Share

EP 2

Author: Rosie_Juliet_
last update Last Updated: 2021-08-09 13:14:19

"Kuya naman! Wala ka talagang balak magasawa?" tanong ni Abigail sa Kuya Marlon niya

"Kakasabi ko lang na ayoko, diba?" sabi nito habang hinihimas ang tenga sa kaingayan ng kapatid

"Alam niyo? Balang araw ay may makikilala kayong lahat at magsisisi sa huli" sabi nito at umiling.

Magsasalita na sana si Lander ng may nag-doorbell sa bahay. Ng buksan ni Abigail ang pinto ay sumalubong dito si Charity.

"Oh? Bakit ka nandito?" tanong niya kaya nagkatinginan ang magkakapatid

"Wow. Parang kahapon hindi mo ko niyakap, a?" sabi nito at ng marinig ang boses ay napatayo sila.

Sabay-sabay silang tumingin sa pinto at nakita si Charity na naka-red na blazer, shorts at heels na pinares sa puting shirt.

"Charity?" halos sabay-sabay nilang pagtawag dito kaya ngumiti siya "Hey" sabi niya at pumasok ng bahay

"Nakalabas ka na? Kailan pa?" tanong ni Lander "Kahapon lang" sagot niya "Grabe. Ang ganda mo parin kahit ilang taon na nakalipas, Charity" sabi naman ni Apollo

"Tita Charity!" napalingon sila sa tumawag at nakita si Jasmine.

Natawa si Charity sa ka-kyutan ng bata at lumuhod "Charity!" pagtawag niya din dito at binalik ang yakap ng bata

"Your so pretty po, Tita! More prettier than yesterday" sabi nito kaya natawa siya "Ikaw din, Jasmine" sabi niya at tiningnan ang dalawang batang malayo sa kanya ng konti

"Who's that?" tanong niya at tumayo habang nakatitig parin sa dalawa "Anak yan ni Kuya Kai. Sina Kathleen at Carter" sabi ni Abigail kaya kumunot ang noo niya

"May anak siya?" tanong niya at tiningnan ang binatang isang beses na din niyang nagustuhan

"Hindi ko nga alam diyan, e. May nagiwan na lang sa kambal sa pinto at nung pina-DNA test ay positive naman ang nakalagay" pagpapaliwanag ni Abigail kaya tumingin ulit siya sa dalawa at nakitang nakangiti ang bata.

"Hello po, Tita Charity" pagbati nito at lumipat ang tingin niya sa pulsuhan ng dalawa. At parang nagbalik ang lahat ng alaala niya tungkol dito.

Hindi niya mapigilan mapangiti "Oo nga. Nakikita ko siya sa inyo" sabi niya at linapitan ang dalawa bago hinawakan ang ulo sabay ng pagtingala nito sa kanya.

"Ako si Tita Charity niyo. Kaibigan ako ng Daddy niyo" sabi niya at tinitigan ng maigi ang mga mukha nila.

Pero may naalala siya dahilan para lumayo siya dito "Nandito ako para magpasama sana sayo, Abby" sabi niya at tumingin sa kaibigan

"Saan naman?" tanong nito "Oo nga. Sama kami" pagtaas ng kamay ni Lander na sinangayunan ni Apollo

"Pwede ba? Wala ba kayong gagawin?" pagtanong niya kaya umiling si Craig "Wala naman.

Naka-day off kaming lahat" sabi nito kaya tumango siya "Mabuti naman. So halika na?" sabi niya kaya tumango si Abigail.

Ng makarating sa destinasyon ay nakangiti si Charity habang nakakunot ang noo ng iba.

"Charity, bakit tayo nasa zoo?" tanong niya kaya napalingon siya dito "Ha? Para.." hindi na natapos ang sasabihin niya ng marinig ang pagbukas ng pinto.

Mas nagliwanag pa ang mukha niya ng makita ito na hindi niya napansin ang pagatras ng mga kasamahan.

"What the heck, Charity?" natatakot na sabi ni Abigail pero hindi ito pinakinggan ni Charity "Aki!" pagtili nito at niyakap ang babaeng lion na yinakap siya pabalik

"Kamusta ka na? Ang tagal-tagal na nating hindi nagkita" natutuwang sabi niya habang hinihimas ang balahibo nito na sinagot nito ng isang roar.

Ng lumingon siya sa likod ay parang mga statwa na ito sa takot na para bang hindi pa nakapatay ng tao.

May sasabihin na sana siya ng makita ang kambal na nakatitig at si Jasmine na tuwang-tuwa sa nakitang hayop.

"Gusto niyo ba hawakan?" tanong niya kaya mabilis na tumango si Jasmine at tumakbo papunta dito habang nagalinlangan pa ang dalawa.

"Gusto ko po" sabi nito kaya inalayan niya itong hawak ang alaga niya "Behave, Aki" malambing niyang bulong dito kaya humiga ito para maabot ng bata

"Ang lambot niya po" komento nito na ikinatawa niya. Halatang hindi alam kung gaano kadelikado ang isang lion.

Ng tumingin siya sa kambal ay nakatitig lang ito kaya sinensyahan niya itong lumapit.

Nagkatinginan ang dalawa bago unti-unting lumapit sa kanya. "Hindi siya nananakit dahil ako na ang nagpalaki sa kanya mula pagkabata. Namatay kasi ang magulang niya sa Africa eleven years ago" sabi niya at hinawakan ang kamay ng dalawa

"Sige na. Pwede niyo siyang hawakan" sabi niya at inalayan na hawakan ang ulo ni Aki.

Dahan-dahan hinaplos ng dalawa ang balahibo nito at si Aki na halatang nagugustuhan ang paghaplos.

Pero mas natawa siya na konti na lang ay higaan na ni Jasmine ang alaga niya. "Charity, bakit mo ba siya ilinabas?" tanong ni Abigail

"Nagkasakit kasi siya dati kaya pinadala ko dito pero nakulong nga ako kaya hindi ko siya nakuha. Sigurado akong malungkot siya nung sampong taon na wala ako" sabi niya at tiningnan ang alaga

"Pero anog gagawin ko sa kanya?" tanong ni Marlon "Iuuwi" sabi niya na ikinalaki ng mata nila "What? Seryoso ka?" gulat na tanong ni Abigail kaya tumango siya

"Inaasikaso na ni Kent yung papeles para mailipat na siya sa bahay" nakangiting sabi nito na halos ikinahimatay na lang nila.

Ng maasikaso na lahat ay nagpaalam si Charity na pupunta sa restroom pero paglabas niya ay nakita niya agad na nakasandal ito sa pader.

"Anong ginagawa mo dito, Kuya Kai?" tanong niya sa lalaking nakapamulsa "Masaya akong makita na nakalabas ka na sa kulungan" sabi nito habang tinititigan siya

"Ako din. Masaya akong makalaya na" sabi niya "Pero sinabi ko na sayo na wag mo kong tatawaging kuya" sabi nito kaya tumaas ang kilay niya

"Bakit hindi? Tatlong taon ang agwat natin kaya dapat lang na tawagin kitang kuya" sabi niya kaya humakbang ng isang beses si Keith

"Pero ayoko nga, diba?" sabi nito kaya nakipagtitigan siya "Pero gusto ko" pagmamatigas niya dito. Nakipagtitigan siya dito bago umiwas ng tingin si Keith

"Whatever" sagot nito at nagtalikod na "Teka" sabi niya kaya tumigil ito "Sino ang nanay nila Kaye?" tanong niya "Hindi ko alam" pagiling nito

"Hindi mo man lang ba pinaimbestigahan?" tanong niya kaya mas lumamig ang pagtitig nito

"Bakit ko naman hahanapin ang taong ayaw makipagugnayan sakin? Iniwan niya sakin ang kambal kaya sakin at akin lang ang mga anak ko" sabi niya at walang pasabi-sabing tinalikuran siya.

Hindi nakaimik si Charity dahil dito bago unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Convict   EP 19

    Margo Esteban, a thirty years old business man that handles real estate.One of the most popular people inside the Esteban brothers. All men and no girls so don’t wonder why their all fuckboys.Margo got engaged for five times pero hindi naman napupunta sa kasalan.Reason? He found a new girl to play with. Such a fuck up reason, huh? Pero kahit na may pagkagago at walang hiya ang isang ‘yon ay magaling ‘yan kapag ang pinaguusapan ay negosyo.That’s the only thing he won’t joke about because he is thirsty for money even though he is damn rich already.Madali lang naman siyang lokohin kung tutuusin kaso ang prob

  • The Convict   EP 18

    Ng makarating si Charity sa covered court ng school ay nakita niyang na announce na si Kath bilang Miss Little Angel.Parang may hinahanap ito sa audience ng biglang tumigil ang tingin nito sa kanya. Ang kaninang nagaalalang ekspresyon kanina ay napalitan ng lungkot.Ng matapos ang pageant at naghahanda na ang mga contestants ay naghintay lang si Charity sa labas.Napalingon si Charity sa direksyon kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses."Abby" pagtawag niya sa kaibigan na nginitian siya "Ayan na si Tita Charity, o" tumingin siya kay Kath na nakatitig lang sa kanya."I'm sorry. May inasikaso kasi ako kaya hindi ako–""But you promised, Tita. You're just m

  • The Convict   EP 17

    Ng makabalik si Charity sa bahay ng mga Falcon ay sinalubong agad siya ni Jasmine.“Hello po, Tita!” masaya nitong bati kaya lumuhod siya at ngumiti dito “Hello, Jasmine” bati niya pabalik at tiningnan ang kabuohan nito.Ang mukha nito ay manang-mana kay Abigail pwera na lang sa mga mata nitong kulay blue na halatang nagmana kay Flynn.Mas naging cute pa ito sa paningin niya ng makita ang baby blue na dress na suot nito na ibinagay pa sa maikli at kulot nitong buhok.“Your pretty today” sabi niya na ikinangiti nito ng malawak bago siya hinalikan sa pisngi“I love you, Tita” paglalambing nito

  • The Convict   EP 16

    TWELVE YEARS AGO“Wala ba dito yung mga kuya mo?” tanong ni Charity pagkapasok nila ng bahay“Wala, e. Nag-bonding ata ang mga ‘yon sa Boracay” sabi nito habang umiiling “Si Vanessa ba at Saint pupunta dito?” tanong niya“May pupuntahan daw si Vanessa ngayon kaya hindi makakarating habang may pinapabantay daw kay Saint” sabi nito na ikinatango niya“Abby, kailangan ko na talaga ng tubig” sabi niya kaya natawa si Abigail “Pumunta ka na ‘don sa kusina” sabi nito kaya tinakbo na niya ang daan patungong kusina“Charity, kukunin ko lang yung reviewers ko s

  • The Convict   EP 15

    Napatitig siya sa laptop na linapag nito sa harap niya “Para saan ‘to?” tanong ni Clinton sa kakambal“Nakita ko ‘to sa police station. Mabuting nandon pa ang files ten years ago” sabi nito at umupo sa tabi niya“Ano ba yung natuklasan mo?” tanong niya “Yung police interview ng makita si Charity sa harap ng krimen. You won’t believe what she said to the police” pagiling nito at plinay ang video kaya lumipat ang atensyon niya dito.Unang makikita ang isang interrogation room at ang isang police at babae ang magkaharap sa lamesa.Sa harap ng police ay may camera at laptop, pati mga tambak ng documents sa gilid nito.

  • The Convict   EP 14

    TWELVE YEARS AGO“Magtra-trabaho ka habang nagaaral? Charity, hindi ka sanay sa ganyan” pagiling niya“Than starving myself to death” sabi niya at bumuntong hininga “Kai, kaya ko na ang sarili ko” sabi niya at halos mawala na ang puso niya ng bigla itong prumeno at gumilid.“What are you doing? Bakit ka tumigil?” kunot noong tanong niya“Kaya mo na? Nagbibiro ka ba? You are raised with a silver spoon on your mouth at sasabihin mo saking kaya mo? Baka nga hindi ka nila payagan dahil dala mo ang pangalang King” sabi nito“Wala akong pake, Kai. Ayokong umuwi kaya ‘yon ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status