon," si Inday 

"Oh sya, tama na nga iyang asaran ninyo. Baka kung saan pa iyan mapunta. Ang mabuti pa'y ihatid niyo na lamang si Olivia sa inyong silid para makapag pahinga na itong pobreng dalaga.

Paniguradong napagod ito sa kaniyang biyahe kanina." Pagsasaway sa kanila ni Victorina kasi nasali na ang pangalan ng kaniyang anak 

"Oho," nakapanabay na sabi nina Seleni at Inday. Nagkatinginan naman ang dalawa at saka dumila sa isa't isa. 

"Olivia ito ang kwarto nating apat," panimulang salita ni Inday nang makarating sila sa tapat ng isang pinto, "na magiging kwarto na lang nating tatlo dahil lalayas na 'yong isa riyan," saka ito ngumisi at lumingon kay Seleni. 

"Naku Inday ha, kanina ka pa. Wala ka lang kano eh," nang-aasar na wika naman ni Seleni "Whatever Leni," ngising sabi nito 

"Inggit ka lang Inday," saka ito dumila na parang bata.

"Tama na nga 'yan Inday, Leni. Kanina pa kayo ha! Mahiya nga kayo kay Olivia," nandidilat ang mga matang saway ni Moly sa dalawang dalaga. 

"Ikaw kasi eh," paninisi ni Leni 

"Anong ako? Ikaw kaya 'yon," ganti ring wika ni Inday 

"Sinabing tumigil na kayo eh," muling saway ni Moly sa kanilang dalawa. "Halika na nga Olivia! Pabayaan mo 'yang dalawang baliw na 'yan," saka nito kinuha ang kanang kamay ni Olivia at hinila papasok ng silid. 

Nang makapasok ay iginala ni Olivia ang kanyang paningin. Sa kaliwang bahagi nakita niya ang isang double deck na kama, ganoon din sa kanang bahagi. Pinaghalong kulay ng puti at itim ang kinaroroonan nila ni Moly at wala ni isang larawang nakasabit, ngunit meron namang wall clock. Itinuon niya ang pansin sa dalawang double deck, mayroong isang higaan doon na walang gamit kaya doon na lang niya pinatong ang kaniyang mga bag. 

"Magpahinga ka na lang muna Olivia. Tutal naman ay nandyan pa si Seleni para alagaan ang anak ng ating amo. Bukas ka na lang magsimula dahil panigurado naman ay bukas na rin ang alis ng babaeng 'yon. Oh sige na..." hindi na natuloy ang dapat pang sabihin ng dalaga dahil nagsimula na naman ang asaran nina Inday at Seleni. 

Napabuntong hininga na lamang at naiiling na nakatunghay sa kanila si Moly saka ito lumingon sa natatawang si Olivia. 

"Pabayaan mo na lamang sila Olivia, ganoon talaga ang mga 'yon noon pa man, parehong may saltik sa utak," natatawang paliwanag nito sa kaniya.

Mas lalong natawa si Olivia sa sinabi ng kasama saka tumango-tango na lamang. 

"Oh siya sige, lalabas na muna ako. Wag kang mahihiyang magsabi sa amin kung may problema ka at may tanong ka ha?" Pagpapaalam ni Moly sa dalagang si Olivia 

"Salamat Moly," pagpapasalamat naman ng huli at saka ito humiga. At doon na lamang niya naramdaman ang matinding antok at pagod na kanina pa niya iniinda.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Contract   Epilogue

    “Congratulations.” Wika ng lahat nang nasa mesa kina Olivia at Vanadium. Nandito sila ngayon sa reception ng kanilang kasal at masayang nagkukwentuhan. Nakapalibot ngayon sa mesa ang apat na kaibigan ni Vanadium, ang pamilya ni Olivia, pati na rin ang pamilya ni Nanay Rina. Nandito rin ngayon sina Thori at Inday samantalang si Seleni naman ay hindi nakarating dahil may biglaan daw itong emergency. Nagpadala na lamang ito ng regalo sa mag-asawa at ngayon niya lang din nalaman na magpinsan pala ang babae saka si Vanadium. Hindi man lang ito nasabi sa kaniya noon ni Leni pero ayos lang, hindi naman iyon masyadong importante.“Salamat.” Ngumiti ng matamis si Olivia sa lahat ng nasa mesa.“Anak,” lumingon si Olivia sa kanyang Inay na siyang tumawag sa kaniya.

  • The Contract   Chapter 39 (Vanadium's POV) Last Part

    Olivia is now five months pregnant and he is beyond happy. Even if he still worries about the death threat Olivia was receiving, he made sure that Olivia is always safe. He also put CCTV’s all over the house, even outside the gate. When he saw a woman putting that little box in their mailbox, he already suspected that it was Isabel but of course he still needed to make sure so he called his friend for help. After a few days, his friend called him and asked for a meet up. He doesn’t want to leave Olivia but his friend told him that it was about the woman who threatened Olivia as well as the location of Clara. So he doesn't have a choice but to leave Olivia alone.When he came to the bar, he quickly went upstairs and three of her friends welcomed him. His eyebrows met and he looked at them, wondering why they are all here.

  • The Contract   Chapter 38 (Vanadium's POV)

    Morning came and Vanadium excitedly got up early and decided to cook for Olivia. He wanted to impress the woman even though she already tasted the food he cooked last time. But it’s almost afternoon, and there was no Olivia showing up. He was already late but he didn’t care at all. After an hour, there was still no sign of Olivia so he decided to reheat the food and bring it to Olivia’s. It’s not Olivia’s behavior to not go out this late. So he was worried because there is surely something wrong with Olivia.He knocked the door several times and when it opened, Olivia’s distorted face welcomed Vanadium. His worry doubled because of it and immediately asked what happened. Olivia just answers that it’s nothing but her voice betrayed her. It’s lifeless and Vanadium knows that she has a problem.

  • The Contract   Chapter 37 (Vanadium's POV)

    Vanadium is worried sick when Olivia didn’t wake up for nearly 24 hours straight right after their steamy hot sex last night. He didn’t know that it would make her sleep for almost a day. He keeps on blaming himself because of what happened to Olivia. He regretted what happened to the woman who was now sleeping soundly inside her room, however, he does not regret what they did last night. He can’t think properly because of the what if’s running inside his head. What if Olivia will not wake up and ends up not giving him a child? What if he will not have a child anymore? But deep inside, he knows the truth that he’s scared that he will lose Olivia. He's afraid that Olivia will also leave like what Clara and Isabel did to him. He doesn’t care if he looks like an idiot phasing back and forth. He is right in front of Olivia’s room and after a while, he decides to look at the woman inside.

  • The Contract   Chapter 36 (Vanadium's POV)

    Few weeks passed and Vanadium was still in pain because of the loss of his beloved daughter. He cannot focus on what he’s been doing at the office so he told his secretary to cancel all his meetings and appointments and he immediately went to a bar that is owned by one of his high school friends.He immediately maneuvered his car and when he arrived, he quickly went to the VIP room and ordered three bottles of whiskey. He wants to drink silently and be drunk thinking that it can ease his pain away. He cannot move-on and he will never move-on. He decided to stop drinking when his head started to throb and everything that surrounds him is already spinning.Vanadium took a rest for a while and when he thought he was sober enough, he got up and paid his bills. When he’s already done, he quickly goes out of the bar even though

  • The Contract   Chapter 35 (Vanadium's POV)

    Vanadium first saw Olivia in their kitchen, drinking her coffee and bowing her head. He clearly remembers the awkwardness that the woman felt in her surroundings by just one look at her. She was shy and timid but when their eyes locked, he knew it was not just a simple stare the woman had given to him. He, on the other hand, doesn’t know but he immediately felt something he didn't understand but of course, he chose not to pay attention to it. He doesn’t like the idea that his heart beat fast because of their maid that was staring at him for just a few seconds. It wasn’t fair to his wife and to be honest, at that time, the only people that were important to her were her wife and her only daughter. They are his life and he will definitely not know what will happen to him if both of them will leave him.But maybe God does want him to lose his mind when his wife leaves them and

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status