共有

EP 5

作者: Rosie_Juliet_
last update 公開日: 2021-08-09 13:22:29

Nagulat ang lahat sa sinabi niya "Bumaba ka na muna, Kent" hindi na nagtanong pa ang binata at bumaba na ng kotse.

Ng makalabas si Kent sa kotse ay liningon ni Charity ang mga bata "Hindi niyo dapat sinasabi yan" sabi niya kaya napayuko si Kath

"Pero totoo naman. When we attend family's day he's the only one missing at lagi si Tita Abby ang kasama namin" sabi nito habang tumutulo ang luha kaya lumingon si Charity kay Carter para manigurado.

Ng makitang umiwas ito ng tingin ay napabuntong hininga siya.

"You really are your father's children.."

Napatingin ang dalawa sa kanya sa sinabi niya kaya ngumiti siya "Alam niyo bang ganyan na ganyan ang daddy niyo? Aakalain mong ayos lang sa kanya ang lahat ng nangyayari kahit ang totoo ay hindi naman" sabi niya at tumawa

"Matagal ko ng kilala ang daddy niyo kaya kahit wala siyang sabihin ay alam kong mahal niya kayo" sabi niya at hindi sila nakaimik agad.

"How was daddy like when he was young?" biglang tanong nito kaya napaisip si Charity "Hm. Mabait siyang kuya. Hindi man siya masyadong pinapakita pero mahal niya ang Tita Abby niyo. Minsan nga ay nung mine-make up-an ko yang Tita niyo ay kompleto ang mga tito niya sa pageants niya" sabi niya

"Gaano po kayo katagal na friends?" tanong nito "Simula elementary palang kami ng Tita ko ay magkakilala na kami" sabi niya at kita ko ang pagaalinlangan sa mukha niya

"May problema ba, Kath?" tanong niya kaya tumingala ito sa kanya "Then do you know mommy?" hindi nakaimik si Charity sa tanong nito.

"Kath, wag kang magtanong ng ganyan.."

"Why, Kuya? You also want to meet her!"

Tumingin ulit ito sa kanya na may pagkinang ng mata kaya mahina siyang ngumiti "Pasensya na pero hindi ko kilala mommy niyo. Umalis kasi ako two years before college graduation" sabi niya at umiwas ng tingin.

Mukhang napansin na nailang si Charity sa tanong kaya nagkatinginan ang kambal "Its okay po, Tita" sabi ni Carter at napayuko na lang si Kath.

Ngumiti si Charity bago buksan ang bintana "Pwede ka ng pumasok, Kent" sabi niya kaya tumango si Kent at pumasok ng kotse.

Habang sa kabilang banda ay napaharap si Keith sa likod ng marinig na bumukas ang pinto.

"Pinapadala po ni Miss King" sabi ni Veronica at sinenyasan ang mga tauhan na tinulak ang lalaking sugatan.

"Sinaktan lang siya ni Miss King ng konti pero pwede mo pa siya saktan" sabi niya kaya tumango si Keith

"You can go now" sabi nito habang nakatitig parin sa lalaking nakaluhod at halatang nanghihina.

Kahit hindi siya linilingon ni Keith ay yumuko parin s Veronica at tahimik na lumabas ng silid.

"Phantom.." pagtawag niya sa lalaki sa likod niya "Siguraduhin mong sabihin niya ang lahat ng nalalaman pagkatapos ay alam mo na ang gagawin" sabi niya kaya tumango na lamang si Marlon at linapitan ang lalaking nakaluhod bago ito hinila sa paggawa ng paghila ng buhok nito.

Tahimik ang lahat sa sala habang nakatuon ang atensyon ni Charity sa laptop.

May nakadikit na chocolate stick sa gitna ng mga labi niya at kumakagay doon habang lumilipas.

Naputol lang yun ng tumunog ang doorbell pero bumalik muli ng puntahan iyon ni Kent para buksan.

"May cheese overload pizza dun kay Kent kaya kumain na muna kayo dun. Tatawagin ko lang ang daddy niyo" sabi niya at ngumiti kaya tumango ang dalawa bago maglakad palayo.

Binasa niya muna ang email sa laptop niya bago kinuha ang cellphone at nag-dial ng number.

"Nasa bahay ko ang kambal. Kailan mo sila susunduin?"

"Mamaya. Baka matagalan ako kaya ipa-dinner mo muna sila"

"Walang hiya ka talaga. Linigtas ko na sila't lahat-lahat pero ako pa tong magpapakain? Shame on you"

"Stop the drama. Baka nakakalimutan mong ako nag-attend ng meeting ng organisi at sinabi ko pa sayo lahat"

"Whatever. Wag ka na lang dumating kung ako naman pala ang magpapakain"

"Abat.. Walang hiya-"

Binaba na niya ang tawag bago pa siya namura nito bago napalingon sa harap ng pumasok ang tatlo.

Hawak-hawak ni Kent ang tatlong box ng pizza habang nakabuntot naman ang dalawa sa likod nito. Hindi niya mapigilang mapangiti at naalala ang mga pinagsasabi niya kanina.

Ano nga bang klaseng tao ka dati, Kai?

THIRTEEN YEARS EARLIER

"Anong ginagawa mo diyan?" kunot noong tanong niya sa kaibigan "What? Inaayos ko yung project" sabi nito kaya napatingin siya sa project na inaayos nito

"Abby, we both know that can't be fixed" pagiling niya kaya nakangiting umiling naman si Abigail

"Ano ka ba naman, Charity! Tiwala lang!" sabi nito sabay ng pagbagsak naman ng popsicle sticks na ikinasimangot ni Abigail

"Hindi ko alam kung tanga ka ba o sadyang pinanganak kang tanga" sabi ni Charity kaya napatingin sa kanya si Abigail

"Anong pinagkaiba nun?" magkasalubong ang kilay na sabi niya bago nagbubuntong hiningang tumayo

"Paano natin toh aayusin? Deadline na natin mamayang hapon" sabi niya kaya naglagay si Charity ng chocolate na Pocky sa bibig

"Wala tayong choice, ayusin yan simula sa simula o bumagsak sa TLE" sabi niya kaya mas lalo lang napasimangot si Abigail

"Bawal akong bumagsak, Charity" pagiling niya so Charity scoffed "Mas lalo naman ako" sabi niya kaya namromroblemang tinanaw nila ang sirang project.

Goodbye, grades..

"What's up, babes?" napalingon sila sa malakas na boses na yun at nakita ang grupo ng kalalakihang pumasok

"Nasira yung project namin, Kuya. Mamayang hapon na ang deadline nito" pagbuntong hininga ni Abigail

"Ano naman kasi ang ginawa niyo?" kunot noong tanong ni Craig "Mukhang dinaanan ng bagyo yang project mo kesa model ng farm lands" pagiling ni Satan

"Nasiko kasi ni Abby kanina habang nagmamadali. Nakita lang namin ng makabalik kami para idala sa school yung project"pagpapaliwanag naman niya

"Importante ba talaga yang project niyo?" tanong ni Craig kaya tumango sila "Midterms na, Kuya. Kailangan mataas ang score namin ngayong graduating na kami ng high school" sabi nito

"Paano na yan?" sabi ni Apollo at siniko si Satan at Craig "Tulungan na natin sila" sabi nito

"Talaga, Kuya?" awtomatikong nagningning ang mata ni Abigail sa narinig.

"Wala naman tayong magagawa na, diba? Mas mapapadali ang lahat kapag tumulong na kami"

"Yeah. Whatever."

Napailing na lang si Charity sa ka-weirdo-han ng magkakapatid na toh kahit ang gwa-gwapo naman ng mga pagmumukha.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Convict   EP 19

    Margo Esteban, a thirty years old business man that handles real estate.One of the most popular people inside the Esteban brothers. All men and no girls so don’t wonder why their all fuckboys.Margo got engaged for five times pero hindi naman napupunta sa kasalan.Reason? He found a new girl to play with. Such a fuck up reason, huh? Pero kahit na may pagkagago at walang hiya ang isang ‘yon ay magaling ‘yan kapag ang pinaguusapan ay negosyo.That’s the only thing he won’t joke about because he is thirsty for money even though he is damn rich already.Madali lang naman siyang lokohin kung tutuusin kaso ang prob

  • The Convict   EP 18

    Ng makarating si Charity sa covered court ng school ay nakita niyang na announce na si Kath bilang Miss Little Angel.Parang may hinahanap ito sa audience ng biglang tumigil ang tingin nito sa kanya. Ang kaninang nagaalalang ekspresyon kanina ay napalitan ng lungkot.Ng matapos ang pageant at naghahanda na ang mga contestants ay naghintay lang si Charity sa labas.Napalingon si Charity sa direksyon kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses."Abby" pagtawag niya sa kaibigan na nginitian siya "Ayan na si Tita Charity, o" tumingin siya kay Kath na nakatitig lang sa kanya."I'm sorry. May inasikaso kasi ako kaya hindi ako–""But you promised, Tita. You're just m

  • The Convict   EP 17

    Ng makabalik si Charity sa bahay ng mga Falcon ay sinalubong agad siya ni Jasmine.“Hello po, Tita!” masaya nitong bati kaya lumuhod siya at ngumiti dito “Hello, Jasmine” bati niya pabalik at tiningnan ang kabuohan nito.Ang mukha nito ay manang-mana kay Abigail pwera na lang sa mga mata nitong kulay blue na halatang nagmana kay Flynn.Mas naging cute pa ito sa paningin niya ng makita ang baby blue na dress na suot nito na ibinagay pa sa maikli at kulot nitong buhok.“Your pretty today” sabi niya na ikinangiti nito ng malawak bago siya hinalikan sa pisngi“I love you, Tita” paglalambing nito

  • The Convict   EP 16

    TWELVE YEARS AGO“Wala ba dito yung mga kuya mo?” tanong ni Charity pagkapasok nila ng bahay“Wala, e. Nag-bonding ata ang mga ‘yon sa Boracay” sabi nito habang umiiling “Si Vanessa ba at Saint pupunta dito?” tanong niya“May pupuntahan daw si Vanessa ngayon kaya hindi makakarating habang may pinapabantay daw kay Saint” sabi nito na ikinatango niya“Abby, kailangan ko na talaga ng tubig” sabi niya kaya natawa si Abigail “Pumunta ka na ‘don sa kusina” sabi nito kaya tinakbo na niya ang daan patungong kusina“Charity, kukunin ko lang yung reviewers ko s

  • The Convict   EP 15

    Napatitig siya sa laptop na linapag nito sa harap niya “Para saan ‘to?” tanong ni Clinton sa kakambal“Nakita ko ‘to sa police station. Mabuting nandon pa ang files ten years ago” sabi nito at umupo sa tabi niya“Ano ba yung natuklasan mo?” tanong niya “Yung police interview ng makita si Charity sa harap ng krimen. You won’t believe what she said to the police” pagiling nito at plinay ang video kaya lumipat ang atensyon niya dito.Unang makikita ang isang interrogation room at ang isang police at babae ang magkaharap sa lamesa.Sa harap ng police ay may camera at laptop, pati mga tambak ng documents sa gilid nito.

  • The Convict   EP 14

    TWELVE YEARS AGO“Magtra-trabaho ka habang nagaaral? Charity, hindi ka sanay sa ganyan” pagiling niya“Than starving myself to death” sabi niya at bumuntong hininga “Kai, kaya ko na ang sarili ko” sabi niya at halos mawala na ang puso niya ng bigla itong prumeno at gumilid.“What are you doing? Bakit ka tumigil?” kunot noong tanong niya“Kaya mo na? Nagbibiro ka ba? You are raised with a silver spoon on your mouth at sasabihin mo saking kaya mo? Baka nga hindi ka nila payagan dahil dala mo ang pangalang King” sabi nito“Wala akong pake, Kai. Ayokong umuwi kaya ‘yon ang

  • The Convict   EP 12

    Napatayo siya ng makabalik si Keith "Kamusta siya?" tanong niya kaya umiling si Keith"Ayaw niya akong pagbuksan ng pinto" sabi nito at bumuntong hininga kaya pakiramdam ni Charity ay nanikip ang dibdib niya.

  • The Convict   EP 11

    Inabot ni Charity ang bag at blazer niya kay Veronica ng makapasok sa bahay ng mga Falcon.“Ang mga bata?” tanong ni Keith kay Manang Beth “Nasa kwarto po nila, Sir” sagot nito

  • The Convict   EP 10

    Nakasubsob ang mukha ni Charity sa mga tuhod habang nasa gilid ng kama ng hotel room."Charity.."Napaangat siya ng ulo ng marinig ang boses na 'yon and without

  • The Convict   EP 9

    PRESENT"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ni Charity sa tao sa harap niya.Isang araw palang siya dito sa Russia at ngayon ay nasa sarili niyang offic

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status