Share

TCMWMD 2

“SHAINA POINT OF VIEW”

NAKATAYO ako sa harapan ng misteryosong lalaking ito habang hinihintay siyang magsalita. Kanina pa malakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan.

“Mr. David? ” pagtawag ko sa pangalan niya.

“Don’t call me Mr. David, just call me Matteo and tomorrow you will meet my family kaya kailangan nating magpanggap na mahal natin ang isa’t isa.” Seryosong saad ng kaharap ko.

Para akong estudyante na tinuturuan, sa kalagayan ko ngayon ay puno ng katanungan ang isip ko. Kaya ba siya naghahanap ng mapapangasawa para maipakita sa pamilya niya na may asawa na siya? Hindi kaya may ibang dahilan? Pero nasaan kaya ang pamilya niya kung bakit hindi natututukan itong misteryosong lalaking ‘to.

“Are you listening to me?” nakakunot noo nitong tanong.

“Ah, oo. Nakikinig ako,” saad ko at nagpilit ngiti. Kakayanin ko kayang magpanggap na nagmamahalan kami e, sa sitwasyon naming ito ngayon pa lang kami nagkakilala at nagkausap.

“Alright. Anyway your money is already in your room, tulad ng napag-usapan kalahati lang muna ang ibibigay kong bayad dahil hindi pa tayo naikakasal.” Marahan akong tumango at napabuntong hininga. Nandito ako ngayon sa bahay niya dahil sinundo ako ng mga bodyguards niya. Halos kainin ako ng hiya dahil limang mga bantay ang pumunta sa apartment ni Leti. Hindi ko nga alam kung bakit alam kaagad niya kung saan ako tumutuloy, hindi kaya sinundan niya ako? Pero bakit naman ako pag- aaksayahan ng oras e, mahirap lang naman ako.

“Pwede ba magtanong?” Nahihiya kong sabi, hindi talaga ako matatahimik kung hindi ko malalaman kung bakit ako ang nilapitan niya. Sa sobrang dami ng mga babaeng mas maganda pa sa akin at mayayaman ay bakit ako? Ano ang mapapala niya sa isang katulad ko na walang maipagmamalaki?

“Gusto ko lang malaman kung bakit ako ang napili mo para magpakasal sa’yo? Mahirap lang ako at walang maipagmamalaki,” saad ko.

“Simple lang, my friend reffer me to you.” Nagtataka naman akong napatitig sa mga mata niya, sinong kaibigan? Kilala ko ba ang tinutukoy niyang kaibigan o hindi?

“Sinong kaibigan?” Tanong kong muli.

“Makikilala mo rin siya but soon, from now on go to your room and take a rest.” Para naman akong batang sumunod sa utos niya, nagpasama ako sa isang kasambahay dito dahil hindi ko kung saan ang kuwarto ko. Hanggang ikalawang palapag ang bahay ni Matteo at napakaganda ng paligid.

Totoo nga ang sinabi niya, nandito na ang pera na kailangan ni Mama. Nakalagay ito sa drawer. Dapat masaya ako dahil may pera na ako, mao-operahan na din si Mama. Pero binabagabag ako ng konsensya, masyadong malaki ang ibinigay sa aking pera ni Matteo at sa tingin ko ay sobra- sobra na ito para sa malaking gamutan ni Mama.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang number ni Leti. Malamang nasa probinsya na siya dahil madaling araw pa lang ay umalis na siya sa apartment para umuwing probinsya. Nagpaalam na rin ako kay Ma’am Angelou na magre-resigned na ako at nalungkot siya dahil aalis na ako sa trabaho. Kung ako man ang magpapasiya ay hindi ako aalis sa trabaho, pero ang sabi ni Matteo ay kailangan kong magresigned.

“Oh, hello my friend. Napatawag ka?” Kaagad na bungad ni Leti nang sagutin niya ang tawag ko. “Kakamustahin ko lang sana si Mama, maayos na ba ang lagay ni Mama d’yan?” Tanong ko habang nakatingala sa kisame, narinig ko namang malalim na napabuntong hininga ito.

“Nagising si Tita Selya kanina pero nakatulog din kaagad. Alam mo bang pagkagising niya ikaw ang una niyang hinanap? Akala kasi uuwi ka. Pero h’wag mong alalahanin si Tita ako ang bahala sa kaniya,” Ani ni Leti. Napakagat labi ako upang pigilan ang nagbabadyang luha na gustong kumawala. Gusto kong puntahan si Mama pero nakipag- deal na ako kay Matteo.

“Best, andiyan ka pa ba?” Tanong ni Leti, kaagad akong umayos ng upo sa gilid ng kama at napabuntong hininga.

“Oo, nandito pa ko. Pakisabi na lang kay Mama magpagaling siya, h’wag niyang alalahanin ang pera kasi meron na akong hawak para sa operasyon niya,” sambit ko sa mahinang tono.

“Saan ka nakakuha ng pera, best? ” nagtataka niyang tanong.

“Sa ibang araw ko na lang sa ‘yo ipapaliwanag ang lahat basta alagaan mo d’yan si Mama kasi hindi ako makakauwi. Ipapadala ko ang pera d’yan bukas ikaw na ang bahala Leti,” tuloy- tuloy kong saad. Wala akong balak na magtagal pa ang usapan naming dalawa dahil kaunti na lang ay bubuhos na ang luha ko ayaw ko pa naman pag-alalahanin ang kaibigan kong ito.

“Sabihin mo na sa akin ngayon Shai~” Pinutol ko ang sasabihin niya upang hindi na siya magtanong pa.

“Sige na, ibababa ko na itong tawag kailangan ko nang pakainin ang mga bata.” Pagsisinungaling ko at kaagad kong in-off ang tawag. Napatingin ako sa pintuan nang may biglang kumatok narinig ko ang isang katulong na tinatawag ako para kumain na.

“Ma’am, gising pa po ba kayo? Kakain na po,” saad ng katulong sa labas ng pintuan.

“Susunod na lang po ako, ” sabi ko at umalis sa kama para ayusin ang sarili ko. Narinig ko naman na umalis na ang katulong kaya lumabas din ako kaagad ng kuwarto. Naglakad ako sa hagdan at ang tanging nakikita ko lang ay ang mga paintings at siguradong mamahalin ang mga obrang ito.

Mabuti na lang ay may nakasalubong akong isang katulong kaya hindi ako nahirapang mahanap ang dining room nila dito. Naabutan ko si Matteo at mukhang naiinip na ito sa kahihintay. Ako ba ang hinihintay niya? Nakita niya naman ako na nakatayo sa gilid ng pader kaya inutusan ako nitong lumapit sa kaniya.

“Take a seat,” seryosong sabi niya. Ganito na ba talaga ang ugali nito? Laging seryoso at parang laging may problema. Sumunod din naman ako sa sinabi niya at naupo sa katapat niyang upuan.

“Bakit ang tagal mong pumunta dito?” Tanong niya ng hindi ako tinitignan, lsinundan ko ng tingin ang isang brown envelope na nasa tabi niya. Kinuha niya ito at inabot sa akin, nagtataka ko naman itong kinuha at binuksan ang envelope.

“Contract Marriage?” Pagkukumpirma ko, hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang nasa puting papel na ito.

“Yeah,” maikli niyang sabi. Kahit na may itatanong pa ako ay binalingan ko na lang itong hawak kong papel na may nakalagay na ‘Contract Marriage’.

Habang binabasa ko ang nakasulat dito ay hindi ko maiwasang mapakunot ng noo. Isang taon at kalahati ang kontrata? Ibig-sabihin ba na magpapakasal ako sa kaniya at kapag umabot na nang isang taon at kalahati kailangan ko ng makipag hiwalay

“Anong klaseng kontrata ito? Pwede naman tayong magpanggap lang ng walang kontrata na pinipirmahan,” saad ko at inilapag sa lamesa ang hawak ko.

“ Remember, bayad ako sa’yo. Ayaw mo no’n, isa’t kalahating taon lang ang hinihingi ko and after that pwede ka ng makipaghiwalay sa ‘kin. Ganoon kadali,” direkta nitong sabi.

“Nabasa mo na ba ang lahat nang nakalagay d’yan?” Tanong niya habang sumasandok ng pagkain sa plato niya. Tanging iling lang ang ginawa ko bago ko muling kinuha ang papel at muling binasa.

Nang nasa huling bahagi na ako ng pagbabasa napatayo ako at gulat na tinignan ang lalaking kaharap ko. “Kailangan kong magbuntis?!” Napataas ang boses ko dahil sa gulat, ang akala ko ay kasal lang at wala ng ibang kondisyon. Pinasadahan niya naman ako ng tingin at natitiyak kong inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko.

“This is my rules, kailangan mo akong bigyan ng anak.” Nakahalukipkip na sabi nito, parang wala lang sa kaniya ang usaping ito. Oo, pumayag ako na magpakasal sa kaniya kapalit ang pera, pero kung nalaman ko noong una pa pa lang na kailangan kong manganak hindi ko tatanggapin ang alok niya.

“Kung anak lang naman pala ang kailangan mo bakit hindi ka na lang mag- adopt? Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari, Mr. David.” Saad ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang ko para lang pagtaasan ng boses ang lalaking kaharap ko.

“ Hindi ka na puwedeng umatras Miss Shaina, nakipag kasundo ka na sa akin and everything is clear. Binayaran kita for your family needs and you agree to my offer.” Aniya, napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Kung bawiin ko na lang kaya ang sinabi ko? Pero kung ibabalik ko sa kaniya ang pera paano na lang si Mama? Kailangan na niyang maoperahan.

“You need to give me a child and hindi ka puwedeng ma-inlove sa akin,” diretso nitong sabi. Napakuyom ako ng kamao, anong klaseng kasunduan ito? Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako papayag sa alok niya.

“Paano ang sanggol na isisilang ko? Kukunin mo ba sa akin at ilalayo?” Tanong ko, sa tingin ko hindi ko kakayaning ibigay sa kaniya ang sanggol kapag dumating ang araw na kailangan ko ng umalis.

Akala ko ay hindi niya sasagutin ang tanong ko dahil abala ito sa cellphone ng magsalita ito. “ Isisilang mo ang sanggol at ikaw ang lalayo, hindi ka pwedeng magpakita sa akin at sa magiging anak natin.

Kailangan mong sundin kung ano ang nakasaad sa kontrata Miss Shaina,” sabi nito. Halos hindi maproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ko naman ata kayang iwan ang anak ko kapag dumating ang araw na kailangan kong umalis.

“Pwede ka naman magdecide, ‘yon nga lang kailangan mong ibalik sa akin ang pera once na tumanggi ka. I’II give you one day to decide and you need to signed the contract until tomorrow,” iyon lang ang sinabi niya at walang pasabing tumayo ito sa upuan niya at naglakad papalabas ng dining room.

Naiwan naman akong hindi makapaniwala sa mga nabasa ko. Napakabilis ng mga pangyayari halos hindi ko alam kung tama pa ba ang desisyon kong ‘to. Dahil nawalan ako ng ganang kumain, napagpasyahan ko na lamang na bumalik sa silid na pinasukan ko kanina. Bitbit ko ang brown envelope na naglalaman ng kontrata sa napagkasunduan namin ng lalaking iyon. Ang dali lang sa kaniya na mag-decide hindi man lang ako hinayaang magbigay ng opinyon about sa kontrata.

Bago pa man ako makabalik sa kuwarto ibinilin ko sa isang kasambahay na iligpit na lang ang pagkain sa lamesa. Ibinilin ko pa nga na kainin na lamang nila pero kaagad silang tumanggi. Natatakot daw sila sa lalaking iyon.

Nang makapasok ako sa kuwarto hinayaan kong hindi naka-lock ang pinto. Naupo ako sa ibabaw ng kama at muling kinuha ang laman ng envelope. Nagbabakasakali ako na baka namamalikmata lamang ako pero totoo talaga ang nakasulat sa kontrata. May pirma pa ito ng isang attorney at once na pirmahan ko ang kontratang ito hindi na ako puwedeng umatras.

Ang dapat kong sundin at gawin ay ang mga nakasulat sa puting papel na ito na talagang mahirap para sa aking gawin.

Ang magpakasal sa lalaking hindi ko naman kakilala at bawal ma-inlove sa lalaking iyon.

Ang magpanggap na mahal namin ang isa’t isa sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Ang magsilang nang sanggol.

Tapusin ang kontrata sa loob ng isa’t kalahating taon at pagkatapos no’n kailangan ko ng umalis at iwan ang isisilang kong sanggol.

Ang tanong kakayanin ko kaya ito? Walang ina ang basta na lamang iiwan ang anak. At paano na lamang kung ma-inlove ako sa kaniya? Pero malabo naman iyong mangyari. Hindi ko naman hawak ang mga mangyayari sa kasalukuyan. Hindi ko rin kontrolado ang puso ko, pero kung magkataon man na magkagusto ako sa kaniya sana lang ay matupad ko ang nakasaad sa kontrata.

Pasalamat na lang ako dahil hindi pa ko nababaliw sa sobrang daming iniisip. Alam kong hindi lang ako ang tao sa mundo na may problemang pinapasan pero iba ‘to. Akala ko sa mga palabas lang nangyayari ang mga Contract Marriage, Arrange Marriage. Pero sa real life pala ay nangyayari din at nagkataon pang sa akin nangyayari ang napapanood ko sa telebisyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jane_Writes
add niyo po ako sa FB, Jane GoodNovel po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status